Sino

Please Subscribe to read further chapters

Description

Kung saan umaasa si Mina na kahit isang gabi man lang ay hindi siya matulog nang mag-isa.

 

O kung saan hinihiling ni Wendy na kahit isang umaga man lang ay gumising siya nang may kasama.

 

Sino kaya ang pagbibigyan ng tadhana?

Foreword

"Malay mo naman," sabi ng kaibigan niya na halos hindi na marinig ni Mina sa sobrang lakas ng sigawan ng mga tao sa club. 

 

Napansin siguro ni Jeongyeon ang kunot sa pagitan ng dalawang kilay niya kaya lumapit ito sa kanya at bumulong, "Sabi ko, malay mo naman dumating."

 

Mabilis na umiling si Mina at pabirong umirap. May umuusbong na pag-asa sa kanyang dibdib na pilit niyang hindi pinapansin. Mahirap na.

 

"Imposible."

 

Hindi na niya pinansin ang mapanuring titig ni Jeongyeon sa kanya matapos niyang sumagot. Nawala na ang atensyon niya sa usapan nang lunurin siya ng malakas na tugtog, makukulay na liwanag at masasayang tawanan ng mga nasa dancefloor. Iginala niya ang mata niya, pilit hinahanap ang babaeng may maikling buhok, mapungay na mata at maninipis na labi.

 

Wala na siyang pakielam kung makita man niya itong may kausap na iba, o kasayaw, o kalandian. Puta, kahit maghalikan pa sila sa harap niya.

 

Isang sulyap lang.

 

Napaigtad si Mina nang kumalampag ang bote sa counter, "Pa'no mong alam? Wala naman akong binanggit na pangalan." Mapang-asar ang tawa nito at dumampot ng baso upang punasan, "Ikaw ha."

 

"Hindi na kailangan," sumilay ang maliit ngunit mapait na ngiti sa mga labi ni Mina, "Alam ko naman na kung sino."

 

 

 

a/n: itataguyod ko 'tong bangka na 'to kahit ako lang mag-isa huhu (inspired by sino - unique salonga)

Comments

You must be logged in to comment
SEEKER_
#1
Chapter 2: Matagal ko ng trip Mindy sa totoo lang pero lately grabe pagkaulol ako sa kanila. Medyo mahirap magship ng imaginary ship sa totoo lang like paano mo ilalayag yon? Bilib lang talaga ako sa mga seekers otornimz na may halong Mina or Jennie eh. Gets ko yung pinaghuhugutan ng wenrene kasi living like fanfic yung dalawa eh pero yung Jendy and Mindy? Kabilib! I'm gonna combust siguro pag nagkaron ng interaction Mindy o kaya jendy. Curious ako anong nangyari kay Mina and Wendy. Tyt sa pagsusulat. Hintayin ko nalang muna maging bente yung bigas at maging 60 pesos ang katumbas ng isang dolyar. Tangina diz Country
AngeFran #2
Chapter 1: No more?
paradoxicalninja
#3
Chapter 2: umaasa pa rin na maupdate to..ang invested ko sa wenmina lately ksksksk ang bagay kase 😩
ONCEXwizone
#4
May ginawa akong story po!
smarty0821 #5
Chapter 2: Hala OTP ko tohh huhu thank you for this author-nim! Curious na ako kung anong susunod na mangyayari Kung paano susuyuin ni Wendy si Mina haha iniisip ko pa lang kinikilig na ako. Sana mapagpatuloy mo ito author-nim. Thank you ulit~
dietmntndew #6
Chapter 1: bakit kailangan masakit :'-(
zaiwoah #7
nawa'y wag mong makalimutan ang Wild Guess
xoxo
Serenitaeng09
#8
Hi Otor-nim! Kasama mo akong itataguyod si Wendy ng hindi si Madam ang kasama hahahahahaha