Tinta #1: Hanggang Wakas (HW1)

Naghihingalong Tinta

Hanggang Wakas

I

Sa di inaasahang panahon

Tayo ay nagkatagpo

Mga pinakita mo sa aking mata

Pawang mga kasinungalingan.

II

Gusto man kitang ipakulam, 'di ko magagawa

Mahal kita higit sa iba

Wala nang kwenta pag-ibig ko sayo

Dahil may iba ka na't di na ako.

III

Bakit ba sa lahat ng tao,

Ikaw pa ang inibig ko?

Nag-iisa ka lang ba sa mundo?

Bakit ganito nagdurusa ako?

IV

Kalimutan ka kayhirap gawin

Mahirap man, pinilit kong tanggapin

Na 'di ka nakatadhana para sa akin

Sugat na iniwan mo, unti-unti nyang pinagaling.

V

Kung ano kulang sya ang nagpunan

Lungkot ay napalitan ng saya at tuwa

Ng dahil sa pag-ibig nyang lubos at wagas

Na alay nya sakin hanggang wakas.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet