CHAPTER 17 - Christmas Day!

FIX YOU
Please Subscribe to read the full chapter

SEULGI's POV
Sinalubong namin ang pasko ng sama-sama sa Cafferene. Nandito din ang parents ko. Sila Chaeyoung, Joy at iba naming crew ay umuwi na din kanina dahil sa kani-kanilang bahay sila magpa-pasko. 

 

Matapos namin salubungin ang pasko ay kumain na din kami at nagparty na. Nag palitan na din kanina ng mga regalo ngayon naman ay yung ibang regalo naman.

 


"Oh, eto.. To Mina.. from Baechu." Sabi ni Seungwan na nag-bibigay ng regalo.
"Thank you, Baechu!" ngiti lang ang isinagot ni Joohyun.


"To Seungwan.. ay akin to! Yes naman, From Baechu!"
"To Krys, Merry Christmas from Baechu"

 


"Eto po para sainyo ni tito, tita.." lapit ni Joohyun kila mama at papa.
"Salamat, nak dito sa regalo mo. Nakakahiya at wala man lang kami nadalang regalo sa inyo."
"Okay lang po, tita.. Yung mga special luto niyo naman gifts na din yun.." sagot naman ni Joohyun.

 

 

 


"Eto naman last kay Joohyun, To seulgi! From Joohyun."

"Thank you, Joohyun.." sabi ko naman sakanya.

 


Hanggang sa sila naman magabutan ng regalo. 

 

Ako naman kanina ibinigay ko sa exchange gift ko kay Joohyun kanina is yung Scented candle tas ngayon nagbigay ulit ako sa kanya, well sakanilang lahat ng Ballpen na may mga names nila at bookmark na may drawing ng muka nila.

 


"Woa, ang ganda naman nito Seulgi! Kamuka ko talaga ah!" sabi ni Krystal.
"Cutiepie dapat muka mo na lang nilagay mo para makikita kita lagi! Charot!" si Mina naman, nagbibiro pa.

 

"Seulgi is an artist and much appreciated talaga to kasi effort talaga! You the best, buddy!" si Seungwan naman na lumapit sakin at inakbayan pa ako.

 

"Thank you, Ddeulgi!" sabi naman ni Joohyun.
"Rinig namin yun, Joohyun ah! Ddeulgi na talaga tawag mo dyan kay cutiepie ah!"
"Bakit ba ang cute nung childhood nickname niya na tawag ni tita eh!"

 

 

 

Inihatid ko na sila mama at papa sa baba lang ng Cafferene, kaya na daw nila umuwi at bumalik na daw ako dahil di pa daw tapos yung party nila Seungwan. Nag-iinuman pa kasi sila doon, si papa naman kanina naki-inom pa samin. Napa-iling na lang ako.

 

 

 

 

 

 

 


Paakyat ako ng rooftop ng biglang parang may nag-flashback sa utak ko na kung anong pangyayari. 

 

 

 


Para akong nasaksak sa dibdib sa sakit.

 

 

 

 

 

 

*SHORT FLASHBACK*

3 years ago..

Pasko na ngayon at naghahanda na kami dito sa bahay.

 

"Ddeulgi anak, pakitawag mo na ang papa at kuya mo. Si Papa andyan lang sa labas, si Kuya mo ata nasa kwarto niya pa.." sabi ni Mama na nagaayos ng lamesa namin. Malapit na kasing mag alas-dose at sasalubungin na namin yung christmas.

 

"Pa, tawag na tayo ni Mama tara na doon sa lamesa, tatawagin ko lang si kuya sa kwarto niya,"
"Sige, nak.. punta na lang ako sa Mama mo."

 

Umakyat ako, at nagtungo sa kwarto ni Kuya at kumatok. Pero walang nabukas.


"Kuya! Kuya, tara na daw, maga-alas dose na! Baba ka na sabi ni Mama!"


"Kuya! Oy!"

 

 

Tinry kong bukasin yung pinto, saka pumasok. Wala naman siya dito?

 

 

"Kuya?"

 


"Oy, Kang Haneul! Wag mo akong tinataguan ah!"


"Mama, si kuya tinataguan pa ako!"

 

 

 

Hinanap ko siya sa kabinet niya nalagi niyang tinataguan pag naglalaro kami. Wala naman.

 

Sa ilalim ng kama niya? Wala din.

 

 

 

At nang magtungo ako sa CR niya dito sa loob ng kwarto niya.

 

 

 

 

 

 

 

 


Nakita ko na siya.

 

 

 

 

 

 

 

 


Nakabigti.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Napaatras ako.

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam gagawin ko. 

 

 


Napaupo na lang ako. At napatakip ng bibig. Saka humagulgol.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bakit, Kuya?

 

 

 

 

 


Masaya pa tayo kaninang nagluluto kasama si Mama ah? Anong nangyari?

 


"Ddeulgi... Haneul! Tara na, sa-- Ddeulgi? Bakit?" natatarantang sabi ni Mama nang makita akong umiiyak sa sahig, saka sumilip sa CR ni Kuya.

 

 

 


"HANEUL! HANEUL! ANAK!!!! JUSKO! RICARDO!!!! JUSKO ANG ANAK KO!" umiiyak na sabi ni Mama, madaling nagtungo naman si Papa kay Mama, at nakita si kuya. Ibinaba niya ito. Saka umiyak.


"Anak, ano ka ba naman? Ano ba naman tong regalo mo saamin? Anak, gumising ka, andito si Mama oh.." rinig kong sabi ni Mama habang nahikbi. Hindi ako makalapit sa kanila,  hindi ko kayang makita si kuya.

 

 

Tumayo ako, at lumabas. Narinig ko na tinawag ako nila Papa pero hindi ko na pinakinggan at lumabas ng bahay. 

 


Nang makarating ako sa bukidan, at saka umupo sa tree house namin ni Kuya.

 

 


Ginawa ito ni Papa noong bata palang kami ni kuya at dito kami naglalaro. Hanggang ngayong tumanda na kami. Kasya pa din naman kami dahil iniayos ulit to ni kuya noong unang sweldo niya sa trabaho niya noon bilang engineer. 

 

 


Matanda si kuya sakin ng tatlong taon. 

 

 


Nakita ko dito yung mga picture namin nung bata pa kami na naglalaro dito sa tree house na to. Umiiyak pa din ako. Hindi ko nga alam pero p

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
gayrightswrites
Hey there, Luvies! Yep, oo, double update at bukas maguupdate ulit ako. Sorry ngayon lang ulit dahil busy HAHA. Stream their MV, Kwek Kwek Nation! LETS GO! ♥ Anw, Stay safe and stay hydrated, fam! lablab! Keep Streaming MONSTER MV and their Album. Vote them sa Music Shows! ♥

Comments

You must be logged in to comment
mafiaLeus
#1
Chapter 22: oofs.. ang sakit nmn
JenLisaSeulRene #2
Chapter 22: *sings paskong wala ka by donnalyn bartolome* paskong pasko ang sheket ng ganap otor a pero sana may pov rin si ate mo seulgi

Merry Xmas otornimm! :)
JenLisaSeulRene #3
Chapter 22: ay teka lang baks! Anong kaganapan ang nangyare?? oh no :(
kookier00
#4
Chapter 21: sabi na ey angst na mga nexx chaps nito for sure! thnxx sa ud author ❤️
seungwannabae #5
Chapter 21: Yes naman! Thanks sa ud authorrrrr
seulsabs
#6
Chapter 21: Yung update!!! :( Baket naman ganon ang lungkot na nakakatuwa at the same time? I hope hindi sila maging awkward sa next ud and mapakita yung ganap after nitong scene. Pero thank you ulet authornimm! Na miss ka namin hiihiii
seulsabs
#7
Chapter 21: OHEM! May update! Thank you authornim ^_^
Wintojiman
#8
MAY UPDATE HUHUHUHUHU AMISHU OTORR
KZeljera26_ #9
Chapter 20: Huhuhuhu otor update na plsssss
taetaeny69 #10
Chapter 20: Kasi naman seul eh kala mo jowa ni jisoo hahahahaha isa pa tong si madam irin eh jowa ka rin ba ni seul? charot! hahaha thanks sa update author!