mayonnaise (part two)

just this

"Hoy, ate, anyare sa'yo?" Nag-aalalang tanong ni Yerim nang dumating siya sa restaurant na pamilyar na sa kaniya. Umiling lang si Irene habang bahagyang nakayuko, tinatakpan ang bagsak na mukha at mugtong mata.

 

Umupo siya sa tabi nito. Ang table nila ay nasa bandang dulo ng resto. Tatlong lamesa ang layo sa pwesto nina Irene kagabi at noong isang linggo. Bakante pa ang dalawang upuan sa harap nila, mukhang may oras pa siya para makapagpulbos man lang.

 

Ramdam ni Irene ang mapanuring titig ng kapatid niya nang tumayo siya para magpunta sa cr. Alam niyang kating-kati na ang bibig nito na mag-usisa pero hindi ito ang tamang oras at ang tamang lugar para magkwento. Minsan lang siya kung umiyak at paniguradong napagtanto na ni Yerim ang dahilan.

 

Saktong pagbalik niya ay may dumating na waiter at naglapag ng ilang putahe na mukhang pinauna nang ipaorder ng mga magulang nila kay Yerim. Nag-angat siya ng tingin kay Jongin habang inaasikaso nito ang pag-aayos ng lamesa nila.

 

"Nagtanong siya," mahinang sagot ng part-time waiter sa tanong na hindi mabanggit ni Irene, "Sumagot lang ako."

 

Napalunok si Irene at kumurap ng ilang beses. Naiiyak na naman siya, "I-is she o-ok—"

 

Bumalik si Irene sa pagkakayuko nang makita ang seryosong mukha ni Jongin na nakataas ang kilay. Parang sinasabi na, 'Tangina mo, seryoso ka sa tanong mo na 'yan? Tanga lang?'

 

"Wala ako sa lugar para makielam. Pero kaibigan ko siya..." Rinig niyang saad ni Jongin habang nagsasalin ng inumin sa baso. May pagkairita sa boses nito at naiintindihan naman ni Irene kung bakit, "Sana lang mapagbigyan mo siya sa gusto niya. Para sa ikabubuti niyo rin."

 

Naiwang umiiling si Irene kahit naglakad na palayo ang lalaki. Naramdaman niya ang mainit na palad ni Yerim na hinahagod ang kaniyang likod.

 

Hindi niya kaya.

 

"Ate, ayaw mo bang umuwi na lang muna? Sabihin ko na lang kila Papa na masama pakiramdam mo…"

 

"A-ayoko."

 

"Sigurado ka?"

 

Nagpantig ang tenga ni Irene sa tanong. Bigla siyang dinala ng isipan niya sa mga nangyari kaninang umaga. Ang nag-aalalang mata ni Yerim ay napalitan ng nagdududang mukha ng mahal niya.

 

Nanginginig ang mga daliri niyang inabot ang baso at uminom ng tubig para matanggal ang namumuong bara sa lalamunan at pigilan ang pagsabay ng kaniyang luha sa pagbagsak ng ulan sa labas.

 

Wendy asked for a short break, cool off, space, tangina kung ano mang term 'yan. Iisa lang naman ang naging dating kay Irene—na kahit anong pilit niyang higpitan ang hawak kay Wendy ay dumudulas pa rin ito sa palad niya.

 

Masyado nang masakit ang parehong kamay ni Irene sa pagbuhat at pagbalanse ng dalawang mundo. Kailangan niya nang magdesisyon kung alin ang bibitawan, dahil kung ipagpapatuloy niya pa ang ginagawa ay mauubos lang siya at tuluyang kakawala si Wendy sa kanya.

 

Hindi niya kakayanin.

 

Ilang minuto rin siyang nakatitig sa kawalan habang patuloy na hinahaplos ng kapatid niya ang kaniyang balikat. Napaigtad na lang si Irene nang tapikin siya nito.

 

Dali-daling nagpunas ng pisngi si Irene, sinisigurong walang bakas ng tuyong luha. Pinasadahan niya ang kaniyang buhok gamit ang mga daliri para iayos ang sarili bago tumayo at yumakap sa ina.

 

"Joohyun, anak," bulong nito at itinagilid ang mukha upang tignan siya, "Umiyak ka ba? Anong problema?"

 

"Wala, Ma." Umiling si Irene at hinigpitan pa ang yakap, "Naulanan po ako kanina."

 

Umatras ito at muli siyang pinagmasdan, bakas sa mukha na hindi ito naniniwala sa dahilan niya. Sa isang tingin, alam na nito ang hindi masabi ni Irene kaya't humalik ito sa noo niya bago siya ngitian at maglakad para umupo sa bakanteng upuan sa kaniyang harap.

 

Kabadong umupo si Irene, "Si Papa?"

 

"Malay ko ro'n. Hindi kami sabay umalis," kibit balikat na sagot nito.

 

"Sabi ko naman kasi sa inyo, Ma..."

 

"Eto kasing si Mama, ayaw pumalag," sabat ni Yerim, "Sasama naman kami sa'yo!"

 

"Hayaan niyo na," pagputol nito, "Lagi namang wala ang Papa niyo. Parang ganon lang din."

 

"Sabagay…" 

 

"Eto na ba lahat ng pagkain? Bakit naman sinerve agad, baka lumamig."

 

Tinitigan niya ang matandang babae sa kaniyang harap. Hindi kayang makita ni Irene ang napupunding kinang ng mga mata ng ilaw ng kanilang tahanan. Na sa tuwing magkakasama lang silang mag-iina saka ito muling nagliliwanag.

 

"At bakit may crispy pata? Hindi ko binilin 'yan."

 

Tumawa lang ang kapatid niya, "Para kapag gustong magsabi ni Ate ng masasamang words mamaya, kakain na lang siya ng balat. Malutong pa rin ang tunog."

 

Ayaw niyang mangyari sa kaniya 'yon—ang hayaan na lang na lumipas ang panahon at tangayin ng hangin ang pagkakataon niyang sumaya. Hindi lubos na maintindihan ni Irene kung bakit nananatili pa rin ang kanilang ina kahit hindi na sapat ang rason. 

 

Pero siguro nga, iyon ang pinili nito at patuloy pa ring naninindigan.

 

Malakas na pag-aray ni Yerim ang pumutol sa pag-iisip niya nang kurutin ito ng magulang nila, "Tigilan mo nga ang ate mo."

 

"Joohyun…" Malumanay na bigkas nito sa pangalan niya, "Basta kung ano man ang mangyari, suportado ka namin lagi ng kapatid mo, ha? 'Wag kang matakot, anak."

 

Ngumiti si Irene sa unang pagkakataon ngayong araw na ito. Pinadausdos niya ang kamay niya sa hita ni Yerim at ang isa naman ay sa braso ng ina sa kaniyang tapat.

 

Ngayon na ang pagkakataon ni Irene para pumili at magtaya. At kahit na mas malabo pa at mas madilim sa kalangitan ang tyansa na magkaayos sila, kay Wendy pa rin siya pupusta.

 

Ilang saglit lang ay dumating na rin ang kanilang ama na ilang buwan din niyang hindi nakita. Muli siyang tumayo para makipagbeso sa matandang lalaki na mukha pa ring matipuno. Walang nagbago, nanliliit at nanlalamig pa rin si Irene kapag dinadapuan siya ng malalim at matalim na titig nito. Pero kahit na ganoon, mainit pa rin ang yakap nito at naramdaman niya ang pagmamahal mula sa mga bisig ng ama.

 

Pagmamahal na hindi mawari ni Irene, pero alam niyang para sa ikabubuti niya kahit hindi siya masaya.

 

"You look sad, 'nak," bungad nito matapos siyang hawakan sa magkabilang balikat upang pagmasdan siya nang mabuti. Kung napansin man nitong galing siya sa pag-iyak, hindi ito nagsabi at nagbiro na lang, "Hindi mo 'ko namiss?"

 

"I missed you, Pa," nakangiting sagot niya at bahagyang inayos ang necktie na suot nito, "Parang eto yata ang pinakamatagal mong trip? Almost three months din."

 

Bumitiw ang isang kamay nito upang pisilin ang kamay ni Irene. Matapos ay umatras na ito at umupo sa tabi ng kanilang ina. Umupo na rin siya at nagsimula na silang kumain.

 

Nagkumustahan sila tungkol sa negosyo, pag-aaral at pang-araw-araw na buhay. Magaan pa ang mga usapan at pinipilit ni Irene na siglahan ang boses habang nagsasalita kahit mahirap. Lalo na't ang papalakas na ulan sa labas ay unti-unting inaanod ang pag-asa niya.

 

Ramdam ni Irene ang madalas na pagsulyap ng mama niya sa tuwing mapapatigil siya at mapapabuntong hininga kapag tinitignan niya ang kaniyang phone na nakatabi sa gilid ng lamesa. Kahit ang mabilis na pagkurap at paghigpit ng hawak niya sa kubyertos ay wala ring takas kay Yerim.

 

Ang bigat ng tensyon sa table nila, ang nagbabadyang paglilitis sa kaniya, at ang nakakamatay na pag-asang baka sakaling magparamdam si Wendy kahit isang tuldok lang…

 

Tangina. Buti na lang talaga umorder si Yerim ng crispy pata.

 

"The food here is really good," komento ng tatay nila habang tumatango, "I guess you have your usual na rito, anak?"

 

"Tonight's just my third time here, Pa."

 

"Oh yeah?" Tumaas ang kilay nito habang hawak ang wine glass, "Well, we should have a dinner again somewhere else. Maybe you can suggest a place, Joohyun. I'm pretty sure Junmyeon brought you to some good restaurants bukod dito."

 

Eto na. Alam niyang ito talaga ang pakay ng ama niya ngayong gabi. At naghahanda na ang isang kamay ni Irene na bumitaw para lumaya at muling kumapit sa pipiliin niyang hawakan habangbuhay.

 

Uminom muna siya ng tubig at nagpunas ng bibig bago sumagot, "Dito lang din kami nagdinner, Pa. Twice." Hindi na niya hinintay ang sagot ng ama bago magpatuloy, "And there won't be another."

 

Seryoso ang mukha ng matandang lalaki na nakatitig lang sa kaniya. Kahit gusto man niyang umiwas ay hindi niya ginawa para maiparating sa ama na seryoso rin siya. Na ayaw niya na. Na hindi na siya magpapadala sa takot. Na nakapagdesisyon na siya.

 

Walang buhay ang biglang pagtawa nito, "And here I was hoping that the boy was only kidding me."

 

Inasahan niyang agad na magsasabi si Junmyeon sa Papa niya. Kaya't pinaghahandaan niya talaga ang araw ng pagbabalik nito dahil paniguradong magtatalo na naman sila tungkol sa mga bagay na dapat gawin ni Irene bilang isang mabuting anak, at sa mga bagay na gusto niyang matanggap ng ama bilang isang mabuting haligi ng tahanan.

 

Napagbigyan na ni Irene ang Papa niya sa kahilingan nito na makipagdate sa mga nire-reto nito—dalawang lalaki bago maging sila ni Wendy, at si Junmyeon. Pero ni minsan ay hindi pa siya nakaramdam nang kahit anong klaseng pagtanggap mula sa ama sa kung ano at sino talaga siya.

 

At pagod na si Irene na hintayin na dumating ang araw na 'yon.

 

"It's true, Pa. I rejected him the first night we went out. He insisted for another. I gave in," pagpapaliwanag niya. Tahimik ang paligid, maski ang ina at kapatid niya ay walang kibo at pinanunuod lang sila. "Not because I liked him, but because I want to give you another chance to see that I'm trying my best to be the daughter you approve of."

 

Naputol ang determinadong titig ni Irene sa kanyang tatay nang hawakan ng ina ang kamay niyang hindi niya namalayang nakayukom at nanginginig. Bahagya siyang ngumiti at nakadagdag sa kumpyansa niya na suportado siya ng mama niya at ng kapatid niya. Sapat na 'yon kay Irene.

 

Tumikhim ang matandang lalaki at umiling, "Gagraduate ka na in a few weeks and you still won't get out of that damn phase."

 

Mas lumakas ang ulan sa labas at gusto na ring ibuhos ni Irene ang lahat ng frustration at galit niya dahil sa narinig. Pilit niyang kinontrol ang tono ng boses bilang respeto, pero bakas sa pananalita niya ang pagkadismaya at panunumbat.

 

"This is not a phase! And this is not my form of rebellion, I'm not playing games... Why can't you just let me be, Pa?"

 

"And I'm not playing games with you either, young lady."

 

"I'm with her for years now, Pa," diin niya, "Years."

 

Hindi ito sumagot pero kita sa mga mata nito ang nais nitong iparating. Matalim, malamig, at hinahamon si Irene na magkamali. Na isang salita pang lalabas mula sa bibig niya ay wala nang atrasan.

 

Tinignan niya ang kaniyang phone na wala pa rin ni kahit isang message mula kay Wendy. Nawawalan na siya ng pag-asa. May punto pa ba ang pakikipagtalo niya sa tatay niya? Hindi na sigurado ni Irene kung sapat pa bang rason ang ipaglaban ang sarili niya at sila, kung matapos ang gyera ay wala naman na siyang mauuwian.

 

Hindi ba't masyado na siyang malulugi kung papakawalan niya pa ang isa kung bumitaw naman na ang kabila?

 

Tama pa ba ang tinayaan niya?

 

"I l-lo—"

 

"I'll stay here until your graduation," matigas na pagputol sa kaniya ng ama, tila ayaw marinig ang sasabihin niya, "Right after you get your diploma, we'll fly to Singapore."

 

Napatigil si Irene, "N-no…"

 

"Drop the phone, Yerim," utos ng ama sa kapatid niya na agad namang humingi ng pasensya. Kita ni Irene sa gilid ng kaniyang mata na saglit siya nitong nilingon bago yumuko at bitawan ang hawak.

 

"Sa bahay na natin—"

 

"Don't start," tiim-bagang nitong pakli sa kanilang ina, "Kaya ganyan 'yang anak mo ay kinukunsinti mo."

 

Umiiling na tumanggi si Irene. Nahanap na niya ang boses niyang nanginginig, pati ang mga kamay niyang nakayukom sa pagpipigil ng luha at galit, "No, no. I won't leave. You c-can't make me."

 

Hindi siya nito pinansin at muling kumain. Hindi maintindihan ni Irene kung paano nitong nagagawang balewalain lahat. 

 

"I love her, Pa."

 

Saka lang ito tumigil para pagak na tumawa. Inabot nito ang wine glass habang nakatitig sa kaniya at nakataas ang kilay, "Sigurado ka?"

 

Mabibilang lang sa dalawang kamay ang mga bagay na kung saan sigurado si Irene.

 

[07/25 Sat, 18:47] Seungwan: i'm outside…

 

Pero isa sa mga bagay na sigurado siya—na kapag si Wendy ang isa sa pagpipilian, kahit mali ay iyon pa rin ang magiging sagot niya.

 

Tulad ng kaniyang phone na umilaw dahil sa dumating na text ay nagliwanag din ang lahat kay Irene. Nabuhayan siya, natanggal ang bigat sa kaniyang dibdib, at nagbunga ang itinaya niya.

 

Napalingon siya kay Yerim nang pumiraso ito ng balat ng pata at maingay na ngumuya. May bahid ng nakakalokong kinang sa mata nito at kinindatan pa siya. Humarap naman siya sa kaniyang inang may ngiti sa labi, mainit na pagtanggap at pagsuporta. Tumango ito at walang pinalagpas na sandali si Irene.

 

Malakas ang ulan sa labas, at ganoon din ang kaniyang loob. Dali-daling tumayo si Irene, bitbit ang dala at walang salitang sinagot ang tanong ng ama sa pamamagitan ng kaniyang pagtalikod at pagtakbo patungo sa mahal niya.

 

 

a/n: last part na 'yung next hehe 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pajamagirl
#1
Chapter 6: Nanood ako ng haikyuu para maintindihan ko ng bongga HAHAHAHA
Ghad20
#2
Congratulations on the bid
wenrenes
#3
Chapter 7: welcome back, author! looking forward to this 😩 sana may manlibre sayo lods sa r to v
reveclean
#4
Chapter 7: crowd funding authornim!para sa rv con!para sa next chapter 💪
todayis_wenrene #5
Chapter 6: gago tawang-tawa ako dun sa “mine!” tapos natalo sila 😆 bawal malandi sa game 😆😆😆
wenrenehousemates #6
Chapter 7: Authornim please I suggest crowd funding po! You’re one of the best wenrene authors I know kaya sigurado akong maraming willling mag fund sa stories mo!
wnandehy
#7
Chapter 2: LAWRD ANOBAYAANNN ANLUNGKOT ;)+:);()!!!(!(!!!(
todayis_wenrene #8
Chapter 2: bakit ako napadpad dito at ito naisipan kong unang basahin na chapter?? 😭 gusto ko lang naman magpa-antok author, bakit ang heavy..
LockLoyalist
#9
Chapter 7: tuloy po please hahaha
SEEKER_
#10
Chapter 1: Why naman ang cutie ni wends pag may sakit. Si majaaam ang rupok amp