Chapter 2

O Pag-ibig

Iah's POV

Kinabukasan...

"Hi Shaniah. Hi Erica", bati sa akin ni...? Sino nga pala siya?

"Hello....", sabi ko ng pabitin na waring nagtatanong kung ano ang pangalan niya.

"Oh, Mark Ocampo nga pala. Kaibigan ni Alex at Aaron. Matagal na kami magkakaibigan since elementary pa.", sabi nito habang nakipag-kamay sa amin ni Ica.

Narinig ko na naman ang pangalang Alex at nakaramdam ako ng suntok sa aking sikmura. Kaba pala itong naramdaman ko.

"Oh. Hello Mark", sabi ko at nahalata ko ang pagbabasa niya sa aking mukha. Alam ko, alam ko, nahahalata niyang kinakabahan ako.

"Nga pala, nais ko lang mag sorry sa ginawa ni Alex kahapon. Naging cold na siya simula nung mawala si Elisse.", sabi nito ng may halong lungkot ang tono.

"Elisse?", tanong ni Ica.

"Kaibigan naming tatlo since elementary pero hanggang grade 5 lang kasi nag migrate sila sa America. At simula noon, naging ganyan na si Alex.", sabi ni Mark. In fairness, gwapo din itong si Mark. Tall, dark, and handsome ba. Mabait pa, di katulad ni Alex.

"Ah kaya pala. May something ba sila?", usisa ko.

"Meron haha. Huwag niyo sana ipaalam kay Alex na sinabi ko ah"

"Sige. Pero hindi mo kailangan mag sorry. Kami nga ang dapat mag sorry kay Alex eh. Mali yung panghuhusga namin sa kanya.", sabi ko.

"Ah wala yun. Hindi na dapat pinalaki ni Alex yun eh."

"Ang bait mo naman", sabi ni Ica.

"Sa mga mababait lang din. Hahaha. Alam ko namang mababait kayo eh, sadyang sobrang seryoso lang talaga ni Alex which is hindi naman noon."

"Ah hahaha. Pakisabi na lang kay Alex sorry kasi kinakabahan kaming kausapin siya eh", sabi ko.

"Sige sige. Oh paano, balik na ako doon ah", sabi ni Mark habang tinuturo yung bakante niyang upuan. Wala pa si Aaron at Alex pero mag-uumpisa na ang klase.

"Sige. Thank you pala!", sabi ko.

"No problem!", sabi ni Mark. Ngumiti siya at kumindat. Shocks ang gwapo! Umalis na siya at umupo na.

Maya-maya pa, dumating na si Alex at Aaron na mga hingal na hingal. Paano ba naman kasunod na lang din nila yung teacher namin.

"Goodmorning class!", bati ni Sir Lucas.

"Goodmorning Sir Lucas!", bati naming lahat.

"Una sa lahat, since ako ang adviser niyo, pagbibigyan ko kayo na pumili ng magiging upuan niyo sa buong taon."

"Yehey!!!", sigaw naming lahat. Kahapon pa lang ay nagkaalaman na kung sinu-sino ang naging mga magkakaibigan. Ang iba lima sa grupo, yung iba tatlo, yung iba dalawa katulad namin ni Ica, at may isang nag-iisa. Hindi naman sa panghuhusga pero mukha siyang nerd. Malaki ang salamin niya at napansin ko palagi siyang may sweater.

Gusto ko sana malapit sa bintana kami umupo ni Ica pero naunahan na kami ni, Luis ba yun? Basta yung parang nerd na tahimik.

"Iah! Tara dito na lang tayo", tinuturo niya yung bandang likod sa gitna, kung saan ang nasa harapan ng pwestong yun ay sila Alex, Aaron at Mark.

"Bakit diyan bes, kita mo naman oh", nginuso ko sila Alex. Pabulong ko lang sinabi kasi lesson learned.

"Eh tignan mo kasi, wala na tayo naunahan na. Kanina ka pa kasi nakatulala diyan eh.", nag-pout na naman si Ica. Na-cute-an ako sa kanya, kaso bes, nung nalaman kong buong taon kaming nakaupo malapit kay Alex, nanlumo ako. Nanlumo!

"Okay, that will be your final seat for the whole year. I hope you're happy with the privilege I gave you.", nag-smile si Sir.

Privilege daw kamo? Naku sir kung alam mo lang. Ang tanga mo kasi Iah! Pinukpok ko yung ulo ko. Dapat di ka na nagmuni-muni nung sinabi ni Sir na you may change places na eh huhuhu.

"Unfortunately beh, dito na tayo for good", sabi ni Ica at may pa-nod nod pang nalalaman.

"Pero class, since bago pa lang kayo magkakakilala, in this project that I will give you today, ako ang pipili ng makakapartner niyo."

"Awwww", kinalungkot ng lahat, lalo na kami ni Ica. Nagkatinginan kami at napa pout. Yes, our ultimate habit ever.

"Please Lord wag lang talaga si Alex.", sabi ko habang nakapikit like nagdadasal. Hands together pa.

Kaso bes! Pu-------tek! Pagmulat ng mga mata ko, nakalingon si Alex sa akin!!! With those sharp eyes! Naku naman Shaniah..Fuentes..Cruz! Ano na namang katangahan yan. Hindi ka talaga marunong bumulong! Tumalikod na ulit siya.

"Hala ka bes Iah.", nanakot pa si Ica.

"So ang project niyo is called The ultimate battle. Ang theme natin is Minute to Win it. Our chapter 1 focuses on interrelationship of human beings and the environment. All I want to see is the teamwork between all of you, with your partners. I want you to consider this as a fun activity, coz it's more fun in Science! Is that clear?", sabi ni Sir sa amin na sobrang excited.

"Yes Sir!", sabi naming lahat.

"The grading system will depend on your ranking. The top 4 wil automatically get 90 as it is the ceiling grade. The rest, will get a grade based on your rank. You are 34 in this class, so that means, we will have 17 pairs."

"Sir, pwedeng kami na lang ni Erica?", nagtaas ng kamay si Aaron at kumindat kay Erica. Jusko day, mukhang magkaka lovelife na si bes.

Nagsitawanan ang lahat at may mangilan-ngilang nanunukso sa dalawa.

Napa-irap naman si Ica sa kaniya. At ako? Natatawa lang hahahahaha.

"No. I will choose your partner through draw lots."

"Uhhh", sabi ni Aaron.

Nag-umpisa nang magtawag si Sir.

"Reyes, Santos"

"Ocampo, Flores", buti pa si Ica si Mark ang kapartner niya huhu, basta huwag lang talaga si Alex.

"Rodriguez, Gonzales"

.

.

.

.

.

"And lastly, Romeo, Cruz".

Patay! Kapartner ko nga si Alex..Paez..Romeo!!!!!!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Syafiq2002 #1
Kung fu Panda 3 it's the last HyoHan until one more the ending credits.
Hyosmilely #2
?Can you update in English???
I want to read it so much ~~
Foreversnsd01 #3
Can u make this story in eng ver so that everyobe can understand ur story easily... and please keep updating ur other story when the rebels meet the brat pkease... i luv it soooo much