Marriage Without Love

Teasing Leads To Marriage

 

 

Narrator: I want to introduce new co-author soon .. For the Teasing Leads To Marriage English Version :))

This is so awkward for me to describe Sooyoungie as him :c But I cant skip this chapter .. Right ?

 

 

"Syoo, mamimiss kita." malungkot na wika ni Tiffany habang binubotones ang waist coat ng kanyang kaibigan. Habang iinayos naman ang button cuffs niya. "Hay! Mamimiss talaga kita."

 

Tumawa ng marahan si Sooyoung bago sumagot. "Bakit? Magaasawa lang naman ako, hindi magpapakamatay." natatawang wika ni Sooyoung habang nagsusuot ng bowtie. "Tsaka pwede ka namang bumisita sa bahay namin. Welcome na welcome ka doon. Kung gusto mo doon ka nalang din tumira."

 

"Ayuko nga! Ayuko kong mapagkamalang mistress mo." nakapout na wika ni Tiffany. Tumawa si Sooyoung nang napalakas dahil sa sagot ng dalaga tsaka niyayakap niya ito ng napakahigpit tila ito na ang huling beses na mayayakap niya ito. "Pero seryoso, ang hot mo ngayon.." pabirong wika ni Tiffany habang inaamoy ito.

 

"Ngayon lang? Akala ko ang hot ko palagi?" tanong nito habang nakataas ang kaliwang kilay ni Sooyoung. Nang tumango ang dalaga ay nagpanggap na nalulungot si Sooyoung tsaka bumitiw sa pagkakayakap sa dalaga.

 

"Joke lang!" sigaw ni Tiffany habang binabalot ang braso ni Sooyoung sa sarili niyang katawan. "Syoo, maganda ba ang bride mo?" napatingin si Sooyoung sa mukha ng kanyang best friend tsaka hinahawi ang bangs ng dalaga.

 

"Sa katunayan, para siyang anghel. Napakabait ng kanyang mukha. Pero kung sa ugali para siyang brat." ngumiti si Sooyoung bago nagpatuloy. "Sa tingin ko nga eh, napakaswerte ko sa kanya. Pero hindi naman siya ang mahal ng puso ko. Kung sana si Seohyun ang pakakasalan ko, siguro napakasaya ko na ngayon." ngumiti nang malungkot si Sooyoung habang nakatingin sa bintana.

 

"Choi Sooyoung, pwede ba mag move on ka na kay Juhyun? Sinasaktan ka lang nang babaeng yun eh." tinatamad na wika ni Tiffany. Sa twing pinaguusapan kasi nila si Seohyun ay nasisira ang mood niya. Simula nung maging sila ni Sooyoung ay Palagi nalang pinaparamdam ng dalaga na walang halaga si Sooyoung sa kanya o kaya pinaparamdam nito na hindi siya worth it sa oras niya. Kaya kung papipiliin siya si Juhyun o sa future wife ni Sooyoung ay mas pipiliin niya ang future wife nito kahit hindi pa niya ito namemeet. Maya-maya ay pumasok si Secretary Oh sa kwarto dahilan para bumitiw siya sa pagkakayakap nito. "Syoo, sisilipin ko lang ang bride ha..?" agad naglakad palabas kwarto. Dahil malapit lang kwarto ni Sooyoung sa kwarto ng bride ay nakarating kaagad siya sa labas ng kwarto nito. Room 530? So ito ang kwarto nito?Dahan-dahan kumatok si Tiffany at naghintay na may sumagot ngunit nanatiling tahimik ang kwartong ito. Kumatok ulit ang dalaga at nanatili parin itong tahimik. Akmang kakatok ulit si Tiffany nang bumukas ang pintuan at nakita niya mula sa uwang ng pintuan ay nakita niya ang magandang babae na may mahaba at blonde na buhok.

 

"Pwede ko bang makausap yung bride." nakaeyesmile niyang wika. Habang hinahawakan ang camerang nakasabit sa leeg niya.

 

"Sino ka ba?" tanong nito habang nakatingin sa kanya na walang ka ekspresyon-ekspresyon nakaguhit sa kanyang mukha. "Anong kailangan mo sa pinsan ko?"

 

"Mmm, best friend ako ni Choi Sooyoung. Gusto siyang makausap." sagot ni Tiffany habang binibigyan niya parin ito ng eye smile kahit ang sung it ng pakikitungo nito sa kanya. Binuksan ng dalaga ang pintuan tsaka pinatuloy si Tiffany sa loob. Ang kwarto nito ay katulad rin ang design ng kwarto ng best friend niya. May couch at TV rin, malaking kama at magandang view sa balcony. "Miss, asan na yung bride?"

 

"Pwede hintayin mo nalang?" mataray nitong sagot habang umuupo sa couch.

 

"... A-Araso!" natatakot na wika ni Tiffany habang nanatiling nakatayo sa may pintuan. Hindi niya alam kong bakit ito nagtataray sa kanya, wala naman siyang maalala na ginawan niya ito ng masama. Iniisip niya nalang na baka mataray lang talaga ito o wala lang talaga sa mood ang dalaga. Nakita niya itong nagbabasa ng January Issue ng HIGH Cut magazine at kilalang-kilala niya ang nasa cover nito. "Mmmm.. Kung meron kang gustong malaman tungkol sa kanya, pwede mong itanong sa akin."

 

"No thanks." sagot ng dalaga habang abala parin sa pagbabasa. Tila naiinis si Tiffany sa pakikitungo ng dalaga sa kanya mabuti nalang ay nakakapagpigil pa siya. "Girl, tanga ka ba? Ayaw mo bang umupo?" umuyam si Tiffany at tumawa ng marahan habang nakatingin ng masama sa dalaga.

 

"Miss, may problema ka ba sa akin?" tanong ni Tiffany habang pinipilit ang sarili maging kalmado.

 

"Ikaw ang problema ko.."

 

"Ano ba ginawa ko? Ngayon lang naman tayo nagkita."

 

"... Diba ikaw ang first love ni Kwon Yuri?" tanong nito habang binababa ang magazine na hawak niya.

 

"H.. Ha?"

 

"Bakit bumalik ka pa?! Pwede bang lumayo ka na sa kanya?"

 

Tumawa ng malakas si Tiffany. "Ano ba pinagsasabi mo? Si Yuri ay childhood friend ko, inaamin ko naman na childhood crush ko siya before. Pero hindi na ngayon." at tiningnan lang siya ng masama ng dalaga. "At bakit naman ako, makikipag affair sa future priest?"

 

"... Ok.. Good..!" sagot nito habang tumatayo mula sa couch. "Yun lang ang gusto kong malaman." tsaka naglakad ito patungo sa double door. Hindi siya sigurado kung para saan ito ngunit sa tingin niya isa itong extension room. Nang buksan ito ng dalaga nakita niya may kama din sa loob nito. Maya-maya ay naiwan siyang magisa sa silid na ito at nabobored na siya. Akmang tatayo na sana siya upang makalabas sa silid ng bumukas ang double door. Ang akala niya ang babaeng nakausap niya kanina ang lumabas mula sa extension room. Napangiti siya nang makita niya ang bride na napaka familiar sa kanya.

 

"... Stephanie unnie?" nakangiting wika ng dalaga tsaka niyakap niya ito. Nanlaki ang kanyang singkit na mata nang makita niya si Yoong na nakasuot ng wedding gown at flower crown.

 

.... S-Si Yoong ang bride ni Syoo?!

 

 

...

 

 

Halos lahat ay abala na sa paghahanda ng kasal nila. Halos lahat ng taong nasa party na ito ay nagkakasiyahan at nagtatawanan. Nakita niyang nakaupo ang kanyang Grandma na nakasuot ng Hanbok at may dala itong payong. Habang nakaupo din sa first row ang couple na magkapareho ng suot na hanbok, ito ang parents ni Yoona na medyo malayo ang pagitan ng upuan nila. Ilang minutes nalang ay magsisimula na ang kasal ngunit hindi excited si Sooyoung. Kanina pa siya tingin ng tingin sa screen ng cellphone niya. Nagdadalawang isip kung tatawagan si Seohyun. Alam niyang wala na silang dalawa ngunit gusto niya muna ito makausap sa huling pagkakataon. Hanggang sa nakapagdesisyon siyang tawagan ito. Tulad ng dati ay hindi nito sinasagot ang tawag niya.

 

Juhyun-ah, nasaan ka na ba? Namimiss na kita. Sa isip ni Sooyoung habang nakatingin sa picture nilang dalawa ni Seohyun na nasa wallpaper ng phone niya. Dinial niya ulit ang number nito at sa pangalawang pagkakataon ay sumagot na ito. Mula sa kabilang linya ay narinig niya ito bumuntong hinga at ingay na nagsasalita ng nihongo.

