You Make Me Smile

Teasing Leads To Marriage

 

 

 

"Sorry sa pagiging rude, Im Yoona-ssi. Ako si Choi Yi Soo ang grandma ni Sooyoung. Pwede ko bang malaman ang family background mo?" hindi nagdalawang isip si Yoona na tumango kahit randam niya ang mabigat na tensyon sa pagitan nilang dalawa. Dumating ang dalawang maids na may dalang tray at nilapag ang dalang apat na tasa sa coffee table. "So, saan ka ba grumaduate at anong degree ba ang natapos mo? Sino ba ang mga magulang? May business ba kayo? Ilang taon ka na ba?" sunod-sunod na tanong ng matandang babae habang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga.

 

"International Management ang kinuha ko na degree sa Dongguk University. Si Im Yoon Hee ang akin ina at si Im Dae Jin naman ang aking ama." sinulyapan niya si Sooyoung na kasulukuyang tahimik. Nakatitig lang ito sa kanya na parang nahi-hypnotize. Pakiramdam niya bumilis ang tibok ng puso niya nang magtagpo ang kanilang tingin.

 

"Im Dae Jin? CEO ng IMnoSCENT? Siya ba ang Daddy mo?" ngumiti si Yoona habang tumatango, ngumiti rin ang matandang babae. Naglaho na ang masungit na aura sa matandang babae. "So, Yoona-ssi.. Mabuti naman ay nagustohan mo ang aking Sonja.."

 

".. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Sooyoung-ssi, madam." pagsisinungaling ni Yoona habang iniiwasan ng tingin ang matandang babae. Habang si Sooyoung naman ay parang nabilaukan sa sinabi niya at napaubo. Agad naman siyang tinapik ni Minho.

 

"Ok lang ako.." pagdeklara ni Sooyoung habang tinatanggap ang tubig na bigay Secretary Oh. "S-Salamat."

 

"Marunong ka bang magluto, Im Yoona-ssi. Kaya mo bang alagaan ang akin Sonja at magiging great grandchild ko?" tanong ng matandang babae. Nabilaukan nanaman si Sooyoung at napaubo ng napakalakas. "Ok ka lang ba, Sooyoung?"

 

"M-Masyadong matabang! Oo, matabang." agad niligyan ni Sehun ng asukal ang kape ni Sooyoung. "Dagdagan mo pa, Secretary Oh." sinunod naman ng binata ang utos ni Sooyoung.

 

"... Opo, madam. Kaya ko po naman siguro. Nang maghiwalay kasi ang aking mga magulang at umalis si Mommy, ay ako na ang nagaalaga sa Daddy ko. Kaya ko naman sigurong pagsilbihan si Sooyoung-ssi."

 

"Good! At least ngayon, panatag na loob ko. Bilisan niyo na, gusto kong makita ang aking great grandchild." nabilaukan nanaman si Sooyoung at napaubo ulit ito, tila naiirita na ang kanyang grandma dahil kanina pa ito ubo ng ubo kaya binatukan niya nang malakas ang kanyang apo.

 

"M-Matabang parin, Secretary Oh." sigaw ni Sooyoung. Binuhos niya ang isang container ng asukal sa kape niya dahilan para umapaw ito. Napaface palm nalang si Yoona habang pinapanuod ito inumin ang kape. Napakadami na ng nilagay nitong asukal kaya alam niyang namamanhid ang dila ni Sooyoung sa sobrang tamis.  "M-M-Masarap!" lihim napangiti ang dalaga dahil sa kabaliwan ng so-called fiance niya.

 

"Wag mo nalang pansinin ang nakakahiya kong Sonja." pekeng tumawa ang matandang babae habang tinitingnan ng masama si Sooyoung. "May request ako sayo, Miss Im. Pwede bang tawagin mo nalang ako ng Grandma o Halmunee? Tutal magiging Grand daughters in-law naman kita."

 

Sinulyapan ni Yoona si Sooyoung bago sumagot. "S-Sige po Grandma." natuwa naman ang matandang babae dahil sa tinawag sa kanya ni Yoona.

 

"May request din ako sayo, Sooyoung.."

 

"Ano Halmunee? Gusto mo rin ba tawagin kitang grandma?" biro ni Sooyoung agad naman siyang umani ng masamang tingin mula sa Secretary niya at sa pinsan niya. "Biro lang.. Haha.. Mmm.. Anong request, Halmunee?"

 

"... Gusto ko, dito ka na titira... Kasama si Yoona." gaya ng inaasahan niya ay tumutol si Sooyoung tsaka tumayo mula sa couch. Magpro-protesta sana si Sooyoung ngunit agad siyang pinutol ng matandang babae. "Tumatanda na ako, Sonja. Gusto ko bago ako mamatay ay makita kitang masaya. Gusto ko bago ako mamatay, makilala ko naman ang granddaughter-in-law ko. Sige na, Sonja.."

 

"P..P..Pe-Halmunee, nasa Japan na ang buhay ko. S..Sino ang magmamanage sa Choi Insustry Japan. Sa Japan n-n-nalang k-kami magsisimula ng pamilya." naawkward na wika ni Sooyoung. Tiningnan ni Sooyoung si Yoona halatang ayaw din nito tumira dito. Wala ito sa usapan nilang dalawa. Ang usapan kasi nila. Palalabasin nila sa Grandma ni Sooyoung na sa Japan sila titira. Ngunit si Sooyoung lang pupunta sa Japan at siya naman magpapaiwan sa Korea. At babalik na sa normal ang mga buhay nila.

 

"No more buts, Sooyoung. Ipapaayos ko na ang magiging kwarto niyong dalawa."

 

 

...

 

 

"Im Yoona-ssi.. Papayag ka bang tumira tayo sa bahay ni Halmunee?" nagaalalang tanong ni Sooyoung habang nakatingin sa side facade ni Yoona.  Ngayon ko lang napansin magkahawig pala sila ni Seohyun. Parang nagulat si Yoona nang magkasalubong nanaman ang tingin nila ni Sooyoung. Dahilan para matawa ang binata, ang cute kasi ng mga ekspresyon nito sa twing naasar siya. Lalo na pagkinakagat ng dalaga ang ibabang labi niya habang nakatingin ng masama sa kanya.

 

"A-Ayuko! Ang usapan natin uuwi ka sa Japan at ako maiiwan sa Korea. At nasa kondisyon ko rin hindi tayo matutulog sa isang kwarto." pagtanggi ni Yoona.

 

"Im Yoona-ssi, alam kong ayaw na ayaw mo matulog tayo sa iisang kwarto. Kahit ako ay ayuko rin. Pero pwede ba? Para lang kay Halmunee. Gagawan nalang natin ng paraan para hindi tayo matutulog sa isang kama." bumuntong hininga si Sooyoung. Tatapunan nanaman sana siya ng masama ng tingin ni Yoona nang magsalita si Sehun ang Secretary ni Sooyoung.

 

"President, paano kung... Si Miss Im ang matutulog sa kama tapos ikaw President matutulog sa floor mattress." suhesyon ni Secretary Oh habang nakatingin kay Sooyoung at Yoona mula sa rear mirror. Nahulaan niya ang magiging reaksyon ni Sooyoung. Natatawang siya habang nagdadrive.

 

"Hah! At bakit ako matutulog sa floor mattress, secretary Oh Se Hun? Ano ba sa tingin mo at bakit mo naisip yan." tiningnan niya ulit si Yoona na kasulukuyang nakangiti. "At ikaw Im Yoona-ssi.. Kung ayaw mong matulog sa tabi ko. Matulog ka sa floor mattress."

 

"President Choi, akala ko ba gentleman ka? Diba, mas magandang po kong sa floor mattress ka matutulog. Kung sakaling mahuhuli kayo ni CEO na hindi natutulog sa isang kama ay ayus lang. Pwede niyong sabihin nagaaway lang kayo. Maganda parin impresyon sa inyo ni CEO kasi naging gentleman ka parin kahit nagaaway kayo ni Miss Im." nakangiting wika ni Sehun.

 

"Oo nga noh! Hindi talaga ako nagkamaling kunin kang Secretary, Hun. Ang galing mo!" ginulo ni Sooyoung ang buhok ni secretary niya. Nanggigigil si Yoona habang pinapanuod ang dalawang binata ng nagkukulitan. Sa isang linggo halos araw-araw silang magkasama, unti unti niya itong nakikilala. Hindi niya inaakalang may childish side pala si Sooyoung at napaka cute nito para sa kanya. "Yah! Im Yoona-ssi, anong nakakatawa?"

 

"Wala lang, ang sweet niyo kasing tingnan. Wag niyong sasabihin may relasyon kayo." inosenteng tanong ni Yoona habang pinipigilan ang sarili sa pagtawa. Umani siya nang masama ng tingin mula kay Sooyoung, at bumelat siya sa binata.

 

"... I.. Ikaw!" naasar na wika ni Sooyoung. Narinig nilang tumawa si Sehun habang nakatuon ang atensyon sa kalsada. Hindi nalang niya pinansin ang Secretary niya. May kung anong kinuha si Sooyoung sa bulsa ng kanyang Blazer at binigay ito kay Yoona. Agad naman itong binuksan ni Yoona at nakita niya ang silver ring na may bear sa taas. "Isuot mo yan, kunware engagement ring natin."

 

"Rilakkuma? Ano toh? Friendship ring?" hindi makapaniwalang tanong ni Yoona habang sinusuot ang sing-sing.

 

"Ibibigay ko sana yan sa childhood sweetheart ko pag nagkita kami. Pero malabo na yata kaming magkita." bumuntong hininga si Sooyoung habang tinititigan ang kaliwang fourth finger/ring finger ng dalaga tsaka hinawakan ang kamay ni Yoona.

 

"Bakit? Nasaan ba siya?" tanong ni Yoona, hindi niya napansin ang magkahawak nilang kamay ni Sooyoung.

 

"Ewan ko rin. Basta ang alam ko nasa Korea siya." ngumiti si Sooyoung sa dalaga at wala sa sarili niyang pinisil ang kamay ni Yoona. Nagulat silang dalawa nang tumikhim si Secretary Oh. Ngunit hindi naintindihan ni Yoona at Sooyoung ang ibig sabihin ni Secretary Oh at nagpatuloy sa simple nilang skinship. Tumikhim ulit si Secretary Oh.  "Bakit ba Oh-Se-Hun?"

 

"President Choi sa sobrang abala niyo. Hindi niyo napansin nasa labas na tayo ng bahay ni Miss Im." natatawang wika ni Secretary Oh. Dali dali lumabas si Yoona mula sa kotse tsaka nagpaalam. "Ingat ka Miss Im.."

 

"Bukas nalang ulit Yoona-ssi..." ngumiti si Sooyoung sa dalagang naghihintay sa labas ng malaking gate. Isasara na niya sana ang bintana ng kotse nang may maalala siya. "Wait Yoona-ssi.. Magkita tayo bukas kasama ang mga best friends natin. Tatawag nalang ako bukas kung saan tayo magkikita. Goodnight!" agad niyang sinara ang bintana bago pa man makasagot ang dalaga.

 

"... Goodnight Sooyoung-ssi." kahit na hindi sigurado si Yoona kung nakikita parin siya nito mula sa loob ay yumuko parin siya. "Mag ingat kayo." sigaw ni Yoona habang kumakaway.

 

"President Choi, pwede bang mag tanong?" tanong ni Secretary Oh habang nakatingin sa kanya mula sa rear mirror. Tiningnan lang siya ni Sooyoung tsaka tumango. "President.." maingat na wika ni Secretary Oh. Medyo sensitive kasi ang tanong niya kaya iniisip niya ng mabuti bago itanong. "President Choi, naiisip niyo pa ba si Juhyun-san?" seryosong tanong niya.

 

"Ano nanaman ba toh, Oh-Se-Hun?" naiiritang wika ni Sooyoung habang nakatingin ng masama sa Secretary niya.

 

"Sagotin niyo nalang po.." ngumiti si Secretary Oh kay Sooyoung kahit alam niyang pwede siyang bulyawan nito. Matagal na niya itong kilala si Sooyoung kahit nung nasa Japan pa lang sila. Nasa isang taon pa lang siya sa Junior High ay binubully sila ng mga Seniors at humihingi ng pera. Sa twing wala silang ibibigay ay ipinapahiya sila sa buong campus ng Junior High. Hanggang sa isang araw, nang wala akong maibigay na pera ay pinaginitan din ako nang mga Seniors. Bubugbugin na sana ako ng mga Seniors nang pinigilan sila ni Sooyoung. Mr. Higashi, pag ginalaw niyo ang Half Brother ko. Ako ang makakalaban niyo. Yanang palaging ang sinasabi ni Sooyoung sa kapwa Seniors niya. Dahil ayaw umawat nito ay napaaway siya. Nakipaglaban rin siya sa grupo ni Benimaru. Hindi niya akalaing makakaya nilang dalawa ang mga ito. Simula noon ay naging mag kaibigan silang dalawa at nagpanggap silang half brothers. Hindi niya alam kung bakit ang bait nito sa kanya, iniisip nalang niya Baka kasi pareho silang Zainichi o mga Korean na nakatira sa Japan.

 

"Yah Oh-Se-Hun!" paggising ni Sooyoung kay Sehun mula sa reyalidad. "Bakit mo ba na tanong yun? Tinawagan ka ba ni Seohyun?" tanong nito habang inaalog si Secretary Oh. Nagbrake siya at pinark ito sa gilid ng kalsada tsaka tiningnan si Sooyoung. "Sumagot ka naman."

 

"I'm so sorry, President Choi. Pero hindi kami naguusap ni Juhyun-san." mahinahong sagot ni Secretary Oh. Sa totoo lang ay tulad ni Grandma Choi ay ayaw niya rin kay Seohyun. Palagi nalang nito sinasaktan o pinaparamdam kay Sooyoung na mas mahal niya pagiging celebrity kaysa sa kanya at bilang kaibigan niya ay nasasaktan siya sa treatment nito sa kanya. Bumuntong hinga si Sooyoung nang marinig niya ang sinabi nito. "President, ang akala ko nakamove on ka na sa kanya dahil ang saya niyo sa tuwing mag kasama kayo ni Miss Im."

 

"Ano ba ang pumasok sa utak mo Secretary Oh at naisip mong masaya ako pag kasama si Yoona-ssi?" natatawang tanong ni Sooyoung. "Hindi ko nga gusto ang babaeng yun eh."

 

"Pero naghoholding hands kayo ni Miss I-"

 

"Dahil nagpapanggap kaming magfiance ni Yoona-ssi kaya naghoholding hands kami. P..Para.." nagsimulang nauutal si Sooyoung, na hindi naman normal sa kanya. Sa sobrang tagal na nilang magkasama ay ngayon pa lang niya ito nakitang nauutal. Palagi itong confident sa mga sinasabi niya kahit pagsisinungaling ay niminsan hindi siya nauutal. "... Para-Parang realistic. Teka nga! Pwede bang magdrive ka nalang, Secretary Oh?" bulyaw ni Sooyoung sa binatang mas bata sa kanya. Nagpatuloy siya sa pagdrive habang sinusulyapan si Sooyoung mula sa rear mirror.

 

"Pero.. Hindi lang kayo nagholding hands sa harap ni Madam CEO o ni Director Choi. Nagholding hands din kayo, bago bumaba si Miss Im." nakangiting wika ni Secretary Oh.

 

"A..Anong..Anong pakialam mo?" nauutal paring wika ni Sooyoung habang namumula ang magkabilang pisngi.

 

"Hindi lang ako Secretary at half brother mo.. Ako rin ay adviser mo President Choi.." paalala ni Secretary Oh. "Bilang adviser mo.. Ang advise ko sa iyo Sooyoung-sama mag move on ka na kay Juhyun-san." pabirong wika ni Secretary Oh.

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Teka teka... Was just wondering, ikaw ba yung may ganitong story sa wattpad? :D nakasave yan sa wattpad lib ko eh :D
SY-YoonSicaKpopper #2
pls update english version
nyonyo3012 #3
Chapter 9: I dont understand even if i translate this story.. :(
Can you update the english version as soon as possible? I reallllly love soona~ and i really wanna read this story..
Thankyou authorsshiiii... :))
snsd_hearteu #4
yung iba pong couples?
BOD-COD #5
i try to read this story ... but i don't understand. google translate can't help me too.

my last hope is your kind to make english version soon.

thanks
A_Deewaggie
#6
Chapter 4: Anong nangyayari sa sa otp ko?? Mukhang malabo ang pagmamahalan nila ahhh
shikshinhot24
#7
<3 <3 <3 <3 daebak!JJANG!