The Feels (Twice)
Only YouFriday activities in school went great, received good criticisms and feedback about our presentation from classmates and our teacher. I was so proud.
I was staring blankly at the ceiling in my room the morning of the following day, Saturday. Kailangan kong puntahan si babe maya. Bakit ba ako kinakabahan? There's just something I couldn't point my finger at. Kumakalam na pala sikmura ko and it was already too late realizing that the clock is about to strike 12 and I haven't gone out of bed yet for breakfast. Ambilis talaga lumipas ng panahon, isang araw you wake up na lolo ka na pala, like pag nagkaanak pamangkin mo. Lumalakas na ata sigaw ng sikmura ko at kailangan ko na nga talagang kumain.
After my brunch, I took my shower and already was deciding what to wear and if I should go or not. Kuh po, baka bigla na naman yun sumulpot and this time, away na naman at sisiklab sya na parang digmaan kasi ma pride ka din kaya di ka basta-basta aamin na kasalanan mong pinaghintay mo sya gang sa mamuti mata nya sa kakaantay sayo. This is clearly your fault. Para maiwasan yang ganyang sakuna, e dapat ko na nga talaga syang puntahan.
Nasa may kalayuan pa ako pero tanaw na tanaw ko na si Tzu na nag-aabang sa may pintuan ng bahay nila at nararamdaman ko sa expresyon ng kanyang mukha ang lungkot at pagkabalisa habang papalapit ako eh napagtanto kong tila tama ang aking hinala. Ngumiti sya pero tipid. Sumunod naman ako sa kanya ng sya ay papasok ng tuloy-tuloy papuntang sala. Napaupo din kami ng sabay at pansin kong walang ibang tao sa bahay. Bumuntong-hininga sya at bahagyang tumingin sa akin na nakaupo kaharap ng upuan nya.
"Babe....kanina pa kita hinihintay..." wika nito.
Sinadya kong di umimik, nakatitig lang sa kanya hinihintay na magpatuloy sa mga gusto nyang sabihin. Seryosong usapin ata to, nasa mukha nito ang walang alinlangang mga ideya na alam kong pinaglaanan nya ng mahabang oras na pag-isipan para sa araw na to.
She breathed deep and continued : "Di ko alam kung ikakatuwa mo ba ito o mas naniniwala akong mukhang di mo 'to magugustuhan pero sana maintindihan mo. Di naman sa basta-basta na lang akong nagdedesisyon ng di ko man lang pinapaalam sayo o hingin ang opinyon mo. This time, I gotta do this and I hope I got your support too.."
Mukhang mahaba-haba pa ata speech neto. Nakatitig pa din ako, walang kaide-ideya kung ano ang karugtong ng kanyang mahabang litanya. Whatever it is, wherever this is gonna head us over to, we have to face it. I have to face it.
Bumuntong-hininga sya, malalim. May katagalan yung sandali bago sya nagpatuloy : "Seul, mahal kita at alam mo yan. Mahal na mahal." tumitig sya
"..pero alam mong ang hirap ng sitwasyon ko, diba? Ang hirap-hirap ng buhay namin. Alam mong kundi dahil sa pinansyal na support ng mga tito ko e hindi ako makakatuntong ng college. Lately nalaman kong baka matigil yung suporta nila dahil financially nagsta-struggle na din sila. Yung parents ko, lalong-lalo na yung nanay ko..pag may namanhikan dito sa bahay at galing sa marangyang pamilya e hindi sya tatanggi at baka makasal ako sa ayaw ko man o gusto. At mas lalong ayokong mangyari yan kasi ayokong tuluyan na tayong maghiwalay. Mas matatanggap kong mapalayo sayo sa distansya pero wag lang panghabang-buhay na pagmamay-ari na ako ng iba."
(Teka, saglit..aalis si Tzu..makikipag-sapalaran sa ibang bansa?! bulyaw ng isip ko.) Ang nakapagpatigil bigla sa pag-ikot ng mundo ko ay ang huli nyang sinabi. "May...may nagbabalak bang mamanhikan sayo???"
Tumango sya. Malungkot ang ekspresyon ng mukha nya.
"pwede namang....ako na magsho-shoulder ng tuition mo. Yung baon ko everyday maghati tayo para may baon ka din. That way I can be of help." nasabi ko bigla.
Pagdating sa kanya kaya ko naman ding magsakripisyo. Whenever she needs my support walang alinlangan ko yan ibibigay.
"Sabihin mo, magdahilan kang nag-apply ka for scholarship from somebody, financial assistance from an NGO or whatever. Let me help you, Tzu."
Umiling sya. "No, babe. Ayokong mahirapan ka pa. Gusto ko din namang makatulong sa pamilya ko financially. If I don't...no one else would. Nakikita mo naman diba how difficult things are for my family. Please, understand. I need you to understand. Wala akong ibang choice. I have to do this.."
Masakit. Mahirap mawalay. Hindi ko ata kayang imajinin at ayaw ko ding iimagine yung sarili ko na nag-iisa dahil malayo na sya. Mahal ko sya, hindi ko yan maikakaila, syempre may pinagsamahan kaming dalawa. Napasaya nya ako, anjajan sya sa mga panahong kailangan ko ng someone to lean on, who listens, who's there always for me when I need her. Hindi to madaling idigest at mas lalong hindi magiging madali ang lahat para sa amin, para sa akin. (LDR...ha! Ang hirap-hirap nun, Seul! - I heard my self says.)
Understanding..yan ang kailangan nya from me this time, which hindi ko dapat ipagdamot. "kelan mo planong umalis...?" malungkot kong tanong.
Comments