CHAPTER 18 - Confused!

FIX YOU
Please Subscribe to read the full chapter

IRENE's POV

*SHORT FLASHBACK*

Nagising ako ng tumama ang araw sa muka ko at nang may mga naririnig akong bumubulong.

Nag-mulat ako ng mata at nakita ko sila Seungwan, Mina at Krystal sa harapan ko. Teka, nasaan si Seulgi? Umuwi ba kagabi yun?


"Good morning, baechu..." pabulong na sabi ni Mina, pero hyper pa din.
"Good morning? Teka, bakit ka ba bumubulong?"

 

 

Nakita ko namang ngumuso si Seungwan sa tabi ko. Agad akong tumingin sa tabi ko at nakita ko si Seulgi na tulog na tulog.

 


"May pahawak pa kayo, unnie ah.." pabulong na panga-asar ni Krystal.

 


Hawak? Huh?

 

 

"Sus, di mo alam. Look.." sabi naman ni Seungwan saka ngumuso ulit.

 

Nakita kong hawak ni Seulgi yung kamay ko at nakahawak din naman ako sakanya.

 

Oh, damn.

 

 

"Na-ngangamatis na naman po ang repolyo!" panga-asar ni Mina. Binato ko nga ito ng unan at saka tinanggal ang kamay ko sa kamay ni Seulgi, dahilan ng pagkagising niya.

 


"Ayan! Ang iingay niyo nagising tuloy si Seulgi!"

"Good morning, cutiepie!" bati ni Mina kay Seulgi na nagaadjust pa sa liwanag.

 

Ngumiti naman ito, "Good morning din sayo, Mina.. Oh, gising na pala kayo lahat."

 

"Yea, nagising kasi kami kay Tita na nagbigay ng breakfast para satin eh." sabi ni Seungwan.
"Ay, ganun ba? Pasensiya na ganun talaga yun si Mama eh.."


"Wala yun, thank you ulit pasabi kay Tita.." 

 

"Meron na tayong breakfast, so tara na baba na tayo, gutom na ako eh.. tatawagin lang sana namin kayo kaso may nakita kaming ka-kilig-kilig eh."

"Huh?"

 


"Ah! Tara na gutom na din--"

 

"May paholding hands while sleeping lang naman daw kayo ni Joohyun, cutiepie! Tell us your real score ahuh?"

"Teka? Huh?"

 


"Gutom na ako, tara na, Mina sa baba!" Paguulit ko.

 

 

 

 

Matapos namin kumain ay nagligpit na kami. Nagpresinta naman si Seulgi na siya na ang maghuhugas, nilapitan ko naman siya para tulungan at punasan ko yung mga ginamit namin na plato at spoon and forks.

 


"Ah yung about pala sa-" 


"Pang-aasar lang nila yun, Ddeulgi, wag mo sila pansinin, alam mo naman mga yun baliw eh.." natatawa kong sabi. 

"Okay, pero kasi ang alam ko kagabi ako yung humawak talaga sayo. Pasensiya na. Nagising kasi ako ng inaatake na naman ko, hindi naman kita magawang gisingin kaya hinawakan na lang kita.. tapos hindi ko namalayan nakatulog na din pala ulit ako. Sorry pala doon.."

 

 


SPELL SHOOKT.

 

 

 

BAE JOOHYUN.

 

 

 


Muntik ko pang mabitawan yung plato, Kang Seulgi! Ano ba yang bibig mo, walang preno! Yung puso ko!

 


"A-ah, ganun ba? Okay lang yun, ano ka ba. Next time, yung bracelet mo tignan mo kapag wala ako ah?"

Tumango naman siya, "Salamat, Joohyun.."

 


"Always welcome.."

 


"Ah, siya nga pala Joohyun. May lakad ako kasama sila Mama ngayon, may gagawin ba tayo ngayon dito sa cafe?" tanong niya.
"Hmm.. wala naman, okay lang ano ka ba. Go, off niyo naman at hindi naman magbubukas ngayon yung cafe bukas or day after tomorrow pa siguro tayo magbubukas."

 

"Sige, sige. Salamat. Ipapasyal ko lang sana sila mama dito sa manila."


"Sure, go. Gamitin mo na lang din yung kotse ko. Hindi naman kami aalis siguro ngayon, saka nandyan naman kotse ni Seungwan saka ni Mina.."

 

 


*END OF FLASHBACK*

 

 

 

 

 

 

 

 

 


Nagulat ako ng may bumusina sa harap ko. Nasa labas na kasi ako ng Cafferene at pa-gabi na din naman iniwan ko na sila sa closing.

 


4PM.

 


"Tara?" sabi ni Seulgi na nasa motor pa din niya.

 

Tumango ako, sabay binigyan niya ako ng helmet.

 

 


Ngayon lang kasi bumalik to dahil sa kanila sa pangasinan ito nag New Year's day kasama yung parents niya. dalawang linggo matapos ang new year heto nandito na nga siya ulit. 

 

Sinabihan niya kasi ako na roadtrip daw kami pag uwi niya. Kaya heto..

 

 

"Saan pala tayo, Ddeulgi?"


"Secret! Basta.." sagot niya naman sakin habang nasa byahe kami.


"Secret secret pa to! Dapat bawi yan ah! Wala kang pasalubong sakin eh."

 

 

"Sabi mo kasi wag na eh. Pero don't worry, bawi to, Hyun."
"Sus, oo na nga lang." sagot ko naman. Ngayon naman nasanay naman tong si Seulgi sa Hyun na lang. Dahil daw mahaba masyado para sakanya nung Joohyun.

 

 

Magpphone ako ng tawagin ako ni Seulgi.

 

"Mamaya ka na mag-phone, Hyun. Kumapit ka sakin. Delikado yang ginagawa mo eh."
"Oo na po, eto na.. mappicture lang sana ako eh."

 


"Mamaya kapag nakahinto tayo. Hindi yung naandar."

"Yes, boss seulgi!" natatawa kong sabi.

 

 


'Boss Seulgi' kasi yung narinig kong nung one time na nagpasundo ako kay Seulgi tapos may dinaanan siya sa office nila. Yun yung tawag sakanya nung ibang workmates niya sa team niya. Ang cute lang.

 

 

 


Halos magi-isang oras yung byahe namin ng makarating na kami kung saan man to dito sa Antipolo.

 

 

Papasok kami ng may naglead samin sa table.


"Welcome to Yellow Lantern Cafe, here's our menu.." bati ng isang babae.


"Thank you.." sagot ko naman. 

 

Ano ba naman to? Bakit parang feeling ko nasa date kami netong si Seulgi?!

 


"Date naman talaga. Bawal ba idate yung bestfriend ko?"

 

 

Pisti, ganun ba kalakas?

 

 

"Ay, nasabi ko ba yun?" tumango lang si Seulgi.

 


Aww. Best - friend, mamsh!

 


"A-ah nako! Pwedeng pwede wala naman akong ibang kadate kung hindi ikaw! *laughs awkwardly*"

 

Inikot ko yung paningin ko dito sa cafe restaurant na to. Jusko to si Seulgi, ang dami namang restaurant sa manila dito pa gusto?

Matapos kaming umorder ng Baby Back Ribs steak with java rice at Pizza at drinks ay dumating na agad ito after 20 mins.

 


"Oh bawi na ba ako, Hyun?" nakangiting sabi niya. "Kain na tayo! Gutom na din ako eh." dugtong niya.

 


"Oo na bawi na. Mukang masarap eh! At mukang pinaghirapan mong i-search to." natawa na lang kami at nagsimula ng kumain.

 

 


Hanggang sa matapos kami kumain ay nagk-kwentuhan pa din kami ng mga ganap habang wala siya. Sa nangyari sakanya, saka samin sa Cafferene. Ikinuwento niya na tumulong siya mag-ani ulit kasama Papa niya. Tinuruan na din daw siya ng Mama niya mamalengke. Natatawa nga ako kasi sinabi niya pa yung details nung namimili daw sila, lagi daw siya nakaka receive ng hampas sa mama niya kasi mali mali nadadampot niya.

 

 

Then, nagkwento naman ako na, ako bored lang sa bahay at sa Cafferene ganun. Si Seungwan busy pa din as usual sa mga business, si Mina ayun mukang nagkakamabutihan sila ni Chaeyoung yung barista namin. Si Krystal naman naka-move on na kay Amber at idina-date daw si Byul yung barista sa Box Bar na pinagttrabahuhan ni Seulgi dati.

 

 


Hindi na masyado nagulat si Seulgi, kasi daw alam na niyang type ni Byul si Krys kaya hindi malabong mag-date yung dalawa dahil lagi din nandun sa bar si Krystal.

 

 

Dumaan lang yung bagong taon ang dami ng nagbago, may mga lovelife pa sila.

 

 

 


Ampalaya ka, girl?

 

 


CHE!

 

 


"Okay, next stop na tayo? Tapos na ba tayo magpictorial?" natatawang tanong ni Seulgi sakin. After namin kasi kumain tumayo na kami at nag pababa ng kinain saka nagpicture sa may overlooking at mga pang ig-worthy dito sa cafe.

 


"Kainis to. Nagppicture lang ayaw mo na ako picturan eh. Sige na, tara na nga!"
"Ang dami ko ng picture sayo. Mamaya magppicture ka pa ulit niyan oh" panga-asar niya.
"Che, tara na!"

 

 


Nakarating na kami sa isang coffeeshop din na may overlooking din. Pero mas kita dito. Ang ganda!

 

 


"Hala! Ang ganda dito! OMG. City lights! Wait!" CLICK! CLICK! 

 

"Upo na muna tayo. Dun tayo sa may labas." nagcling na ako kay Seulgi saka kami dumerecho sa may likod nung cafe. 

 


Nagkape lang kami saka umuwi na din. Dahil mag-10 na din at isang oras na naman bbyahihin namin. At nabanggit ko kasi na manood kami ng movie at makiki-sleepover ako.

 

 


"Kapi

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
gayrightswrites
Hey there, Luvies! Yep, oo, double update at bukas maguupdate ulit ako. Sorry ngayon lang ulit dahil busy HAHA. Stream their MV, Kwek Kwek Nation! LETS GO! ♥ Anw, Stay safe and stay hydrated, fam! lablab! Keep Streaming MONSTER MV and their Album. Vote them sa Music Shows! ♥

Comments

You must be logged in to comment
mafiaLeus
#1
Chapter 22: oofs.. ang sakit nmn
JenLisaSeulRene #2
Chapter 22: *sings paskong wala ka by donnalyn bartolome* paskong pasko ang sheket ng ganap otor a pero sana may pov rin si ate mo seulgi

Merry Xmas otornimm! :)
JenLisaSeulRene #3
Chapter 22: ay teka lang baks! Anong kaganapan ang nangyare?? oh no :(
kookier00
#4
Chapter 21: sabi na ey angst na mga nexx chaps nito for sure! thnxx sa ud author ❤️
seungwannabae #5
Chapter 21: Yes naman! Thanks sa ud authorrrrr
seulsabs
#6
Chapter 21: Yung update!!! :( Baket naman ganon ang lungkot na nakakatuwa at the same time? I hope hindi sila maging awkward sa next ud and mapakita yung ganap after nitong scene. Pero thank you ulet authornimm! Na miss ka namin hiihiii
seulsabs
#7
Chapter 21: OHEM! May update! Thank you authornim ^_^
Wintojiman
#8
MAY UPDATE HUHUHUHUHU AMISHU OTORR
KZeljera26_ #9
Chapter 20: Huhuhuhu otor update na plsssss
taetaeny69 #10
Chapter 20: Kasi naman seul eh kala mo jowa ni jisoo hahahahaha isa pa tong si madam irin eh jowa ka rin ba ni seul? charot! hahaha thanks sa update author!