CHAPTER 20 - Awkward?

FIX YOU
Please Subscribe to read the full chapter

IRENE's POV
Its been 3 days simula nung makauwi from Seulgi's apartment at gumaling na siya ay bumalik na kami sa cafferene para magtrabaho. At after din ng araw na yun ay hindi ko pa din siya nakakausap at hanggang ngayon di ko pa din maalis sa utak ko yung tanong niyang "May gusto ka ba sakin, Hyun?", na hanggang ngayon hindi ko pa din nasasagot.


At hanggang ngayon ay paulit-ulit yun sa isip ko. Na kahit anong pilit kong pigilan to pero parang lalo lang akong naf-fall kay Seulgi. Kahit anong iwas at pigil ko, wala.


 

Ngayong araw ay hindi ako pumasok. Nagsabi ako kila Seungwan at Mina na masama ang pakiramdam ko dahil masakit ang ulo ko.

Totoo naman masakit talaga, hindi ako maka-tulog din ng maayos sa kaka-isip ko.


 

 

Yea, I overthink a lot, lately.


 

Lalo na nung na-realize ko na I really like Seulgi. Alam ko namang hindi pa ready si Seulgi sa mga ganung bagay dahil she's still fixing herself and i am helping her. That's why im here for her, to help her ease that pains and sana nagagawa ko naman yun. I just want her to be happy, before anything else.

 

Nagpark ako ng sasakyan, dahil ng bumili ako ng gamot sa headache at heartbreak, char! Its just a gummy bears na kamuka ni Seulgi. 

 

What the? Ano ba?!

 

Whatever, gummy bears is my comfort food or anything na gummies. 

 

Pababa ako ng sasakyan ko ng mag ring phone ko,

 

 

*Seungwannie Calling*

 

"Yes, Wan?"
"How's your feeling, Joohyun? Masakit pa ba ulo mo?"
 

 

"Kinda, bumili naman na ako ng gamot ko.."
 

"Good. Magpahinga ka lang dyan."
"Yea, thanks..Kamusta pala dyan?"
 

 

"Everything's fine, Joohyun. Don't worry. Nga pala baka pumunta dyan si Seulgi--"

"What?!"

 

"Anong what? Kako, baka pumunta si Seulgi dyan? What what ka dyan"
"O-oh okay? Bakit?"
 

"Hinahanap ka kasi kanina eh nabanggit ni Mina na masama pakiramdam mo, so I assumed baka pumunta dyan at patapos na shift nun.."


 

"Okay, okay."
"Alright, sige bye. Magpahinga ka dyan, may customer ako. Ciao!"

 

 

 

Napapikit ako ng mariin.


 

Anong ihaharap at sasabihin ko kung pumunta nga yun dito? MYGHAD BAE JOOHYUN!!!


Bahala na nga!

 

 

Bumaba ako ng sasakyan ko at pumasok na sa bahay.

And yep. She's here.

 

"Ddeulgi?" tanong ko saka siya lumingon, mukang hina-hanap niya ako.

"Saan ka galing, Hyun?" napatingin siya sa hawak kong plastic. Lumapit siya, saka niya dinampi yung palad niya sa noo ko.

 

I stood still. Hindi ako makagalaw. Ang bilis ng heartbeat ko.

 

"Wala ka naman lagnat? Pero bakit namumula ka? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong niya.

 


 

Ano ba?!


"W-wala. I mean, m-masakit yung ulo ko, pero siguro iinuman ko lang to ng gamot.." angat ko sa plastic na laman ay gamot.
 

"Okay, good. Tara dito, kumain ka na. Malamang hindi ka pa kumakain eh." sabi niya, saka niya ako hinatak papuntang dining at pinaupo.

Naghain siya, may mga naka tupperware na pagkain at soup. Naglagay din siya ng dalawang bowl.


 

Lumingon siya sakin,
"Hindi ka naman kumakain ng mag-isa so, sasabayan kita kumain."


 

Yung puso ko, Kang Seulgi! Pisti ka, marupok to!

"O-okay?"

 

 

"Did you cooked all of this?" tanong ko sakanya habang kumakain kami.

 

 

Pano ba naman ang sarap. Well, siguro kasi hindi naman siya lagi nagluluto, nagluluto siya minsan pag nasa apartment niya ako.

"Oo, yan lang din kasi mapagmamalaki kong luto.. So, masarap ba?"


 

 

She cooked Molo Soup and Mixed Veges. What a healthy food. 


 

Tumango ako, "Masarap siya kaya penge pa ako.."
"Sure. Akin na lalagyan kita.."


"Lutuan mo pa ako nito ah."
"Oo naman, ikaw lang din naman kumakain ng luto ko eh." natatawang sabi niya.


