Fix Me

Teasing Leads To Marriage

Narrator: Meet my co-author systerbem .. She will post the English version soon later.

 

Masayang pinanunuod ni Tiffany na magkahawak kamay ang bagong kasal na kaibigan niya. Pilit niyang binubura ang pagaalala sa kanyang isip, natatakot kasi siya baka magpunta si Taeyeon dito sa kasal ng best friend niya. Naalala niya magbest friend si Taeyeon at Yoona hanggang ngayon. Sana ay busy na busy ito ngayon para hindi ito makapunta kasal nila Sooyoung. Sa ngayon hindi pa niya nakikita si Taeyeon malamang hindi pupunta yun. Naalala niya ang paguusap nila ni Yoona.

 

"Stephanie unnie?!" bakas sa mukha ni Yoona ang pagkagulat nang makita siya nito. Kahit si Tiffany ay nagulat rin pero agad siyang nakabawi. "Stephanie unnie, paano mo nalaman na andito ako? Bakit ka naparito, unnie?" tanong ulit ni Yoona habang nakangiti. "Hinahanap mo ba si Taeyeon oppa?"

 

"... A...A-Hindi. Bestfriend ako ni Sooyoung. B... Bakit ko naman hahanapin si T... Ta... Taeyeon-ssi?" nakapoker face na wika ni Tiffany.. "Naparito ako para kausapin ang bride ng bestfriend ko. Hindi ko inaasahan na ikaw ang pakakasalan niya."

 

"Ako nga rin eh, hindi ko inaasahan na magbestfriend pala kayong dalawa." gumanti rin ng ngiti si Yoona. "Small world, unnie.. Hehe,...."

 

"... M.. Mabuti naman at ikaw ang mapapangasawa ni Syoo. Nagalala talaga ako kung sino ang magiging bride niya. Mabuti naman, makakahinga na ako ng maluwag ngayon." sagot ni Tiffany habang pinipilit ngumiti. Sa totoo lang ay pilit niyang binabalewala ang kaba sa dibdib niya. Nagalala kasi ang dalaga na baka magkita muli sila ni Taeyeon. Kaya tinuon niya nalang atensyon niya sa camerang hawak niya. "Aigoo, ang ganda naman ng dongsaeng namin." nakaeyesmile na wika ng dalagang kulay scarlet red ang buhok. "Isa pa, Yoong." tinutok ulit ni Tiffany ang lente ng DSLR camera sa dalaga.

 

Nahihiya man ay ngumiti parin si Yoona tsaka nagpeace sign. "Unnie, pwedeng magtanong?"

 

"Yes?" sagot ni Tiffany habang abala ito sa pagbabrowse ng mga larawan sa kanyang camera. "Ano kaya magiging reaksyon ni Choi kapag nakita ka niya ngayon."

 

"Bakit unnie? Iba ba itsura ko ngayon?"

 

Ngumiti si Tiffany habang tinititigan ang dalagang nakasuot ng wedding dress. "Nope, pero napakaganda mo ngayon. Ikaw na yata ang pinakamagandang bride na nakita ko." sagot ni Tiffany habang may kinukuha mula bulsa na isang  papel at binigay ito kay Yoona. "Best friend ako ni Syoo at bilang best friend niya ay binibigay ko ito sayo. Basahin mo nalang pagkatapos ng wedding niyo."

 

"Ano ba ito, unnie?" tanong ng dalagang nakasuot ng wedding dress.

 

"Basta.." ngumiti si Tiffany tsaka muling tinutok ang lente ng camera niya ka Yoona. "Say Kimchi, Yoong."

 

"Kimchi~" nagsmile ulit si Yoona kay Tiffany this time ay komportable na siya.

 

"Anyways, ano ba yung tanong mo?" tanong ni Tiffany habang pinagmamasdan ang mga larawan na nakuha niya na kadalasan mga larawan nilang dalawa ni Sooyoung.

 

"Unnie, may relasyon ba si Syoo at Seohyun noon?" maingat na tanong ni Yoona.

 

Naputol ang pagmuni-muni ni Tiffany nang may pamilyar na binata na dumaan sa paningin niya. Kahit nakatalikod ito ay alam niya kung sino ito. Si Taeyeon. Agad nataranta si Tiffany tsaka tumayo, tinakpan ni Tiffany ang kanyang kamay habang naglalakad. Akmang tatakbo si Tiffany nang malaglag ang kanyang phone at umani ito ng atensyon mula ¢sa mga tao. Kahit si Taeyeon ay nakatingin din sa kanyang direksyon. Dahan-dahan dinampot ni Tiffany ang kanyang phone mula sa sahig at humakbang papalayo.

 

"Wait!" sigaw ni Taeyeon. Pakiramdam niya ay humahakbang si Taeyeon sa patungo sa kanya. "Stephanie-ssi?" napapikit si Tiffany habang bumuntong hininga tsaka dahan-dahan humarap sa direksyon ni Taeyeon habang nakayuko.

 

God, ano ba nagawa ko pinaparusahan mo ako ng ganito?

 

Parang narinig ng dyos ang kanyang panalangin. Bago pa man humarap si Tiffany kay Taeyeon ay lumapit si Yuri kay Taeyeon, angel in disguise niya talaga ang binata. Palagi nalang siya nito nililigtas kahit mga bata pa lang sila. Nang ibaling ng binata ang atensyon niya kay Yuri ay dahan-dahan siya tumakas. 

 

"Yah! Bakit late ka kasal ng dongsaeng natin?" tanong ni Yuri habang tinitingnan ng masama ang kararating lang na binata.

 

"Ok, sorry kakatapos lang namin magshoot ng bagong commercial namin sa Jeju." sagot ni Taeyeon habang binibigay ang pasalubong na hawak niya. "Ito oh, black pig barbecue." nakangiting wika ni Taeyeon.

 

"Nangaasar ka ba?" naiinis na tanong ni Yuri.

 

"Ha?" inosenteng tanong ni Taeyeon habang pinipigilan ang sarili na tumawa. Alam niya kasing naasar si Yuri sa twing bumbabanggit siya ng black dahil minsan ding maitim ang balat ni Yuri nung mga bata pa lang sila. Tila nakalimutan ni Taeyeon ang dalaga. "Nasaan si Yoong?" tanong niya.

 

"Nasa pool area yata kausap si Mrs. Choi.." sagot ni Yuri habang kinakain ang barbecue na binigay ng kaibigan. Habang sa kabilang banda naman ay tumatakbo si Tiffany papunta sa elevator. Nang mapagisa nalang siya sa loob ng elevator ay nagsimula siyang umiyak. Hindi niya mapigilan humagulgol at mapaupo sa malamig na sahig.  Naalala niya kung gaano siya ka babaw at maduming babae. Nawala nanaman ang tiwala niya sa kanyang sarili at bumalik nanaman siya sa dati.

 

Nang mag bukas ang double door ay agad niyang pinunasan ang kanyang luha. May tatlong lalaki na nakaabang sa labas ng elevator. Nagtinginan ang mga ito tsaka ngumiti sa isa't-isa. Hindi ito napansin ni Tiffany dahil nakayuko ang kanyang ulo. Nahihiya siyang mag angat ng tingin dahil namumugto ang kanyang mga mata.

 

"Hi baby." boses ng isang lalaki.

 

"Gusto mo ba magsaya?" tanong ng isa pang lalaki habang tinititigan si Tiffany mula ulo hanggang paa. Nagtawanan ang mga ito. "Ang swerte natin ha." hindi pinansin ni Tiffany ang mga binata at nilagpasan lang ang mga ito ngunit bago pa man siya makahakbang ay hinawakan siya ng isang lalaki sa braso. "Bastos ka ha! Kinakausap ka pa namin."

 

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ni Tiffany habang iwinaksi ang kamay nito. Ngunit hindi siya nito binitawan at lalong humigpit ang pagkakahawak nito dahilan para masaktan siya. Lord, bakit niyo ba ako pinaparusahan ng ganito? Nagulat ang mga binata nang humagulgul ang dalaga kahit hindi pa naman sila nagsisimula.

 

"Anong ginagawa niyo sa wife ko?" boses ng isa pang binata na pamilyar sa kanya. At hindi siya nagkamali si Taeyeon nga ito. "Gusto niyo bang gawin kong impyerno mga buhay niyo?" ngumisi ito habang hinuhubad ang suot niyang sun glasses at blazer ng coat niya. "3 on 1?"

 

"Impyerno daw guys." natatawang wika ng isang lalaki na sa tingin niya ay leader ng grupo nila. Nagsimulang sumunod ang lalaking nakadilaw. Sinugod siya nito ng suntok pero nakaiwas si Taeyeon. Dahil sa lakas ng suntok nito na tumama lang sa hangin kaya ito nawalan ng balanse.

 

"One down!" nakangising wika ni Taeyeon. Sabay na sumugod ang dalawang lalaki kay Sooyoung. Yumuko lang si Taeyeon at humakbang dahilan para magkauntugan ang dalawang lalaki, dahil sa lakas ay nahilo silang dalawa at bumagsak. Tumawa ng malakas si Taeyeon habang sinusuot ang sun glasses niya. "Chicken!"

 

"Sa likod mo!" sigaw ni Tiffany nang makita niya dahan-dahan bumabangon ang lalaking nakadilaw. Tila hindi narinig ng binata ang babala niya at patuloy parin itong tumawa. Kaya hinubad niya ang kanyang sandals para ibato sa lalaking nakadilaw. Nang batohin ito ni Tiffany ay bumagsak na ito dahil sinuntok siya ni Taeyeon sa mukha. Tumawa parin ng tumawa si Taeyeon at hindi niya napansin ang sandal na patungo sa kanya. "Umilag ka!" sigaw ni Tiffany. Bago pa man makapagreact si Taeyeon ay tumama na ito sa kanyang noo.

 

"... N... N.. Nice!" nakangiting wika ni Taeyeon tsaka dahan-dahan bumagsak sa sahig. "... S... Stephanie Hwang." ani ni Taeyeon bago mahimatay.

 

 

...

 

 

 "... Y... Ya-Ouch!" sigaw ni Taeyeon habang napapapiksi nang nakaramdam siya nang napakahapdi at nilalayo ang noo niya kay Tiffany. "Masakit, Stephanie Hwang!" tinakpan niya ang kanyang sugat nang bago nanaman pahirin ang sugat niya gamit ang cotton ball na may alcohol.

 

"Bakit mo kasi sinalo ang sandal ko gamit ang noo mo?" tanong ni Tiffany habang tinatapon sa rubbish bin ang cotton ball na hawak niya. Agad naman umuyam si Taeyeon bilang sagot dahil sa tanong nito. Kumuha ng bandaid si Tiffany mula first aid kit niya at nilagay ito sa noo ni Taeyeon.

 

"Bakit mo ba ako binato? Ganun ba kalaki ang galit mo sa akin para batohin mo ako ng sandal?" malungkot na wika ni Taeyeon. Nag angat ng tingin si Taeyeon at buong tapang tinititigan ang mga mata ng dalaga. "... Ikaw na nga tong umalis na hindi man lang ako hinahayaan mag paliwanag."

 

"Mm... Mmm... M-Hindi ka pa ba aalis?" tanong ni Tiffany habang iniiwasan ang tingin nito tsaka tumayo mula sa couch. Bago pa man ito makalayo ay hinatak na siya ni Taeyeon pabalik sa couch. "... W... What?!" napaatras si Tiffany nang dahan-dahan lumapit ang mukha ni Taeyeon.

 

"Bakit mo ba ako iniiwasan, Stephanie Hwang?" tanong ni Taeyeon habang lumalapit sa dalaga. "Alam mo bang hinanap kita? Tapos makikita lang pala kita sa kasal ng pinsan ko." nang umatras pa si Tiffany ay nawala siya ng balanse at napahiga sa couch. Bago pa man siya makabangon ay hinawakan niya nang napakahigpit ang pulso ng dalaga at pumatong sa kanya dahilan para nagpanic ang dalaga. "Hindi ka na makakatakas, Miss Hwang. Stop trying."

 

"No! NO please!" sigaw ni Tiffany habang sinisipa si Taeyeon.

 

"I won't you." sigaw ni Taeyeon habang dahan-dahan kumalma at binitawan ang kamay ng dalaga. Nagsimulang lumuha si Tiffany at tahimik na umiiyak. Nanghihina nanaman ang katawan ng dalaga  kaya tumigil siya sa nagpupumiglas. Nilapit ni Taeyeon ang labi niya sa tenga ng dalaga tsaka bumulong. "Let's talk, Stephanie. Gusto kong—"

 

".. S... ? Yun gusto mo diba? Gusto mo nanaman ako gamitin?" tanong ni Tiffany. "Ganun diba?!"

 

"No! Gusto kong kalimutan ang lahat..."

 

"Yun nga ginagawa ko, diba? Kaya ako umiiwas sayo!" sigaw ng dalaga habang tinutulak si Taeyeon. "Ano ba ginagawa mo?"

 

"At bakit naman kita pakakawalan?" nakangising tanong ni Taeyeon. "Hindi ko sinasabi na kalimutan na natin ang isa't-isa. Ang sinasabi ko kalimutan na natin ang nangyari. Gumawa tayo ng bagong memories."

 

"... W... W... What makes you think na papayag ako?" tanong ng dalaga na punong puno ng hinininakit ang tono.

 

"Bago mangyari yun. Mag childhood friends tayo." bumangon si Taeyeon at umupo ng maayos. "Gusto ko kalimutan natin ang lahat at magsimula ng panibagong chapter nang ating storya." tinulongan ni Taeyeon bumangon ang dalaga ngunit hindi ito tinanggap ng dalaga at bumangon ito nang mag isa.

 

"Magsimula nang panibagong chapter?" tanong ni Tiffany.

 

"Paano kung kalimutan natin na mag childhood friend tayo? Magmeet tayo muli? Tulongan natin makamove on ang isa't-isa sa nangyari?" masiglang wika ni Taeyeon habang kumikislap ang bilogan nitong mata. Na amuse si Tiffany habang nakatitig sa mga mata ni Taeyeon sa totoo lang ay gusto niya ang ideya nito. "I'm Kim Taeyeon." nakangiting wika ni Taeyeon habang inaabot ang kanyang kamay sa dalawa.

 

"A... A... A-Mmm, I'm Tiffany Hwang." naawkward na wika ni Tiffany habang tinatanggap ang kamay ni Taeyeon. Sa totoo lang ay para silang sira sa ginagawa nila, pero ang cute. "Pero ayuko ng Kim Taeyeon. Dahil si Kim Taeyeon ang dumurog ng pagkatao ko."

 

"Edi tawagin mo nalang akong Totoro para maging komportable ka." ngumiti siya sa dalaga at gumanti rin ng ngiti ang dalaga. "Ang cute talaga ng eye smile mo." pinisil ni Taeyeon ang ilong dalaga kaya umani siya nang masamang tingin mula kay Tiffany.

 

"Wag mo nga ako binibiro, Totoro." nakangiting wika ni Tiffany unti-unti na nawawala ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa. "Fix me, Totoro." bulong ng dalaga habang nakatitig sa sahig.

 

"I will fix you, Ppany~"

 

 

...

 

 

"Ang galing! Si Sooyoung at Yoona ay childhood lover, noona. Ang cute! Dati nung mga bata pa lang kami, naglalaro kami kasal-kasalan. Tapos ngayon naging totoo! Ang galing talaga ng Dyos!" masiglang wika ni Yuri habang si Jessica naman ay nakangiting pinapanuod si Yuri. "Imagine, mga bata pa lang kami. Alam na nila sila ang magkakatuloyan sa huli!"

 

"Only God's will lang talaga diba? Match in Heaven talaga sila! Diba, Jessica noona?" masayang-masaya si Yuri para sa dalawang childhood friend niya. Mga bata pa lang sila ay bagay na bagay na sila. Hanggang ngayon, hindi parin siya makapaniwala na totoo pala ang Destiny. Si Jessica naman ay abala sa pagda-daydreaming kaya kanina pa ito tahimik. "Jessica, noona?" pagtawag ni Yuri dahilan para magising siya sa reyaledad.

 

"A... A... A-Oo naman Match in Heaven sila." ngumiti ng napakatipid si Jessica kay Yuri. Sana tayo rin, Match in Heaven. Nalungkot si Jessica nang maalala na magpi-priest na si Yuri.Simula nung ipinakilala ni Yoona si Yuri sa kanya ay nagustohan na niya ito. Naging malalim ang pag tingin niya nang mas nakilala na niya ito. Naging fangirl siya ni Yuri hanggang ngayon kahit na nung malaman niya pumasa si Yuri sa Catholic University of Korea patuloy niya parin ito hinahangaan. Hindi lang paghanga ang nararamdaman niya para dito, pagmamahal. "Love happens to everyone, Yulbaby."

 

"Ang akala ko, ang pagmamahal lang ng magulang sa kanilang mga anak ang nageexist at akala ko ang pagmamahal ng Dyos para sa mga tao ang nageexist." ngumiti si Yuri tsaka hinawakan ang suot niyang cross.

 

"Kahit pagmamahal ko sayo ay nageexist din, Kwon Yuri." wala sa sarili na wika ni Jessica.

 

"Salamat, Jessica noona." ngumiti si Yuri tila hindi naiintidihan ang ibig sabihin ng dalaga. "Mahal din kita, Sica noona. Masaya akong magkaroon ng kaibigan na tulad mo." niyakap ni Yuri ang dalaga dahilan para lalong madurog ang puso ng dalaga. "Sana hindi ka magbabago."

 

"Yulbaby, hinding hindi ako magbabago..."

 

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Teka teka... Was just wondering, ikaw ba yung may ganitong story sa wattpad? :D nakasave yan sa wattpad lib ko eh :D
SY-YoonSicaKpopper #2
pls update english version
nyonyo3012 #3
Chapter 9: I dont understand even if i translate this story.. :(
Can you update the english version as soon as possible? I reallllly love soona~ and i really wanna read this story..
Thankyou authorsshiiii... :))
snsd_hearteu #4
yung iba pong couples?
BOD-COD #5
i try to read this story ... but i don't understand. google translate can't help me too.

my last hope is your kind to make english version soon.

thanks
A_Deewaggie
#6
Chapter 4: Anong nangyayari sa sa otp ko?? Mukhang malabo ang pagmamahalan nila ahhh
shikshinhot24
#7
<3 <3 <3 <3 daebak!JJANG!