 

"Hello? Napatawag ka, Syoo?" pormal nitong wika.

 

"Juhyun-ah, hindi mo ba ako namimiss?" tanong ni Sooyoung habang nakatingin sa baba ng balcony kung saan magaganap ang kanilang kasal. "Kasi ako, namimiss na kita."

 

"Syoo, yan lang ba sasabihin mo?" tilang tinatamad nitong wika habang paulit-ulit itong bumubuntong hininga. "Nasa taping ako, mamaya ka nalang tumawag. Pwede?" nihindi man lang nito hinintay sumagot si Sooyoung at binababaan ito. Nalungkot si  Sooyoung dahil sa pakikitungo ng dalaga sa kanya, malayong-malayo ito sa treatment niya sa kanya before. Naging napakacold na na ng dalaga simula nung banggitin niya sa kanya ang kasal.

 

"~Baby! I love you."

 

"I love you too, Seobaby!" nakangiting wika ni Sooyoung habang niyayakap ng napakahigpit si Seohyun. Umaakyat sila sa Mt. Nago sa ilalim ng mga Cherry Blossoms.

 

"~Soobaby, sana palagi natin gagawin toh every free time ko. Sana palagi nalang Free Time ko." masiglang wika ni Seohyun at bumitiw sa pagkakayakap ni Sooyoung.

 

"Yay~! Oo nga eh, sana free time mo palagi. Para ma solo kita palagi." malambing na wika ni Sooyoung habang minamasahe ang kamay ni Seohyun.

 

"Pag nahuli mo ako, may kiss ka sa akin." sigaw ni Seohyun habang bumibelat tsaka binabawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Sooyoung. Ngunit bago pa man ito makatakbo ay hinatak na ulit siya ni Sooyoung pabalik sa pagkakayakap nito.

 

"Checkmate!" bulong niya habang nilalapit niya ang mukha niya sa mukha ng dalaga hanggang sa magkadikit ang kanilang noo. "I'm claiming my prize, Seobaby."

 

"President Choi, Magsisimula na ang kasal." nakangiting wika ni Secretary Oh habang kinukunan siya nang picture. Bakas sa mukha nito na excited siya para sa kasal ng Boss niya. Excited din si Secretary Oh makita ang reaksyon ni Sooyoung pag nakita niya ang si Yoona.

 

"Edi, tara na. Para matapos na kaagad ang kalokohang ito." wika ni Sooyoung sa malamig na tono. Kinuha niya ang blazer ng tuxedo niya tsaka lumabas sa kwarto.

 

"President Choi, napakaganda ni Miss Im." nakangiting wika ni Secretary Oh habang hinahabol ang hakbang ng kanyang boss. "Sigurado ako, magugustohan mo siya."

 

Hindi na nagsalita si Sooyoung, tinatamad siyang makipagusap kay Secretary Oh. Lalo na't kung si Yoona lang din paguusapan nila. Maya-maya ay tumayo siya sa gitna ng korteng puso na Wedding Flower Door at nagsipalakpakan ang mga tao. May sumisigaw pa nang makita siya. Mabuti pa sila, masaya. Ako lang ata ang nagluluksa sa kasal na ito. Bumuntong hinga siya at nagsimulang maglakad patungo sa altar.

 

"Yeppeun namja!" sigaw ng isang babae na hindi niya kilala. Sa tingin niya ay mula ito sa mga Im.

 

"Choi Sooyoung jal seng gyut sso yo!" sigaw ng ate ni Yoona.

 

Hindi pinansin ni Sooyoung ang mga komplemento at mga malalaking ngiti ng mga tao diret-diretso lamang siya sa paglalakad. Nang makarating siya sa altar ay pinako niya ang kanyang tingin sa Master of the Ceremony ng kasal nila. Nagulat siya nang kalabitin ng Gradma niya ang kanyang pwet gamit ang payong na hawak nito. Tiningnan niya ito at suminyas ito na alisin ang kanyang suot na sun glasses. Agad naman itong tinanggal ni Sooyoung at pinako uli ang tingin sa Master of the Ceremony.

 

"Salubongin naman natin ang ating bride!" sigaw ng Master of the Cermony at nagsimula ulit tumugtug ng violin ang Violin Guy. "Yeppu uwa!"

 

"Yeppudaaaa!" sigaw ng binata. Kahit nakatalikod si Sooyoung ay alam niyang si Minho ito. Ang pinsan niya na may gusto kay Yoona.

 

"Wow! ang ganda mo Miss Im." boses ni Secretary Oh.

 

"Woah~ She's an angel!" narinig niyang bulong-bulongan mula sa likod niya.

 

"She's not an angel! She's a Goddess!"

 

Dahil sa kuryosidad niya ay lumingon siya sa likod at nakita niya si Yoona nakasuot ng napakasimple na wedding dress at nakafresh make up lang kaya mas lumilitaw ang kanyang ganda. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam nagslow motion ang lahat habang naglalakad si Yoona patungo sa altar. Yumuko ito nang mapansin ng dalaga ang titig niya, tila naiilang ito. Gusto ni Sooyoung ibaling sa iba ang atensyon niya ngunit ayaw siya sundin ng kanyang mga mata. Fuzakeru na! sigaw niya sa kanyang isipan habang pinapagalitan ang kanyang sarili. Kinuyom ni Sooyoung ang kanyang kamay nang magsimula siyang kabahan nang tuayo ito sa tabi niya. Ok, !

 

"Do you, Im Yoon Ah" huminto muna sa pagsasalita ang Master of the Ceremony para ngumiti. "Take Choi Sooyoung to be your lawful and wedded husband through happiness, sickness and loneliness?" tumikhim muna ang Master Ceremony tsaka minememorize ito. "and to love him unconditionally. Without change?"

 

"Yes, I do." nahihiyang wika ni Yoona habang namumula ang kanyang magkabilang pisngi.

 

"Pinapangako mo rin ba ito, Choi Sooyoung?" bulong ng Master of the Ceremony tila natatakot.

 

Tumingin muna si Sooyoung kay Yoona at tumingin rin ang dalaga sa kanya. "Okay.." bulong ni Sooyoung.

 

"Ano bang klaseng sagot yan, sonja!" sigaw ng kanyang grandma mula sa likod.

 

Isa talaga itong malaking kalokohan. Natatawa habang iniisip ni Sooyoung ang tanong. "Yes, I do." agad naman nagpalakpakan ang mga tao nang sumagot siya.

 

"Ngayon naman ay ang palitan ng sing-sing." nakangiting wika ng Master of the Ceremony. Agad naman lumapit si Mr. Im kay Yoona habang nakangiti habang binibigay ang hawak niyang ring box.

 

"Anak, ito ang suot ko nung ikasal kami ng eomma mo." nakangiting wika ni Mr. Im habang binubuksan ang ring box at kinuha naman ito ni Yoona.

 

"I take you to be my partner for life. I promise above all else to live in truth with you and to communicate fully and fearlessly, I give you my hand and my heart as a sanctuary of warmth and peace and pledge my love, devotion, faith and honor as I join my life to yours.” nakangiting wika ni Yoona habang sinusuot ang sing-sing sa palasing-singan ni Sooyoung.

 

"It seems right now that all I've ever done in my life is making my way here to you." ani ni Sooyoung habang nilalagay ang sing-sing na hawak niya sa palasingsingan ni Yoona. Natatawa siya dahil ang wedding vow niya ay mula yun sa paborito niyang palabas na The Bridges of Madison County. Pero tila wala namang nakapansin dito. Dahil wala namang nagrereact. Walang kwenta... Isang malaking kalokohan lang ang lahat.

 

"Palakpakan natin ang bagong kasal!" sigaw ng Master of the Ceremony habang pumapalakpak.

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Teka teka... Was just wondering, ikaw ba yung may ganitong story sa wattpad? :D nakasave yan sa wattpad lib ko eh :D
SY-YoonSicaKpopper #2
pls update english version
nyonyo3012 #3
Chapter 9: I dont understand even if i translate this story.. :(
Can you update the english version as soon as possible? I reallllly love soona~ and i really wanna read this story..
Thankyou authorsshiiii... :))
snsd_hearteu #4
yung iba pong couples?
BOD-COD #5
i try to read this story ... but i don't understand. google translate can't help me too.

my last hope is your kind to make english version soon.

thanks
A_Deewaggie
#6
Chapter 4: Anong nangyayari sa sa otp ko?? Mukhang malabo ang pagmamahalan nila ahhh
shikshinhot24
#7
<3 <3 <3 <3 daebak!JJANG!