The Deal

Teasing Leads To Marriage

 

 

Gabi na ay abala parin ang isang dalaga sa pagbabrowse sa mga sikat na searching engines tulad ng Google Korea. Kanina pa niya hinahanap ang information ni Suyoung ngunit hindi niya ito makita. Nagtatakang nanuod ang kanyang pinsan habang nakatayo, kahit na inaantok na ito ay nakiusisa parin ito sa ginagawa niya. Hindi pinansin ni Yoona ang presensya nito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

 

"Baka Sooyoung instead Sooyoung." pag sabat ng babaeng kulay blonde ang buhok tsaka umupo sa tabi nito. Tinaype naman ng dalaga ang suhesyon nito tsaka tiningnan isa-isa ang mga larawan ng nagngangalang Sooyoung. "See? Diba Sooyoung."

 

"Thanks unnie." seryoso ng wika ng dalagang brunette ang kulay ng buhok habang kinukusot ang kanyang mata. Kahit siya ay inaantok na rin ngunit nilalabanan niya ito. Maya-maya makita niya ang kanyang hinahanap agad niya itong pinindot para tingnan. "Sa wakas.." bulong niya habang bumubuntong hininga.

 

"Kilala ko yan, Yoong. Siya ang President ng Choi Industry." seryoso ng wika ng kanyang pinsan habang tinititigan ang mga larawan nito sa Google Images. "Oo nga. Siya nga talaga yun."

 

"Celebrity ba siya? Bakit cover siya ng HIGH Cut January Issue?" tanong ni Yoona habang tinuturo ang isang larawan sa screen ng laptop niya.

 

"Isa kasi siya Hottest Businessmen sa 2015. Tapos isa sa Youngest Businessman sa Korea." ngumiti ito habang kinukwento ang nalalaman niya. "Sa pagkakaalam ko minsan siya ang nagmomodel sa mga commercials ng sariling products nila." 

 

"Talaga?" hindi makapaniwalang wika ni Yoona habang pinagmamasdan ang larawan nito. No wonder.. Choi Sooyoung, Feb 10, 1990.. Magkapareho kami 90'er. Choi Yi Soo's grandson?

 

Hindi ka pa ba matutulog? Mauna na ako ha? Inaantok na talaga ako." inaantok na wika nito tsaka tumayo mula sa sofa. Naglalakad ito habang humihikab. "Goodnight, Yoong."

 

"Hehe, hindi na nakakapagtataka yun. Goodnight, Sica unnie." ngumiti si Yoona sa kanyang pinsan. Nang makapasok ito sa kwarto niya ay binalik niya ulit ang atensyon niya sa screen ng kanyang laptop. Pinagpatuloy niya ang paghahanap ng inpormasyon tungkol dito. Pinindot niya ang news about Choi Sooyoung at nanlaki ang kanyang mata sa kanyang nabasa.

 

Actress Seohyun and rumored boyfriend Choi Sooyoung spotted in Paris.

 

Actress Seohyun denies dating rumor with Choi Sooyoung.

 

Marami pang balita tungkol sa relasyon niya kay Seohyun. Si Seohyun ay isang Zainichi na naging artista sa Japan tulad ni Kiko Mizuhara. Halos napatalon siya nang mag ring ang kanyang cellphone agad niya ito sinagot kahit unregistered number lang ito.

 

"Yoboseyo?" pabulong na wika ni Yoona.

 

"Aigoo.." narinig niya ang halinghing ng isang lalaki mula sa kabilang linya. Pamilyar na pamilyar ang boses nito ngunit hindi niya naalala kung saan niya ito narinig. "Wag mo kalimutan ang date natin ha?"

 

"Ha sino ka ba?" naiiritang tanong ni Yoona, nakikilala na niya ito.

 

"Choi Sooyoung yung boyfriend mo.." sarkastiko nitong wika tsaka tumawa ng malakas mula sa kabilang niya.

 

"Saan mo ba makuha contact number ko?"

 

"Hindi na mahalaga yun.. Ano ba nakakapagtaka dun? Boyfriend mo naman ako. Masama ba yun?" nagpatuloy parin ito sa pang aasar niya dahilan para main is nanaman si Yoona. "Makita tayo.. Sa Jung-gu Starbucks. 6pm."

 

"Paano kung hindi ako pupunta?"

 

"Pupuntahan kita sa bahay niyo.. Gusto mo ba puntahan na kita ngayon na?" seryosong wika nito.

 

"Y-Yah! Wag mong ga—" bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin ay binaba na niya ito. "Tch.. Walang modo toh ha.."

 

 

...

 

 

 

Kinabukasan.. Maaga pa lang ay pumunta na si Sooyoung sa Namsan dala ang isang magandang balita. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa sarili niya na magiging desperado dahil lang sa position at mamanahin niya sa kanyang Halmunee. Gusto niya irush ang pagtake over niya. 

"I'm Choi Sooyoung from Choi Industry. Nice meeting you, sir." yumuko si Sooyoung sa harap ng desk ng matandang lalaki tsaka nakipagkamay dito.

 

"Nice metting you too. Aren't you the grandson of Chairman Choi?" tanong ng matandang lalaki, agad naman tumango si Sooyoung bilang sagot. "Please have a sit.. How can I help you?"

 

"Sir, may business proposal ako sa iyo." binigay ni Sooyoung ang business plan niya sa matandang lalaki at agad naman ito binuksan at binasa ng matandang lalaki. "Balita ko kailangan niyo ng tulong para mas mas maging successful ang IMnoSCENT."

 

"Yes exactly, kailangan ko ng tulong. As you can see walang interest sa business ang aking one and only daughter ko. Hindi kayang patakbuhin ang IMnoSCENT, lalo na nung nagkaroon na ito ng branch sa Tokyo. Interesado ba kayo?"

 

"Oo, pero isang kondisyon..." napangiwi siya habang nakatitig sa binatang nasa harap niya tila hinintay ng matandang lalaki ang sasabihin niya. "Hindi na ako mag paligoy-ligoy pa... Kailangan ko ng tulong sa anak niyo. Gustong-gusto ko ang anak niyo, sir." pagsisinungaling ni Sooyoung, tumawa si Mr. Im tila na dumbfounded ito sa sinabi niya.

 

"Seryoso ka ba talaga sa anak ko? Kasi kung oo, kahit ipapakasal ko pa kayong dalawa kung gusto niyo." napangisi si Sooyoung dahil sa sinabi nito.

 

Edi, wala naman pala ako problema. Good job Choi Sooyoung! Sa ngayon ang gawin mo makipagdeal nalang kay Im Yoona tungkol sa contractual marriage. Tapos Congratulations Choi Sooyoung! ngumisi si Sooyoung habang iniisip na magiging tagumpay ang kanyang plano niya. Ang kailangan kong gawin magpanggap na mabuting asawa sa mata ni Halmunee at ni Mr Im.

 

"Seryoso ako, Sir. Mahal na mahal ko ang anak niyo."

 

"Basta ipapangako mong hindi mo sasaktan ang aking anak, Choi Sooyoung. Kung sasaktan mo ang aking anak, lagot ka sa akin." pabirong binantaan ni Mr Im si Sooyoung habang pataas-taas ang dalawang kilay tsaka tumawa, tumawa din si Sooyoung. Binigay ni Sooyoung ang kontrata, hindi nagdalawang isip si Mr Im permahan ito. "Welcome to IMnoSCENT, salamat sa tulong."

 

"Helping such a famous and important like you is my pleasure, Sir." nakipagkamay si Sooyoung sa matandang lalaki tsaka niyakap ito, tinapik ng matandang lalaki ang kanyang likod.

 

 

...

 

 

Nagpark pa lang si Sooyoung sa harap ng shop ng Starbucks ay makita na niya si Yoona. Palinga-linga ito habang nakaupo sa loob, na parang nawawalang bata. Natatawa siya dahil napakainosente ng mukha nito. Lumabas siya sa kanyang kotse at nagmartsa papasok sa loob ng shop at umupo sa kaharap nitong upuan.

 

"Hi babe.." pangaasar ni Sooyoung habang pabirong hinawakan ang kamay nito, agad naman niya sinampal ang kamay nito at nakita niya nanaman ang paborito niyang ekspresyon ng dalaga. Ang pagkairita dahilan para tumawa ng malakas si Sooyoung. "Tara, mag order na tayo."

 

"Ikaw nalang, hindi rin naman ako magtatagal." sagot ng dalaga. "At pwede ba wag mo akong tawaging, Babe. Kinikilabutan ako pagtinatawag mo ako ng ganyan." ngunit hinawakan ulit nito ang kanyang kamay. Gusto niya sa sampalin ang kamay nito ngunit nakatingin ang ibang costumer sa kanila. Kaya nagpatangay nalang siya dito papunta sa counter. "Y..Y-Ano ba ginagawa mo?!" giit ni Yoona.

 

"Caffe Americano." nakangiting umorder si Sooyoung habang binabalewala ang mga protesta ng dalaga. "Anong oorderin mo? Mag order ka, mahaba ang paguusapan nating dalawa." tanong ni Sooyoung habang binibitawan ang kamay ng dalaga. Nanatili lang nakatingin ng masama si Yoona sa kanya. "Frappuccino nalang.."

 

"Y-Yah!" sigaw ni Yoona nang maglabas ng wallet si Sooyoung at binayaran ito. "Ako na magbabayad." ngunit matigas ang ulo nito at binayaran parin ang inoorder nila. Hindi na nakipagtalo si Yoona, tahimik siyang sumunod kay Sooyoung patungo sa table kung saan siya naghintay kanina. "Ano ba paguusapan natin?"

 

"May deal ako sayo.." tumigil muna si Sooyoung sa pagsasalita para inomin ang kape nito. Tahimik lang pinanuod ni Yoona si Sooyoung maghihintay sa sasabihin nito. "Balita ko ayaw mo daw imanage ang business niyo.."

 

"So what?" nagdilim ang ekspresyon sa mukha ni Yoona dahil nang banggitin nito tungkol sa Family Business nila. Ayaw na ayaw niya sa Business na ito dahil, simula nang magbukas sila ng branch sa Japan ay nawalan na ng time ang kanyang Daddy sa kanilang dalawa hanggang sa hindi kinaya ng kanyang mommy at nakipaghiwalay ito sa kanyang Daddy.

 

"Hayaan mo ako maghandle ng IMnoSCENT, pansamantala. Para hindi ka na kinukulit ng daddy mo. Pero kailangan ko rin ang tulong mo, Yoona-ssi." seryosong wika ni Sooyoung habang iniihipan ang kape niya.

 

"Anong tulong?"

 

"Pumayag ka maging asawa ko ng dalawang taon.. Kalayaan mo sa IMnoSCENT kapalit ng take over ko sa Choi Industry." seryoso parin ang tinig nito habang pinagaaralan ang ekspresyon ni Yoona. "Pag ok na ang lahat. Magdidivorce tayo, balik sa normal ang ating buhay."

 

"Sa dalawang taon na yun.. Pwede ko gawin lahat ng gusto ko?" tanong ni Yoona habang dinidilaan ang ice cream na nasa straw niya.

 

"Yes, pero kung nasa harap tayo ng parents mo o ni Halmunee ko. Gawin nating realistic ang marriage. Pero pagtayo lang pwede natin balewalain ang presensya ng isa't-isa." ani niya. "Ang important maniwala si Halmunee na magasawa talaga tayo."

 

"Ok.. Pero may kundisyon din ako.." huminto muna si Yoona sa pagsasalita para sipsipin ang straw. "Wag mo akong tawaging babe. Hindi tayo matutulog sa iisang kama. Walang hug, kiss at lalong-lalo na ang ." naginit ang pisngi ni Yoona dahil sa kanyang huling sinabi. "Bawal mainlove."

 

"Ok. Walang problema, gusto mo magpagawa ng kontrata sa lawyer ko?" tanong ni Sooyoung habang kinuhakuha ang cellphone niya mula sa kanyang coat. Akmang tatawagan niya si Lawyer Song ngunit pinigilan siya ni Yoona. "Ok, kung ayaw mo."

 

"Sayang, hindi pa priest si Yuri oppa. Gusto ko pa naman siya magkakasal sa akin." ngumiti si Yoona habang iniisip ang kanyang bestfriend.

 

"Si Yuri? Kwon Yuri?" tanong ni Sooyoung.

 

"Oo, si Yul oppa. Magkakilala din ba kayo?"

 

"Yep, childhood friend ko yun." ngumiti si Sooyoung nang makita niya for the first time ngumiti ang dalaga.

 

"Chincha? Aigoo! Small world! Childhood friend ko rin siya."

 

 

Narrator: Next chapter will be TaeNy and its so awkward for me to write a story like this .. Here comes trouble !

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Teka teka... Was just wondering, ikaw ba yung may ganitong story sa wattpad? :D nakasave yan sa wattpad lib ko eh :D
SY-YoonSicaKpopper #2
pls update english version
nyonyo3012 #3
Chapter 9: I dont understand even if i translate this story.. :(
Can you update the english version as soon as possible? I reallllly love soona~ and i really wanna read this story..
Thankyou authorsshiiii... :))
snsd_hearteu #4
yung iba pong couples?
BOD-COD #5
i try to read this story ... but i don't understand. google translate can't help me too.

my last hope is your kind to make english version soon.

thanks
A_Deewaggie
#6
Chapter 4: Anong nangyayari sa sa otp ko?? Mukhang malabo ang pagmamahalan nila ahhh
shikshinhot24
#7
<3 <3 <3 <3 daebak!JJANG!