Chapter 7

O Pag-ibig

Lunes na.

Pagpasok ko sa room, pumunta na ako sa upuan ko. Wala pa masyadong tao dahil inagahan ko talaga ang pagpasok para hindi ako ma-late.

"Hi Iah!"

"Hello Ica", matamlay kong sinabi.

"Oh bakit ka matamlay? May nangyari ba? May masakit ba?", kinapa-kapa ako ni Ica.

"Wala naman.", sabi ko ng nakatingin sa ibaba.

"Ah. Puyat ka na naman noh?", tanong ni Ica.

"Oo eh.", tumingin ako sa kanya.

"Sabi ko naman sa'yo, huwag mo na pagpuyatan si enri—",

"Hindi naman siya ang dahilan eh", naputol ko ang sinasabi ni Ica.

"Eh ano?", tanong niya?

 

Auhtor's POV

 

Hindi sumagot si Iah. Inilapag nito ang ulo sa lamesa at tinitigan ang bakanteng upuan ni Alex. Napuyat siya dahil sa kaiisip sa nangyari sa kanila ni Alex.

"O sino?", nag-aalangang tanong ni Ica. Tinignan niya ang tinititigan ni Iah.

"Bes, may hindi ka sinasabi sa akin. Kumusta practice niyo ni Alex?"

"Bes, may sakit si Alex. Hindi siguro yun papasok. Paano na yung project namin, bukas na yun pero wala pa rin kaming na-practice.", nagkunwari si Iah. Ang totoo niyan, mas nag-aalala siya kay Alex.

Maya-maya pa ay duamting na sina Aaron, Mark, at Alex.

Nagulat si Iah na pumasok si Alex sa kabila ng pagkakasakit nito.

Sinundan niya lang ng tingin si Alex papunta sa upuan nito.

"Hi Iah , hi Erica!", bati ni Aaron.

"Hello", sagot ni Erica.

"Yes, pinansin niya ko. Pwede na rin ba kitang tawaging Ica?"

"NO.", madiing sabi ni Ica.

"Bakit naman ?", malungkot na tanong ni Aaron.

"Close ba tayo?", mataray na tanong ni Ica.

"Eto naman, parang pagtawag lang sa'yo ng Ica eh."

"Ayoko nga"

Nagkatitigan si Alex at Iah bago umupo si Alex.

'Naaalala niya kaya yung mga nangyari kahapon?', tanong ni Iah sa isip niya.

"Hi Iah!", masayang bati ni Mark.

"H..hello", natauhan si Iah.

"O ba't parang matamlay ka ngayon. Tsaka...", sabay turo sa mga itim na bilog sa ilalim ng mata ni Iah, "dahil ba yan sa practice niyo kahapon?", tanong ni Mark.

Umiling si Iah, nakatingin sa likod ni Alex.

'Okay na kaya siya?', tanong ni Iah sa isip niya.

Napansin ni Mark ito at pinagbalik-balik ang tingin kay Alex at Iah. Minabuti niyang hindi na kausapin si Iah dahil sa itsura nitong matamlay at walang ganang makipag-usap.

"Ale—", naputol na sabi ni Iah.

"Goodmorning class!"

"Goodmorning sir Lucas", sabi ng mga estudyante.

"Okay, I just want to remind you all that your project will be held tomorrow at the gym. Is that clear?"

"Yes sir.", sabi ni lang lahat maliban kay Iah na nakatingin pa rin kay Alex.

 

 

*** *** ***

 

 

*Ding dong ding dong

Uwian na.

"To our house, now.", sabi ni Alex kay Iah. Nilingon niya ito patalikod.

"Ha?"

'Cute nga, slow naman.', sabi ni Alex sa isip.

"Practice for our project tomorrow.", naiiritang sabi ni Alex.

"Ah. O...okay.", sabi ni Iah, "Bes una na ako ah. Magpraractice pa kami ni Alex sa kanila."

"Ah ganun ba bes. Sige. Ingat kayo ah.", sabi ni Ica.

"Iah! Diba ililibre kita ng ice cream ngayon? Tara na.", sabik na sabi ni Aaron.

Narinig ito ni Alex at tinignan ang dalawa na mag-usap.

"Sorry Aaron, next time na lang magprapractice pa kami eh", sabi ni Iah habang inililigpit ang mga gamit niya.

"Ah sige. Tayo na lang magdate ngayon Erica", sabi ni Aaron at sabay kindat sa dalaga.

"Eew. Date mo sarili mo", sabi ni Ica at umalis.

"Tara date tayo"

"Sige tara."

"Buti ka pa hindi ako binabasted"

"Sure baby boy."

