Tinta #9: Kawalan

Naghihingalong Tinta

Kawalan

I

Lugar kung saan wala akong makita,

kadilimang bumabalot sa kabuuan,

Kawalan kung tawagin nang karamihan

Mga nagkasalang nilalang, itinapon sa kawalan.

II

Kapighatian at kalungkutan,

Emosyong nangingibabaw sa sinuman,

Di man ginusto wala nang magagawa pa,

Iyan ang itinakda, pagsisisi'y wala kwenta pa.

III

Pagkatapon sa kawalan,

Naging aral sa karamihan,

Pagkakamali sa nakaraan,

Itinama sa kasalukuyan.

IV

Kadilimang bumabalot sa kabuuan,

Ngayo'y nagkaroon ng kulay, napuno ng kaliwanagan,

Liwanag na kasing kinang ng pagbangon,

Kaayusan at Pagkakaisa'y sa hinaharap makikita.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet