Tinta #10: Magkasama Lang Tayo

Naghihingalong Tinta

Magkasama Lang Tayo

I

Kayhirap mabuhay nang wala ka

Kayhirap ding kumain kapag di ka kasama

Mahirap matulog kapag walang katabi sa kama

Ano ba talaga ang rason niya, kung bakit ka nya kinuha?

II

Kung ito'y panaginip, gusto ko nang magising

Para sa paggising ko, ikaw ay kapiling

Pero alam kong hindi ito isang panaginip

Isa itong katotohanan na kailangang kong tanggapin.

III

Kailangan ko nang mabuhay na wala sya

Kailangan ko nang masanay kumain na di sya kasama

Kailangan ko nang masanay na matulog nang wala sya sa tabi ko

Pero hindi ko sya kailangang kalimutan lalong-lalo na dito sa aking puso.

IV

Araw-araw dinadalaw ko ang puntod niya

Paulit-ulit kong sinasabing mahal ko sya

Pinangako kong di ko kakalimutan ang isang tulad nya

Dahil darating din ang panahon na kami'y magkakasama.

V

Ayoko nang magmahal ng iba

Ang gusto ko sya lang at wala ng iba pa.

Kahit matagal mang panahon ang iintayin ko,

Mag-iintay ako magkasama lang tayo.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet