Chapter 20

Right Kind Of Love

[NICHKHUN POV]

Habang nag reready ako para sa isang interview, napansin kong nagva-vibrate ang phone ko and I saw an incoming call from Taeyeon.

 

 

 

I'ts kinda weird, dahil hindi ako sanay ng tumatawag sya, at ng ganon kaaga kaya naramdaman ko agad na baka may kailangan sya.
 

 

 

"oh, taeyeonah... "

Pagbati ko pagkasagot ko ng kanyang tawag.

 

"Do me a favor."

Agad namang sambit nya.

 

 

 

Sa tono ng pananalita nya ay alam ko na agad na may problema.

"Sure. Ano yun?"
 

"Pwede mo bang puntahan si Tiffany? Nasa nami Island sya ngayon."

 

Nami??

 

Bago ko pa man tanungin si Taeyeon kung bakit andon si Tiffany, bigla namang pumasok sa kwarto ko si Taecyeon at agad na lumapit sakin na para bang may masamang balitang dala.
 

Hinold ko ang call para sandaling kausapin si Taecyeon.
 

Nagmamadaling kinuha ni Taecyeon ang phone nya sa kanyang bulsa at saka ibinigay ito saakin.

 

 

 

"Yah, tingin ko dapat mo yang makita."

 

 

 

I saw an article about an artist being in a lesbian relationship.

 

Binasa ko hanggang sa may makita akong mga pictures.
 

 

 

Nung una ay hindi ko makilala kung sino ba ang nasa mga pictures na 'yon, blurred kasi ang kuha.
 

 

 

As I swipe it down ay medyo malinaw na ang mga sumunod na nakita kong pictures. 
 

 

 

 

Pamilyar ang restaurant kung saan kuha ang mga naunang litrato,  ang sa mga sumunod naman ay parang sa isang palengke.
 

 

 

 

I saw a girl surrounded by people and she seemed trying to hide her face.

 

 

 

I continued swiping it down at sa mga sumunod pang pictures ay malinaw kong nakita ang mukha ng babaeng iyon at ikinagulat ko ng makilala ko ito.

 

 

"Si Taeyeon to diba??"

Tanong ko kay Taecyeon as I looked at him.
 

 

 

 

"tingnan mo pa yung ibang pictures."

Sagot nya.

 

 

 

I swiped it down again, and this time mas nagulat ako sa mga sumunod na litrato na nakita ko.


 

I saw Tiffany.
 

 

 

"Si tiffany yan diba?? Di ako pwede magkamali. Si taeyeon at tiffany yan. Diba???"

Tanong sakin ni taecyeon.
 

 

 

Patuloy kong tiningnan ang mga sumunod pang litrato sa article na yon.

 

 

 

They were holding each other's hands as they walk away from those people while trying to hide Taeyeon's face.



 

I saw Kim Taeyeon while bravely holding Tiffany's hand as they leave from a restaurant. Ito yung araw na una kaming nagkausap ulit ni Tiffany.

 

Doon ay malinaw na sa isip ko ang mga nakikita ko sa pictures.

 

In-unhold ko ang call at saka nagmadaling mag ayos ng gamit.
 

 

 

 

"Text me the exact address kung nasaan sya ngayon."

Pag utos ko sabay end ng call.
 

 

 

"Hyung, cancel the interview and my other appointments, I need to go somewhere."

 

"What?? Pero last minute na para sa interview, nagbibiro ka ba?"

 

"Ipareschedule mo nalang." /leaves as he shuts the door/

 

"Yahh!!! Ako ang mananagot sa ginagawa mo eh! Yahh!!!!"



 

 

 

 

 

[FAST FORWARD]

Taeyeon texted me the exact location kasabay ng isang mensahe na gusto nyang iparating ko kay Tiffany.

 

 

 

 

"tell her that I will never be able to get back for her .. Tell her I'm sorry. This is the least that I could do."
 

