The Grandma's Request

Teasing Leads To Marriage

 

 

 

"Seryoso ba talaga sila sa pagpi-pair sa atin?" hindi makapaniwalang tanong ng babae na kulay scarlet red ang buhok habang binabasa ang magazine na hawak niya. Hindi siya makapaniwalang na nasa Seoul na din ang issue na ito. "Akala ko pa naman makakawala na ako sa isyung yan."

 

"At least hindi ganun kasama nirereport nila tungkol sa atin." walang kaekspresyong wika nito habang tinatapun ang magazine sa trashcan. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga habang tinitingnan ito sa mata, nang makita niya ang reaksyon nito sa simpleng skinship ay napangiti siya, may halong panunukso ang ngiti nito. "Wala namang masama dun, ginagawa lang naman ng mga reporter ang trabaho nila. Hayaan mo nalang sila. Hindi naman totoo diba?"

 

"Ok lang naman, kung wala kang girlfriend naghihintay sa Tokyo eh. Mmm.. Maiba tayo..." huminto muna siya sa pagsasalita tsaka may kung ano ito kinuha mula sa wardrobe niya tsaka binigay ito sa binata. "Pupunta ka ba? Kung hindi ka sasama, hindi na rin ako pupunta."

 

"Yah, Tiffany Hwang! Ngayon pa ba tayo magbaback out kung kelan nasa Seoul na tayo? Tsaka.. Hindi ko pwede tanggihan si Mrs. Kim, napaka importanteng tao yun." humiga ito sa kama habang tinitingnan ang phone niya, may hinihintay siyang tawag pero wala siyang natanggap. Humiga rin ang babae sa kama ngunit malayo sa binata. "Baka naman.. May gusto kang gawin habang nasa Seoul tayo. Haha! Pasaway ka ha. May pagnanasa ka sa best friend mo."

 

"Hah! A...Ano? A..A..Ako? S..S..S-Yah! Excuse me Choi Sooyoung! W..W..W-Kinikilabutan ako sayo." nauutal nitong wika habang bumabangon mula sa kama. Hindi parin nawawala nanunukso nitong ngiti kaya hinampas niya ito ng unan. "Bumangon ka nga dyan, yung pawis mo dumidikit sa bed sheet ko. Umalis ka nga dito, bumalik ka na nga sa suite mo."

 

"Hah! Iniiba niya ang usapan!" nanunudyo nitong wika bago pa man siya nito hampasin ng unan ay nakabangon na ito mula sa kama. Ayaw na ayaw pa naman niyang kumikilos-kilos pagkatapos maligo dahil ayaw niyang pagpawisan muli. Lalo siyang nainis nang bumilat ito sa kanya bago lumabas ng suite niya. "Merongggg!" Dali-dali siyang lumabas sa suite nito ng damputin ng best friend niya ang isa pang unan para ibato sa kanya pero bago siya matamaan ay naisara na niya ang pinto. Hanggang sa pag pasok niya sa kanyang suite ay natatawa parin siya sa reaksyon ng kanyang kaibigan. Pero maya-maya ay napalitan ulit ito ng lungkot nang tingnan niya ang kanyang phone at wala pa rin siyang natatanggap na text mula sa dalaga.

 

Juhyun-ah, hindi mo ba ako namimiss? Tanong ni Sooyoung sa kanyang sarili. Kinuha niya ang kanyang wallet mula sa kanyang coat at malungkot niyang tiningnan ang larawan nila nung nagpunta siyang dalawang sa Singapore. Nakikipag-break ka na ba talaga sa akin Juhyun? 

 

"My Seo Juhyun-ah, pagusapan natin ito please.." lumabas  at sinundan ni Sooyoung ang dalaga kahit wala siyang bitbit na payong. Kahit ang lakas ng ulan ay hindi siya nagdalawang isip habolin si Seohyun sa gitna ng ulan. "Juhyun.. Please wag mong gawin sa akin ito."

 

"Bumalik ka na sa kotse, magkakasakit ka niyan." hinawakan niya kamay nito para makasilong sa payong niya. Nagpanic siya nang lumuhod ito sa harap niya binabaliwala ang lamig, ulan at kahihiyan. "Oppa, please.."

 

"Baby, pangako hindi na kita pipilitin magpakasal." mabuti nalang ay umuulan at kaya hindi nito nakikita ang luha niya. Maya-maya ay tumulo na rin ang luha ni Seohyun pilit niyang pinapatayo ang binata. "Mahal na mahal kita, Juhyun."

 

"Oppa, mahal din kita p..pero... Mahal ko rin ang Career ko. Madami pa akong pangarap sa buhay. Alam ko ang kondisyon ng CEO sa iyo." binitawan nito ang kanyang hawak na payong tulad niya ay basang-basa na din ito, hinalikan niya ang labi nito bago tumayo. "Siguro nga ay tama siya.. Mas bagay kayo ni Tiffany unnie. Patawarin mo ako."

 

"President Choi.." pagtawag sa kanya ni Sehun habang sinasampal ng mahina ang magkabilang pisngi nito. "..President! Pre..President Choi!..."

 

"Pagnamaga ang pisngi ko kakasuhan talaga kita, Secretary Oh!" binatokan niya ng mahina ang binata habang tinatago ang Phone niya bago ito mapansin ng secretary niya.

 

"Kanina pa kita tinatawag, President Choi. Hindi ka naman sumasagot." ani ni Sehun habang hinihimas ang batok niya. "Pinapatawag ka ni Madam CEO."

 

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" dali-dali niyang sinuot ang coat niya tsaka tumakbo palabas ng suite niya.

 

 

...

 

 

"Halmunee, nandito na po ako." umupo si Sooyoung sa tabi ng isang matandang babae na kasulukuyang nanunuod ng TV, tiningnan siya nito at surprisang inarmlock siya ng matandang babae. "Halmunee, owww! Hajima! Hajima!"

 

"Aigoo.. Kamusta ka na, Sonja?" nakangiting tanong ng matandang babae habang inaakbayan si Sooyoung. "..Ang tangkad talaga ng sonja ko. Manang-mana ka talaga sa Daddy mo." Maya-maya may maid na lumapit sa kanilang dalawa, bumulong ang kanyang lola sa tenga ng babae at agad din itong umalis.

 

"Ok lang naman ako Halmunee," sumilay ang magandang ngiti sa labi ni Sooyoung habang nakatingin sa kanyang lola, sinasalamin ang ngiti niya. Maya-maya ay bumalik ulit ang Maid at this time may dala na itong pagkain at nilapag ito sa harap niya. "Kamsahamnida!"

 

"Kamusta ang Japan, sonja?" tanong ng matandang babae habang pinapanuod si Sooyoung masayang kumain.

 

"Ok lang po-mmm medyo nakakapagod lang po at-mmm nakakahilo sa sobrang dami ng schedule ko." sagot niya habang abala parin kumain. Napangiti siya nang makita niya ulit ang ngiti ng matandang babae. "Grabe Halmunee, walang ganito sa Japan."

 

"Anong wala, madami nga yan sa Japan eh."

 

"Hindi ito, ikaw po. Walang ganito sa Japan." tumawa ang matandang babae tsaka sinampal ng mahina ang kanyang balikat agad naman humalinghing si Sooyoung. Nagpapanggap na nasasaktan. "Ang lakas ng Halmunee ko eh, parang 50years old lang."

 

"Ikaw talaga batang ka. Ito oh tubig, baka mabulunan ka. Sya nga pala, may tanong ako sayo." tumigil muna ang matandang babae sa pagsasalita. "Kailan ka ba magpapakasal? Alam mo namang malapit na ako mag 85years old, magkakaalzheimer na ako. Gusto ko man lang makita na ok na ang buhay mo at magkaroon ng great-grandchild bago ako magkaalzheimer."

