CIRCLES (Tagalog)

BTS Short Stories
Please Subscribe to read the full chapter

jungkook x oc

Hindi ko alam kung bakit nahantong tayo sa ganito.

Parang kailan lang napaka-saya pa natin.

Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa.

Subukin ko mang ibalik ang lahat kaso wala na ata talagang pag-asa.

Wala ako sa katinoan. Hindi ko alam ginagawa ko noon.

At hindi ko alam kung paano ko nagawa sayo yun.

Kung maibabalik ko lang ang lahat...

"Tapos na tayo Jungkook!" sigaw niya habang umaagos ang mga luha sa kanyang mukha.

Doon ko lang napagtanto kung ano ang ginagawa ko.

Nakapulupot ang mga braso ko sa beywang ng isang babae, babaeng hindi ko mahal at lubos na kilala habang nakatingin sa akin ang babaeng nasaktan ko sa ginagawa ko.

"S-Shannen." Tawag ko sakanya at inalis ang pagkakahawak sa babae pero umiling siya, kitang kita sa mga mata niya ang pagkadismaya, lungkot at galit.

"H-Huwag na huwag mo na akong matatawag sa pangalan ko.." patuloy siya sa pag-iyak.

Ano ba itong nagawa ko.

"Nandidiri ako sayo!! Napaka-baboy mo!! Napaka walang hiya mo!" Sigaw niya.

"At ikaw! Hindi ka na nahiya, alam mong may girlfriend yung tao, tas papatulan mo!" napayuko ang kasama kong babae.

"Isang malutong na PUTANGINA MO JEON JUNGKOOK!" sigaw niya sa akin at saka pinunasan mga luha niya. "Magpakasaya ka sanang hayop ka." nakitang kong hinubad niya ang singsing... at saka tuluyang lumabas ng apartment naming... dalawa.

Tangina mo Jeon Jungkook.

"Condolence pare." pabirong sabi ng kaibigan kong si Hoseok.

"Gago, anong condolence? namatayan ba ako?" tanong ko.

Nag-iinuman kasi kami ngayon dahil birthday ng kapatid niya.

"Hindi naman pare, mukha ka lang namatayan." sabi niya sabay tawa nagsihalakhakan naman iba pa naming kaibigan.

"Kumusta ka na pala?" tanong ni Seokjin ang pinakamatanda samin.

"Okay naman? Bakit?" parang timang tong mga to nakatitig lahat sakin na para bang may mali sakin.

"Sus, okay na daw. yung totoo Jungkook?" sabi ni Namjoon.

Napayuko ako at napahawak sa batok.

Okay na nga ba talaga ako?

"Apat na buwan na din nakalipas ah." sambit ni Taehyung.

"Nakasalubong ko nga pala si Shannen nung isang araw." dugtong ni Taehyung.

Biglang tumahimik. Bakit ganon tuwing naririnig ko pangalan niya bumibilis nalang bigla pintig ng puso ko.

Napatingin ako kay Taehyung at nakatingin din siya.

"May kasama pala siyang lalaki kaso di ko mamukhaan." ngumit siya ng tipid.

Biglang nanlamig sistema ko.

May iba na siya? Ganon ba kalala ang nagawa ko sakanya?

"Masyadong tahimik, kumusta na nga pala si Yeri pre?" tanong ni Jimin.

Si Yeri... siya ang kasama ko nung gabing iyo.

Ang gabing pinagsisisihan ko.

"Hindi naman kami nagkikita kahit ilang beses niya na akong kinukulit na magkita kami." sagot ko sabay lagok ng beer na hawak hawak ko.

"So ano plano mo?" tanong nila.

Ano nga ba plano ko? Plano ko sa buhay?

"Di ko alam, siguro magpapahinga muna ako." sagot ko at huminga ng malalim.

"Hindi na ba talaga kayo nagkausap ni Shannen simula nung gabing yun?" tanong ni Seokjin at umiling ako.

"Sino pa ba papayag makipagkita kung ganoon madadatnan mo." sam

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jyuna59
#1
Chapter 3: Please continue this series it's so beautiful!!!! At least give us a happy ending after the 25th!!!
Kpop_nightcore
#2
(Cries dramatically)It's so beautiful!! No really tho, it's really good keep it up❣
Kpop_nightcore
#3
Chapter 3: Aawwww maaannnn!! Too good of a story to be true