CHAPTER 19 - U Like

FIX YOU
Please Subscribe to read the full chapter

SEULGI's POV

Nagising ako ng nasa tabi ko na si Joohyun, natutulog. Natawa na napailing naman ako. Hindi ko alam pero parang napatagal na naman yung tingin ko sakanya. Ano bang nangyayari sakin?


Tinignan ko ang oras at 7 na ng gabi. Kaya naman pala parang nagugutom na ako.

 

Tumayo naman ako ng dahan-dahan para di magising si Joohyun at dumerecho ng kusina saka nagluto ng hapunan. Mukang effective din naman yung gamot at pag punas sakin ni Joohyun kanina at umokay na pakiramdam ko. 

 

Sana wala na to bukas, may emergency meeting pa naman kami bukas ng umaga para sa bagong kliyente.

"Hyun.. Joohyun.."

 

"Hmmm.."

 

"Hyun, gising.. kain na tayo dinner." sabi ko at agad siyang napabalikwas ng bangon, ng magka-untugan kami.
"Oww." sabay naming sabi.

 

"Oh, sorry! Sorry, Ddeulgi. Eh pano ba naman kasi! Ano ka ba? May sakit ka diba? Bakit ba bumangon ka?" tuloy tuloy na sabi niya.
"Uhm- nagugutom na kasi ako.."

 

 

"Bakit hindi mo nalang ako ginising? Edi sana ako na nagluto or nagpadala na lang ako dito kay Seungwan ng pagkain." Seryosong sabi niya.
"Sorry na.."


"Ang pasaway mo! Halika na nga, kumain ka na.. okay ka na ba? Ano na ba nararamdaman mo?" sunod-sunod na naman niyang tanong habang papunta kami ng kusina. Napangiti naman ako.

 


"Okay na ako. Umokay naman na. Hindi na masyado masakit ulo ko." sabay check niya sa noo ko.


"Sus, okay eh may sinat ka pa dyan.. Pasaway. Mamaya pagkatapos sa kwarto na okay? Sa kama ka nalang, magpahinga ka." sabi niya ng makaupo na kami at nagsimulang kumain ng hapunan at nakatanggap ako ng puros sermon.

 

"Manonood ba tayo ng movie ngayon?" tanong ko. Okay naman na siguro ako, kaya ko natanong yun.
"Heh! Hindi magpapahinga ka ngayon hanggang bukas."


"Hanggang bukas? Eh may pasok ako--"
"May sakit ka pa, baka mabinat ka. Kaya magpapahinga ka pa, okay?"
"Eh pano--"


"Magpapahinga ka. Te-text ko si Jisoo mamaya para masabihan din sila Jackson."


"Okay po, mama.." 

 

"Good." napailing na natatawa naman ako.

 

 

Parang si Mama din to kapag may sakit ako na kahit lagnat lang eh. O.A masyado, pero alam ko naman na worried lang sila.

 

Hanggang sa matapos kami kumain at nasa kama na ako, pinunasan ulit ako ni Joohyun at nagpalit ng damit bago siya naman ang magshower.

 

 

 


IRENE's POV
After kong magshower ay nakita kong natutulog na si Seulgi. Good. Sabi ko kasi sa kanya magpahinga lang kung hindi ay mabibinat siya. Aba't gusto pang manood kami ng movie eh.

 

Ako na lang ang manonood mamaya at hindi ko natapos yung napanood namin last time, bibili muna ako ng gamot at food na madaling lutuin sa starmart.

 


Kumuha ako ng crab and corn na soup at isang spam, kumuha na din ako ng ibang pwedeng snacks ni Seulgi at kumuha na din ako ng Gatorade saka dumerecho na ng counter para bumili ng gamot at magbayad. 

 

Hindi naman din kasi ako magaling magluto may konti lang din akong alam.

 

 


Nang maka-balik ako sa apartment ni Seulgi ay inayos ko muna yung mga pinamili ko, saka ko chineck si Seulgi na may sinat-sinat pa din. 

After kong i-check si Seulgi ay nanood na din ako nung movie. 

 

Nang matapos ko yung pinapanood ko itinext ko naman si Jisoo na hindi makakapasok si Seulgi.

 

 

 

Tinext ko na din si Seungwan na dito ulit ako kay Seulgi matutulog dahil nga may sakit siya, saka ako bumalik sa kwarto at tinabihan siya.

 


Hindi ko na namalayan na nakatulog na din pala ako. Nagising na lang ako ng marinig ko si Seulgi na parang nana-naginip yata. Kaya agad ko tong tinawag at kinalabit.

 

 

 

"Hey.. Seul.."
"Ddeulgi.. nananaginip ka.."

 


"Kuya.."

 

 


"Ddeulgi.." agad naman akong tumayo at pumunta sa side niya. Dahil nakaharap siya sa kabilang side.

 


"Kuya, teka lang.."
"Kuya, wag ka muna umalis.."

 

"Hey, Seul! Wake up. Ohmygod- Ang init mo!" Ang taas ng lagnat niya! Tinapik tapik ko ng mahina yung pisngi niya. 

 

 

Sabay naman ng pagmulat niya ang pagtulo ng luha niya.


"Nananaginip ka, Ddeulgi.." Umupo naman ako sa gilid niya saka ko pinunasan yung luha niya.
"And you're crying.." gumalaw siya at naramdaman ko namang yumakap siya sakin, sa bewang ko.


"Si kuya napanaginipan ko.."


"I know, tinatawag mo siya kanina." sabi ko habang hinahaplos ko yung buhok niya.

 

"Sabi niya lang sakin mahal daw niya kami ni mama at papa."


"Na-miss niyo siguro isa't isa kaya dumalaw siya sa panaginip mo." sabi ko naman sakanya.
"Siguro nga.. Salamat, Joohyun kasi nandyan ka.."

 

"I'm always here, Ddeulgi."


"Thank you."

 

"Sandali at kukuha ako ng cold compress saka ng towel at pupunasan kita tumaas na naman yang lagnat mo, nabinat ka siguro kasi sa paglu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
gayrightswrites
Hey there, Luvies! Yep, oo, double update at bukas maguupdate ulit ako. Sorry ngayon lang ulit dahil busy HAHA. Stream their MV, Kwek Kwek Nation! LETS GO! ♥ Anw, Stay safe and stay hydrated, fam! lablab! Keep Streaming MONSTER MV and their Album. Vote them sa Music Shows! ♥

Comments

You must be logged in to comment
mafiaLeus
#1
Chapter 22: oofs.. ang sakit nmn
JenLisaSeulRene #2
Chapter 22: *sings paskong wala ka by donnalyn bartolome* paskong pasko ang sheket ng ganap otor a pero sana may pov rin si ate mo seulgi

Merry Xmas otornimm! :)
JenLisaSeulRene #3
Chapter 22: ay teka lang baks! Anong kaganapan ang nangyare?? oh no :(
kookier00
#4
Chapter 21: sabi na ey angst na mga nexx chaps nito for sure! thnxx sa ud author ❤️
seungwannabae #5
Chapter 21: Yes naman! Thanks sa ud authorrrrr
seulsabs
#6
Chapter 21: Yung update!!! :( Baket naman ganon ang lungkot na nakakatuwa at the same time? I hope hindi sila maging awkward sa next ud and mapakita yung ganap after nitong scene. Pero thank you ulet authornimm! Na miss ka namin hiihiii
seulsabs
#7
Chapter 21: OHEM! May update! Thank you authornim ^_^
Wintojiman
#8
MAY UPDATE HUHUHUHUHU AMISHU OTORR
KZeljera26_ #9
Chapter 20: Huhuhuhu otor update na plsssss
taetaeny69 #10
Chapter 20: Kasi naman seul eh kala mo jowa ni jisoo hahahahaha isa pa tong si madam irin eh jowa ka rin ba ni seul? charot! hahaha thanks sa update author!