I didn't see it coming, just felt it.

Only You

 

Nagpatuloy yung kwentuhan namin thru letters although mostly every other day kame nagpapalitan. Minsa dala-dalawa pa. Nag-eenjoy na din si Tzuyu sa convos namin. Sinasakyan-sakyan din nya trip ko.

Yung mga ka-cheesehan ko sa mga sulat, at replies ni Tzu :

- "dame siguro nagpipilahan sa may pintuan ng bahay mo? Nag-aagawan na makuha atensyon mo. Eh kung naging isa ako sa kanila, di ako pipila, ka-hassle ba! Dadaan ako sa pintuan sa likod ng bahay nyo para shortcut. Nanakawan kita, nanakawin ko puso mo. hehe" (Seul)

- "haha siraulo ka talaga! From now on, ikakandado ko na yung mga pintuan then. Para mahirapan kang magnakaw, good things never come easy." (Tzu)

- "Kung ganyan man, eh okey na saken ang dumaan sa harap basta ba meron akong VIP pass. hehe" (Seul)

- "Sigurista ka talaga, gusto lagi special treatment, Kahit man din wala kang VIP pass, ipapauna kitang papasukin. Pero dapat behave ka palagi para lagi kang under special treatnent." (Tzu)

- "Behave naman talaga ako ah..baet-baet ko nga eh at napaka-inosente (pag tulog) pero don't wori dahil spesyal ka, I will be the most adorable Bear you could ever have." (Seul)

- "haha, tignan nga natin if mapapatunayan mo yan. To see is to believe." (Tzu)

- "aba, oo naman! Baka nga sa sobrang amo ko eh di mo na ko hahayaang makawala pa. Mahirap na at makuha ako ng iba,,soriiii it's gonna be your lost!" (Seul)

- "Feeling naman!!!! haha, Ako pa talaga ang nawalan ha?! Ang swerte-swerte mo na sakin pag nagkataon noh! Hindi ko basta-basta binibigay ang matamis kong oo.." (Tzu)

- "Di baleng di mo ibigay matamis mong oo, ibigay mo lang puso mo ng buo-buo, sapat na!" (Seul)

- " Pano ko ibibigay kung hindi mo hinihingi?" (Tzu)

- "Pano ko hihingiin eh hindi ko ma-reach?" (Seul)

- "Na reach mo na, hindi mo lang pansin kasi ang atensyon mo kung saan-saan nakatuon." (Tzu)

- "Yung mga mata ko lang nasa North-West-East-South nagpupunta, abot pa hanggang Galaxy pero yung atensyon at isip ko sayo naka-stuck." (Seul)

- "Wow ha? Totoo ba yan Seul? Maniniwala na ako nyan!" (Tzu)

 

(Wait a minute...iba na to. Parang hindi na biruan to ah?!)

Hindi muna ako nagsulat ng reply skanya, kase di ko alam ano sasabihin ko. Parang iba na talaga to. I think skanya ko maaaplay yung advice nyang "Think things over.."

One night, sumulpot si kuya sa bahay na lagpas tenga ang ngiti, pati mga mata nya ngumingiti na din. (Something's fishy here..parang hindi ko gusto..)

"Oh,,anong meron??Iba ata ngiti mo ngayon?"

"Haha wala ah! di ba ako pwedeng maging energetic paminsan?" tanong nya.

"Spill the beans..confess! hehe"

"Eh kabilin-bilinan nyang wag ko daw sabihin sayo"

Na-alarmed ako. Ano naman yun na dapat hindi ipagsabi saken? (Loka-loka talaga tong si Tzuyu, naglilihim na.)

"Hindi ko sasabihin skanya na may alam ako. Ano ba yun?"

"Sinagot na nya ako kagabi." sabi nya habang palaka-lakad lang sa loob ng sala habang ako naman hinahabol-habol sya ng tingin.

"Para kang bulate hindi mapakali. Kaya pala.....ang saya-saya mo. Eh ilang araw ka bang nanligaw?"

"3 months!"

Nanlaki ang mga mata ko.. "Whattt? Seryoso? Ulol! Buti nakapaghintay ka? Pag ako naging guy at nanligaw, pinakamatagal na yung isang linggo." (As if hindi talaga nanligaw ni minsan. Tae kang Kang Seulgi! Mapagkunwari ka talaga!)

Erset naman oh...di man lang nagkwento si Tzu! Kainis!

"Bibisitahin mo ba sya bukas ng gabi?"

Tumango sya. "Pakibigay ang sulat ha kuya"

"Ah oo, nagtanong nga yun kanina why wala ka daw reply. Ilang araw na din daw sya naghintay. Akin na. Yan ba yun?"  sabay turo sa sulat na tinatakpan ko ng isang notebook.

"Eh sa ngayon ka lang din ulet nagpakita. Ang busy-busy mo na, mas naging busy ka pa with her. Hindi pa tapos, maya ko na ibigay sayo"

"Wag na tayong mag-dramahan dito. Ibigay mo sakin maya before ako matulog kasi maaga ako sa work bukas."

Nag-usap pa kame saglit about sa napagkasunduan naming pagkikita-kita ulet tapos eh umuwi na sya.

Baket ganun? Baket parang apektado ako? Baket din ayaw ipaalam ni Tzu yun? Dahil ba sa iniisip nyang may interes ako skanya at ayaw nyang magka-reason akong hindi manligaw? (Assumer talaga ako. Color-er pa. Imbentong mga words ko yan, yaan nyo na.) O baka madaldal pa din tingin nya saken at wala pa din syang tiwala?

Kahit na! Di rin dapat na itago nya saken, inano ko ba sya ha? Di ko naman sya ppigilan sa kung ano mang makakapagpasaya skanya kahit di ako yun..kahit na ako, sya nagpapasaya sa aken ngayon..di bale na. Natututo na syang maglihim, eh hindi pa kame magsyota nyan, pano pag nagkataon na kame? Mashaket yun.... ( Teka Kang Seulgi, why ka ba nagmamaktol jan? You have no right to dictate, not even feel bad about it, di mo sya syota..wala syang obligasyon sayo..nagkakagusto ka na ata skanya.. yung utak mo nagsi-system down na naman bah?? - my good self saying, nadidinig ko)

Pagkapasok ko sa kwarto, binagsak ko agad katawan ko sa kama, her image smiling so sweetly keeps flashing back to my eyes na parang sikat ng araw, parang flash ng front cam pag nagse-selfie ka sa dilim, nakakasilaw.. nagkakaron ng "aftershock" kumbaga, sa mata mo yung sinag. Kaagad kong sinubsub mukha ko sa unan at nagsisisigaw ng... 

Wahhhhhhhhhhhhhh Arghhhhhhhhhhhhhhh Tzuuuuuuuuuuuuuuuuuu get out of my sight! Get out of my head! Stopppp!!!!

Napaupo ako bigla. What's this? What's with me? What's going on right here right now Seul???! - tanong ko sa sarili. 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
seulmon1326
#1
Thank you so much for the comments. I am sorry it's taking me time to get back to writing. Updates coming soon...xoxo
born10966 #2
Chapter 7: I was re-reading again to remember everything haha. And in this chapter Seulgi you are an . You actually asked for a proof that she trust you and she did give you de V card. I know you didn't planned but whatever. Both cheaters 😤🤭
born10966 #3
Chapter 14: Well comeback Author Nim.🎊☺️🎉
Seulgi still feeling guilty about her brother. I appreciate the fact that Seulgi didn't look for any way of contacting Joohyun, she actually try to do the right thing sticking to her relationship with Tzuyu, bc She knows that Joohyun back in her life could complicate everything.
Tzu is leaving?, I guess that's good for Seulrene, but I'm wondering why Joohyun never approached Seulgi, did Baechu forget about her Bear?
Thanks for the update Author Nim
born10966 #4
Chapter 9: All good author nim. Thanks for the update.
Wow a part of Seulgi's self conscious was telling her all the wrong that she has done, but still she keeps going with Tzuyu who is also in fault even if Seulgi approach to her with a double purpose still Tzuyu did wrong and maybe the only thing she did right is breaking up with her boyfriend. This is a mess now with baechu entering in the picture. I'm really curious how this going to develop.
IreneCabbage
#5
Babasahin ko sana ito ngayon kaso may pasok ako bukas hahaha
IreneCabbage
#6
Seulrene <3
howdoyouknowmee
539 streak #7
Chapter 8: Tagalog SeulRene is attractive af