Chapter 3

O Pag-ibig

Iah's POV

"Mama! Huhuhuhu", iyak ko kay mama, "kapartner ko si sungit huhuhuhu.", niyakap ko siya.

"Sungit? Si Alex kamo?", tanong ni mama.

"Yes ma.", sabi ko with matching pout yan haha.

"O ano naman. Gwapo kamo siya diba? Haha", tukso ni mama.

"Si mama naman tumatawa pa. Hindi naman yun ung isyu eh. Ma, ano gagawin ko huhuhu", lalo ko pang hinigpitan yung yakap ko sa kanya at iningudngod ang mukha ko sa balikat niya.

"Just be yourself lang. Try mong mag sorry sa kanya, para magka-ayos na kayo. Dapat sa'yo mismo manggaling.", ngiti ni mama.

"Sige ma, gagawin ko 'yan."

"Ano na naman yang drama mo Iah"

"Kuya Pao, hindi ako nagdradrama, nagtatanong lang po kaya ako."

"Sus may pa-iyak-iyak ka pa nga eh. Bakit, may nang-aaway na naman ba sa'yo? Sino, sabihin mo lang, sasapakin ko 'yun."

"Naku kuya, simpleng away lang. Si sungit este si Alex kasi kapartner ko. Yung kinuwento ko sa'yo huhu"

"Ah", seryoso niyang sabi. "Hahahahahahaha kawawa", pangungutya niya. Bwisit talaga 'tong kuya ko. Hindi mo ma-estima minsan eh. Minsan caring tapos minsan bastusan. Haist...

"Sama mo!", hinampas ko siya ng marahan sa braso.

"O siya tama na 'yan, kumain na tayo.", sabi ni papa.

Alex's POV

Math subject na. Buti naman. Hindi na ako aantukin nito.

Kalagitnaan na ng subject nang mapansinkong lingon ng lingon sa likod si Mark. Nasa gitna namin si Aaron kaya hindi ko matanong kung bakit. Nilingon ko rin ang likod. Nakita kong natutulog na naman si Shaniah. Oo siya naman, ang kapartner ko sa science. Kaya naman pala nakangiting aso itong si Mark eh. Malamang may gusto siya kay Shaniah. Hindi siya magada pero kahit papaano cute naman siya. Nakapatong ang ulo niya sa nakatungkod niyang kamay sa lamesa.

"Ms. Cruz!", sigaw ng teacher namin.

"Yes ma'am!", napatayo siya bigla. Mukhang ewan.

"Natutulog ka na naman sa klase ko. This is for the second time around na. Labas! You're out of my class for this day."

Nakita ko siyang nag pout at lumabas. Si Erica naman halatang nagulat sa mga pangyayari, marahil busy siya sa pakikinig kaya hindi niya nasita si Shaniah. Teka, ano bang pakielam ko sa babaeng yun. Tss. Nagfocus na lang ulit ako sa pisara.

Author's POV

Mangiyak-ngiyak si Iah na lumabas at umupo sa hallway katabi ng kanilang kwarto. Naiinis siya sa sarili niya kung bakit ba siya laging inaantok sa Math subject nila.

Pagkalipas ng 30 minuto, nagsilabasan na ang mga kaklase niya para sa lunch break.

"Iah! Okay ka lang?", nag-aalalang tanong ni Erica sa kanya. Umupo rin ito at hinawakan ang mga kamay ni Shaniah.

"Okay lang ako.", biglang tumayo si Iah at ngumiti ng malaki upang ipaalam sa kaibigan na okay lang siya.

"Tara kain na tayo.", aya ni Iah.

"Sure ka ah?", tanong ni Erica.

"Oo naman! Basta paturo na lang sa Math ah!", sabi ni Iha habang naglalakad na sila papunta sa canteen.

"Sige ba, kahit hindi ko masyadong naintindihan yung lesson kanina hahaha.", tawa ni Erica.

Pagpasok nila sa canteen, wala na silang nakikitang bakanteng lamesa.

"Hala bes, wala na tayo upuan. Naunahan na naman tayo beh haahaha", sabi ni Ica.

"Shaniah!", nagtaas ng kamay si Mark na waring tinatawag sila.

Nanlaki ang mga mata ni Alex dahil alam niya na ang tumatakbo sa isip ni Mark.

"Dito na lang kayo oh!", sabi ni Mark nang may ngiting wagas.

"Ano ba Mark. Nahihibang ka na ba?", naiinis na tanong ni Alex.

"Oo nga! Dito na lang kayo.", sabi ni Aaron bilang hindi pagpansin kay Alex.

Nagtinginan si Ica at Iah tila bang nag-aalangan sila kung papayag ba sila.

"Wala na tayong choice beh. Ano tara?", tanong ni Ica.

Hindi sumasagot si Ica. Inisip na lang niya, nandon naman si Mark.

Naiisip pa lang niyang makakaharap niya si Alex ay para bagang bumaliktad na ang mundo nito.

"Sige na nga. Tara.", ngiting kinakabahan ni Iah.

Pumunta na sila sa kinaroroonan nila Mark, Alex at Aaron.

"Hi...", mahinhing sabi ng dalwang dalaga. Nasa harapan na sila ng mga binata.

"Hello! Upon a kayo. Alam naming wala nang upuan kaya dumito na kayo.", sabi ni Mark.

"Tabi tayo Erica!", sabi ni Aaron sabay kindat.

Si alex naman, nakatingin sa gilid at magkayakap ang dalawang braso.

"Ayos lang ba....Alex?", tanong ni Iah na medyo kinakabahan.

Hindi kumibo si Alex ngunit nilingon niya si Iah.

"Sorry nga pala sa nangyari nung isang araw hindi ko si---", sabi ni Iah.

"Actually ako dapat ang mag sorry, ako yung nag-umpisa. Sorry ta---", naputol na sabi ni Ica.

"Enough. Just sit.", masungit na sabi ni Alex.

'Grabe siya talaga. Nakakatakot.', sabi ni Iah sa isip niya.

"Ha-ha! Upon a kayo daliiii.", sabi ni Mark, habang sinusubukang tanggalin ang awkwardness sa ere.

Magkatabi si Aaron at Alex, habang katabi naman ni Iah si Mark at Ica. Magkakaharap sila.

"Sige bibili na muna kami ni Ica ng pagkain namin ah.", nagmamadaling hinatyak ni Iah si Ica papunta sa cashier.

"Grabe bes. Hindi ako makahinga kanina alam mo ba.", sabi ni Iah.

"Mukha namang okay na tayo kahit papaano. Salamat talaga kay Mark. Nabigyan niya tayo ng chance na mag sorry.", sabi ni Ica.

"Oo nga bes. Okay na yun.", sabi ni Iah nang may ngiti sa mukha.

Umorder na sila sa cashier ng kanilang lunch at agad na bumalik sa lamesa nila Alex.

"Kain na tayo!", sabi ni Mark habang kinuha ang kanyang mga kubyertos.

Habang kumakain sila, sinisilip-silip ni Iah si Alex.

'Ang gwapo niya talaga. Chinito type talaga.Yun pa naman type ko kaso ang sungit kasi eh huhu.', sabi ni Iah sa isip niya habang ngumunguya.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?", malamig na tanong ni Alex sa kanya at ibinaba ang kaniyang mga kubyertos na medyo padabog.

"Ah..eh...wala...", napayuko si Iah.

Umirap na naman si Alex sa kanya at tumuloy sa pag kain.

'Aray ko beh. Pangalawa na yun. Ang shaket shaket na', sabi in Iah sa isip.

Sinisiko siya ni Ica na waring sinasabi na huwag na tumingin kay Alex.

Hindi lingid sa kaalaman ni Mark ang mga titig na ibinibigay ni Iah kay Alex.

"Iah, eto oh.", sabi ni Mark bilang pag-iiba ng mood sa lamesa abang iniaabot yung kalahati ng ulam niyang fried fish.

"Ay naku, nakakahiya naman sa'yo. Huwag na...", nahihiyang ibinalik ni Iah ang isda sa plato ni Mark.

"Ok lang yan. Sa'yo na yan hindi ko naman mauubos eh", ngiti ni Mark habang inilagay muli ang isda sa plato ni Iah.

"Sige ikaw bahala. Salamat", ngumiti si Iah.

Habang nagaganap ito, ang tatlo pang nilalang sa lamesa ay nakatitig sa kanila habang ngumunguya.

"Ibang galawan na yan 'tol ah haha", sabi ni Aaron.

"Wag ka nga diyan", sabi ni Mark.

"Ikaw Erica, gusto mo ng chicken?", sabi ni Aaron sabay kindat.

"Tigilan mo ko please. Tsaka isa pa vegetarian ako. Kainin mo na lang yan.", masungit na sabi ni Erica.

"Aray naman. Basted agad. Haha ", sabi ni Aaron ng pabiro.

Si alex naman ay tuloy pa rin sa pagkain habang nakatingin kay Iah. Para bagang binubutas nito ang mga mata ni Iah sa kanyang matutulis na tingin.

Namumula na si Iah sa binibigay nitong titig.

Maya-maya pa'y biglang nasamid si Iah.

*cough cough cough

"Okay ka lang?", tanong ni Erica habang hinihimas-himas ang likod ni Iah.

"Ahem ahem. O..o.oo okay lang ako. Ahem ahem", sabi ni Iah nang hirap na hirap dahil sa pagkasamid.

"Eto water oh", sabi ni Mark habang inaabot ang tubig kay Iah.

"Thanks.", ngumiti si Iah.

'Haist. Bakit ba kasi ganyan siya makatitig. Nasamid tuloy ako.', sabi ni Iah sabay pout.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Syafiq2002 #1
Kung fu Panda 3 it's the last HyoHan until one more the ending credits.
Hyosmilely #2
?Can you update in English???
I want to read it so much ~~
Foreversnsd01 #3
Can u make this story in eng ver so that everyobe can understand ur story easily... and please keep updating ur other story when the rebels meet the brat pkease... i luv it soooo much