Tinta #7: Lihim na Pagsinta

Naghihingalong Tinta

Lihim na Pagsinta

I

Ang lihim na pagsinta ko

Sa babaeng minamahal ko

Na itinago ko ng kaytagal na panahon na

Kaya ang tulang ito ay alay sa kanya.

II

Di ko inaasahan, sa pagtuntong ko ng sekundarya

Kakaiba ang aking madarama

Na naramdaman ko ng di ko inaasahan

Na sa kanya ko unang naramdaman.

III

Kahit sa pagtulog at paggising ko

Di sya maalis sa isipan ko

Pag-ibig ba ito o sadya ako'y humahanga

Sa isang babaeng katulad niya.

IV

Ilang beses kong pinag-isipan

Kung ano ba itong aking nararamdaman

Ano ba talaga ang tingin ko sa kanya

Isang kaibigan o may higit pa?

V

Sa ilang beses kong pag-iisip-isip, aking napagtanto

Pag-ibig nga nararamdaman ko

Pero kailangan ko 'tong itago

Kasi kapag sinabi ko, maredyek lang ako.

VI

Mahirap itago sa kanya ang nararamdaman ko

Malapit lang sya, kabog sa aking dibdib nararamdaman ko

Ang puso ko'y parang sasabog na

Hanggang kailan ko ito maitatago sa kanya?

VII

Ilang buwan na ang nakaraaan

Pero parang isang araw lang ang nagdaan

Pagkat oras ko'y tumitigil

Pag nandyan sya, ang hirap magpigil.

VIII

Aking napagdesisyunang magtapat sa kanya

Aking pagkaduwag tatanggalin ko na

Salungat man sa gusto ko ang maging resulta

Tanggap ko nang di talaga kami, ako'y masaya na.

IX

Araw ngayon ng kaaarawan niya

Ito din ang araw ng pagtatapat sa kanya

Kinakabahan ako't di mapakali sa upuan

Walang akong pakialam kung maredyek man.

X

Isang mensahe ang nasabi ko

Sa babaeng minamahal ko

"Kahit di mo man magustuhan ang regalo ko

Di ka naman mawawala sa puso't isipan ko."

XI

Di ko man direktang nasabi sa kanya

Ang nararamdaman ko para sa kanya

At least bigat na nararamdaman ko sa aking puso ko

Ay naalis na, kontento na ako.

XII

Sabi nang iba ligawan ko sya

Pero di pa ako handa

Na sumabak sa pakikipagrelasyon na hindi ko kaya

Di pa ito ang panahon para sa aming dalawa.

XIII

Ngayong tumuntong na ako ng kolehiyo

Alam kong malalayo na ako sayo

Pero di paring magbabago

Na mahal kita higit pa sa buhay ko.

XIV

Sa lahat ng bagay may tamang panahon

Kapag dumating ng araw na 'yon

Ang lihim kong pagsinta

Di na magiging lihim pa.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet