Chapter 1

Right Kind Of Love

"Oh my god! Late na naman ako!"

palaging ganto ang ganap araw-araw, Pilitin ko man gumising ng mas maaga, feeling ko wala talagang balak dumilat ang mga mata ko sa tamang oras na para bang may sariling buhay yung mga talukap ng mata ko.

Bukod kasi sa pagiging freelance model ko sa umaga, may part time job pako sa gabi.

Yes, tama ang pagkakabasa nyo, MODEL. MODEl AKO, although freelance lang naman pero para saakin achievement na talaga ito. Matagal ko na kasing gusto mag artista,kaya para sakin stepping stone ko na ito.

"Tiffany!! Jusko late ka na naman! Patapos na ang photoshoot, pwede ka ng umuwi at matulog nalang." sermon ng photographer sakin habang nakataas ang kaliwang kilay

 

"ha? Eh teka po sir, baka naman kaya pa ng oras. Sige na, pls, kailangan ko po talaga 'to!"

"aba! Kung kailangan mo pala edi sana nagpunta ka ng maaga diba?"

"pasensya na sir, promise po di na talaga mauulit. Gagalingan ko po ngayon para sumakto pa din tau sa oras at matapos agad. Please sir." kahit medyo iritable ako sa kasupladahan ng aming photographer kailangan kong magpabebe sa harap nya para pagbigyan ako. Well,kasalanan ko din naman. Haha

"alam mo yang promise mo feeling ko Hi nalang ang equivalent eh, wala naman kasing nangyayari! Haynako! Osge na sige na! Magpalit ka na, wala naman ako magagawa hanggat walang bagong model diba?"

Papayag din naman pala ang dami pang sinabi. Tadyakan ko kaya tonsil nito? Haha

"copy that sir! Thank you po, magpapalit nako."

Agad akong nagpalit ng damit sa dressing room. Syempre mahirap na, baka magbago ulit ang isip ng bruha.
 

Sa ngayon model ako para sa brochure ng isang clothing company, since freelance lang ako at hindi permanenteng talent para magkaron ng continuous projects, kelangan ko pang magbanat ng buto tuwing gabi para kumita pa ng pera. Hindi din naman kasi kalakihan ang tf ko, di pa sapat para sa tuition ng kapatid ko at budget namin sa araw-araw.

/After the photoshoot/

Nag papack up na lahat ng gamit, sumakto naman kami sa oras kaya nakahinga na din ako ng maluwag dahil di ako masesermunan bago umuwi.

"Tiffany, sandali lang!" paalis na sana ako ng bigla ako tinawag ng photographer namin.

"yes sir? Bakit po?"

"May konting changes sa next photoshoot, so i guess baka mabago din ang schedule mo. I'll call you for your next sched, wag ka muna magpunta bukas, okay?"

Oh my! Ngayon pa? Kailangan ko pa naman ng pera! Haynako naman! -_-"

"okay po sir. Pero ... Sure naman po na may next sched pako dba? Hehe kelangan ko ksi tlaga ng pera" /kamot ulo/

"Don't worry, mukha namang ikaw pa din ang gusto nlang model kahit na madalas 1hour kang late. mamomove lang ang next sched mo. Just wait for my call."

Hay salamat naman at mukhang di pa naman sila nagsasawa sa maganda kong mukha. XD

/sa bahay/

"seohyunahhh! Andito nako!" 
Eh? Ang tahimik, wala bang tao?

Nagpunta ako sa kusina para ayusin ang pinamili ko.

Wala din doon si seohyun.


 

Pumunta ako ng sala para silipin kung andun sya

"oh ate, andito ka na pala?" tanong nya sakin habang may subo pang kimbap at nanunuod ng tv

"aigoo! Nakatutok na naman sa tv, diba ang sabi ko mag aral ka pag uwi mo ng bahay?" /sabay upo sa tabi ni seohyun at sumubo ng kimbap/

 

"ate kelangan ko din naman magpahinga noh. Napapagod din ang utak ko." sagot nya saken habang sa tv nakatingin

Sabagay,nung nasa college pako ayaw na ayaw ko din naman ng nag aaral pag uwi ng bahay. Hayy .. Magkapatid nga talaga kami. XD
 

"ano na naman ba yang pinapanuod mo? Araw-araw kang nagbababad sa tv, masisira mata mo nyan."

"hay! Ate naman! Palagi mo nalang ako sinesermunan eh! Inaabangan ko yung drama ni Taeyeon, pagtapos nun mag aaral nako promise."

"Taeyeon?? sino naman yun?"

"hindi mo sya kilala? Ohmygad ate! Diba freelance model ka? Dapat kilala mo sya, hindi mo ba alam na soooobrang sikat nya ngaun? Singer sya at ang galing nya din umarte"

 

"dapat ba kilala ko sya? Aish! Masyado akong busy noh, wala akong oras para kilalanin sya."

"ang sabihin mo matanda kna, kya di mo na hilig mga ganitong bagay. Hahaha"

Pag model required kilalanin ang mga artista? Psh! 

"ewan ko sayo noh. Aalis nako, magluto ka nalang ng pagkain mo, dun nako sa shop mag didinner" /dumakot ng kimbap sabay alis./
 

"teka ate! Aalis kna?! Hoy hindi ka manlang ba magpapalit ng damit!? Aish! Kadiri nito,pambihira."

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
shajanie
#1
Chapter 22: Sana maka update ka na soon author-shi...