 

"Halmunee, wag mong sasabihin yan. Hindi ka pa magkakaalzheimer, maniwala ka sa akin." tumigil sa pagsasalita si Sooyoung tsaka hinawakan ang kamay ng kanyang lola. "Nagpropose ako kay Seohyun, tinanggihan niya ang kasal. Gusto ko siyang hintayin, Halmunee. Mahal na mahal ko talaga siya."

 

"Edi makipagbreak ka sa kanya. May gusto na akong maging Sonya at bagay na bagay kayong dalawa."

 

"Halmunee, wag na please. Bestfriend ko si Tiffany, malabong maging kami ni Hwang." iniwasan niya ng tingin ang kanyang lola at pinagtuunan niya ng pansin ang pagkain na nasa harap niya. "Tsaka, ayuko ng 'Arrange Marriage'. Gusto ko mahal namin ang isa't-isa. Ayuko matulad sa mga magulang ko, mahirap yun para sa anak."

 

"Wag na nga natin pagusapan yang mga magulang mo. Hindi si Tiffany ang gusto ko para sa iyo."

 

"Eh sino?" seryosong wika ni Sooyoung habang pinupunasan ang kanyang bibig gamit ang Table Napkin.

 

"Pumunta ka sa birthday party ng pangalawang anak ng mga Kim. Teka.. Naalala mo pa ba si Kim Taeyeon?"

 

"Si Taeyeon? Oo, pinagusapan nga namin siya ni Tiffany kanina eh. Childhood friend ko yun eh." natatawa niyang wika habang tinitingnan ang kanyang lola.

 

"Pumunta ka sa Birthday Party niya. Magpakilala ka kay Mr. Kim isa siyang CEO sa Kim Empires."

 

"Ok po, yun lang po ba?" tanong niya habang nagsusuot siya ng Coat.

 

"Ihatid mo pauwi ang pinaka-magandang babae na makikita mo sa Birthday Party ng anak ng mga Kim. Makipagdate ka sa kanya." utos ng kanyang lola habang dahan-dahan tumatayo mula sa sofa, agad naman siyang tinulongan ni Sooyoung makatayo. "Siya ang gusto ko maging granddaughter-in-law ko."

 

"Seryoso ka ba talaga diyan sa hinihingi mo, Halmunee?" hindi niya sinasadyang magtaas ng boses.

 

"Subukan mo lang, Sonja. Baka magustohan mo siya. Kung ayaw mo talaga sa kanya ay hindi kita pipilitin." ngumiti ang matandang babae bago naglakad palayo sa kanya. "Pupunta rin ang pinsan mong si Juniel sa Birthday Party. Ipakilala mo din siya kay Mr. Kim. Sige na lumayas na kayong dalawa, wag niyo ako ipapahiya sa mga Kim."

 

"Opo, Halmunee. Pipilitin kong gawin ang utos niyo."

 

"Sige po, Madam CEO." yumuko si Sehun nang dumaan ang matandang babae sa harap niya.

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Teka teka... Was just wondering, ikaw ba yung may ganitong story sa wattpad? :D nakasave yan sa wattpad lib ko eh :D
SY-YoonSicaKpopper #2
pls update english version
nyonyo3012 #3
Chapter 9: I dont understand even if i translate this story.. :(
Can you update the english version as soon as possible? I reallllly love soona~ and i really wanna read this story..
Thankyou authorsshiiii... :))
snsd_hearteu #4
yung iba pong couples?
BOD-COD #5
i try to read this story ... but i don't understand. google translate can't help me too.

my last hope is your kind to make english version soon.

thanks
A_Deewaggie
#6
Chapter 4: Anong nangyayari sa sa otp ko?? Mukhang malabo ang pagmamahalan nila ahhh
shikshinhot24
#7
<3 <3 <3 <3 daebak!JJANG!