 

After niyang magligpit ng kinainan namin ay pumasok na kami sa kwarto ko. Sabi kasi niya magpahinga daw ako.

Pahinga daw pero nagkwentuhan lang kami. *facepalms*


 

"Wait pala, Ddeulgi-"
"Bakit?"


 

"Pano ka pala nakapasok dito sa bahay? Nagakyat-bahay ka ano?"
"Sira! Pinahiram kasi ni Seungwan sakin yung susi niya kanina, baka pumunta daw ako dito at hindi mo ako marinig mula sa gate niyo.. kaya ayun.."

 

"Ah, akala ko nag-akyat bahay ka na eh!" natatawang sagot ko.
"Hindi naman ako ganun."
"I know."

"Pero binugbog at hinampas-hampas mo ako ng mop nung unang kita mo sakin?" natatawang sabi niya, natawa din ako nung maalala ko yung first encounter namin na napag kamalan ko pa siyang nagva-vandalize at magnanakaw sa cafferene.

 

"Iba naman kasi yun! Kainis to." sumimangot ako pero natatawa pa din ako.
"Wag kang magpa-cute, Hyun. Hindi ka cute."

 

"Leche! Umalis ka na nga kung manga-asar ka lang! At natu-tuto ka nang mang asar ah!"
"S-sige alis na ako? Magpahinga ka dyan ah?"

 

"H-hindi! Joke lang! Ito naman!"
"Okay.."

 

 

Humiga na ako saka pinahiga ko din siya para makahiga ako sa kanya.

 

Ini-unan ko yung braso niya saka yumakap sakanya. Bakit ganun? Kahit anong awkward ko kay Seulgi hindi ko maiwasan yung pagiging clingy ko sakanya? At hindi na din siya naiilang? I guess nasanay na din siya?


 

Hinaplos haplos naman niya yung buhok ko.

"Matulog ka muna, dito lang ako."


 

 

'dito lang ako..'

 

'dito lang ako..'


'dito lang ako..'

 

 

Crap! My hearts beating so fast! Ano bang ginagawa mo sakin, Kang Seulgi?!

 

 

Breathe JOOHYUN!

 

 

 

Napahinga naman ako ng malalim,


"Okay ka lang, Hyun?" tanong niya sakin dahil agad siyang lumingon sakin. 
"I-Im fine."

 

"Sige na tulog ka muna.."


 

 

Tumango na lang ako bilang sagot saka ako pumikit.


 

Nang magising ako ay nakita ko naman siyang tulog.


Cute. Humihilik pero mahina lang. Para siyang naghi-hibernate na bear. 

 

 

 

Muka siyang pagod. Hindi na naman siguro to nakaka-tulog ng maayos. Hays. Yung eyebags niya lumalaki na naman. Busy daw kasi sila sa office nila tapos pumapasok pa to sa cafferene kahit sabi ko okay lang na wag muna. Wala, pasaway talaga to.

Okay lang din naman basta nagagawa niyang busy yung sarili niya at wala siyang nagagawang kung ano sa sarili niya at hindi siya nagiisip ng kung ano.

 

 

 

 

"Kung nakaka-tunaw lang yang pagtitig mo sakin, kanina pa ako tunaw.."
"W-what?-- OHMYGOD! Oh god! Ddeulgi!"

 

 

Natulak ko lang naman siya sa kama, kaya ayun nalaglag.

"Are you okay, Ddeulgi?"


 

"Oww.. nagising ako dun ah."

 

Agad akong tumakbo papunta sakanya, "okay ka lang? Sorry, Ddeulgi! Sorry! Ikaw naman kasi eh! Nagulat ako!" tinulungan ko na siya tumayo.


 

Natatawa na siya. "Sorry din nagulat kita. Titig na titig ka kasi eh." umupo siya sa kama.

"Sorry na eh kasi.. Im kinda worried." umupo na din ako sa kama.
"Worried? Saan? Sakin?" 

 

Tumango ako. "Bakit naman?"

"Hindi ka na naman yata nakaka-tulog ng maayos. Nagiisip ka na naman ba?" napalingon siya sakin.
"Hmm.. wala lang yun. Siguro kasi madami din kaming ginagawa sa office. Tapos may client pa kaming mga bago kaya siguro.." 

Eyes never lie. Mukang may hindi siya sinasabi sakin. Pero okay lang, pag ready naman siya sinasabi naman niya sakin.


"Sure?"


Tumango siya, saka ngumiti ng tipid.

 

 

 


SEULGI's POV
Nang makauwi ako galing sa bahay nila Joohyun ay tinapos ko na muna yung mga drawing na para sa bagong kliyente sa team namin. 

Ilang oras matapos ko mga yun ay naramdaman kong kumulo yung tyan ko, kaya nagluto na muna ako ng hapunan ko. 

 


Time check: 11pm.

 


11 na pala ng gabi kaya naman pala nagugutom na ko.

*ting!*

*2 new messages from Jisoo*

 


Binuksan ko yung message ni Jisoo habang kumakain ako.

"Seul!"
"Boss Seul, tuloy ba tayo bukas para kausapin si Ms. Jennie Kim?"

 

 

Matapos akong kumain ay saka ko tinawagan na lang si Jisoo.

"Boss.."
"Seulgi nga. Anyway, oo tuloy tayo bukas sa office na tayo magkita ihahatid na lang kita kay Jennie para makausap mo na din."


"Sure, Seul. Sige, kitakits bukas! Goodnight!"
"Sige, Ji. Goodnight!"

 

"Matulog ka na dyan, bukas mo na tapusin yang ginagawa mo. Masama magpuyat wala naman tayong hinahabol na deadline.." sabi ni Jisoo. Isa din kasi to sa grabe mag-alala eh. Ever since na naging close ko siya, ganyan na siya mag-alala.
"Oo na po.."
 

 

"Good. Bye, Seul!"

 

 

 

Halos maga-ala una na ng humiga ako pero hindi pa din ako makatulog sa kakaisip. Hindi ko alam pero kung ano ano na naman pumapasok sa utak ko na mga what ifs.

 

 

Katulad ng mga.. 

What if hindi pala para talaga sakin tong field na work ko na to, na hindi pala dito yung future ko.. Na what if, sa umpisa lang ako masaya o masaya ba talaga ako dito sa mga ginagawa ko? What if panandalian lang pala tong saya na nararamdaman ko ngayon. Alam ko naman na hindi pa ako ganun kasaya at okay ngayon pero tina-try ko naman yung kaya ko.


 

Dagdag pa yung iniisip kong kung ano about kay Joohyun. I know, weird. Pero naguguluhan din ako kasi ako sa mga actions niya lately. Nasa-sanay naman na ako sa pagiging touchy o clingy niya pero parang iba na nararamdaman ko sa mga actions niya.


 

Naiisip ko din nung day na gumaling ako, pumunta siya dito sa apartment ko para dalhan lang ako ng pagkain at nadapa pa siya dahilan para magkagalos siya sa tuhod, kamay at siko niya. Ganun ba siya maga-alala sakin? Iniisip ko na tuloy kung may gusto ba siya sakin or what. Hindi ko din naman alam dahil hindi naman ako siya at hindi ko naman din malalaman yun dahil hindi ko pa din nararamdaman yung ganun at hindi pa ako pumasok sa isang relationship.


 

 

Ayoko na isipin pa, bahala na.


 

Uminom ako ng sleeping pills ko na prescribed naman ng doktor ko dahil nga binabaan niya yung dosage nung anti-depressant ko. Saka ako pumikit.


 

 

 

 

 

KINABUKASAN...


Halos ma-late ako ng pasok ko dahi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
gayrightswrites
Hey there, Luvies! Yep, oo, double update at bukas maguupdate ulit ako. Sorry ngayon lang ulit dahil busy HAHA. Stream their MV, Kwek Kwek Nation! LETS GO! ♥ Anw, Stay safe and stay hydrated, fam! lablab! Keep Streaming MONSTER MV and their Album. Vote them sa Music Shows! ♥

Comments

You must be logged in to comment
mafiaLeus
#1
Chapter 22: oofs.. ang sakit nmn
JenLisaSeulRene #2
Chapter 22: *sings paskong wala ka by donnalyn bartolome* paskong pasko ang sheket ng ganap otor a pero sana may pov rin si ate mo seulgi

Merry Xmas otornimm! :)
JenLisaSeulRene #3
Chapter 22: ay teka lang baks! Anong kaganapan ang nangyare?? oh no :(
kookier00
#4
Chapter 21: sabi na ey angst na mga nexx chaps nito for sure! thnxx sa ud author ❤️
seungwannabae #5
Chapter 21: Yes naman! Thanks sa ud authorrrrr
seulsabs
#6
Chapter 21: Yung update!!! :( Baket naman ganon ang lungkot na nakakatuwa at the same time? I hope hindi sila maging awkward sa next ud and mapakita yung ganap after nitong scene. Pero thank you ulet authornimm! Na miss ka namin hiihiii
seulsabs
#7
Chapter 21: OHEM! May update! Thank you authornim ^_^
Wintojiman
#8
MAY UPDATE HUHUHUHUHU AMISHU OTORR
KZeljera26_ #9
Chapter 20: Huhuhuhu otor update na plsssss
taetaeny69 #10
Chapter 20: Kasi naman seul eh kala mo jowa ni jisoo hahahahaha isa pa tong si madam irin eh jowa ka rin ba ni seul? charot! hahaha thanks sa update author!