 

 

Though I wanted to know everything, I decided not to ask taeyeon about it.
Whatever is happening, alam kong nahihirapan si tiffany, kaya agad akong nagpunta ng Nami Island, kahit na alam kong ayaw nya akong makita.


 

Ng makarating ako sa Nami Island ay agad akong nagpunta sa address na ibinigay ni Taeyeon at sa isang rest house ako napadpad.


 

Tahimik at walang katao-tao sa paligid nito. Pumasok ako pero mukhang wala sya dito, sa isip-isip ko ay baka may pinuntahan lang sya kaya naglakad-lakad ako sa loob habang naghihintay.


 

 

 

 

 

So...  She's been here all alone, waiting for Taeyeon to get back... 


 

 

 

 

Sa puntong 'yon ay may kirot akong naramdaman sa dibdib.

 

 

Without asking her, I already felt her affection for Taeyeon.

 

 

I suddenly remembered the time when I left her.

 

 

 

 

Siguro part na ng karma ko kung ano man 'tong nararamdaman ko ngayon, and I couldn't blame anyone but myself.

 

 

 

"maybe this was the same pain she felt before"

Sabi ko sa sarili ko. 


 

 

 

 

No,





 

 

 

 

She felt worse than this bcos of what I did...

 

 

 

 

 

 

 

Habang naghihintay ako sa sala ay narinig kong bumukas ang pinto.


 

 

 

 

Alam kong sya na yon, inayos ko ang sarili ko at expression ng mukha ko. I have to act normal and pretend as if I know nothing.

 

 

 

"Taeyeonaah!!"

Pangalan na sigaw nya mula sa likuran ko.


 

 

 

 

Muli ay nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko ng marinig ko kung paano nyang sinigaw ang pangalan ni Taeyeon sa pag aakala  na bumalik na ito.
 

 

 

 

Ganun pa man ay pinilit kong ngumiti at harapin sya.


 

 

 

 

 

 

[NARRATOR]

Nagmamadaling pumasok  ng rest house si tiffany sa pag aakalang nakabalik na si Taeyeon ngunit laking gulat nya ng makitang si Nichkhun ang naghihintay sakanya sa sala.

 

"neo...  Wae yeogi-iseo?" (why are you here?)

Tanong ni tiffany.

 

Nakangiting humarap sakaniya si nichkhun sa kabila ng katotohanan na alam nitong hindi ikinatuwa ni Tiffany ang kaniyang pagdating.

 

"Ang ganda nitong rest house. Ah, may roof top sa taas diba? Mas maganda siguro ang view dun."

Nakangiting sambit ni nichkhun at saka pumanik at nagpunta sa roof top.

 

Bagamat disappointed at hindi natuwa sa pagdating ni Nichkhun ay ipinagtimpla nya ito ng kape at saka nagpunta ng roof top para ibigay dito.
 

 

Doon ay naabutan nyang nakatingin sa malayo si Nichkhun at pinagmamasdan ang dagat habang umiihip sa mukha nito ang hangin mula sa karagatan.
 

 

Iniabot nya ang kape at saka humarap din sa dagat habang nakatayo ilang metro mula sa gilid ni Nichkhun.

 

"Ang ganda noh? Ganitong ganito yung buhay na gusto mo sana noon." /napangiti at sabay humigop ng kape./
 

"Ganito pa din naman ang gusto ko hanggang ngayon. But not with you anymore."

Seryosong sagot naman ni Tiffany.

 

"Ubusin mo na yang kape mo at pwede ka mg umalis."

Dagdag nito at saka naglakad paalis ng roof top.




 

"she's not coming back."

Sambit ni Nichkhun bago pa man makaalis si tiffany.

 

"Taeyeon is not coming back for you.. "

Dahil sa narinig ay Napahinto si Tiffany at napaharap kay Nichkhun habang papalapit naman ito sakanya.

 

"mwo?"

Tanong ni Tiffany.


 

Inilapag ni Nichkhun ang hawak na kape at saka hinawakan ang kaliwang kamay ni Tiffany na agad namang pumiglas.

 

 

"hindi na sya babalik. Sumama ka na sakin pabalik ng seoul. Huh?"

Muli nitong sinubukan hawakan ang kamay ni Tiffany ngunit umatras ito bago pa man niya maabot.

 

"Ano bang sinasabi mo? Alam mo umuwi ka na, hindi ako babalik ng Seoul kasama ka."

Pagmamatigas naman ni Tiffany at saka muling naglakad palayo.

 

 

Muling hinawakan Ni Nichkhun ang kamay ni tiffany para pigilan ito, at sa pagkakataong iyon ay nagawa nya itong mahawakan ng mahigpit.
 

 

"Ano ba?!?"

Sigaw ni Tiffany sabay hawi sa kamay ni Nichkhun.

 

 

"Alam mo hindi ko alam pano mo nalamang andito 'ko o kung ano man motibo mo sa pagpunta mo dito, pero uulitin ko ulit, hindi ako babalik ng Seoul kasama ka."

 

"She's not coming back! At sya mismo ang nagpapunta sakin dito para samahan kang umuwi ng Seoul. Can you just please trust my words!?"

 

"Trust your words?? *slightly laughs* No, I Can't.  And I will never trust a word from you anymore. Taeyeon is coming back soon, and I'll wait for her hanggang sa makabalik sya. So please, just leave this place."

 

 

 

Alam ni Nichkhun na mahihirapan syang kumbinsihin si Tiffany kaya wala syang nagawa kundi ipakita ang text message galing kay Taeyeon.

 

"here, read this. *gives his phone* 
 

Bagamat nagdadalawang isip ay kinuha pa din ni Tiffany ang phone at binasa ang message.

 

 

"tell her that I will never be able to get back for her .. Tell her I'm sorry. This is the least that I could do."

 

 

"she wanted me to tell you that and she even gave me the address para puntahan ka. You can check the number para makasigurado ka."

 

Malinaw na nabasa ni tiffany ang mensaheng gustong iparating ng text na iyon ni taeyeon pero hindi pa din nya magawang maniwala dito.

 

"No, you're lying. Ang sabi nya babalik sya, babalikan nya ako dito!!"

Pumatak ang luha sa mga mata ni Tiffany. Nag umpisa syang maguluhan sa nangyayari at hindi nya na alam kung ano ang paniniwalaan niya.

 

Nanatili namang nakatayo sa kaniyang harap si Nichkhun na pinipilit namang iiwas ang tingin sa umiiyak na si Tiffany.

 

"mayroong article na lumabas kailan lang, and it's about Taeyeon having a lesbian relationship. I saw it, and there were pictures na magkasama kayong dalawa."

 

"mworago?"

Gulat na tanong ni Tiffany.

 

"I don't know what exactly is happening but it might be the reason kung bakit hindi ka na nya dito mababalikan. So please, bumalik na muna tayo ng seoul."

 

Muli namang pagkumbinsi sakaniya ni Nichkhun.

 

"Bakit hindi mo sinabi sakin agad?!"

 

Nagmamadaling nagpunta si Tiffany sa kwarto at saka kinuha ang phone para tawagan si Taeyeon ngunit unattended na ang number nito.

 

Nakailang ulit nyang sinubukan itong tawagan pero hindi na ito macontact.

 

"yah, Kim Taeyeon why are you not answering?"

Sambit nito habang patuloy pa din na tinatawagan ang numero.

 

 

Maya-maya pa ay bigla na lamang itong napaupo sa kama habang hawak ang phone na para bang nawalan ng pag asa na macocontact pa nya si Taeyeon na nakita naman ni Nichkhun na sinundan naman sya sa kwarto.

 

Nang mga oras na yon ay nakumbinsi na syang sumama pabalik ng Seoul kasama si Nichkhun. Bago sumakay ng kotse ay sinubukan nya ulit na tumawag ngunit unattended pa din ito. 
 

 

 

 

Sa kotse habang pabalik ng Seoul ay wala namang salitang lumalabas sa dalawa.
 

Magkahalong emosyon ang nararamdaman ngayon ni tiffany. Nag aalala sya para kay Taeyeon dahil sa lumabas na article patungkol sakanilang dalawa at di din naman naman nya maiwasang matakot at masaktan dahil sa text ni Taeyeon na ipinabasa sakaniya ni Nichkhun.
 

 

 

"Ano ng mangyayari?"

 

 

"Ano bang gusto nyang iparating sa text na yon?"

 

 

"Bakit hindi ko na sya macontact?"

 

 

"Is this the end already?"

 

 

 

Mga tanong na gumugulo ngayon sa isip nya.


 

Ng makabalik na Seoul ay napansin ni Tiffany ang lugar na dinadaanan nila.

 

 

"Bakit dito tayo dumaan?"

Tanong nito.

 

 

Bago magpunta ng Nami Island kasama si Taeyeon ay kasalukuyan sya noon na tumutuloy sa unit nito dahil na din sa hindi pa tapos ang pagproproseso ng mga papel para maibalik sakaniya ang kanilang bahay, kaya ganon nalang ang pagtataka nito ng napansin niya na iba ang ruta na dinadaanan nila.
 

 

"What? Dito yung daan papunta sa bahay nyo diba?"

 

 

Naisip ni Tiffany na hindi nga pala alam ni Nichkhun ang nangyari sa bahay nila dahil na din sa matagal itong nawala na Korea.

 

Bagamat alam nyang hindi pa siya pwedeng bumalik sa kanilang bahay ay hinayaan nya lamang na doon sya ihatid ni Nichkhun. 

 

Ilang metro mula sa bahay ay bumaba ng kotse si Tiffany bitbit ang ilang mga gamit kahit na hindi nya alam kung saan sya tutuloy ng mga oras na iyon, habang si Nichkhun naman ay tila nagdadalawang isip kung kakausapin ba niya ito o hindi.

"I'll get going."

Biglang nasambit ni Nichkhun.

 

"sige, salamat."

Sagot naman ni Tiffany na halatang naiilang sa sitwasyon.

 

"uhm, ano. Kung sakaling kailangan mo ng tulong--"

Pahabol na salita ni Nichkhun na agad din namang pinutol ng salita ni Tiffany.

 

"No, I'm okay. I'll be fine, wag ka mag alala. You should go. Pasensya na sa abala."

 

Nichkhun felt really awkward and embarrased on that moment. Alam nyang galit pa din si Tiffany sakaniya dahil sa nagawa niya noon pero sadyang hindi nya maiwasan na mag alala at subukan na icomfort ito kahit na alam nyang imposible na siyang mapatawad nito.

 

Nang makaalis si Nichkhun ay napabuntong hininga si Tiffany. Hindi pa din nya macontact si Taeyeon, naisip nyang makituloy pansamantala sa apartment ni Hyorin ngunit ayaw nyang makaabala.

 

Nag umpisa syang maglakad upang maghanap ng matutuluyan pansamantala ng mapansin nya sa bintana na bukas ang ilaw sa loob ng kanilang bahay.

 

Agad syang pumasok sa loob. Hindi pa tapos ang mga papeles ng kanilang bahay kaya ganon na lamang ang pagtataka nya ng makitang bukas ang ilaw sa loob nito pati na ang pinto.

 

Pagdating sa loob ay napansin nya na parang may nakatira doon, bukas ang TV at may pagkain sa lamesa. Maya-maya pa ay nakita nyang lumabas ng banyi si Seohyun.

 

"Seohyunah, yah, bakit andito ka?"

Nagtatakang tanong ni Tiffany.

 

"Ano bang sinasabi mo eonnie, syempre bahay natin to diba?"

Sagot naman ni Seohyun na katatapos lang maligo.

