CHAPTER 1 - Raketera ng Taon

FIX YOU
Please Subscribe to read the full chapter

Maagang ginising si Seulgi ng kanyang ina para sa kanilang agahan at para maka-luwas na ito ng maaga sa Maynila. 

 

"Seulgi! Anak, gumising ka na't mag-agahan ka na! Ihahatid ka daw ng papa mo sa sakayan."

 

 


Bumangon at naligo na si Seulgi sa kanilang banyo, at saka dumerecho ng hapag nila. 


"Sabayan niyo na ako kumain, ma.. nasaan ba si papa?" tanong ni Seulgi sa Nanay niya habang ipinagtitimpla ito ng kape.
"Naku, ayun pinapainit ang sasakyan niya. Kahapon pa iyon nag-aayos non, iyang tatay mo talaga bibili na lang eh sira pa."

 


Natawa na lang at napailing si Seulgi, 

"Si Papa talaga. Eh teka saan nga galing yun, ma?" tanong nito habang kumakain, 
"Kay Pareng Elmer yung sasakyan na yun, eh kailangan ng pampagamot ng anak niya at ayun ibinenta sa tatay mo ng mura yung sasakyan niya na yun."

 

 

 

 


"Oh, Nak, Nakaayos ka na pala dyan. Halika na't ihahatid na kita sa sakayan, mag-papalit lang ako ng damit." putol ng tatay ni Seulgi sa usapan nilang mag-ina. 

Tumawa na lang sila ng kanyang nanay.

 

 


"Siya nga pala, Seulgi. Bakit ka nga pala umuwi dito at wala kang dalang motor o gamit mo? Okay ka lang ba talaga, anak?"

 


"Opo, wala lang po, Ma. Nami-miss ko lang kayo dito.."
"Naku, itong unica-ija ko talaga ohh.. nagpapalambing lang... teka bago pala kayo umalis ng tatay mo..." sabi nito habang naglalakad papunta sa may ref nila.

"eto, dalhin mo itong mga gulay na yan at itong patatas na ginawa ko.." 

 

 

 


Pina-dalhan niya ng mga gulay at prutas galing sa maliit na hardin nila at  bukidan ang kanyang anak. At ang paborito nitong potato salad.

 

 

"Sige ma, alis na po ako. May pasok pa po ako bukas sa bagong raket ko eh.." 

 

 


"Okay, sige. Magiingat ka lagi doon."

 

 

 

Yakap niya sa ina bago ito umalis ng kanilang bahay sa Pangasinan.

 

 

 

 

 

 

 


Bago ito sumakay ng bus ay kinausap at inabot ni Seulgi ang perang naipon niya para ibigay sa kanyang ama. 

 

 

 


"Pa, ito po kuhain niyo na muna. Alam niyo naman si Mama ayaw kuhain yung binibigay ko. Magpapadala na lang po ulit ako sa inyo kapag may sahod na ulit ako sa mga raket ko sa Maynila..."

"Hay nako, anak hindi mo naman kami kailangan lagi bigyan, ikaw mag-ipon ka doon sa Maynila para kapag may gusto ka na bibilihin mo eh mabibili mo. At saka yung motor mo lagi mo pinapaayos bumili ka nalang ng bago.."

 

 


"Okay lang ako, Pa. Nagana pa naman yun-- Pa..."

 

 

Ibinalik ng tatay niya ang pera na kanyang inabot at saka dinagdagan iyon.

 

 

 


"Sige na, anak. Kuhain mo na. Wag ka na lang maingay sa nanay mo. Galing yan sa mga raket ng papa."

Napailing na lang ito, "Manang mana ka talaga sakin, Pa! Este, ako pala ang mana sayo dahil ang tatay ko eh isang raketero din.."

 


Nag-fist bump naman sila saka yumakap sa ama niya. 

 

 

 

"Papa, talaga ohh. Thank you dito, Pa ah! Next sahod ko na lang po ibabalik sa inyo to.. Mauna na po ako. Ingat po kayo pabalik.."


"You're welcome, nak. Nako, wag na muna, regalo ko na lang yan sayo.. Sige na sumakay ka na't paalis na ang bus.. Magingat ka!"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Ilang oras ang nakalipas ng makabalik ng Maynila si Seulgi. Tumuloy na ito ng kanyang apartment, naligo lang at dumaan sa isang show room ng mga motor upang magrehistro ng bagong motor. Saka dumerecho patungo sa kanyang part time job sa isang bar sa may Ermita bilang bartender/barista. 

 

 

 


 

 

6:30 PM

 

 

7PM ang kanyang time in sa trabaho at 12AM ang kanyang out at may 1AM to 3AM pa siyang trabaho sa malapit na convenience store sa kanyang apartment. Pag sapit naman ng 10AM ay pasok niya na isang Cafe. Lahat ng trabaho nito ay Part-time lamang. Walang stable na trabaho itong si Seulgi. 

 

 


Dahil hindi naman ito nakatapos ng kolehiyo, hanggang 3rd year college lang ito sa kursong Fine Arts at kumuha ng certificate bilang barista. 

 

 


Hilig nitong mag drawing at mag-pinta, kaya naman kapag may raket kukuhain niya talaga iyon.

 

 

 

 

 

 

"Excuse me, can I have one glass of margarita please?" sabi ng isang babae n

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
gayrightswrites
Hey there, Luvies! Yep, oo, double update at bukas maguupdate ulit ako. Sorry ngayon lang ulit dahil busy HAHA. Stream their MV, Kwek Kwek Nation! LETS GO! ♥ Anw, Stay safe and stay hydrated, fam! lablab! Keep Streaming MONSTER MV and their Album. Vote them sa Music Shows! ♥

Comments

You must be logged in to comment
mafiaLeus
#1
Chapter 22: oofs.. ang sakit nmn
JenLisaSeulRene #2
Chapter 22: *sings paskong wala ka by donnalyn bartolome* paskong pasko ang sheket ng ganap otor a pero sana may pov rin si ate mo seulgi

Merry Xmas otornimm! :)
JenLisaSeulRene #3
Chapter 22: ay teka lang baks! Anong kaganapan ang nangyare?? oh no :(
kookier00
#4
Chapter 21: sabi na ey angst na mga nexx chaps nito for sure! thnxx sa ud author ❤️
seungwannabae #5
Chapter 21: Yes naman! Thanks sa ud authorrrrr
seulsabs
#6
Chapter 21: Yung update!!! :( Baket naman ganon ang lungkot na nakakatuwa at the same time? I hope hindi sila maging awkward sa next ud and mapakita yung ganap after nitong scene. Pero thank you ulet authornimm! Na miss ka namin hiihiii
seulsabs
#7
Chapter 21: OHEM! May update! Thank you authornim ^_^
Wintojiman
#8
MAY UPDATE HUHUHUHUHU AMISHU OTORR
KZeljera26_ #9
Chapter 20: Huhuhuhu otor update na plsssss
taetaeny69 #10
Chapter 20: Kasi naman seul eh kala mo jowa ni jisoo hahahahaha isa pa tong si madam irin eh jowa ka rin ba ni seul? charot! hahaha thanks sa update author!