Tinta #4: Walang Hangganan
Naghihingalong Tinta![](https://photo.asianfanfics.com/story_cover/1389495_4d769e.jpg)
*****
Napaaga ang update eh nagkameron ng time eh...
Nga pala bago ko makalimutan, kay @RepusTero nakadedicate ang part na to...
Salamat sa vote at comment . maraming salamat sayo...
*****
Walang Hangganan
I
Magkaibigan kaming dalawa noong bata pa
Sa lahat ng bagay, laging magkasama
Matalik na kaibigan, sa akin turing niya
Pero ako, iba ang turing sa kanya.
II
Di ko alam kung kailan nagsimula
Ang pag-ibig ko sa kanya
Basta Masaya ako 'pag kasama sya
At mas nagdurusa ako 'pag nasasaktan sya.
III
'Di man nya alam, ang nararamdaman ko para sa kanya
Sapat na sa 'kin, ang maging Masaya sya sa iba
Basta 'wag lang syang sasaktan ng iba
Lagot sila sa 'kin, masasapak ko sila.
IV
Ngayong pupunta na syang Amerika
Ako ngayon maiiwang mag-isa
Sa Unibersidad, 'di ko na sya makikita
'Di ko na makikita pa, mga ngiti at tawa nya .
V
Bago mahuli ang lahat
Sasabihin ko na ang lahat-lahat
Para wala na 'kong pagsisihan pa
Pagtatapat ko nang mahal ko siya.
VI
Araw na ng pag-alis nya
Ngayong araw pagtatapat ko na
Ang nararamdaman ko para sa kanya
Matatanggap niya kaya, pag-ibig ko sa kanya?
VII
Ilang oras na ang nakararaan
'Di parin siya nadating sa tagpuan
May tumawag sa 'kin naaksidente siya
Agad akong nagmadali na puntahan siya.
VIII
Pagdating sa ospital, hinanap ko agad siya
Nasa ER siya, malala ang lagay niya
Di mapakali, kaba ang nadarama
Oh dyusko, nawa'y maging maayos ang lagay niya.
IX
Mayro'n akong gustong sabihin
Alam kong naririnig mo ito
Mahal kita 'hindi bilang isang kaibigan mo
Kundi maha kita, higit pa sa iniiisip mo.'
X
Ilang araw pa ang iintayin ko?
Kailan ba magigising ang gagong ito?
'Di naman ako umaasa na ako'y mahalin mo
Basta magising ka na, Masaya na ako.
XI
Nagising ako sa isang haplos sa aking mukha
'Di ako makapaniwala, may malay na pala siya
Agad ko siyang niyakap, walang pag-aalinglangan pa
Salamat sa Panginoon, gising na siya.
XII
Kahit alam mong mahal kita
Gaya pa rin nang dati ang pakikitungo mo
Di mo ba masusuklian ang pag-ibig ko?
Dahil ba kaibigan lang talaga ang turing mo sa isang katulad ko?
XIII
'Wag mong sabihin ang mga katagang 'yan!
Kailanman di kita tinuring na kaibigan lang
Natakot ako na ako'y iwasan mo
Dahil mahal kita iyon ang totoo.
XIV
Isang matamis na halik ang aking natanggap
Na sa kanya ko unang natikman
Sya ang una't huli aking mamahalin
Dahil ang pag-ibig ko sa kanya'y walang hangganan.
Comments