 

"Ilang araw na akong nakabalik dito kasama si yoona, pero bumalik na sya sa bahay nila. Nabanggit din kasi ni Taeyeon eonnie na babalik ka na."

Muling naalala ni Tiffany si Taeyeon.

 

"si Taeyeon? nagkikita ba kayo?"

 

"oo naman. Dito sya galing kanina lang." *rubs her hair with towel*

 

 

Napangiti si Tiffany, naisip nya na siguro ay hindi totoo ang mga bagay na naiisip nya kanina. Na siguro ay busy lang ito kaya hindi nya ito macontact at na marahil ay may importante lang itong inaasikaso kaya hindi na nya nagawang bumalik ng Nami Island. Nawala na din sa isip nito ang article na lumabas tungkol sakanilang dalawa.

 

"talaga? Nasaan daw sya ngayon?"

Masayang tanong ni Tiffany.

 

Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Seohyun, tila nagdadalawangvisip kung sasagutin ang tanong na iyon ni Tiffany.

 

"Eonnie... "

Tila malungkot na sambit ni Seohyun.

 

"Hmm??"

 

" About Taeyeon eonnie...  " *hesitant*

 

"wae? Nasan ba sya? Gusto ko na syang makita."

 

"Gusto nyang sabihin ko sayo na mas mabuting wag na kayong magkita."

Sandaling natigilan si Tiffany habang nakatingin sakaniya si Seohyun na halatang nag aalala.

 

"Yah, musunsuriya?"

 

"Pumunta sya dito para ibilin na sabihin ko sayo yun, sabi nya din baka yun na daw yung huling punta nya dito."

 

Muling naguluhan ang isip ni Tiffany. Nawala ang kaniyang mga ngiti at tila naubusan ng salita.  

 

"May lumabas na article tungkol sainyong dalawa. Eonnie, siguro mas makabubuti nga na wag muna kayong magkita."

 

"Seohyunah!! Ano bang sinasabi mo? Kailangan ko syang makita, kailangan ko syang makausap!"

Pagpilit ni Tiffany habang namumuo ang luha sa mga mata.

 

 

Nagmamadali itong maglakad palabas ng bigla syang matigilan ng kaniyang marinig ang kasalukuyang balita sa TV tungkol sa kontrobersyal na pictures at article na lumabas tungkol sa pagiging involve ni Taeyeon sa isang lesbian relationship.

 

Agad na bumalik ng sala si Tiffany ng makita sa tv ang live prescon ni Taeyeon.

 

"eonnie, alam mo ba tungkol dito?" (referring to the prescon)

Tanong ni Seohyun na tila nawala na sa isip na towel lang ang nakabalot sa kaniyang katawan paglabas ng banyo.

 

 

 

Umupo ang dalawa sa couch at saka seryosong pinanood ang prescon.
 

 

 

"sino yung babaeng kasama mo sa mga kumakalat na pictures?"

 

 

"totoo bang isa kang lesbian?"

 

 

"I gigive up mo na ba ang career mo?"

 

 

Sunod sunod na tanong ng mga reporters.

 

 

Sa harap ng media habang sunod-sunod ang pagkislap ng mga camera kasabay ng napakaraming tanong na ibinabato ay nanatiling nakatayo si Taeyeon.

 

Natagalan itong magsalita at tila nag iisip. She's so frustrated at halatang nahihirapan sa sitwasyon, ngunit kailangan nyang sagutin ang mga tanong na ito sa utos na din ng kanyang ina.

 

"Taeyeon eonnie..... " *sad tone*

Nag aalalang sambit ni Seohyun sa pangalan ni Taeyeon.

 

 

Halata din sa mukha ni Tiffany ang sobrang pag aalala para kay Taeyeon. Hindi nya maiwasan na sisihin ang kaniyang sarili kung bakit nalagay ito sa ganung sitwasyon. Masakit para sakaniya ang makitang mahirapan ito sa sitwasyon, pero ganon pa man ay hindi niya inialis ang tingin sa tv para makita si Taeyeon.

 

Maya-maya pa ay kanilang narinig ang malalim na paghinga ni Taeyeon na mukhang handa ng magsalita.

 

 

"Kim Taeyeon-ssi, ikaw ba talaga yung nasa picture?"

Agad na tanong ng isang reporter.

 

"yes. It was me."

Nagulat naman ang lahat sa di pagdadalawang isip ni Taeyeon na umamin na sya nga ang nasa mga litrato, maging si Manager Han na nasa gilid ng stage ay napapikit at napailing sa sagot nyang 'yon.

 

"So, is it true that you're in a lesbian relationship?"

Muling tanong ng isang reporter.

 

Lahat ay inaabangan ang sagot dito ni Taeyeon, maging si Seohyun at Tiffany ay tutok na tutok sa tv habang hinihintay ang sagot nito.

 

 

"keunde eonnie...  Hindi nya pwedeng aminin ang tungkol sainyo. Diba?  It will definitely ruin her career."

 

Lalong napuno ng pag aalala si tiffany dahil sa sinabing iyon ni Seohyun. Iniwas niya ang kaniyang mukha sa tv at saka Isinubsob ito sa kanyang mga palad na para bang wala ng mapaglagyan ang pag aalala at bigat na nararamdaman sa kaniyang dibdib dahil sa sitwasyon n ahinaharap ngayon ni Taeyeon.


 

Samantala, inabot naman ng halos ilang minuto sa pag iisip si Taeyeon. Muli ay tila nagdadalawang isip ito na sagutin ang tanong ngunit kailangan niya itong gawin.

 

"Yes, It was me in the pictures, and yes I was with a girl that time ..... " 
* inhales-exhales and stops for a moment*

 

"Mwoya?? Balak nya talagang umamin??"

 

Tanong ni Seohyun na napatingin Kay Tifffany na nakasubsob pa din ang mukha sa kanyang mga palad habang napapakagat sa labi dahil sa sobrang pag aalala.

 

 

"But no, I'm not in a lesbian relationship, and I don't have that kind of relationship with the girl I was with when the pictures were taken."

 

 

Na-speechless ng mga oras na yon si Seohyun sa pag aakalang aaminin ni Taeyeon ang lahat ngunit kabaliktaran pala ng inakala nya ang mangyayari, nabigla din naman si Tiffany sa sagot na yon ni Taeyeon, muli nyang pinanood ang nangyayaring prescon. Hindi nya gustong masira ang career nito ngunit hindi nya maiwasang masaktan sa sagot na iyon ni Taeyeon.

 

Pumapatak ang kaniyang mga luha habang pinipilit na ngumiti dahil tingin nya ay ginawa lang din naman ni Taeyeon kung ano ang dapat.

 

Nilapitan naman siya ng kapatid na si Seohyun ng makita ang pag iyak nito at saka sinubukan itong icomfort.
 

 

Sa pagpapatuloy naman ng prescon ni Taeyeon ay may ilang tanong pa din ang ibinato sakanya sa kabila ng pagtanggi nito sa mga paratang sakanya, ngunit nagawa pa din nyang ipaliwanag ang mga pangyayari sa mga litratong iyon na kumakalat.

 

 

"She's my Road manager and a friend, I saw her crying at the hall. She just broke up with her boyfriend that time, niyaya ko syang magkape para mapag-usapan at baka sakaling gumaan ang loob nya, I was holding her hand that time kasi sabi nya nahihiya syang maglakad ng ganon itsura nya 'cos her eyes were swollen because she's been crying. I just tried to comfort her, and I don't think there's something wrong with that.

 

 

Mga sumunod na salita ni Taeyeon na hindi na nagawang marinig pa ni Tiffany dahil bago pa man ito ay naisip na ni Seohyun na i-off ang tv.

 

Natapos ang Prescon ng naaayon sa kagustuhan ng mama ni Taeyeon. Dumiretso ito sa kanyang condo para magpahinga ng walang kahit sinong kinakausap simula nang matapos ang prescon. Hindi mawala sa isip nya si Tiffany, labag man sa loob nito ang pagtanggi sa katotohanan ay kailangan niya itong gawin para sa taong mahal nya.

 

Samantala, si Tiffany naman ay nagkulong sa kaniyang kwarto. Gaya ni Taeyeon ay hindi din niya maiwasang isipin ito at ang sitwasyon. Wala syang magawa kundi tanggapin ano man ang maging desisyon ni Taeyeon.


 

 

 

 

 

[KINABUKASAN]

 

 

 

[TIFFANY POV]

nagising ako sa liwanag ng araw na tumatama sa mata ko, umaga na, at katulad ng iba kailangan kong bumangon at magtrabaho para mabuhay.

 

 

 

Pero teka,

 

 

 

 

 

Oo nga pala,

 

 

 

 

 

Nagtratrabaho ako bilang Road Manager nya.

 

 

 

 

 

 

 

Inisip kong mag quit na dahil na din sa sitwasyon, pero ng makita ko ang paligid ng kwarto ko at maalala kung panong naibalik saamin ng kapatid ko ang bahay na 'to, naisip ko, hindi pwede, kailangan kong bayaran sakanya ang bahay na to at ayokong magkaron ng utang na loob hanggang sa huli.

 

 

 

 

Kaya tumayo ako at nag umpisang maghandang pumasok sa trabaho, at kasabay ng paghahandang ito ang paghahanda ko sa sarili ko na makita sya.
 

 

 

 

 

I was about to go ng maalala kong naiwan ko sa bag ang wallet ko, bumalik ako ng kwarto para kunin ito pero iba ang nakapa ko. I took it out of curiosity.


 

 

 

 

It was the necklace I bought in the Market nung nasa Nami Island kami.
 

 

 

 

Hindi ko manlang naibigay sakanya.

 

Umalis ako at nagpunta ng SM Building.


 

 

 

 

Bago pa man makapasok sa loob ay pinagtitinginan na ako ng mga tao hanggang sa pagpasok ko ng elevator. I feel awkward and offended tuwing nakikita kong nagbubulungan sila habang tinitingnan ako, pero hindi ako nagpadala, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggan sa makarating ako sa office ni Manager Han.

 

 

 

 

Wala sya ng mga oras na yon, ganon din si Taeyeon kaya umupo ako at saka naghintay.
 

 

 

Pero maya-maya lang dumating na si Manager Han and based on his facial expression alam kong hindi nya ineexpect na magpupunta pako dito.
 

 

 

"tippani-ssi, what are you doing here?"

Tanong nya sakin na para bang nakakita ng multo. Napansin ko din na hindi sya mapakali, panay ang lingon nya sa pinto na para bang may inaasahang papasok.

 

"I'm still her Road Manager, kailangan kong magtrabaho."

Biglang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Taeyeon.

 

 

Di ko alam pero bigla akong napangiti ng makita ko sya, pero pinigilan ko ang sarili ko, lalo na ng makita kong mukhang hindi din naman sya natuwa ng makita nya ako. Wlang kahit anong emosyon ang mga mata nya, para bang ngayon lng kami nagkakilala.

 

"Manager Han, iwan mo muna kami." -Taeyeon

Sabi nya at saka umupo sa may couch sa harap ng kinauupuan ko.

 

"I wasn't expecting you to come. May kailangan ka ba?"

Tanong nya sakin.

 

 

In that moment I feel like I am just no one for her. She speaks to me to me as if I'm a stranger, I feel uncomfortable, parang ibang Taeyeon ang kaharap ko.

 

 

Ganon pa man pinilit kong magsalita.

 

 

 

 

"I'm here because I'm still your Road Manager."

Sagot ko na agad din naman nyang binara ng salita.

