CHAPTER 7 - Celebration Escapade PT. 1

FIX YOU
Please Subscribe to read the full chapter

IRENE's POV
Kinaumagahan ay maaga kaming ginising ni Seungwan para nga pala magpunta kami kila Seulgi. 

Naligo at nag-ayos na kami atsaka umalis papunta sa bahay nila.

 


Habang nasa byahe naririnig ko silang nagu-usap usap about sa pano ang buhay nila Seulgi dito kung probinsya na probinsya talaga o modern na din. Kung marunong siyang magtanim o mag-ani ng mga kung ano sa bukidan nila kasi nga nabanggit ni Seulgi yun one time.

 


Nakapikit lang ako pero nakikinig ako sa kanila. Si Seulgi naman ay napapa-kwento rin naman. 

 

 

 


Nang makarating kami sa bahay nila ay sinalubong kami ng babaeng tingin ko ay ang Mama ni Seulgi. 

 

 

"Ddeulgi, anak! Oh, siya papasukin mo muna ang mga bisita mo..."

"Ma.. " sabay kiss sa Mama niya. Napangiti naman ako doon, pero nawala din agad. Namiss ko lang si Mommy..

 


"Nakakatuwa naman na may napapapunta ang anak ko na bisita o kaibigan niya dine sa bahay namin. Upo muna kayo, mga iha.. Ako pala ang mama ni Ddeulgi."
"Ma, mga boss ko din po sila sa trabaho ko hindi lang po kaibigan.. saka, Seulgi, ma.. Seulgi.."


"Ay-este, Seulgi.. Ang tatay niya ay nasa bukidan pa pinapakuha ko pa ng mga gulay para sa lulutuin kong tanghalian.. Dito na rin kayo kumain ng tanghalian.."

 

 

Excited na sabi ng Mama niya, Tumingin si Seulgi sa amin, tumango naman kami, "Sige daw po, Ma.."

"Oh edi siya, kumain muna kayo diyan, may inihanda akong agahan sa lamesa bago kayo dumating, mainit pa yun.."

 

 

Nakita kong sumunod si Seulgi sa nanay niya sa may dining nila at binuksan iyon.

"Wow, may Tupig! Gawa mo to, Ma?" tumango tango naman ang mama niya.

"Tara po, kain na tayo! Sure akong masarap lahat ng ito."

 

 

 


Tumayo kaming apat at pumunta na din sa dining nila, inikot ko ng tingin sa bahay nila. Maliit lang pero sakto lang sa kanila. May mga frame na nakasabit pictures nilang family and picture ni Seulgi ng bata siya at mga diploma at mga awards sa arts. 

 

 


May isang drawing naman na nakaframe na parang bata ang gumawa.

 

 

 

 

"Yan ang unang unang drawing ni Seulgi.. Dyan namin siya nakitaan ng galing sa pag-uukit.." sabi ng baritong boses lalaking nasa likod ko.


Ito na yata ang tatay ni Seulgi, kung hindi ako nagka-kamali.

 

 

"Nagulat ba kita, pasensiya na.. ako ang Papa ni Seulgi. Welcome sa munting tahanan namin.. Sige kain na kayo dyan.. Nak, pakainin mo din sila ng paborito mong salad ng nanay mo. Minsan ka na lang mag dala ng bisita mo dito kaya, share your blessing!" 

 

 

Nagtawanan naman kami sa sinabi ng tatay niya. 

 

 

 

 


Breakfast palang to pero ang dami ng foods. Ganito ba talaga sa probinsya?

 

 

 

 

 


After namin magbreakfast ay sumama kami sa tatay ni Seulgi sa bukidan nila sinilip lang namin dahil hindi daw kami makakalakad sa lupa doon at malambot pa baka lumubog lang daw ang mga paa namin dun. Natatawa pa nga kami kasi nalubog si Seulgi kasi kumukuha siya ng mangga sa may gilid.

 

 

 

 

Nang makabalik kami sa bahay nila ay narinig kong inutusan si Seulgi ng nanay niya na mamalengke.

 

 


"Ddeulgi, anak! Ipamalengke mo naman ako, nitong mga wala at maguumpisa na akong magluto.. Gamitin mo na lang ang motor ng papa mo dyan sa labas."

"Sige, Ma. Akin na ang lista mo."

 


"Eto lang, Ma?"

"Oo, ayusin mo ang pagpili niyan ah, at pakisabi sa mga kaibigan mo kung naiinip na sila ay bumalik na muna kayo ng resort at kami na ng Papa mo ang maghahatid ng mga pagkain niyo doon. Para makapag-ligo na sila sa dagat sayang ang araw.."

 

 


"Sige ma! Thank you, ma! Love you!"

 


"Love you too, nak!"

 

 


Lumabas galing kusina si Seulgi at tinanong kami, 
"Nai-inip na ba kayo dito, sige balik na kayo muna sa resort para makaligo na kayo sa dagat. Sabi ni mama, sila na daw ni Papa ang magdadala ng pagkain natin sa resort. Okay naman yun diba?"

 

 

 

Napangiti sila na parang nahihiya, sus tong mga to,  
"Hindi ba nakakahiya?" sabi ni Seungwan.

 

 

 

"Hindi yan. Okay lang yan, si Mama pa. Balik na kayo sa resort antayin niyo na lang din ako doon, bibilihin ko lang tong mga kung na mga sangkap dun sa gagawing pagkain ni Mama."

"Oh, bibili daw, samahan mo na, Baechy.." hirit naman ni Mina.

 


"Oo nga naman, para hindi tayo nagi-guilty, ginusto mo din naman puntahan natin tong bahay nila Seulgi eh."

 

 

 


Hindi na ako naka-palag at sumama na lang din ako kay Seulgi.

 

 

 

 

 

 

 


Nag motor lang kami papunta sa palengke, medyo malapit lang naman pala at hindi madumi ang palengke dito. Hindi rin mabaho katulad sa ibang palengke. 

"Saan ba tayo una, Seulgi? Ano bibilihin mo?"

 

"Hmm, sa may seafoods tayo.. kaso.."

"Kaso?" tanong ko habang naglalakad na kami papasok ng palengke.

 

 

 

"K-kaso, hindi ako marunong pumili ng mga ganto. Bangus, Hipon, pusit at tahong daw." napakamot na lang siya ng ulo.

Natawa naman ako, "Akala ko pa naman probinsyanang-probinsyana ka!"

 

 

 

Napansin kong natatawa na din siya, "Hindi naman kasi talaga ako namamalengke. Sinasama lang ako ni Mama sa palengke para may taga bitbit.."

 

 

 

 


Nagtawanan kami.

 

 

 


And ayun na nga ang end up pala is ako yung mama-malengke at siya nga ang taga bitbit. Hindi naman madami ang napamili puro seafoods at liempo lang naman saka mga sangkap pang sawsawan ang binili namin. Mga kamatis, kalamansi ganun lang. 

 


Nagtatawanan pa kami about sa mga napamili namin na halos lahat ako ang pumili. Dahil kapag papapiliin ko siya panget yung nakukuha niya.

 

 

 

Katulad ng sa kamatis. Kako yung hindi masyado mapula. Yung makukuha naman niya hindi nga mapula-pula pagdating sa kabilang gilid hinog na hinog na. 

 

 

 

 


Nang matapos kami sa pamamalengke ay may nakita akong nagtitinda ng Ice Cream. Sorbetes!

 

 

 


"Seul, you want ice cream? Let

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
gayrightswrites
Hey there, Luvies! Yep, oo, double update at bukas maguupdate ulit ako. Sorry ngayon lang ulit dahil busy HAHA. Stream their MV, Kwek Kwek Nation! LETS GO! ♥ Anw, Stay safe and stay hydrated, fam! lablab! Keep Streaming MONSTER MV and their Album. Vote them sa Music Shows! ♥

Comments

You must be logged in to comment
mafiaLeus
#1
Chapter 22: oofs.. ang sakit nmn
JenLisaSeulRene #2
Chapter 22: *sings paskong wala ka by donnalyn bartolome* paskong pasko ang sheket ng ganap otor a pero sana may pov rin si ate mo seulgi

Merry Xmas otornimm! :)
JenLisaSeulRene #3
Chapter 22: ay teka lang baks! Anong kaganapan ang nangyare?? oh no :(
kookier00
#4
Chapter 21: sabi na ey angst na mga nexx chaps nito for sure! thnxx sa ud author ❤️
seungwannabae #5
Chapter 21: Yes naman! Thanks sa ud authorrrrr
seulsabs
#6
Chapter 21: Yung update!!! :( Baket naman ganon ang lungkot na nakakatuwa at the same time? I hope hindi sila maging awkward sa next ud and mapakita yung ganap after nitong scene. Pero thank you ulet authornimm! Na miss ka namin hiihiii
seulsabs
#7
Chapter 21: OHEM! May update! Thank you authornim ^_^
Wintojiman
#8
MAY UPDATE HUHUHUHUHU AMISHU OTORR
KZeljera26_ #9
Chapter 20: Huhuhuhu otor update na plsssss
taetaeny69 #10
Chapter 20: Kasi naman seul eh kala mo jowa ni jisoo hahahahaha isa pa tong si madam irin eh jowa ka rin ba ni seul? charot! hahaha thanks sa update author!