UPTrack2:Stars

Playbook Diaries

A picture of you reminds me
How the years have gone
So lonely
And why do you have to leave me
Without saying that you love me

Here I am riding a fully airconditioned bus, with my headphones on full blast. 
Holding this polaroid i took, 5years ago before I lost you.

Hindi, Iniwan mo ako ng biglaan. Akala ko masasanay na ako, akala ko tanggap ko na iniwan mo ako, akala ko, masaya na ako. Akala ko di na kita minahal, kaya sumuko na ako. Akala ko, Akala ko nawala ka na talaga. Pero eto ako ngayon, susugal muli. Mahahanap pa kaya kita? Marami akong gustong itanong. Pero paano ko simulan? Bat mo ako iniwan ng biglaan? Bat di mo na ako binalikan? 

Di ko rin alam. 

Di ako sanay sa maraming tao. Kaya pinili kong umupo sa medyo sa hulihan nasa may bintana. Yun kasi yung payo ng bunso kong kapatid. Mejo di magulo at maraming tao kapag dun ka pwepwesto. Konti pa ang mga pasahero ng bus kaya. I checked my phone sa huling pagkakataon, nabasa ko text ni Hailee

"ate, nakasakay ka na? “

“yes. Kinakabahan ako, wala akong kasama."

While I was waiting for her reply,

There was a call from Hailee, 

"Ate, congrats! Like new step mo yan, you'll enjoy things on your own. Diba tagal mo na yan gusto?"

"HL, di bakasyon pinunta ko dito, hahanapin ko...." 

"Oo na, yes, you were looking for your Star. Ang tagal na kasi ate bat di mo na yan kalimutan, andito naman kami nila Ate Joey ha?" 

"Alam mo, you're being makulit. Di bale this will be my last search for her. She is worth the risk. I will gladly accept it."

"Ate naman, Nagjojoke lang ako, anyways kesa isipin mo yung hahanapin mo siya, take my advice, while malaya ka do things that you cant do kapag andito ka na, don't forget to enjoy the moment. Carpe diem. Seize the Day, unnie!!! “

I shook my head and smiled. 

Okay, napakajolly talaga tong batang to, kaya mas gusto siya ng team ko makasama eh. Yes, My Team, CL Team kamo, it consists of my make up artists, stylist, which are also my friends, Mas prefer ko kasi yung kaibigan mo yung  magchcheck sayo tine to time para yung trust, at least i know they are real. 

I took a deep sigh and about to say goodbye... 

"Before you say goodbye ate, Uhmm remind lang kita yung palugit kong araw is tatlong araw lang. Alam ko impossible maikot mo yung buong resort sa isla pero, yung palusot ko kina mama is ang liit lang, kasi naman napakabait mo, monitored ka nila alam at kilala niya barkada mo eh. Tapos i researched the place, feel ko di ka nila kilala dun, kasi mahirap magkasignal doon. And if meron man, you have pangdisguise naman diba? Hay nako ate, basta 3 days. Or else magpapanic na kami lahat dito. Di ko alam ako ba yung bunso o mas nakakatanda sayo. Wag kang kabahan. Andito ako para sayo ate. Heal yourself. See her, and sana masagot yung mga tanong mo. Anyways mga 4-5hours byahe mo pero may stop overs naman yung bu--" 

"Hailee, Okay na na sabi mo na yan kanina sa sasakyan, Thank you for the encouraging me. Naging kampante na loob ko. Anyways you have your friend naman doon diba? Jasmine diba yung name? Tapos kilala na ako? It will be fine. Thank You and see you after 3 days. Love you."

At Habang malayo layo pa ang byahe, pinili kong pumikit. 
Inaalala kung  pano tayo nagsimula. 

As I close my eyes, parang otomatik na nagflashback ang lahat. 


I was a newbie sa school, like I felt unusual kasi sanay ako na I have my parents beside me to guide and check me in every move i make. Pero ngayon naglipat na kasi kami ng bahay and we have to adjust on how we live, Professors kasi sila dati sa school na pinagaralan ko before pero may new business si Dad to make his passion to reality, like creating new tech for this modern world. 

Si HL naman was with my grandma kasi ayaw niya mawalay sa kanya. But healthy naman communication namin like I was with her every vacation. With my earphones on and alone I looked like a loner back then. 

This is my third year, pero still nililimit ko self ko sa mga tao since i was afraid of socializing to a new environment, ayaw ko kasi makadismaya ng tao. So i tend to stay away from establishing relationships kasi tingin ko may katuwang na expectations para sayo na katanggap tanggap ka. Yes, i have this weird instinct to know kung gusto ka ng tao o hindi. Kaya di mawawala music and my earphones on para naman kumalma utak ko sa pagiisip ko  ng ibang bagay.. 

Until someone pat my shoulder, and rolled my eyes may distorbo nanaman sakin i removed my earphones tapos tiningnan ko siya na parang nahihintay ng sasabihin niya... 

“hi? Chaeryn? Chaelin? you're from Korea diba? Kababayan!!! “ teka pano niya nalaman pangalan ko? Tsaka kung saan ako galing? Di ko naman siya kilala? 

Ningitian ko lang siya, at tumango para makuha niya na nagets ko. Tatanong sana ako kung paano niya nalaman... 

"rinaah!!!!!! Jimmy!!!!! “ BIGLANG may umakbay sakin, ah with the tone of her voice kilala ko na. 

Bomspring Ceniza, my first buddy sa school na to, like pareha kasi kami na business minded yung parents namin and she's eldest sa family nila. However, mas friendly siya sa akin kaya marami siyang kaibigan. Baka etong estrangherang babae nalaman niya pangalan ko dahil sa daldal ni Bom. 

"Oh, magkakilala na pala kayo. Anyways Rinah, meet Sandara Alexis Park, Tapos Dara, meet Chaeryn Luna Lee . Maging classmate natin siya since nakita ko yung name natin nasa  first section. Teka hahanapin ko lang sila mommy Tiff at Chuhchun." biglang alis niya. At naiwan kami ni Dara? Oo, Dara. Isusuot ko na sana uli yung earphones ko pero bigla siyang nagsalita.. Hay nako.. 

" ganun ba talaga si Bom? May kanya kanyang nickname eh" tanong niya habang tinitingnan si Bom na kinakausap yung mga classmates namin dati. 

"A-ah oo, para kasi daw di niya makalimutan. At di siya malilito. Ang ingay niya din." sagot ko naman. 

"Tawag niya nga sayo is Jimmy Eh, Si Jimmy Neutron ba? “ tanong niya. 

“oo, my dad kasi is a tech developer. So yun palatandaan niya sakin. So parang nerd ganon." tumango lang siya bilang sagot at ngumiti. 

"wait, nanonood ka ng The Luna and the Lycans?" 

I guess nakita niya dinoodoodle ko sa notebook yung symbol ng Luna, like its the vampires nakikita ko sarili ko sa kanila, I loved the moon. They loved the moon kasi yun lang ang pwede nilang makita na di siya nasasaktan.. Chismosa din si mare.... 

"Ah, Oo parang twilight din kasi sila. Like ineemphasize nila yung moon, and I loved the moon. " 

"So i guess, tingin ko, magclclick tayo, uumpisahan ko, hi, I'm Dara Park, i'm a bookworm and a lover of The Luna and the Lycans" you smiled. Unknowingly, ngumiti na din ako. 

Dun na nagsimula ang ating kwento. Dun na nagsimula bat ka ba naging bituin sa buhay ko. 

 

A picture of you reminds me
How the days have gone so empty
And why do you have to leave me
Without saying that you love me

Nagdaan ang ilang araw, di nga siya nagkamali, nagclick kami, we are inseparable kung nasaan siya andun ako, She taught me how to loosen up and open up to people, she knew how to handle me, kasi yung little brother niya si Theodore, same kami ng ugali, and yeah i met him kaya nagclick din kami ni Thei. And Bilang si Dara ang known writer sa amin she was appointed na naging Chief editor sa amin. Like may part kasi na they need poems from the random students to submit. Kaya eto siya naging makulit. Gusto niya na magsubmit ako. 

Ilang araw na niya ako, iniispoil. Nagkukulit. 

"Rinssss!!Sige na please!! Submit ka na ng poem" 
"ayaw ko." 

"Pst! Nagkukulit na si Ms. Nam sakin, kulang pa ng dalawa" 
"Gumawa ka nalang tapos gamitin mo name ko" 
"CHAERYN!!!! NAMAN EEEEEEEEE!!!!!!! “

pati nalang sa gabi, naguusap naman tayo. 

"pst, magsusubmit ka ha? “

“kailangan ko ng inspirasyon" 

"di pa ba ako sapat, hmp. CL? :p “ you decided to call me by my nickname kapag seryoso ka na. Kinabahan na ako bigla. I'm afraid kasi to open up baka kung ano sasabihin nila, Nabigla ako at di ako nakapagreply. You called me.


" Chae? Nagtatampo ka ba? Uyy sorry na, nakita ko lang kasi potential mo to be a writer. I can help you naman, i dont want to loose you, we promised each other kakayanin natin lahat diba? I'm here for you. Susuportahan kita. Nasa labas ka ba? “

She never failed me sinisigurado niya talaga na  may reassurance ako in everything, kaya nga natatakot ako maging kampante sa isang tao baka mawawala din siya bigla, katulad ng kaligayahan, minsan napakasaya mo pero di mo alam sa susunod may kapalit siya na kalungkutan. Yun ang pinakaayaw kong mangyari. I shook my head para ma shrug yung utak ko at sabay kong sinagot. 

"uhm.. Oo, nasa labas ako. Bakit?" 

"The moon looked so beautiful tonight isn't? “

Common denominator namin yung moon dahil nga it gives us peace of mind. At doon kami nagkalapit. Everytime maguusap kami sa gabi, i tried to give her a phone so that I can talk to her even on weekends, yes, ganon ako ka possessive sa bestfriend ko. We talked about the skies when it rains, malulungkot kami kasi di namin makikita ang moon. Ngayong gabi, ang clear ng mga ulap ayun the moon shined so bright that night, then I saw some stars too i smiled kasi yung mga negative thoughts ko were wiped out parang automatic nagclear lahat. I smiled and answered back. 

" There's a star near the moon too... Ang ganda talaga niya no? “
I heard her clicks her tongue and took a deep breath.. 

Yes, alam mo kahit malayo ako think of me i'm your star and you're the moon. No matter magkalayo tayo, i'm always here to support you no matter what, just trust me. I know you can do it. Kahit alam kong pinagtatabuyan mo ako dahil matakot kang mawala ako sayo, then don't kasi ibahin mo ako sa mga previous friends mo. I wont leave you. Just let me be your star."


I'm saying I love you again
Are you listening?
Open your eyes once again
Look at me crying

I was taking a nap beside you, while you're proof reading some articles na ipopost sa school paper. I was kinda quiet kasi ayaw ko madistorbo ka like nagkatampuhan tayo because wala na tayong time to talk with each other,alam ko naman san ako lulugar pero darn this being clingy attitude of mine. Ayun nagdecide ka na babawi ka, well we are still bestfriends pero ayun nga sabi ng mga kaibigan mo, pati si Bom napatanong kung magkaibigan lang ba talaga tayo. Yeah we're like committed bestfriends. Or ako lang. Nagising nalang ako dahil hinawakan mo likod ko, at hinawakan tenga ko. Habit niya din kasi yan,nasanay nalang din ako. 

"Okay ka lang? “

“Ah, oo do your thing na hintayin kita" 

"do you know na mahal kita diba? “ tapos biglang hawak ng kamay ko. 

I just smiled as I saw him drawing closer and covered your eyes, like we used to. But this time, its not me. 

" CL sino to!!! “ sabay palo mo sa kamay na nakatabon sa mga mata mo. Tumayo na ako at i just smiled. 

"HAHAHAHA, i'll  go ahead. Bye Darabbit" 


~~~~~~~~~~~~~~~~

Being me, i tend to keep things para iwas issue na lang. I heard nagalit na din friends natin kasi i'm making you being distant na sa kanila, ayun nga the moon will be again alone in the sky. Tonight. Someone chatted me, someone who has a feelings for you, na mamahalin ka ng totoo like you always dream of like being kilig. Finally, may manliligaw na sayo. At first ayoko siya para sayo pero its love we're talking about I heard siya na nagfifill in sa mga bagay na di ko magawa sayo, at as i see you from the distance you are so happy nadin. And that's how I knew. Tapos na role ko sa buhay mo, I stayed away. I drift away myself from you cause everytime nakikita ko when you're with him nasasaktan ako. I never knew that as a bestfriend will have this feeling, diba dapat maging happy tayo sa kanila? We promised to be supportive with each other. Ano na ngayon? 

Lumabas ako to look up to the skies again. Then there I saw the moon shined so bright, but there's no star were visible. I don't know why this happen so instant. How can they take away my happiness so quickly. Tonight, just for tonight tears escape from my eyes. I can't deny it, I'm hurt. I should stop. Bestfriend lang naman ako diba? Sino ba naman ako? Bat ako maging possessive? I must stay away. 

But years after we graduated you went away and without any communication at all, everytime as i try to write again, i remember how i started and love to write. You are the reason kung bat ako umabot ako sa ganito ngayon, I'm quite known now, for my compositions kasi instead magaaral ako sa college i went back to South korea para maging trainee sa isang talent management. I became an artist made some songs a quite hit. All I was, I just want to thank you. Gustong gusto kong sabihin yon. 


Pero ayun nga I met some of our common friends here, isa sa mga barkada ko nung panahon na iniiwasan na kita I met Minzie Trisha Teatrino, I call her Ish, she became my Personal Assistant na din as I entered this field. Alam niya kwento ko sayo. Alam na alam niya kasi siya nagpukaw sa akin sa totoohanan na minahal pala talaga kita. I mean i fell for you. 

"Nahanap mo na ba si Dara? “ Ish asked me as she came in with my favorite Iced Americano. As I was recording sa studio. 

" di ko na nga mahanap eh, alam mo naman ako i am not active in social media, naststress ako pagaralan yan. Wala ka bang nakalap na balita kay Bomspring? “ tanong ko sa kanya. 

"sa pagkaalam ko si Spring may isang Bar and Restaurant sa isang resort eh, iba na din talaga batch natin no? Napakabusiness minded na." While she was scrolling her phone. 

I took a deep sigh everyday i never forget how Dara and I became friends. Just like everyday im sending you music links and you'll try to put meaning in the song. Just how you put colors into my life. Napakacheesy naman pakinggan but its true. 


Pero, Its too late for me to see your worth to know it took me 6years later to know that I fell in love with my bestfriend. 

 

If only you could hear me shout your name
If only you could feel my love again
The stars
In the sky will never be the same
If only you were here


