Tinta #2: Hanggang Wakas Parin (HW2)
Naghihingalong Tinta******
Sabi nya bitin daw yung una
Part 2 nabuo nang dahil sa kanya
Kaya nakadedicate ito para sa'yo
Dahil ikaw ang isa sa mga nakaappreciate nito.
Iyan tuloy napapatula ako
Ito na ang pinakahihintay mo
Ang tulang nabuo sa aking imahinasyon
Sana magustuhan mo ang ending nito.
******
dedicated to daiSUKEjayaR
Hanggang Wakas Parin
I
Aking nadaramang saya
Hindi nagtagal napalitan ng lungkot ang nadarama
Dahil sa isang aksidenteng nagbago sa buhay ko
Ang taong mahal ko , nawala sa piling ko.
II
Tiniis ko ang sakit
Kahit sobra nitong hapdi
Sa ikalawang pagkakataon naramdaman ko ulit
Ang buhay na walang kaypait.
III
Pagtulog ng mahimbing di ko magawa
Ikaw ang nasa isipan wala ng iba pa
Sana kung nasa'n ka man ngayon, sana malaman mo
Mahal kita, higit pa sa buhay ko.
IV
Namuhay nang mag-isa, dahil wala ka na
Ramdam parin ang presenya mo sa'n man magpunta
Ikaw ang gabay sa lahat ng araw
Ikaw ang dahilan kung bakit buhay ako araw-araw.
V
Alam kong matagal pa tayong magkakasama
Pero di ko na kaya, gusto ko nang makasama ka
Wakasan ang buhay ko, wala ng iba pa
Pero dahil sa kanya, di na kita makakasama pa.
VI
Siya ang unang lalaking minahal ko
Siya din ang unang lalaking sinaktan ako
Di ko akalaing s'ya ang magliligtas ng buhay ko
Akala ko, di nya ko minahal noon ng totoo.
VII
Lahat ng bagay na nangyari noon
Ang kanyang magulang ang may ayaw nun
Wala syang magawa kundi sundin ito
Kaya pinagsisihan niya ito ng buong puso.
VIII
Iba noon, iba din ngayon
Pag-ibig nya sakin lahat ay totoo
Kaya tinanggap ko ito ng buong puso
Ipaglalaban nya ako, di katulad noon.
IX
May pagsubok mang darating
Di ako nag-iisa dahil sya'y kapiling
Wala kahit sino, makakapigil sa 'min
Dahil ang pag-ibig namin hanggang wakas parin.
Comments