CHAPTER 16 - Christmas Party (Team Boss Kang)

FIX YOU
Please Subscribe to read the full chapter

SEULGI's POV
Gabi at parang nagsisimula palang ang Christmas Party dito sa office. Kakatapos lang ng pa-games ng HR sa mga employees. 


"Okay, guys after niyong kumain, magpapa-exchange gift na tayo para pahinga muna then party na." sabi ni Ms. Sandoval.

"YESSS!" sigaw naman ng mga empleyado.

 

 

Nang maalala ko na nakalimutan ko nga pala yung exchange gift ko para kay Sana. Pero yung ibang regalo ko sa Team at sa HR nadala ko. Nakahiwalay kasi yung pang exchange gift ko. *facepalms*

 


Matapos akong kumain ay nagpaalam muna ako kila Jackson na babalik ako ng bahay para kuhain yung exchange gift ko, hindi naman ganun kalayo ng office sa apartment ko.

 

"Sige lang, matagal tagal pa naman bago yung team niyo siguro. Magingat ka!"

"Salamat.." sagot ko kay Jackson, sabay kuha sa helmet ko.


 

 

Naglalakad na ako pababa ng makasalubong ko si Jisoo.


 

 

"Oh, Seulgi? Saan ang punta mo? Uuwi ka na agad? Ang aga pa ah?"

"Ah- hindi, nakalimutan ko kasi yung exchange gift ko eh. Pero okay lang hindi naman malayo dito yung apartment ko."

 

"Samahan na kita? Tara?" sabi ni Jisoo. 


 

 

Sinamahan ako ni Jisoo pauwi sa apartment ko, buti lagi akong may spare na helmet sa box ko sa likod ng motor ko.

 

 

 

 

Nang makarating kami sa apartment ko ng wala pang 20 mins ay agad kong hinanap kung saan ko ba nailagay yung exchange gift ko.


 

 

"Ikaw lang dito, Seul? puro paints ah. Cool!" tanong ni Jisoo na iniikot ng mata ang apartment ko.

"Oo, ako lang dito. Pero sila mama bukas ang dating dito sila magpa-pasko pero bago mag new year uuwi din sila.."
"Nagiging madaldal ka na ngayon, boss seulgi ah!"

 

 

"Sira. Tara na, nahanap ko na yung regalo."


 

 

 

Nang makalabas na kami ng apartment ko, isinuot ko na ulit yung helmet ko.

 

"I-lock mo yan, baka lipadin yan sayo." sabi ko kay Jisoo.
"Lock pa eh, dyan lang naman tayo."

 

"Kahit na, hindi din natin masasabi yung aksidente, Ji."
"Sus, oo na teka.."

 

 

"Tagal, akin na nga.." ako na yung naglock nung helmet niya saka umalis na kami at bumalik ng company.

 

 

 

Mabilis lang kami nakabalik dahil wala naman traffic at maluwag ang daan. Nag shortcut din kasi ako.

 

 

Nang makabalik kami ng office ay nagsstart na ang exchange gift sa team namin. Kami na pala yung tinatawag.


 

"Sakto!" sigaw ni Jisoo.
"Oo nga."


 

 

"Jisoo, your turn! Ikaw daw nabunot ni Justin eh." sabi ni Harry. 
"Okay, so ang nabunot ko is, si Seulgi! Yas naman si Boss Seulgi!"

 

 

"Boss Seulgi! Boss Seulgi!"

 

"Huy, mga sira tong mga to oh. Tigil niyo nga yan.." sabi ko sa team ko. Pang-asar na tawag kasi nila sakin yung Boss Seulgi, lalo yung mga lalaki sa team ko ayun ang tawag sakin.


 

 

 

"Seulgi, next ka na daw." sabi ni Jackson sakin.
"Teka.."

 

"Ang nabunot ko si Sana." sabi ko, "Oh, Sana daw!" sabi ni Drew na katabi ni Sana.

 

 

Lumapit na siya saka ko inabot yung paper bag, "Thank you, Seulgi."

Ngumiti ako, "Welcome.."


 

 

 

After ng exchange gifts ay nag-party na ang mga tao sa office. Halos lahat nainom dito. Party kung party. Para kaming nasa bar.


 

 

"Huy! Tara inom pa, Seul!" sabi ni Jisoo na lumapit sakin.
"Hindi okay na ako sa isang bote ng beer, Ji. Magddrive pa kasi ako pauwi eh."

 

 

 

 

"Sus, okay sige.. Sabi mo eh. Party na lang tayo dali! Samahan mo ako."

"Hindi ako marunong sumayaw. Dito na lang ako. Okay lang ako dito.."
 

"Corny mo naman, boss! Sige na nga, ako na lang dito. Samahan kita. Para kang loner dyan eh."

"Loner naman talaga ako."
"I know. Alien ka eh."


 

 

Alien? Bakit yung Oso naaalala ko. Ang dami naman nilang tawag na kamuka ko.

 

 

 

 

"Hindi naman alien. Muka ba?"

 

 

Bigla naman ako nagulat sa tawa niya. "*laughs* Alien ka kasi isang tanong, isang sagot ka kasi. Tapos ang konti mo mag salita. Tipid na tipid mamsh?"

 

 

Natatawa na napailing na lang ako.

 

"Sorry, ganto talaga ako. Will work this out, dont worry." natatawa ko ding sabi.

"Okay lang yun, ano ka ba. One at a time.."

 

"Anyway, balita ko. Kayo na ni Justin ah? Nung time ba na nagkita tayo, nagkaaminan kayo?" lumapad naman yung ngiti niya sa narinig niya galing sakin.


 

 

"Shh ka lang! Oo, boss seul! *laughs* pano ba naman eh ang torpe ni JJ eh matagal na pala siyang patay na patay sakin. charing! I mean may gusto sakin.. Papansin papansin pa ako dun sa bruhong yun!"

 

 

 

Natawa naman ako sa mga pinagsasabi niya.

 

 


"Congrats sa inyo, Ji. Nako, nakahanap din ng katapat niya yang si Justin."


"Thanks, Seul. Eh ikaw ba? May jowa ka ba ngayon?"


"H-huh? Wala. Bakit?"
"Ah, wala lang natanong ko lang, mukang type ka kasi ni Sir Ravi eh."
"Huh? Nako, hindi yun. Kaibigan kasi ni Jackson yun kaya naging close ko din.."
 

 

"Oo na nga lang, anyway, ayaw mo talagang makiparty? Ang saya kaya."

 

"Hindi na, sige na ikaw pumunta ka na doon. Uuwi na din naman ako."
"Uuwi ka na agad?"

 

 

 

"Oo eh. Susunduin ko pa kasi sa cubao sila Mama bukas ng umaga eh.."
"Ay, ganun ba. Sige lang. Ingat ka pauwi ah! Text mo ako pag nakauwi ka na."

 

 

"Sure, Ji. Sige, una na din ako. Paalam lang din ako sa team saka kila Jackson. Salamat sa regalo."
 

 

"Thank you din sa gifts mo samin!"

 

 

 

Nang makauwi ako nakita ko sa may starmart sa labas si Joohyun. Mukang umiinom na naman. Ano na naman kayang problema nun? 


 

 

Pagpasok ko ng motor ko sa garahe ay agad kong pinuntahan si Joohyun. Muka kasing nakainom eh.

 

 

 

 

 

 

 


IRENE's POV
Matapos ang isang buong araw na madaming customer sa Cafferene ay nakapag-sarado na din kami. Bago kami magsara ay tinapos na namin nila Seungwan yung ibang mga decor sa rooftop dahil doon kami magcecelebrate ng pasko. At isang linggo na lang Christmas na.


 

Patapos na kami ng tumawag si daddy sa facetime.

 

"Teka, natawag si Daddy, sagutin ko muna to." paalam ko kila Seungwan saka pumunta sa may dulo ng rooftop.

 

 

 

 

"Hi daddy! Kamusta dyan?" masayang bati ko pag sagot ko ng tawag niya.
"Akala ko natutulog na princess ko, buti nasagot mo pa. Ayun okay naman.. may sasabihin sana ako sayo eh."

 

 

 

Parang alam ko na tong sasabihin ni Daddy. Kaya napabuntong hininga ako bago sumagot, "What is it, dad? Dont tell me..."


 

 

"Sorry, baechu. Sorry talaga.. Hindi pa din kasi maapprove yung visa ko. ilang buwan ko na inaasikaso yun eh. Akala ko dadating last week eh hanggang ngayon yung due date nun. Kaya mukang hindi na naman na-approve ng embassy."

 

 

"Okay lang, dad.." malungkot na sabi ko. Last year ayan din sabi niya. Nag-promise siya na magpapasko siya kasama ako. Kami nila Seungwan.

 

"Pero sa birthday mo siguro, I'll be there na-"

"Daddy, just come here. Welcome ka naman anytime dito. Just be here, okay na ako."

 

 

"Okay.. Sorry ulit, princess. Ano na palang ginagawa mo ngayon? Sila Seungwan ba yung naririnig ko dyan?"
 

"Oo dad.. Nagaayos kami ng decors dito sa rooftop inaayos na namin nilalagyan na din namin ng tent para in case umulan inil

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
gayrightswrites
Hey there, Luvies! Yep, oo, double update at bukas maguupdate ulit ako. Sorry ngayon lang ulit dahil busy HAHA. Stream their MV, Kwek Kwek Nation! LETS GO! ♥ Anw, Stay safe and stay hydrated, fam! lablab! Keep Streaming MONSTER MV and their Album. Vote them sa Music Shows! ♥

Comments

You must be logged in to comment
mafiaLeus
#1
Chapter 22: oofs.. ang sakit nmn
JenLisaSeulRene #2
Chapter 22: *sings paskong wala ka by donnalyn bartolome* paskong pasko ang sheket ng ganap otor a pero sana may pov rin si ate mo seulgi

Merry Xmas otornimm! :)
JenLisaSeulRene #3
Chapter 22: ay teka lang baks! Anong kaganapan ang nangyare?? oh no :(
kookier00
#4
Chapter 21: sabi na ey angst na mga nexx chaps nito for sure! thnxx sa ud author ❤️
seungwannabae #5
Chapter 21: Yes naman! Thanks sa ud authorrrrr
seulsabs
#6
Chapter 21: Yung update!!! :( Baket naman ganon ang lungkot na nakakatuwa at the same time? I hope hindi sila maging awkward sa next ud and mapakita yung ganap after nitong scene. Pero thank you ulet authornimm! Na miss ka namin hiihiii
seulsabs
#7
Chapter 21: OHEM! May update! Thank you authornim ^_^
Wintojiman
#8
MAY UPDATE HUHUHUHUHU AMISHU OTORR
KZeljera26_ #9
Chapter 20: Huhuhuhu otor update na plsssss
taetaeny69 #10
Chapter 20: Kasi naman seul eh kala mo jowa ni jisoo hahahahaha isa pa tong si madam irin eh jowa ka rin ba ni seul? charot! hahaha thanks sa update author!