3 Dads and 1 Mom (Tagalog)

BTS Short Stories
Please Subscribe to read the full chapter

Your POV

"Ilang weeks nalang iluluwal ko na tong anak natin bakit ngayon mo pa ako iniwan?"

Andito ako ngayon sa puntod ng asawa ko tatlong araw na ang nakalipas ng ilibing siya.

"Seokjin bakit?"

Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko. Nakatingin lang ako na naiyak sa lapida ng pumanaw kong asawa.

Seokjin Kim
December 4, 1992 - March 28, 2015

Bigla namang humangin kaya tumaas balahibo ko napatingin ako sa langit.

"Iniwan mo na nga ako, tas tatakutin mo pa ako." pagdradrama ko.

Pinunasan ko na nga ang mga luha ko at tumayo sa kinauupuan ko. Sabi ng doctor huwag daw ako masyadong malungkot at mastress dahil masama daw ito sa baby ko. Lumakad na ako papunta sa van kung nasan ang tatlong matalik na kaibigan ng asawa ko.

"Tahan na, ayaw ni hyung makita kang malungkot." sabi sakin ni Jungkook at pinat niya ulo ko.

"Huwag ka mag-alala, andito naman kaming tatlo para alagaan kayo ng anak niyo ni hyung." ngumiti naman sakin sk Taehyung.

"Tutuparin namin hiling ni Seokjin hyung." sabi pa ni Jimin.

Sila yung tatlong matalik na kaibigan ni Seokjin, sabi nila bago daw mawalan ng hininga ang asawa ko ay nagbilin ito sakanila at dahil parang kuya na nila asawa ko ay nangako naman silang tuparin iyon.

Ang hiling lang naman ng asawa ko ay sila ang pumalit sakanya at maging ama ng anak namin. Hindi ko alam kung bakit ayun ang hiniling ni Seokjin. Alam kong pinagkakatiwalaan niya ng mabuti ang tatlo.

Nagulantang ako lalo ng sabihin ni Seokjin sa akin noon ng nabubuhay pa siya na mas okay pa daw na sa isa sa mga kaibigan niya ang pumalit sakanya kasi alam niyang aalagaan ako ng mabuti at hindi ako sasaktan.

Lumingon ako sa huling sandali kung nasaan nakalibing si Seokjin at saka sumakay na sa van.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko Seokjin pero sana nga alagaan nila ako ng mabuti katulad ng ginawa mo noon.
Pero kahit anong mangyari ikaw pa din ang nag-iisang lalaking mamahalin ko.

Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako sa biyahe. Papunta kasi kaming probinsya kung nasaan ang pamilya ko.

I know na hindi ito aksidente kung bakit sila ang pinagkatiwalaan ni Seokjin, May purpose kung bakit sila ng napili ng asawa ko at ako ang magiging saksi non.

 

Your POV

"Wala pa ba sila? Wala pa ba si Seokjin?" tanong ko sa mga kamaganak ko.

Tumingin ako sa orasan, 10 na ng gabi pero wala pa din sila. Napromote kasi si Seokjin kaya naghanda kami para i-celebrate yun. Nag-aalala na ako wala pa din kasi sila. Bigla naman bumukas pinto at agad akong napapunta.

"Seokjin-" naputol pagsigaw ko ng makita kong hindi ang asawa ko ang dumating.

"Asan si Seokjin?" tanong ko kina Taehyung, Jimin at Jungkook na kakadating lang.

Magkakatrabaho kasi sila kaya baka kasabay na nila si Seokjin.

"Huh? Wala pa ba siya?" nagtatakang sagot ni Taehyung.

"Magtatanong ba siya kung andito na si Hyung?" binatukan ni Jungkook si Taehyung.

"Alam ko nauna siya samin." dagdag pa ni Jimin

"Oo nga, nagpaalam pa nga siya samin kanina." sabi ni Taehyung na naupo sa isang upuan.

"Ganun ba, sige maupo na kayo. May pagkain na din diyan." sambit ko sakanila at tinignan selpon ko para tignan kung may tawag o message pero wala.

"Baka na-traffic lang yun wag ka mag-alala." sabi sakin ni Taehyung at nginitian ako may dumi pa siya sa pisngi dahil sa pizza na kinakain niya kaya napangiti naman ako.

"May dumi ka pa sa pisngi. Haha." Turo ko.

"Shunga mo naman tol, ang luwag luwag ng kalsada kanina." singit ni Jimin siniko naman siya ni Jungkook.

"Pinapagaan nga ni Taehyung loob niya sinira mo naman." rinig kong bulong ni Jungkook.

Bigla naman tumunog selpob ko.

"Si Seokjin!" hiyaw ko at agad sinagot. "Seokjin!-" akala ko ang maririnig kong boses ay yung asawa ko pero isang babae ang nakausap ko.

"S-Sino to?" nauutal kong tanong nilapitan naman ako agad ng tatlong kaibigan ni Seokjin.

"Good evening po ma'am, sa Seoul Medical Center po ito, kayo po ba ang asawa ni Mr. Seokjin Kim?"

Bigla naman bumilis tibok ng puso ko.

"O-Oo ako nga, A-Anong nangyari?" naramdaman kong may humawak sa braso ko lumingon ako at nakita si Jungkook.

"Ma'am mas mabuti po kung pumunta nalang kayo agad dito."

"S-Sige. Salamat." Binaba ko na yung tawag at agad hinila si Jungkook wala na akong pakialam kung sino mahila ko kailangan ko ng kasama.

"S-Si Seokjin, nasa ospital, kailangan natin siyang puntahan." Sabi ko sakanila, pinipigilan ko ang luha ko dahil hindi ito ang tamang oras kailangan ako ng asawa ko.

"H-Huh?! Ano daw nangyari?" Tanong ni Jimin.

"H-Hindi ko alam. Kaya kailangan ko ng pumunta doon agad." Kinuha ko na yung bag ko.

"Ano pa hinihintay natin? Tara na!" kinuha na nga ni Jungkook yung susi ng kotse niya.

Lumabas na kami at sumakay at agad naman pinaandar ni Jungkook ang sasakyan.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko dasal ako ng dasal na sana maging okay ang asawa ko.

Nang makarating kami sa ospital ay agad akong tumakbo sa may ER, hindi ko na maalala na buntis pala ako sa sobrang pag-aalala.

"M-Ms. nasan si Seokjin Kim?" tanong ko sa isang nurse.

"Ahh. Kayo po ba ang asawa?"

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
jyuna59
#1
Chapter 3: Please continue this series it's so beautiful!!!! At least give us a happy ending after the 25th!!!
Kpop_nightcore
#2
(Cries dramatically)It's so beautiful!! No really tho, it's really good keep it up❣
Kpop_nightcore
#3
Chapter 3: Aawwww maaannnn!! Too good of a story to be true