Here we are nasa terrace ng bahay namin, Im with Joey, my stylist friend of HL, ofc my younger sister HL, Ish like we are just having a mini dinner party because I'm done recording my new album and as I became so ready. And yes, sila lang talaga friends ko after i graduated highschool, i prefer to keep my circle small. Kaya alam na alam ng parents ko about sa whereabouts ko kasi nga they know how careless i am kapag nasa public ako. 

"Ate okay ka lang ba na kami lang nakakasama mo?“ tanong ni HL

“di ka ba nagsasawa sa amin ha? “ tanong ni Joey

" Alam niyo naman isa lang hinahanap niyan." Sabay sagot ni Minzie habang nagscroscroll nanaman sa phone niya. 

" Gurl, ilang taon na ba dapat lumipas para kalimutan mo na siya“ tanong ni Joey. 

" Ay, nako hindi ganyan si Ate, sis. Bitter pa nga yan sa ex niyang jowa na niloko lang siya eh, kaya di pa yan nagmahal muli eh. Loyal yan sa parents namin. Mas mabait pa yan kesa sa akin." Sagot naman ni HL. 

"Babae kasi na gusto niyan. Nahulog siya sa classmate naming tinatawag niyang Star eh.Ayan indenial pa kasi sis." talak ni Minzie habang nagscscroll ng music sa spotify sa tv.  
 
Bilang sagot, tinapunan ko lang naman sila ng mga unan. Nang-aasar ang mga hangal. Tumayo na sana ako at papasok na sa kwarto mg biglang tumayo si Ish habang nakatitig sa phone. 

" OH SHT, I think alam ko na kung saan mo makikita ang taong gustong gusto mong mahanap." 

Habang iniistalk kasi ni Ish yung lugar kung saan yung Resto and Bar ni Bomspring. May nakita siyang pigura na hawig ni Dara, na nahagip sa camera. Kasi may nagpapakuha ng litrato kay Theodore which is sabi ni Ish, nagtutugtog ata siya minsan aside sa business nila sa family. But it was a month ago yung post. 

"susugal ka ba Chae? “ tanong ni Joey. 

Tiningnan  ko naman sina HL at Ish upang basahin nila kung ano isasagot ko. 

Bilang tugon ng dalawa, tumayo si Minzie upang uminom ng wine and sinabing

" Afatay. "

Nagtigil na pagmuni muni ko kung sumigaw na yung parang kasama ng driver na malapit na ako sa Isla na pupuntahan ko, dapat ba ako maging excited? Magtatampo? Ano sasabihin ko sa kanya? Maalala pa ba niya ako?
Gabi na pala nung dumating ako sa Isla, hinanap ko muna yung pinakamagandang babae na sinasabi ni HL, si Jasmine.

"Miss CL? “ may isang petite na babae na nakawhite na sando na may maong na short. She is pretty din naman talaga. Nilapitan ko siya at magbebesohan kami. 

" Jasmine? Thank You ha, baka busy ka tapos pinaghintay kita dito. "  sagot ko, habang may mga kasama siyang lalaki na driver na nilalagay niya sa Golfcart

"Uhm, fan niyo po ako i knew you nung before ko nalaman na kapatid mo pala si HL. Kaya ako po yung nagpapasalamat. Sakay po tayo, dun tayo sa Cabana niyo maguusap. "  sabay sagot niya. 

Nung dumating kami sa Cabana, like ang ganda pala ng view doon kasi makita mo kung gano kalawak yung dagat. Tsaka kokonti lang ang tao. Di masyado maingay. At binigyan ako ng little introduction ni Jas, about sa resort. Magkakailala lang kasi daw ang mga owners dito, specifically magkaka barkada ang kanilang mga magulang. Tapos napagisipan na gawing public tomg resort and I asked her if kilala niya si Bomspring and yes, di kami nagkakamali, siya nga yung nakita namin. Dara is here. Nabuhayan ako ng loob. Parang naeexcite ako. Gusto ko pa sanang magtanong kay Jass pero tinatawag na siya ng parents niya kasi duty na niya ngayong gabi sa hotel nila. 

"Ate sorry kailangan kong umalis, anyways may brochure naman dyan about the island and a map ofc. Hope you enjoy your stay!!! “

Habang nagpapalamig ako, naalala ko yung sinabi ni HL sa akin. Masarap pala sa feeling na malaya ka, walang manager, walang training, walang mata ma sumusunod sayo. Its just you, the wind, i look up to the skies. I decided to play YOUR song as I recall paano koba malaman kung nasaan ka dito eh ang lawak pala ng isla nungtiningnan ko yung  mapa. Ipinikit ko muli ang aking mga mata. Ginulo ko nalang buhok ko dahil sa frustration dulot sa mga iniisip ko. Dahil na din ata sa wine.

"Ah, BAHALA NA, gagawa muna ako ng bucket list for myself tapos if mahahanap ko si Dara...tingnan na natin!! “
 
Tiningnan ko yung notes ko i still have another 48hours to find out the truth. If she is really here. How is she. Sila padin ba? Naalala pa ba niya ako? Di ko alam. Tumingala ako to see the stars. Habang inuubos ko na yung huling serve ng wine. I think someone's coming closer... 

Its Bomspring, mejo mas naging mature na features niya, the charm and the face is still the Bomspring I met 6 years before. 

"Ji-jimmy? Oh CL na pala." 

"hi" tumayo ako para makipagbeso sa kanya

"are you here for her? “ diretsahan niyang tanong. 

Sasagot na sana ako. Until she cut me off

" you're too late di ka na niya na kilala. "

"B-akit? “

" Selective Amnesia, she had it after niyang nakaexprience ng trauma. Nung iniwan mo siya nagsimula na yung dumami yung problema niya. After kasi you left her, naging pabaya na siya sa school paper niya, she became busy sa family niya dahil yung papa niya may sakit also her sis nagaaral din, tapos yung nanligaw sa kanya si Chael, iniwan na din siya, he fell in love with another chic, because of that di na niya nabalance yung focus niya madamay yung academics niya. Then bumigay na yung utak niya, nagbreak down for a while. Nagshut off. Ayun sabi ng doctor nag reboot, pero there are some parts na nakalimutan na niya because of the shut down that happened. "

Pero alam mo yun, nagkwekwento si Bom pero yung una at pangalawang sentence lang naabsorb mo? Parang na bingi ako sa narinig ko. What if i knew na ganon pala naexperiemce niya? What if di ko siya iniwan? What if bumalik ako sa kanya? But wala eh nangyari na.. Makakaya ko ba siyang makita muli, without remembering me?.... 


If only I had wings so I can fly
I wanna be with you for all of time
My love
For you will never die
If only you could hear me shout your name
If only you could feel my love again
The stars
In the sky will never be the same
If only you were here
If only you were here
If only you were here

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
c-tria
So , this is my first time to write here and an au about chaera. Share niyo naman thoughts niyo :)

Comments

You must be logged in to comment
Pudoong_Darong
#1
Chapter 7: PAUBAYA..relate much😁
Juralen26 #2
Chapter 7: Ang sakit naman author ??, pls. Update soon?
ChaeSan21
#3
Chapter 6: May bago na kong paborito. Mapanakit si otor
Reigne_chaeraXXI
#4
Chapter 6: ay wow
ChaeSan21
#5
Chapter 5: Nice author. You pulled some strings kay heart. Update soon?
Reigne_chaeraXXI
#6
Chapter 5: mag kaibang kwento na ba yun?
Hades_21 #7
Chapter 3: It was neat and nicely written, I reread Dara's POV again cause I got too emotional after reading CL's POV. I can feel their longing for each other but sadly di nila maexpress because Chae was already committed to Marc (how sad ?) Mas masakit pa to kysa sa last break up ko. Hahahaha.

Please continue writing. Is it your first time doing this? Kase parang bihasa ka na magsulat, nailalabas mo yung emotions and tamang words on how to express it. Waiting for new episode and sana may good news na sa ChaeRa ko. ??
Frozen2big
#8
Chapter 2: Awww ?
Hidden_blackjack9891 #9
Chapter 2: This so real, based on cl’s update. Feel ko lang ah.