Crossroads..
Only YouTonight, I finally found out that Baechu is back in the neighborhood. Frankly speaking, may kung anong napukaw sa kaloob-looban ko at tiyak akong magiging unfair ito kay Tzu. (Sana Dalawa ang Puso Ko playing in the background right now! Paulit-ulit.) Simula na ba ito ng gulo? Wag naman po, pag nagkataon, ang hirap kaya nun. Ang hirap mamangka sa dalawang ilog.
"Babe..kilala mo siya?!" tanong nya.
Napabaling bigla ako ng tingin kay Tzu like getting back to my senses from a daydream. A daydream which doesn't involve her. I suddenly feel bad about it. Mukang hindi magiging maganda ang epekto neto sa'min. Feeling ko.
"Ahh-ehhh, ahh... parang familiar-- ahh oo, parang familiar sya sakin.." nauutal kong sagot. Seeing her tonight and being able to recognize her, is something I never have been prepared to witness. This has been quite sudden. (Pano ba to...Teka lang, parang yumuyugyog yung buong mundo ko...nakakahilo.) She still has this kind of effect on me.
Hindi sya agad sumagot. Tahimik saglit. Kaagad akong naging lutang. Di ko alam ano pa ba sasabihin, tinignan ko sya ng mapaupo na ulit. (Tzu....ayaw ko sanang maglihim sayo pero ayoko ding magkagulo tayo ng ganto kaaga sa relationship. - my poor mind says.)
"Ohhkeyy.. di kapa ba uuwi? Di ba't may tatapusin ka pang assignments?" Nag-aalala nyang tanong.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko mabasa ang takbo ng isip ko ngayon at ayaw ko na syang mas lalong magtaka.
"Ya, right..babe. Ge..kita tayo ulit bukas dun pa din sa bahay friendships mo. Dadaan ako dun before my afternoon class. Kiss?!"
Kinurot nya ko ng bahagya ng aakma ko syang hahalikan, na di ko naman din gagawin. "Siraulo! Haha!"
When I got home, sobrang balisa ko. Ang dami-daming mga futuristic scenes akong naiimagine. Mahal ko naman talaga si Tzu, napamahal na sya sakin eh. Nakalimutan ko ng tuluyan yung assignment and fell asleep as I laid down on my bed. (Seul, ano na nangyayari sayo now... Namemental breakdown ka na ata. - sabi ng utak ko.)
Wag ko sanang mapanaginipan si Bae...lagot na.
(to be continued..)
A/N
Sorry guys, it took me awhile.
I have been through a lot but I want to finish this story for sure ..
Bear with me. Thanks for reading.
See ya in the next chapters!
Xoxo
Comments