Tinta #6: Upang Pangarap, Ating Makamtan

Naghihingalong Tinta

Upang Pangarap, Ating Makamtan

I

Ang sakit isipin

Ang hirap tanggapin

Ang kanyang puso kayhirap kunin

Pati ang pagpaparaya ang hirap gawin.

II

Matatawag ba akong hangal

Isa lang naman akong taong nagmahal

Sa taong di naman ako mahal

Pag-ibig ba saki'y pinagbawal?

III

May karapatan pa ba akong umibig at ibigin?

Mayro'n bang taong ako'y mamahalin

Pag -ibig na tunay na mag-aalay sa akin

Na kahit anong balakid 'lang makakapigil sa 'min.

IV

Isang pangarap na lang ba ang lahat?

Ang araw sa 'kin 'di na yata sisikat

Pero sa pagdating niya nagbago ang aking buhay.

Pagka't buhay ko'y binigyan niya kulay.

V

Sa pagdating niya sa aking piling

Ay di ko naman hiniling

Pagkat siya'y kusang dumating

Ng di ko inaasahan man din.

VI

Nasaktan man ako nung una

Ito'y simula lang pala

Ng isang hamon na kailangan nating malampasan

Upang ang mga pangarap natin, ating makamtan.

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet