ingat!

just this

"Wala na 'yong si Boyet, nagresign na," sagot ni Seulgi sa tanong niya.

 

Hindi man ipinapahalata ni Irene ay halos mabali na ang leeg niya kakalingon sa kabuoan ng cafeteria. Malikot din ang kanyang mata, nililibot ang bawat sulok ng silid sa pagbabasakaling masulyapan ang dalagang may maikling buhok, maamong mukha, at nakakaakit na mga mata.

 

Tumikhim si Irene, "Talaga? Kami pala ang last batch niya? Swerte niyo naman dahil hindi niyo naabutan."

 

"Sayang nga kamo," sabat ni Joy, "Gusto namin siyang maging prof kasi nauubos lang time niya kakasermon."

 

"Sus, sayang tuition sa inyo," pagsali ni Yerim.

 

"Kapal mo? Akala mo namang aral na aral ka, eh nababalitaan kong nagpapalitan lang kayo ng papel ni Chanhyuk 'pag may quiz."

 

Nakisali siya sa pang-aasar sa bunso ng barkada. Namiss ni Irene ang presensya ng mga kaibigan niya. Namiss niyang pumasok, mag-aral, maglakwatsa, magcut, mangopya, magpakopya, tumambay sa library, pindutin ang fire ala--Namiss niyang maging estudyante.

 

Buti na lang nagkaroon siya ng oras makabisita sa Alma Mater niya. Ganoon pa rin ang itsura, ganoon pa rin ang lagay. Kung sabagay, ano ba naman ang aasahan niya? Kagagraduate niya lang last May, hindi naman agad magbabago ang lahat sa loob lang ng halos tatlong buwan.

 

"Ang ingay mo, gago!" Pag-amba ni Yeri ng tinidor kay Joy habang lumilinga sa paligid, "Eh kung tusukin kita?"

 

"Nyenye," parang batang dumila pa si Joy. Akala mong hindi graduating si gaga. "Kung wala si Wends para magturo sa'yo, limang taon ka sa SHS, tyanak ka."

 

'Diba?

 

Kahit ang pagbilis ng tibok ng puso ni Irene sa simpleng pagbanggit lang ng pangalan ni Wendy. Kahit ang pagsakit ng pisngi niya sa pagpipigil ng ngiti, at ang pagpipigil ng pamumula ng mukha.

 

Gano'n pa rin. Walang pinagbago.

 

"Nasa'n nga pala si W-Wendy?" Nauutal niyang tanong habang pinaglalaruan ang bote ng Pepsi.

 

Nag-iwas siya ng tingin nang marinig ang impit na hagikgik ng tatlo at ang mapang-asar na titig ng mga tarantado. Napayuko na lang si Irene sa hiya.

 

Tuluyan nang natawa si Joy, "Akala ko hindi mo na hahanapin eh."

 

Umirap siya. Pwede ba 'yon? Agad niyang napansin na wala si Wendy at nahihiya lang siyang magtanong kung nasaan ang tunay niyang sadya kung bakit siya dumalaw sa dating university. Nag-assume na lang siya na baka nasa klase pa, baka sa ibang lugar naglunch…

 

O baka nabalitaan nito mula kay Yerim na bibisita pala si Irene tapos umiwas ito at pinagtaguan siya.

 

Tangina. Hindi pa ba sapat ang taguan ng feelings na halos tatlong taon na nilang nilalaro?

 

"Nakipagdate 'yon sa—," sagot ni Yerim.

 

"Ha?!" Halos mabali ang leeg ni Irene sa biglang paglingon sa kaniyang kanan para panlakihan ng mata ang pinakabata, "Tangina, pakiulit?!"

 

"May sakit si Wends," pagsagip ni Seulgi sa nanganganib na buhay ni Yerim, "Kahapon pa siya hindi pumapasok."

 

Nabunutan ng tinik sa dibdib si Irene dahil sa narinig pero muling itong itinusok ni Joy nang mas malalim.

 

"Pero may dine-date nga siyang taga-BA," tsismis ni Joy. Sumipsip ito ng softdrink mula sa straw habang nakakalokong tumingin sa kaniya, "Last week pa sila lumalabas. Or last month pa yata. 'Di ko sure."

 

'Di rin sure ni Irene kung paano siyang nakakapagpigil na masakal si Joy. Kung mahaba lang ang biyas niya ay inabot niya na ang nakaismid na mukha ng demonyo mula sa kabilang dulo ng mesa o sana ay sinipa niya na sa ilalim nito.

 

Eh kaso hindi abot. Bwisit.

 

"Oh, 'wag kang iiyak," nakangusong gatong ni Yerim.

 

"Tangina niyo," pagtatampo ni Irene. Sumandal siya sa upuan habang nakahalukipkip, isa-isang tinignan nang masama ang mga kasama, "Hindi niyo man lang binantayan? Parang hindi mga tropa, ah."

 

"Hindi ako guard para magbantay," sabi ni Joy at nagkibit ng balikat, "At hindi rin ako karpintero para magtayo ng bakod."

 

Napahalakhak si Yerim, "Saka hindi naman kayo, para saan pa?"

 

Tinaasan niya ng kilay si Seulgi, naghahamon. Agad itong nagtaas ng dalawang kamay habang nakatikom ang bibig. Walang lakas ng loob magsalita o mang-asar pero dakilang taga-tawa naman.

 

"Weak ng jowa mo, basag trip," yamot na saad ni Yerim sa kapwa niya kampo ng kadiliman. "Char lang. 'Di namin sure kung may something nga sila pero totoo 'yung may sakit si Ate Wends."

 

Mali yatang nilibre niya ng tanghalian 'tong mga hinayupak niyang kaibigan. Gusto niyang patulan, pero may mas mahalagang bagay siyang dapat pagtuonan ng pansin. Napalitan ng pag-aalala ang pagkaasar niya.

 

"Kahapon pa siya may sakit? Dinalaw niyo ba?"

 

"Oo, kahapon after class. Balak nga namin magsleepover kaso ayaw niya raw maabala kami," bawi ni Seulgi.

 

Napakagat si Irene sa labi. Nag-aalala siya pero at the same time, naaasar siya sa sarili. Hindi naman kasalanan ni Wendy na hindi nito inu-update si Irene sa pang-araw-araw nitong ganap sa buhay. Bakit, ano ba kasi sila?

 

Magkaibigan sila, oo. Magkaibigan lang.

 

Kasalanan ni Irene na hinayaan niyang maging hanggang doon lang sila. Hanggang sa lumipas na ang panahon at ayan na nga, graduate na siya at naging abala na sa buhay sa labas ng paaralan. Hindi niya namalayang may naiwan siyang mahalaga na maaaring madampot ng iba.

 

Sana lang hindi pa huli ang lahat.

 

Kinuha niya ang wallet sa bag at nag-iwan ng pera sa ibabaw ng mesa, "Oh, ayan. Kahit winawalangya niyo lang ako."

 

"Punta ka kay Wends?"

 

Tumango siya at nagsimula nang mag-ayos ng sarili, "May ipapabigay kayo?"

 

"Wala naman, dadalaw naman kami mamaya," sagot ni Joy.

 

"Bukas na kayo pumunta," mabilis niyang tanggi, "O kahit 'wag na. Ako na bahala."

 

"Ay pak, sinosolo agad. Label muna, ha?"

 

Nagtaas ng middle finger si Irene sa gawi ni Joy at tumawa lang ang gaga. Matapos magpulbos at maglagay ng lip tint ay ready to go na ang ating madam. Bago pa man siya makatayo ay pinaalalahanan siya ni Seulgi.

 

"Alagaan mo 'yong si bespren ha. Wala kaming makopyahan ni Joy eh," nakangusong sabi nito. "Pero 'di nga, ayusin mo na, Joohyun. Long overdue na."

 

Napangiti si Irene at hinarap ang tatlong kaibigan, "I will. The next time na makita niyo siya, hindi na siya single."

 

Pumalakpak si Yerim, "Lakas, tangina."

 

"Ilang taon ba naman niyang inipon 'yung lakas ng loob eh," umirap si Joy, "Ewan ko na lang kung hindi tumapang 'yan."

 

"Basher ka talaga, 'no? Bakit kay Wendy hindi kayo ganyan?"

 

"Nako, kung alam mo lang," bagot na saad ni Seulgi, "Ilang beses ko na ring pinagsabihan 'yon na umamin na. Eh nakuntento na yata sa ganyang set-up niyo kaya hindi na pumalag."

 

Napailing na lang si Irene at tuluyan nang tumayo. Isa-isa niyang niyakap ang mga kaibigan na kanya-kanya ng bilin at bulong ng good luck sa kaniya.

 

"Isang salita mo lamang ay gagaling na si Ate Wends."

 

At ang atin pong itutugon: Amen.

 

"Kisspirin at yakapsule lang katapat no'ng gagong 'yon."

 

"Kulang 'yon," sabat ni Joy matapos siyang pakawalan sa pagkakayakap. Tumaas ang kilay ni Irene, may kaguluhan sa magandang mukha.

 

Pumalatak si Joy at nagpose na parang si JLC. Kumindat ito sa kaniya bago siya tuluyang makaalis, "Ingat!"

 

*****

 

[08/14 Fri, 13:34] Joohyun: seungwan?

 

Halos kalahating oras na siyang naghihintay ng reply habang nakapila si Irene sa cashier ng isang maliit na grocery store malapit sa university.

 

Baka walang load. Baka lowbatt ang phone. Baka tulog. 

 

O baka istorbo lang si Irene.

 

"Miss," tawag ng cashier na nagpabalikwas sa kaniya. Humingi siya ng pasensya at isa-isang inilapag ang mga pinamili. Nang makapagbayad ay muli niyang tinignan ang kaniyang phone na wala pa ring message mula kay Wendy.

 

Tutuloy pa ba siya?

 

Basa ang daan. Mukhang kauulan lang. Tumingala si Joohyun at nakitang makulimlim. 

 

Ah puta, bahala na.

 

Nagsimula siyang maglakad. Hindi na siya nagtrike dahil mapapabilis lang ang byahe niya. Malapit lang naman ang apartment ni Wendy. Kailangan niya munang mag-isip-isip kung tama ba 'tong ginagawa niya.

 

Mabibigat ang kaniyang hakbang at higit na mabigat ang kaniyang kalooban na kabado sa madadatnan niya. Ang tapang niya sa harap nila Joy kanina. Ngayong mag-isa na siya, nilalamon na naman siya ng mga katanungan na ilang taon na niyang hinahanapan ng sagot.

 

Paano kung wala na pala siyang babalikan? Kung siya na lang pala ang naghihintay? Kung hindi siya tanggapin ni Wendy dahil huli na ang lahat? Saan siya pupulutin? Kanino niya ibibigay 'yung pinamili niyang grocery? Sayang naman.

 

"Tangina…" Napamura siya nang maramdamang umaambon na. 

 

Mabuti na lang at ilang bahay na lang ang layo niya sa apartment ni Wendy nang bumuhos ang ulan. Sa pagkairita at pagmamadali ay hindi na niya napansin na bukas ang gate at nagtuloy-tuloy na siya papasok para makasilong.

 

Ibinababa niya muna ang bitbit at pinunasan ang buhok at mga braso. Muli niyang kinuha sa kaniyang bulsa ang phone at pumalatak sa kawalan ng reply. Inangat niya ang tingin sa pinto sa kaniyang harap.

 

Isang katok na lang ang layo niya. Bakit ngayon pa siya aatras?

 

Huminga muna siya nang malalim bago muling kunin sa sahig ang grocery at napatigil siya nang sa wakas ay mapansin niya ang pink na payong na nakabukas at mukhang tuyo na. 

 

Mukhang may nauna na.

 

Bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang matangkad na dalagang pamilyar sa kaniya. Parehas silang nagulat, ngunit mas magaling magpanggap si Irene na ayos lang sa kaniya ang lahat.

 

"Irene, right?"

 

Tumango siya, malikot ang matang sinusuyod ang katauhan nito, "Uhh…"

 

"Roseanne," nakangiting pakilala nito. Tuluyan na itong lumabas ng pinto at awkward na tumawa, "Uhm, hindi ko na isasara. Since you're here naman na."

 

Maliit na ngumiti si Irene, hindi malaman ang gagawin. Hindi niya sigurado kung gusto niyang tumalikod at umalis o dumiretso sa loob ng apartment, basta ang alam niya lang ay gusto niyang tumakas sa sitwasyon na 'to kung saan alam niyang siya ang dehado.

 

"She's asleep. Ayoko sana siyang iwan mag-isa pero I have to present my business proposal," pagkibit nito ng balikat at naglakad para kunin ang payong sa sahig, "Kaya no choice. Hinintay ko na lang siyang makatulog before I leave."

 

small talks.

 

Pwede bang papulahin na agad ni Irene ang pisngi ng gagang 'to?

 

"No need to worry, I'm here now," ngumiti si Irene nang pagkatamis-tamis, "Thank you."

 

Pero parang siya ang sinampal ng katotohanan.

 

"I didn't do it for you though?" Walang bahid ng takot na tumingin nang diretso sa kaniya si Roseanne. Seryoso, matapang, kalmado,—na parang may pagmamay-ari ito ng isang bagay na dati ay sa kaniya. "But you're welcome, Irene."

 

*****

 

Ilang minuto pa siyang nanatiling nakatulala sa labas bago mapagdesisyunan na pumasok. Nandito na lang din si Irene ay bakit hindi niya pa ituloy ang katangahan niya. Para masabi naman niyang kahit huli na ay lumaban pa siya. Para makabitiw na sa taling siya na lang yata ang nakahawak.

 

Madilim ang kabuoan ng apartment pero hindi na nag-abala si Irene na magbukas ng bintana o ilaw dahil kabisado naman niya ang bawat sikot nito. Kahit pa ilang buwan siyang hindi nakapunta, wala pa ring pinagbago.

 

Ah, mali.

 

May nagbago.

 

Para siyang estranghero kahit pamilyar sa kaniya ang lahat ng bagay sa loob ng apartment. Ramdam niyang hindi siya welcome. Tama, hindi naman talaga siya welcome kasi hindi alam ni Wendy na darating siya.

 

Kasi walang reply. Kasi busy kay Roseanne.

 

Mapait siyang napangiti nang mapansin ang paper bag ng Chowking sa kitchen counter. Marahan niyang ibinaba ang bitbit na grocery sa tabi nito. Sinilip niya ang laman nito at nakita ang takeaway Wonton Mami na favorite ni Wendy kapag nilalagnat ito.

 

Tangina, ganito pala ang feeling kapag may iba nang nakakaalam ng mga bagay-bagay tungkol sa mahal mo, 'yung feeling na hindi na ikaw ang gumagawa at nagbibigay no'n para sa kaniya. 

 

Si Wendy ang may sakit, pero si Irene ang nasasaktan.

 

Matapos isalansan at iligpit ang mga pinamili ay napagdesisyunan niya nang magpunta sa kwarto ni Wendy. Alanganin pa niyang binuksan ang pinto, hinihiling na sana ay tulog nga ito dahil hindi alam ni Irene ang gagawin niya kung sakali mang makita niya ang masayang mukha nito na hindi siya ang dahilan.

 

Malakas pa rin ang kapit niya sa taas dahil mahimbing na nakahimlay si Wendy sa kama, balot na balot ng kumot kahit hindi naman nakabukas ang electric fan. Kumakabog ang dibdib niya habang minamasdan ito sa mula sa pinto.

 

Nang bumiling si Wendy ay nalusaw na si Irene sa pagkakaestatwa at dumiretso siya sa banyo para kumuha ng tubig at bimpo. Inilapag niya 'yon sa bedside table at marahang umupo sa kama.

 

Parang batang gagawa ng kagaguhan at takot mahuli ng magulang ay pabalik-balik ang tingin ni Irene kay Wendy at sa phone nitong nakapatong din sa bedside table. Hindi naman siguro masama kung papakielaman niya saglit. 

 

In-on ni Irene ang phone ni Wendy na mukhang sinadya nitong patayin dahil hindi naman lowbatt. Napapalatak na lang siya sa ugali nitong mag-off ng phone lalo na kung ayaw maistorbo. Pa'no na lang kung may emergency? Mamamatay sa sobrang pag-aalala si Irene kung sakali—

 

Muntik na siyang malagutan ng hininga nang bumungad sa kaniya ang lockscreen nito. Selca nilang dalawa noong graduation niya, kung saan nakatoga si Irene pero ang cap ay nakasuot kay Wendy. Magkadikit ang bahagyang namumulang mga pisngi, parehong halos nakapikit na ang mga mata dahil sa sobrang lawak ng ngiti.

 

[08/13 Thurs, 9:07] KangSeul: luh naulanan ka ba kahapon? gago ano bang ginagawa mo sa buhay mo

[08/13 Thurs, 9:09] ParkSoo: hoy wends pagaling ka hindi ako makakagraduate nang wala ka sa tabi ko

[08/13 Thurs, 9:10] KangSeul: nakapatay na naman phone mo 

[08/13 Thurs, 9:11] KangSeul: pagaling ka espren punta kami dyan after class

[08/13 Thurs, 9:15] KangSeul: magcut na lang kaya kami? gago mag-isa ka kasi dyan ;(

[08/13 Thurs, 11:26] ParkSoo: bakit nakapatay phone mo kairita to buhay ka pa ba gago

[08/13 Thurs, 17:13] KimYerms: otw na kami ate wends may dala kami puds

[08/14 Fri, 11:25] ParkChaeng: sabi ni seulgi fave mo raw wonton ng ck when you're sick… i'll buy you some pls get well ;(

[08/14 Fri, 11:33] ParkChaeng: hey, wendy? i'm omw

[08/14 Fri, 12:49] KimYerms: label muna ha

[08/14 Fri, 12:55] KangSeul: hoy pre pupunta dyan si joohyun

[08/14 Fri, 12:58] ParkSoo: ingat! ;)

[08/14 Fri, 13:00] KangSeul: gago umamin ka na ha ilang taon mong hinintay yan

[08/14 Fri, 13:34] Joohyun: seungwan?

 

May pagnginig sa hiningang lumabas sa kaniyang nakaawang na labi. Kinagat niya ito para pigilan ang pilit na kumakawalang paghikbi. Tuyo pa ang kaniyang pisngi pero nahihilam na ang kaniyang namumulang mata na nakapahinga sa mahal niya.

 

Idinampi niya ang likod ng kaniyang palad sa nag-aapoy na noo ni Wendy at napabuntong-hininga si Irene. Ang dulo ng kaniyang mga daliri ay mahinahong binabakas ang makapal na kilay, matangos na ilong at mapupulang labi. Hinaplos niya ang pisngi nito at iniiwas ang bawat takas na hibla ng buhok.

 

Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakakapit ng kamay ni Wendy sa kumot nito para mahila pababa at mapunasan nang maayos ang mainit nitong balat.

 

Napatigil si Irene nang umingit si Wendy at ipinilig ang ulo sa kanan, tuluyan nang nakaharap sa kanya ang lukot nitong mukha. Muli nitong hinihila pataas ang kumot at nakipag-agawan si Irene.

 

"Shhh," malumanay niyang sabi, "Kailangan kitang mapunasan para bumaba 'yung lagnat mo…"

 

Bumitaw si Wendy at muling naging komportable. Dumilat ito nang bahagya, ang malamlam na mata ay nababalot pa rin ng antok. Garalgal ang boses nitong tinawag ang pangalan niya, "H-Hyun…?"

 

Napangiti si Irene at nagsimulang basain ang bimpo. Piniga niya ito at marahang pinunasan ang braso ni Wendy.

 

"Hyun?"

 

"Hmm, Wan?"

 

"Joo…hyun…"

 

Muling sumuko si Wendy sa antok at tuluyan nang pumikit muli. Pero hindi nakatakas kay Irene ang maliit na ngiti sa labi nito—payapa, maligaya at parang nananaginip. Hindi na niya napigilan ang sarili na magtanim ng halik sa noo nito.

 

"Yes, Seungwan," malambing niyang sabi, "Go back to sleep, love. I'm here."

 

*****

 

Sumakit ang ulo ni Irene sa biglaan niyang pagdilat at pag-upo mula sa pagkakahiga sa kama. Nagising siya sa tunog ng pagkakasara ng pinto at nasilaw sa liwanag ng ilaw sa kwarto.

 

"Sorry," mahinang sabi ni Wendy, "Nagpalit lang ako ng damit kasi pawis na pawis ako."

 

"O-Okay lang." Tumikhim si Irene para matanggal ang bara sa lalamunan at mawala ang kaba sa dibdib, "Feeling better?"

 

Unti-unting nakapag-adjust ang mata ni Irene sa liwanag at tuluyan nang naglaho ang sakit ng ulo niya nang ngitian siya ni Wendy at tumango, "Naman. Andito ka na eh."

 

Sigurado bang gising na siya? Baka naman panaginip lang 'to lahat… Pero ang pag-init ng pisngi at pagbilis ng tibok ng puso niya ang nagpatunay na totoo 'tong lahat.

 

"Ewan ko sa'yo," pag-iwas niya na siya namang ikinatawa ni Wendy. Napasandal si Irene sa headboard dahil sa hiya at nagtalukbong ng kumot.

 

"Matutulog ka uli?" Pang-aasar ni Wendy na sinagot ng mura ni Irene. "Ngayon na nga lang uli tayo nag-usap after mo grumaduate, mumurahin mo pa'ko." 

 

Feeling ni Irene siya ang lalagnatin. Naramdaman niyang umupo si Wendy sa kama at bahagyang hinila ang kumot pababa. Hindi na siya nakipagtalo at hinayaan na niyang makita nito ang namumula niyang mukha.

 

"Magsleepover ka?" Malambing nitong tanong habang inilalagay ang mga takas na buhok ni Irene sa likod ng kaniyang tenga.

 

"Do you want me to?"

 

"Ako ang unang nagtanong."

 

Malamlam ang mga mata ni Wendy na nakatuon sa kaniya, may bahid ng pagod at panghihina pero kita pa rin ang kinang at saya sa mga ito. Kinuha ni Irene ang kamay nitong nakapahinga sa kaniyang pisngi at pinagsalikop ito.

 

Mainit ang palad ni Wendy, tinutunaw ang ginaw at pagkalumbay niya nitong mga nakalipas na buwan. Hawak pa rin ang kapareha ay idinampi ni Irene ang likod ng kamay niya sa noo nito, "May sinat ka pa."

 

"Kaya 'wag ka nang umuwi. Dito ka lang sa'kin, Joohyun," nagsusumamong saad ni Wendy habang ibinababa ang kamay ni Irene patungo sa labi nito, "Alagaan mo 'ko."

 

Sa isang saglit na dumikit ang labi ni Wendy sa balat niya ay napabuntong-hininga si Irene, "Okay..."

 

Tumaas ang kilay ni Wendy nang mapansin na may gusto pa siyang sabihin. Nag-iwas nang tingin si Irene.

 

"Hyun?"

 

"Naabutan ko 'yung kaibigan mo kanina…"

 

Tumango si Wendy at naramdaman niya ang paglawak ng ngiti nito sa kaniyang kamay, "Si Rosie?"

 

"Hmm," pagsang-ayon ni Irene at ibinalik niya ang tingin kay Wendy. Ilang saglit din silang nagtitigan, tinatantya kung dapat pa bang magsalita at magtanong, "She likes you."

 

"And you're jealous," matama nitong sabi, "Don't be." Lumapit si Wendy sa kanya hanggang sa halos malasahan na niya ang mapupulang labi nito, "I love you."

 

Kinumbulsyon na yata si Irene. Ganito ba katapang si Wendy kapag may sakit? Edi sana pala hinayaan na lang niyang mabasa sila lagi ng ulan. Hindi niya na sana pinapasilong si Wendy sa payong niya kahit may dala naman talaga ang gago, tamad lang buksan. Bwisit, nag-abala pa magdala ng props.

 

Marahang itinulak ni Irene si Wendy para umayos ng pwesto. Humiga siya at hinila niya ito hanggang sa mapadapa si Wendy sa ibabaw niya. Magkapalupot na mga binti at hita, nakakapit na mga braso sa balikat at bewang. Hindi na rin sigurado ni Irene kung kanya ba o kay Wendy ang puso na parang kakawala na sa dibdib sa sobrang bilis kung tumibok.

 

Naghikab si Wendy at kinilabutan si Irene nang tumama ang nakakapasong hininga sa kaniyang balat, "Yakapsule ba 'to?"

 

Hirap na tumawa si Irene dahil sa bigat ni Wendy na nakadagan sa kaniya, "Oo, gusto mo rin ng kisspirin?"

 

"Baka mahawa ka sa'kin, Hyun," sabi nito at mas lalo pang ibinaon ang mukha sa leeg ni Irene.

 

"Problema ba 'yon," pagsawalang bahala ni Irene, "Edi aalagaan mo rin ako."

 

Agad na nag-angat ng ulo si Wendy at itinukod ang magkabilang braso sa gilid ng ulo niya. Nawala na ang antok sa mata nito at napalitan na ng mapaglarong ekspresyon.

 

"May alam akong gamot na mas malupit sa kisspirin," pagmamayabang ni Wendy.

 

Tumaas ang kilay ni Irene at nakisabay sa trip nito, "Ano naman 'yan?"

 

Lumawak ang nakakalokong ngiti nito at muling yumuko para halikan ang tenga niya, "Bioge."

 

Kinurot ni Irene ang tagiliran nito at halos yumanig ang kama sa lakas ng tawa ni Wendy, "Son Seungwan…"

 

"Seryoso kasi! 69% effective!"

 

Nagsisimula nang sumakit ang ulo ni Irene. So eto pala ang ibig sabihin ni Joy kanina. JLC, who? Mama mo ingat. Nakikita na niyang lagi siyang mauubusan ng pasensya at manganganib ang buhay niya kung ganito lagi si Wendy. Bakit ba mahal niya 'tong manyak na 'to?

 

"69%…" Pag-uulit ni Irene habang umiiling, "Hindi ka gagaling—"

 

"Syempre dapat i-take mo every 4-6 hours for maximum relief," pagpupumilit ni Wendy.

 

Tangina. Suko na si Irene.

 

Parehas tuloy silang may lagnat kinabukasan.

 

 

a/n: happy wr day! sana makahanap din tayo nang awoj #LikeWenrene

ps. stay safe. stay dry. stay hydrated. take care of yourselves kasi wala tayong irene o wendy na magbibigay sa'tin ng kisspirin, yakapsule saka bioges--ic. ingat!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
pajamagirl
#1
Chapter 6: Nanood ako ng haikyuu para maintindihan ko ng bongga HAHAHAHA
Ghad20
#2
Congratulations on the bid
wenrenes
#3
Chapter 7: welcome back, author! looking forward to this 😩 sana may manlibre sayo lods sa r to v
reveclean
#4
Chapter 7: crowd funding authornim!para sa rv con!para sa next chapter 💪
todayis_wenrene #5
Chapter 6: gago tawang-tawa ako dun sa “mine!” tapos natalo sila 😆 bawal malandi sa game 😆😆😆
wenrenehousemates #6
Chapter 7: Authornim please I suggest crowd funding po! You’re one of the best wenrene authors I know kaya sigurado akong maraming willling mag fund sa stories mo!
wnandehy
#7
Chapter 2: LAWRD ANOBAYAANNN ANLUNGKOT ;)+:);()!!!(!(!!!(
todayis_wenrene #8
Chapter 2: bakit ako napadpad dito at ito naisipan kong unang basahin na chapter?? 😭 gusto ko lang naman magpa-antok author, bakit ang heavy..
LockLoyalist
#9
Chapter 7: tuloy po please hahaha
SEEKER_
#10
Chapter 1: Why naman ang cutie ni wends pag may sakit. Si majaaam ang rupok amp