Tinta #5: Papel at Ballpen

Naghihingalong Tinta

[Dedicated to: Ultimatethebest. Salamat po sa pagiging parte ko sa story niyo. Kaya ito para makabawi ako. Dedicated po ang part na ito para sa inyo. ^___^]

Papel at Ballpen

I

Ang papel at ballpen ko

Sila ang mga saksi sa buhay ko

Papel na sinusulatan ng pinagdadaanan ko

Ballpen na nagsilbing punyal para gumaan ang loob ko.

II

Tao rin naman akong katulad mo

Di ako isang laruan na paglaruan mo

Di mo ba alam nasasaktan ako

Di ako isang robot na manhid na katulad mo.

III

Iyak dito, iyak dyan

Para sakit sa aking puso'y maibsan

Sobrang hapdi 'pag ito'y naranasan

Ballpen at papel ko lang aking matatakbuhan.

IV

Sa bawat akdang nagagawa ko

Saya ang nararamdaman ko

Natatawa na lang ako sa mga nasusulat ko

Ganito pala ang nagagawa ng taong nasasaktan nang dahil sayo.

V

Sa bawat araw na darating

Pagsubok aking malalampasan rin

Nang dahil sa kanila tagumpay aking makakamit

Mga bagay na di ko malilimutan man din.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet