Chapter 6

O Pag-ibig

"E..Elisse...", tumulo ang luha ni Alex at hinimas-himas ang mukha ni Iah.

 

Nagulat si Iah sa sinabi ni Alex. Nanlaki ng bahagya ang mga mata nito.

 

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Iah. Hindi niya alam ang kanyang gagawin.

 

"Elisse...Bakit mo ako iniwan? Bakit pumayag ka na umalis? 'Diba may pangako tayo sa isa't isa? Walang iwanan? Paano na ako ngayon?", sambit ng malungkot na binata. Humagulgol ito pagkatapos.

 

"A..Alex...", sabi ni Iah nang marahan. Malungkot din ang dalaga sa sinapit ni Alex.

 

Iah's POV

 

"Bakit Elisse? Bakit?", paulit-ulit na tinatanong sa akin ni Alex habang umiiyak. Wala ako magawa kundi ang umiyak na rin para sa ngayon ay tinuturing ko nang kaibigan. Kailangan niya ng isang kaibigang katulad ko. Nais ko siyang tulungan sa kahit anong paraan para mapawi ang sakit na idinulot ni Elisse sa kanya.

 

Ngayon ko nakita ang mahinang Alex. Kung sa school lang ay parang ang lakas-lakas niya. Pero hindi pala, nababalot lang siya ng kalungkutan at hinanakit kaya malamig ang pakikitungo niya sa iba.

 

Nakatulog siyang muli matapos mapainom ng gamot. Matapos ng kanyang deliriyo.

 

"Oh, heto na ang pagkain ni sir. Naku, nakatulog na naman siya.", sabi ni Mr. Rod, dala-dala ang isang bowl ng sopas.

 

"Oo nga po eh. Dineliriyo siya kanina nung wala kayo. Binabanggit niya si Elisse."

 

"Hayy..Nasasaktan din ako para sa kanya. Tinuturing ko na siyang anak kahit pa matigas ang ulo niya paminsan. ", sabi ni Mr. Rod habang inilapag niya ang tray sa lamesa katabi ng kama.

 

"Oh Iah iha, baka kailangan mo nang umuwi. Mag-aalasingko na ng hapon, baka gabihin ka."

 

"Sige ho, baka mag-alala na sa akin ang pamilya ko. Hanggang ala singko lang ho ang paalam ko sa kanila eh.", sabi ko kay Mr. Rod habang nakatingin sa aking orasan.

 

"Mauna na ho ako.", sabi ko habang tumatayo sa aking upuan malapit kay Alex.

 

"Teka iha, ipapahatid na kita sa aming driver."

 

"Naku huwag na ho. Kaya ko na po mag-isa."

 

"Hindi ako makapapayag Iah. Paano kung may mngayari sa'yong masama lalo na't pagabi na. Hindi ko kakayanin ang konsensiya."

 

"Sige na nga ho Mr. Rod. Salamat po.", nagpout ako pero agad na ngumiti.

 

 

*** *** *** ***

 

 

Habang nakasakay ako sa kotse at umaandar, bumalik sa aking isipan yung paghawak ng mukha sa akin ni Alex.

 

"Elisse...Bakit mo ako iniwan? Bakit pumayag ka na umalis? 'Diba may pangako tayo sa isa't isa? Walang iwanan? Paano na ako ngayon?"

 

"A..Alex..."

 

"Bakit Elisse? Bakit?"

 

Hinawakan ko ang dibdib ko sapagkat nagpupumilit itong kumawala. Bakit? Bakit ganito ang nararamdam ko?

 

"Nandito na ho tayo ma'am", sabi ng driver.

 

"Ay.. Salamat ho manong. Ingat po kayo pabalik!", sabi ko habang bumaba ng sasakyan.

 

"Salamat ma'am", sinara ko na ang pinto.

 

Sa bahay...

 

"O, kumusta practice niyo?", tanong ng kuya kong gwapo. *insert sarcasm please.

 

"Hindi kami nakapagpraktis.", sabi ko habang hinuhubad ang aking mga sapatos.

 

"Bakit?"

 

"May sakit si Alex."

 

"Eh bakit ngayon ka lang?", tanong niya habang hawak-hwak ang ballpen at libro niya. Ang dami-dami ng tanong niya. Ba't 'di na lang siya magfocus sa homework niya.

 

Hindi ko sinagot si kuya. Umupo ako sa sofa, katabi niya.

 

"Uuuuy... Inalagaan mo noh...hahaha", tukso sa akin ni mokong.

 

"Kuya!!!!", kinikiliti niya na ako. Panay iwas naman ako sa kanya.

 

"Uuuuuy", tukso pa rin ni kuya.

 

"O nandito ka na pala anak. Halina kayo. Tama na iyan. Kain na tayo", sabi ni mama habang nilagay niya ang huling ulam sa hapag-kainan.

 

"Opo...", sabi namin ni kuya.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Syafiq2002 #1
Kung fu Panda 3 it's the last HyoHan until one more the ending credits.
Hyosmilely #2
?Can you update in English???
I want to read it so much ~~
Foreversnsd01 #3
Can u make this story in eng ver so that everyobe can understand ur story easily... and please keep updating ur other story when the rebels meet the brat pkease... i luv it soooo much