Chapter 5

O Pag-ibig

Kinabukasan...

"You're fired! All of you!", sigaw ni Alex sa mga kasambahay nila.

Umiiyak na nagsilabasan ang mga kasambahay nang dumating si Iah sa mansion, kasama ang kanilang butler.

"What's happeninig sir?", tanong ng butler, isang matandang lalaki na maganda ang tindig.

"They broke my rule. I told them not to meddle with my paintings, but they still did!", galit na sabi ni Alex.

Gulat na gulat si Iah sa kanyang nadatnan. Nilinis kasi ng mga kasambahay ang mga paintings nito sa kabilang kwarto kaya ito nagalit.

*cough cough cough

Nahimatay na lang si Alex bigla, matapos ito initin ng ubo.

"Sir Alex!"

"Alex!"

Sabay na sigaw ng butler, si Mr. Rodney, at ni Iah.

Agad na tumakbo si Iah at Mr. Rodney kay Alex.

"Naku po...Mr...?", tanong ni Iah nang nag-aalala.

"Mr. Rod", sabi ng butler.

"Iah po. Mr. Rod! Ang init init niya! Inaapoy siya ng lagnat.", natatarantang sabi ni Iah. Hinimas-himas nito ang noo ni Alex.

"Mabuti pa, dalhin natin siya sa kama", sabi ni Mr. Rod.

"Opo.", sabi ni Iah at binuhat ang mga binti ni Alex, samantalang sa balikat si Mr. Rod, papuntang kama.

"Maiwan ko na muna kayo. Kukuha lang ako ng gamot, malamig na tubig, at towel.", sabi ni Mr. Rod.

"Teka, Mr. Rod... Palagi ho bang nagkakasakit si Alex?", tanong ni Iah.

"Oo iha. Kaya kabisado na namin ang mga gamot niya. Meron siyang asthma at mukhang mas malala ngayon dahil nabasa siya ng ulan kahapon. Muhang nagkatrangkaso na siya", sabi ni Mr. Rod at umalis.

Napaisip si Iah. Naalala niyang malakas ang ulan kahapon. At agad nitong na-realize na dahil hinatid siya nila Mark at Aaron kaya naiwang mag-isa si Alex at nagcommute na lamang nang walang payong. Naguiguilty siya.

"Sorry Alex.",bulong ni Iah habang tumutulo na ang kanyang mga luha dahil sa sobrang pagka-guilty nito sa nangayari.

Oo aaminin niya. Aaminin niyang isa siyang mababaw na tao, tulad ng sabi ni Alex. Madali lang siyang sumaya ngunit mas madali siyang umiyak.

Maya-maya pa ay dumating na si Mr. Rod nang dala-dala ang mga binaggit niya kanina. Agad na pinunasan ni Iah ang kanyang mga luha.

"Iah? Tama ba?"

"Opo, short for Shaniah.", sabi ni Iah habang pinipilit na ngumiti.

"Maaari mo ba akong tulungan na punasan si Sir Alex?"

"Syempre po!", agad na tumayo si Iah para kunin ang towel at sinawsaw ito sa batsang may malamig na tubig.

"Alam mo ba, grade 7 at 13 years old pa lang kayo pero ang dami na niyang paintings na nagawa. At hindi ito basta-basta.", nakangiting sabi ng butler habang pinupunasan ang mga braso ni Alex.

"Talaga po? Pwede kop o bang makita ang mga iyon?", nanliwanag ang mga mata ni Iah habang pinupunasan din ang kabilang braso ni Alex.

"Sige, pagbibigyan kita, mukha ka namang mabait. Ngunit huwag mo sanang maipaalam ito kay sir Alex, tiyak magagalit siya pag nalaman niya.", sabi ng butler.

"Hindi ko po sasabihin!", malaki ang ngiti ni Iah at agad itong tumayo.

"Sa kanan, paglabas mo dito, may katabing kwarto. Doon nakalagay ang kanyang mga master piece.", sabi ng butler.

"Sige po.", excited na umalis si Iah at pumunta sa kwarto ng mga paintings.

'Wow ang laki talga ng mansion nila', isip ni Iah. Namnagha siya sa laki at ganda ng mansion.

Pagpasok niya ng kwarto, bumungad sa kanya ang strawberry na amoy.

"Ang bango..", sabi niya habang nilalanghap ang amoy.

Bukod dito, lumantad sa kanyang mga mata ang mga paintings ng isang magandang babae. Iba-iba ang anggulo ng bawat painting. May nakaharap at nakangiti, may nakatagilid at nakayuko, may nakapikit, at ang pinaka malaki sa lahat, ay ang painting ng magkasama si Alex at ng babae.

"Siya siguro si Elisse...", malungkot na bulong ni Iah. Hindi niya ito hinawakan dahil alam niyang kasalanan ang gagawin niya kung saka-sakali.

'Ang ganda-ganda ng niya....', isip ni Iah.

Lumabas na siya at sinara ang pinto.

"Salamat po pala ha. Binigyan niyo po ako ng pagkakataong makita ang talent ni Alex."

"Yun nga ang gusto kong ipagmayabang eh. Haha.", sabi ni Mr. Rod habang pinupunasan ang mga binti ni Alex. Si Iah naman ay sa kabila.

"Ngunit ewan ko ba sa batang iyan, ayaw ipamahagi sa iba. Palibhasa, puro si Ms. Elisse ang painting niya."

"Ah tama si Elisse nga", sabi ni Iah. Tuloy pa rin ito sa pagpunas sa walang malay na binata.

"Tama ka. Malamang nasabi na sa'yo ni sir Aaron. Madaldal ang batang iyon eh haha."

"Naku madaldal nga siya ngunit si Mark po ang nakapag sabi", paliwanag ni Iah.

"Ah ganun ba. Alam mo Ms. Iah, matindi ang pagsasamahan ni Ms. Elisse at ni Sir Alex."

"Ay Mr. Rod,Iah na lang po ang itawag niyo sa akin."

"Sige..Ms...ay este, Iah.."

"Haha. Ituloy niyo po"

"Palagi silang tumutugtog ng piano, kumakanta, naglalaro ng arcade sa baba, nagluluto at kung anu-ano pa. Sa kasamaang palad, kinailangan na umalis ni Ms. Elisse at ng kanyang pamilya gawa ng trabaho nila Mr. and Mrs. Lopez sa America. Dahilan ito ng pagiging ganyan niya. Siguro naman alam mo na ang aking ibig sabihin."

"Opo alam ko. Nakakalungkot po ano...", sabi ni Iah.

"Tama ka. Ngunit naniniwala akong may makakapagbago muli sa kanya. Naniniwala ako."

Binigyan ni Mr. Rod si Iah ng mga titig na nagsasambit na si Iah ang kanyang tinutukoy.

"Kawawa po yung mga kasambahay kanina. Paano na po sila?"

"Malamang bibigyan na naman ng separation fee ang mga iyon. Huwag ka mag-alala. Madalas ito mangyari sa amin."

Tumango na lang si Iah.

Matapo snila punasan ang buong katawan ni Alex, nagising na ito. Dahan-dahang iminulat ni Alex ang kanyang mga mata.

"Sir Alex! Buti ay giing ka na. Makaka-inom ka na ng gamot. Pakiabot mo Iah ang gamot sa iyong tabi."

"Sige po.", natatarantang sabi ni Iah. Kinuha niya nag gamot at baso ng tubig at gagad ito ipina-inom kay Alex.

"Inom ka na Alex...", bakas ang pag-aalala ni Iah kay Alex.

"Ihahanda ko lang ang pagkain ni Sir sa baba.", paalam ni Mr. Rod at umalis.

Kinuha ni Alex ang gamot at ininom ito. Matamlay na tinitigan ni Alex si Iah. Dahan-dahang inilapit ni Alex ang kanyang mga kamay sa mukha ni Iah. Nakatitig lang din si Iah kay Alex, nagtataka.

"E..Elisse..."

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
Syafiq2002 #1
Kung fu Panda 3 it's the last HyoHan until one more the ending credits.
Hyosmilely #2
?Can you update in English???
I want to read it so much ~~
Foreversnsd01 #3
Can u make this story in eng ver so that everyobe can understand ur story easily... and please keep updating ur other story when the rebels meet the brat pkease... i luv it soooo much