Part 2: Pluma

Naghihingalong Tinta

PLUMA

Naghihingalo man ang tinta ng pluma
Pero sa pagdaan ng panahon, ito'y hindi na maghihingalo pa
Dahil mga salita na nabuo dito, ang aagapay
Kasama ang mga dahilan kung bakit patuloy parin itong sumusulat na walang humpay
Ay ito dahil sa imahinasyon, kaisipan, mga kamay at papel na naging instrumento
Para umabot kayo sa puntong ito
Kaya naman aking pinasasalamatan ang mga nagbabasa nito
Dahil isa kayo sa mga inspirasyon ko
Para ang tinta ng pluma ng aking mga tula
Ay tumagal kahit naghihingalo na
Kayat anong mang mangyari,
Hindi ko kayo makakalimutan
Dahil ang naghihingalong tinta
Ay magpapatuloy pa sa pagsulat ng tula
At sana nandito parin kayo para suportahan ako
Dahil pawang mga tula ko lamang ang maibibigay ko sa inyo
Bilang papasalamat sa pagbabasa nyo
At magunaw ang mundo at mamatay ako
Ay patuloy parin akong gagawa ng tula sa kabilang buhay ko.
At sa oras na ako'y mabuhay mang ulit
Sana nandito parin kayo, para suportahan ulit
Dahil ang pluma basta may tinta
Ay hindi mawawalan ng tula
Kahit itoy naghihingalo pa
kayo magsisilbing tinta
Para magpatuloy parin ito
Dahil kayo ang tinta
At ako ang pluma
Magkasama
Magpakailan pa man
At walang makakapigil kahit sino pa man.
--

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet