Chapter 1

O Pag-ibig

"Ms. Cruz!", sigaw ng guro.

"Ay kalabaw! Este, yes ma'am?!", napatayo ito ng biglaan mula sa pagkakatulog sa kaniyang upuan.

"Umpisa pa lang school year at first day pa lang pero tulog ka na sa klase ko! Sagutan mo ang nasa board.", sabi ng guro.

Pinagpapawisan siya sa kaba habang dahan-dahang lumapit sa pisara. Alam niyang lagot siya dahil Math subject ito.

Buti na lang alam niya ang sagot sa equation na nasa pisara. 'Hay salamat.', sabi nito sa isip.

"Sige, makaka-upo kana Ms. Shanaiah..Fuentes..Cruz.", sabi ng guro habang magkadikit ang mga ngipin nito dahil sa inis.

Agad na pumunta si Shaniah sa kaniyang upuan at umupo. Namumula pa rin siya dahil sa pagkapahiya ng guro sa kaniya. Nakanguso o pout si Shaniah nang mapansin niya sa kabilang dulo ng kwarto ang lalaking wagas kung makatitig sa kaniya.Unang araw pa lang ng klase kaya't hindi pa sila masyado magkakilala lahat. Kahit nagkaroon ng introduction sa unang subject nila na Science ay parang estranghero pa rin sila sa isa't isa. Nagtataka siya kung bakit nakatingin ito sa kaniya ngunit agad din niyang naisip na dahil ito sa pagsita sa kaniya ng guro kanina. Nginitian niya ang lalaki ngunit bigla siyang inirapan nito.

'Aray ko beh. Inirapan lang ako huhubels', isip niya. Bumalik siya sa pag nguso.

Matapos ang klase, tumunog na bell, hudyat na oras na ng lunch break.

"Hi Shaniah!", sabik na pagtwag ng babaeng mala-anghel ang ganda.

'Ang ganda niya.', isip ni Shaniah.

"Hello! Wow naman alam mo na ang pangalan ko.", sabi ni Shaniah. Abot tenga ang kaniyang ngiti dulot ng pagkamangha niya.

"Oo naman! Una pa lang na nagsalita ka kanina nung introduction alam kong magiging magkaibigan tayo eh. Mukha ka kasing mabait at masiyahin."

"Talaga?", nakangiti pa rin ito. "Sorry ah, hindi ko alam pangalan mo eh. Mahina kasi ako sa pagmemorize eh. Lalo na ng mga pangalan. Hahahaha", tawa nito ng mahinhin habang kinakamot ang ulo.

"Ok lang yun. By the way, I'm Erica. Pero you can call me Ica if you want.", sabay abot ng kaniyang kamay para sa shake hands.

"Ah oo! Erica Flores, right?! Oh my gosh kahit papaano may naalala ako.", napatalon ito sa saya.

"Oo tama! Haha", mahinhin ngunit energetic na sabi ni Erica.

"Ako naman, tawagin mo na lang akong Iah."

"Wow ang cute naman natin! Parehong 3 letters at rhyming pa yung mga nicknames natin haha. I know we're gonna be good friends.", sabi ni Erica habang nakalagay ang mga kamay nito sa balikat ng isa.

"Oo nga noh! Yeah we're gonna be good friends talaga!", sabay akbay kay Erica.

"Hahaha.Tara kain na tayo sa canteen. Gutom na ako huhu" Aya ni Erica.

"Ako rin. Tara!", ngiting wagi ni Iah.

 

Iah's POV

"Alam mo nakakahiya talaga kanina. Buti talaga nasagutan ko yun.", sabay subo ko ng kanin at ang paborito kong ulam na beef steak!

"Ok lang yun, huwag mo ng isipin yun. Ba't ka nga pala nakatulog. Puyat ka noh? Haha", sabi ni Ica, sabay subo din ng kanin at ulam niyang chopseuy. Vegetarian daw ang dyosa.

"Oo eh. Nagconcert kasi si Enrique Gil diba.",sabi ko at hinawi-hawi ko ang buhok ko at nag beautiful eyes.

"Wow! Nanood ka?!"

"Ay hindi. Team bahay lang hahahaha nanood lang ako sa livestream.Strict kasi parents ko. Wala daw kabuluhan kung gagastos ako para lang sa isang concert. Huhu", sabi ko with matching fake-cry pa.

" Ahhh fan ka pala ni Enrique. Nga pala girl, alam mo ba, kanina ko pa napapansin si Alex.", sabi sa akin ni Ica at agad akong nagtaka.

"Alex? Sino siya?", napa-pout tuloy ako. Nako habit ko na ito omg, nagmumukha na naman akong isda nito eh.

"Yung kaklase nating yun oh", sabay turo sa gawing kanan ng kinaroroonan namin, gamit ang nguso niya.

Hala siya. Ang ganda pa rin niya kahit naka pout. Huhu, pero pag ako, huhuhu talaga. Laslas na ba?

"Ahh. Na ano?", tanong ko.

"Kanina pa siya tingin ng tingin sa iyo eh.", sabi ni Ica.

"Ah oo. Nginitian ko nga siya kanina eh, guess what, inirapan lang niya ako huhuhubels. Laslas na diba. Bakit kaya?"

"What? Kalalaking tao nang-iirap haha. Bakla siguro yun haha.", tawa nito.

Ang ganda niya talaga. Hahaha. Wait, to make it clear lang, straight po ako ah. Straight! As in ruler! Ganern!Sadyang dyosa lang talaga siya.

"Grabe, si Alex bakla agad? Loka ka girl. Hahaha.", sabi ko.

Biglang namutla si Ica sa hindi ko malamang dahilan. Para siyang nakakita ng multo na parang natatae.

"Huy Ica. Okay ka lang?", tanong ko habang siya naman napayuko at bakas pa rin ang parang takot sa mukha niya.

Bigla kong na-realize na napalakas pala yung pagkakasabi ko. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Sinong bakla?", malamig na pagkakasabi ni ......Alex!!! Yung mga mata niya bes, yung mga mata niya! Nanlilisik. At yung boses niya, parang ang dilim-dilim.

"Ah...eh...s..si", hala paano na 'to. Ano sasabihin ko. Ica tingin ka naman sa akin oh, help!!!

This time, lumapit siya harap ng mesa namin, at pinatong niya ng malakas ang mga kamay niya dito. Nagulat kami.

"Hindi..Ako..Bakla", giit ni Alex sa aming dalawa. Napayuko na rin ako at pinagpapawisan na naman ako ng malamig lalo na sa ipinapakita ni Alex sa amin. Naku Iah! Ano na naman 'tong nagawa mo!

Umalis na si Alex at lumabas ng canteen. Hala siya nagalit talaga sa amin. Paano na 'to??? Unang araw pa lang may naka-away na ako huhuhuhuhu.

Parang nabunutan kaming parehas ng tinik nang umalis si Alex. Pero, halos lahat ng tao sa canteen napatingin sa amin.

OMG.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Syafiq2002 #1
Kung fu Panda 3 it's the last HyoHan until one more the ending credits.
Hyosmilely #2
?Can you update in English???
I want to read it so much ~~
Foreversnsd01 #3
Can u make this story in eng ver so that everyobe can understand ur story easily... and please keep updating ur other story when the rebels meet the brat pkease... i luv it soooo much