Kinausap ni Aaron ang kanyang sarili.

"Una na kami Mark and Aaron", sabi ni Iah.

"Sige ingat kayo.", sabi ni Mark.

Tinignan ni Mark si Iah na bumuntot sa kanyang kaibigan. Hindi niya alam kung bakit pero hinihiling niyang sana silang dalawa na lang ang magkapartner ni Iah at hindi si Ica. Tapos na sila mag practice ni Ica kahapon.

 

 

*** *** ***

 

 

From: 09*********

Hi babe.

 

"Huh? Sino 'to?", tanong ni Erica.

 

To: 09*********

Sino 'to?

 

From: 09*********

Hulaan mo.

 

09********* is calling...

Answer | End

 

"Hello?"

"Hi babe Ica"

"Who's this? Aaron?! I told you not to call me that."

"Basta simula ngayon close na tayo. Ica na tawag ko sa iyo"

"Urghhh!"

"Wait huwag mo muna ibababa!"

"Kanino mo nakuha number ko?"

"Secret bwahahaha", sabi ni Aaron.

"Hello? Hello???", tanong ni Erica.

Binaba na ni Aaron ang tawag.

 

 

*** *** ***

 

 

Alex's POV

 

Sa sasakyan...

"Okay ka na ba?",tanong sa akin ni Iah. Nakatingin siya sa akin, nakikita ko sa gilid ng mga mata ko.

"Let's not talk about it.", sabi ko nang malamig. Naiinis ako kung bakit kailangan niya pang madatnan ang ganung bagay, na may sakit ako.

"Gusto ko lang malaman mo na, kung kailangan mo ng isa pang kaibigan, nandito lang ako."

Nakatingin pa rin siya sa akin at ako naman tumingin na rin sa kanya. Nabigla ako sa sinabi niya.

 

 

***FLASHBACK***

Noong grade 1 pa lang kami...

"Ahahahaha. Loner! Loner! Loner! Loner!", tukso sa akin ng mga kaklase ko.

"Tumigil nga kayo! Alis! Alis!", taboy ni Elisse. Umpisa pa lang ng klase namin pero kilala ko na siya dahil mukha siyang mabait at maganda pa.

Lumapit siya sa akin. Pinunasan ang mga luha ko at tumabi sa akin.

"Basta kung kailangan mo ng kaibigan, tandaan mo, may isang Elisse na nais kang maging kaibigan.", ngumiti siya sa akin ng maliit ngunit talagang sincere.

*** END OF FLASHBACK***

 

 

"Nandito na po tayo ma'am, sir.", sabi ni Mang Caloy.

"Salamat manong.", sabi ni Iah at bumaba. Nagmamadali siya. Napansin kong medyo nangingilid ang mga luha niya at nangiginig ang kanyang boses.

Bumaba na rin ako.

Hinihintay niya muna ako bago pumasok sa bahay.

Ngunit bago pa kami makapaglakad papasok, bigla siyang natalisod.

Nasalo ko siya at nagkatinginan kami ng mga ilang segundo.

.

.

.

Dug, dug, dug, dug, dug, dug, dug

.

.

.

Ano 'to? Ano 'tong nararamdaman ko.

 

Author's POV

 

Naging malikot ang mga mata nilang dalawa sa isa't isa. Hinihingal na silang pareho dahil sa kanilang mga nararamdaman na kabog sa dibdib nila.

Natauhan ang dalawa nang lumabas si Mr. Rod.

"Oh sir! Iah!", sigaw ni Mr. Rod.

Pinipigil ni Mr. Rod ang kanyang tawa. Kanina niya pa pinagmamasdan ang mga bata. Matanda na ito, ngunit nakakaramdam pa rin siya ng kilig.

Pumasok na si Alex nang mabilis habang ilang segundong hindi naka-imik si Iah sa kanyang kinatatayuan.

Agad na rin itong sumunod, pagkatapos.

 

 

*** *** ***

 

 

Wala pa ring mga katulong ang mga Romeo. Dahil naubusan na ang mga agency. Ayaw na rin magsibalik ng mga umalis na kasambahay.

Ipinaghanda ni Mr. Rod ang mga bata ng meryenda at umalis din sa dance studio ng mansion.

Naka set-up na ang mga pagprapraktisan nilang dalawa.

Nagpraktis na sila.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Syafiq2002 #1
Kung fu Panda 3 it's the last HyoHan until one more the ending credits.
Hyosmilely #2
?Can you update in English???
I want to read it so much ~~
Foreversnsd01 #3
Can u make this story in eng ver so that everyobe can understand ur story easily... and please keep updating ur other story when the rebels meet the brat pkease... i luv it soooo much