Chapter 2

Right Kind Of Love


/sa bake shop kung san nagpapart time si Tiffany /

Every weekdays pagtapos ng photoshoot dito na talaga ang diretso ko, minsan naman pag wala akong sched, nag fufull time ako dito, medyo matagal na din naman akong nagwowork dito kaya okay lang sa boss ko, basta kailangan ko lang ipaalam ng mas maaga everytime na may sched ako.

"kelangan mo pa ba talaga mag work ng gabi? Diba dalawa lang naman kayo ng kapatid mo sa bahay?" 
tanong sakin ng kaibigan kong si hyorin.Mtagal na syang nagtatrabaho dito sa shop,naging magkaibigan kami simula nung dto na din ako nag trabaho.

"hayy.. Kung alam mo lang, kahit dalawa lang kami ni seohyun sa bahay kulang na kulang pa din kinikita ko sa pag fi-freelance ko noh. Bayad tubig,ilaw,
, tuition ni seohyun .. Ewan ko ba, pakiramdam ko kht magdagdag pako ng trabaho kulang pa din kikitain ko..pero okay lang. Masaya naman kami kahit dalawa lang kami" /sabay ngiti/

"sigurado ka ba?"

Unti-unting nawala ung ngiti ko.

Sigurado nga ba ako? Sgurado nga ba ako na masaya kami? Na masaya ako? O pinipilit ko lang maging masaya at matatag para sa kapatid ko?

(A/N: tiffany and seohyun were already orphans. Their parents died due to a car accident when their family was on their way to Busan for a vacation two days bfore the christmas eve. )

"hay.. Halata namang nahihirapan kana eh. Dun nalang kaya kayo sa apartment ko?"

"Okay lang .. Para din naman samin tong ginagawa ko eh. Saka ano ka ba, pano nalang pag naisip mo ng mag asawa tapos andun kami sa apartment mo noh. /giggles/

"grabi ka! Wala pa sa isip ko yan noh! Hahaha"

Habang nagtatawanan kami ni hyorin, may customers na pumasok at dumiretso sa counter.

mukhang estudyante ung dalawa at ung isa naman ay ... Ay ... ay ewan. Balot na balot sya, hindi pa naman winter pero parang lamig na lamig si ate, naka shades, cap,scarf, face mask, tapos ang kapal ng damit nya.

"ahm, #*&!?&&@#*+€$¥!?##*"

Ha?? Hindi ko naintindihan yung sinabi nya, masyadong mahina gawa siguro nung face mask na suot nya.

"ano daw?" pabulong na tanong sakin ni hyorin.

"uhm ma'am ano po ulit yun?" tanong ko naman sa customer

Habang hinihintay kong sumagot sya,napansin kong titig na titig naman sa kanya yung dalawang estudyante na kasunod nya sa pila na para bang kilala nila ito.

"&&&¢€¥*+&&!?&!?#*" 
Sabi ulit ng customer na yun. Obviously,wala ulit akong naintindihan sa sinabi nya. Aigoo! Kulang nalang nguyain nya ung mga salita nya at sabay lunukin eh.

"ah, eh, ma'm, pwede nyo po bang tanggalin yung face mask nyo? Ahe, hindi po kasi namin maintindihan yung sinasabi nyo. "

Nung una parang ayaw pa nya, pero dahan dahan nyang hinubad yung face mask nya pati na din ung shades nya.

"Tinatanong ko kung Available na ba yung Red Velvet nyo, last time kasi wala."

Aba! Parang sya pa tong galit ah? Eh kasalanan nya din naman kung bakit hindi namin sya maintindihan. Psh!

Sasagutin ko na sana yung tanong nya ng biglang ...

"O-oh my god! Oh my god! K-Kim taeyeon!? Aaaaaahhkk!!"

Biglang sumigaw yung isang estudyante na kasunod sa pila at dali dali namang sinuot ulit ng babae yung shades at mask nya.

Nagtinginan sa babaeng iyon lahat ng tao na nasa shop, lahat sila mukhang manghang-mangha sakanya. Nagkagulo ang mga customers sa shop,lahat gusto syang lapitan.

"kim ... Taeyeon?" tanung ko sa isip ko. Parang familiar yung name nya. Nakita ko na ba sya? Artista? Pinagkakaguluhan eh. Well, uhm .. Maganda naman sya, so baka artista nga. Kaya siguro balot na balot sya, para hindi makilala.

"ay eto na po yung Red Velvet nyo Ms. Taeyeon." /excited na inabot ni Hyorin habang obvious na amazed na amazed titigan si Taeyeon./

"thank you." /sabay kuha"

Aba, mukhang ako lang ang di nakakakilala sa taong to ah. Pati si hyorin parang ngayon lang nakakita ng tao kung makatitig sa kanya eh.

"pa autograph naman!"

"pwedeng papicture?"

"ang ganda ganda nya pala talaga sa personal"

"oo nga, ang kinis pa."

"magaling pa kumanta at umarte. Hay sana gaya nya din ako"

Pft. Puro compliments ang naririnig ko ah.

Yun nga lang ....

Pano sya makakaalis nyan sa shop eh pinagkakaguluhan sya?

"yaahh!!!"

Biglang may isang lalaki na sumigaw at pumasok sa shop, agad syang tumakbo palapit dun sa artistang customer, hinubad nya yung coat nya at saka tinakip sa ulo ng babae.

"yahh! Ikaw talaga! Sabi ko wag kang lalabas ng wala kang kasama diba? Aiish! Tumataas blood sugar ko sayo!"

Agad nyang hinila yung babae palabas ng shop,nagsunuran naman yung ilang customers sakanila hanggang makapaso sila kotse at makaalis.

"teka ms. Taeyeon di pa kayo nagbabayad!!" pahabol na sigaw naman ni hyorin.

"ha? Hindi sya nagbayad?"

"oo,eh nawala naman sa isip ko. Patay .."

Maya-maya pa, biglang sumulpot boss namin mula sa kung saan.

"SINO!? SINONG DI NAGBAYAD??"

Bigla kaming napayuko ni hyorin at nagtakip ng tenga para maiwasang di marinig ang sermon nya.

"SINONG HINDI NAGBAYAD?"

"uhm,eh, ung .. Ung customer po sir." sagot ni hyorin

"Panung hindi nagbayad? Hindi ba kayo marunong maningil? O hindi nyo binantayan ng mabuti kaya natakbuhan kayo!?"

Nako,yan na nga,umuusok na naman ang ilong nya.

"nagkakagulo po ksi kanina dahil dun sa custmer sir, kaya, hindi po namin nasingil agad"
Sagot ko naman habang nakatakip pa din ang kamay ko sa dalawang tenga ko.

"nagkagulo? Bakit?"

"si Kim Taeyeon po kasi yung customer sir." sagot din ni hyorin

"Si kim Taeyeon Lang naman pal--- Teka, sino ulit?"

"kim taeyeon po. K I M T A E Y E ON sir."

"SI KIM TAEYEON? NASA SHOP KO SI KIM TAEYEON!?!" gulat na gulat na tanong ng boss namin

"opo,sya po ung hindi nagbayad kanina."

"BAKIT HINDI NYO SINABING MAY SIKAT NA ARTISTA PALA SA SHOP KO KANINA!?" Nanghihinayang na sigaw nya

"eh kasi po sir..."

"well anyway, once na pumunta sya ulit singilin nyo. Hindi pwede yang ganyan. Business is Business,sabihin nyo yan sakanya. Arasseo!?"
/walks away/

Aba,mukhang di naman pala tumalab kay boss ung taeyeon na un ah. Kala ko palalampasin nya nalang ung nangyari, kanina halatang nanghihinayang sya na di nya nakita eh,pero mukhang hndi naman pala. Mali ang ako

Itutuloy na sana ulit namin ni hyorin sa trabaho namin ng biglang bumalik si boss

"may.. nakalimutan po kau sir?" tanung ko

"uhm m-may nakalimutan lang ako sabihin"

"ano po yun??" sabay naming tanong ni hyorin

"ano .. W-wag nyo ko kalimutan iinform pag bumalik si kim taeyeon. Okay? Yun lang, sige bye galingan nyo dyan" /suddenly walks away/

/Tiffany and hyorin be like ---> 
-__________-" /

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shajanie
#1
Chapter 22: Sana maka update ka na soon author-shi...