 

 

"Not anymore. Sorry for not informing you earlier, but I decided to fire you."

 

"wae?"

Agad kong sagot.

 

 

"wae? Because I wan't to.  Because I no longer need a Road Manager .. Because I no longer need you."

 

"I know why you are doing this, don't worry, I won't cause any trouble. Hindi mo kailangan magpanggap."

 

"magpanggap? No I'm not. Sinasabi ko sayo to dahil yun ang totoo, I no longer need you. I just needed a company, I wanted to have fun and experiment. *laughs* di ko akalain na maniniwala ka agad sa lahat ng mga sinabi ko."

 

"mwo? Have fun??"

 

"oo. Have fun. Is there something wrong with that?"

 

Naiintindihan ko kung bakit gusto nyang lumayo ako, pero di ko inakala na masasabi nya ang mga bagay na yon.

 

 

 

 

 

 

She just needed a company?

She wanted to have fun?

So ano, trip lang lahat yon?

 

 

 

 

 

 

Those hugs, those kisses, those words.... 

 

 

 

 

 

 

 

 

They're all lies ...


 

 

 

 

 

 

 

because she wanted to have fun??

 

 

 

 

 

"sinasabi mo lang yan para layuan kita..  Diba??"

Muli kong tanong.

 

 

Pinipilit ko pa din na paniwalain ang sarili ko na gumagawa lang sya ng dahilan kaya nya sinasabi ang bagay na yon kahit ang totoo ay sobrang sakit at bigat sa dibdib na marinig sakanya ang ganung mga salita, but I need to hold my emotion.

 

 

 

"Tippany-ssi, Am I that easy to you?? Kung pano tayo nagkakilala hanggang sa mga oras na nasa Nami Island tayo, lahat yon kalimutan mo na. They're nothing to me. I will compensate you for firing you. Okay? So...  May sasabihin ka pa ba?"

 

 

 

Napuno ng emosyon ang damdamin ko. Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko, ayokong mag mukhang tanga sa harap nya. Pinilit kong pigilin pumatak ang luha ko, hindi ako makatingin sakanya, halos hindi ko din maibuka ang bibig ko, but I need to endure everything, the more I look affected, the more na magmumukha akong tanga. So I got a hold of myself, tried to calm down and speak.

 

 

"About the compensation, you don't have to do that. I still owe you for taking our house back, ako ang dapat na magbayad. I'll transfer a money to your account every month hanggang sa mabayaran namin ng kapatid ko yung bahay."

 

"sige, ikaw ang bahala. Meron pa?"

Muling tanong nya.

 

Kinuha ko ang kwintas na binili ko sa Nami Island para ibigay sana sakanya at saka inilapag ito sa lamesa.

"what's that for?"

 

"I bought it in Nami Island. Para sayo talaga sana yan, nakalimutan ko lang ibigay bago ka makaalis. Since sayo naman talaga dapat yan ikaw na ang bahala kung isusuot mo, itatapon o ipamimigay. Keureom, mauuna nako."

 

Huling mga salita ko at saka naglakad palabas. Pero bago pa man ako umabot sa pinto at makalabas ay sunod sunod na pumatak ang luha ko. Hindi ko na napigilan, the more I hold it, the more I feel pain inside, and the more I feel pain,  the more I realize how much I feel for her..

 

 

 

 

 

 

 

But I have to stop. 

 

 

 

 

 

 

 

I need...  to stop. 


















 

Di ko na alam ano ba talagang totoo.

 

 

 

 

 

Ginagawa nya ba yon to protect her image? Kaya sinasadya nyang masaktan ako para layuan ko sya??

 

 

 

 

 

 

O totoong laro lang talaga ang lahat at nagkataong ako ang pinaka tanga na agad na naniwala sakanya? 











 

All this time.... 



 

 

 

 

 

 

 

All this time pinagmumukha nya lang pala akong tanga...

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shajanie
#1
Chapter 22: Sana maka update ka na soon author-shi...