Regretful Night

Teasing Leads To Marriage

 

 

 

Narrator: Guys .. I hope you'll like this .. I hope this is fine .. Im so uncomfortable writing a genderbender and stories to be honest .. Please give me suggestion .. I will appreciate it .. Kamsahamnida !

 

 

"Mr Kim.."

 

"Kim Taeyeon-ssi.." nang walang epekto ang pagtawag niya ay lumapit siya dito at umupo sa tabi nito sa harap ng Floor-To-Ceiling window. Ngunit parang wala itong naririnig o napapansin sa kanyang paligid. Hindi niya alam kong sinasadya ito ng binata o talagang wala lang talaga ito sa sarili. Parang hindi naman siya nito iniiwasan. Mukha ngang wala lang talaga ito sa sarili. "Kim Taeyeon-ssi." pagtawag niya ulit sa binata, this time ay nakuha na niya ang atensyon nito halos napakahiga ito sa sofa nang makita niya ang dalaga.

 

"I-I-Ikaw yung babaeng sira ulo kanina!" bulaslas ni Taeyeon habang nanlaki ang kanyang bilogan na mata tsaka tinuro ang mukha ng dalaga. "Oo, ikaw nga yun!" hinawakan ni Taeyeon ang kanyang necktie, baka sakaling hatakin nanaman ng dalaga ang kanyang necktie.

 

"I'm so sorry, Kim Taeyeon-ssi." sinserong wika ni Tiffany habang nakatitig sa mga mata ng binata. Dahan-dahan lumambot ang ekspresyon sa mukha ni Taeyeon habang sinasalubong ang titig nito. "Sana mapatawad mo na ako." tumayo si Tiffany mula sa upuan tsaka yumuko sa harap ni Taeyeon ng ilang beses.

 

"Erm.. Erm.. H-Ha?" hindi makapaniwalang tanong ni Taeyeon habang pinapanuod ang ginagawa ng dalaga sa harap niya. "O-Ok lang. Wag mo na isipin yun, kalimutan nalang natin yun. Tumigil ka na. Nakakahiya." hinawakan niya ang kamay ni Tiffany tsaka inalalayan niya ito umupo sa tabi niya. Ilang minuto ang nakalipas pareho silang nanatiling tahimik. Pakiramdam niya ay nagiging awkward ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. Nakahinga ng maluwag si Taeyeon nang bumukas ang pintuan at pumasok ang dalagang nakabusangot mukha, ang kanyang Dongsaeng na si Yoona. Tuloy-tuloy lang ito sa pagpasok nihindi nito napansin ang presensya ni Tiffany.

 

".. Oww! Nakakadisturbo ba ako?" tanong ni Yoona habang nakangisi kay Taeyeon na may halong panunudyo. Inirapan lang siya ni Taeyeon habang bakas sa mukha niya ang 'WTF-face-expression'. Binaling naman atensyon ni Yoona sa magandang dalaga na nakaupo sa tabi ni Taeyeon. Sa tingin niya ito ang unang beses na nakita niya ang babae, dahil hindi siya pamilyar sa babaeng ito. "Hindi ko alam, may dinidate ka pala, oppa?"

 

"H-Ha anong date?" palihim sinusumpa ni Taeyeon ang kanyang childhood friend sa kanyang isipan. Wala siya sa mood para makipagbiruan ngayon. Dahil madami siyang inaalala ngayon, wala siyang panahon sa mga Childish Tease. Kaya naghanap siya ng paraan para putolin ang pangaasar nito. Dahil alam niyang matigas ang ulo nito at hindi ito titigil sa pangaasar sa kanya. "Bakit ka ba nakabusangot?"

 

"Tch! Please.. Wag mo nalang simulan, gusto ko makalimutan ang 'Cocky Guy' na yun." naasar na wika ni Yoona nang maalala niya ang ngiting aso nito. ".. So? Who's this lucky girl?" tanong ni Yoona habang nakangisi kay Taeyeon, pinagpatuloy niya nanaman ang Teasing Game niya.

 

"Yoong, si Stephanie Hwang childhood friend natin. Si Im Yoona, yung maknae natin." pagpapakilala niya sa dalawang dalaga habang binabaliwala ang panunudyo nito. Humalakhak lang si Tiffany dahil sa tanong ng kababatang babae.

 

"Hi Yoongie, its been awhile. Batang-bata ka pa ng huli tayo magkita." nakangiting wika ni Tiffany habang niyayakap ang mas batang babae. "..Ilang boys na ba pinaiyak ng maknae namin, ha?" pabirong tanong ni Tiffany habang tinataas-baba ang kanyang kilay tila nakalimutan ang presensya ni Taeyeon.

 

"H-Hindi naman Stephanie unnie." nahihiyang sagot Yoona habang niyayakap din ito. "Kamusta ka na nga pala, unnie?" sa totoo lang ay hindi niya ito maalala, kahit na sinabi ni Taeyeon na magchildhood friend sila. Marahil siguro ay napakabata pa niya ng maging kaibigan sila o marahil hindi sila close kahit noon pa man.

 

"Ok lang naman ako, Yoong. Aigoo. Sayang wala si Syoo, edi sana nagkita kayo ngayon." nakaeyesmile niyang wika habang iniisip ang matangkad niyang best friend. "Gusto ko makita ang reaksyon niya pagnakita niya kung gaano gaano ka na kaganda ngayon."

 

"Syoo?" tanong ni Yoona, pansamantala niyang nakalimutan ang kanyang inis.

 

"Nakalimutan mo na ba siya? Youngie at Yoongie pa nga ang tawag niyo sa isa't-isa eh."

 

"Oo, naalala ko siya." napangiti siya nang maalala ang batang nagbigay sa kanya ng Rilakkuma na sing-sing. Paano niya makakalimutan ang taong gusto siyang pakasalan kahit mga bata pa lang silang dalawa. "Yung batang, gustong-gusto akong pakasalan." tumawa si Yoona at Tiffany nang maalala nila kung gaano ito kapossessive pag dating sa kanya. "Kamusta na ba siya?"

 

"Nakakainis nga eh, kasama ko siyang pumunta dito pero umuwi kaagad. Nihindi man lang hinintay magsimula ang party. May emergency daw kasi.." nakapout na wika ni Tiffany. Bakas naman sa mukha ni Taeyeon at Yoona ang pagkadismaya, naghihinayang sila dahil hindi nila nameet ang isa pa nilang kababata. Excited pa naman silang dalawa makita ito. Dahil, matalik itong kaibigan ni Taeyeon.

 

"Sorry guys, kung nakakaabala ako. Pero magsisimula na daw ang party sabi ni Aunt Kim." sabi ni Yuri habang nakasilip sa likod ng pintuan.

 

 

...

 

 

Patapos na ang party ngunit hindi parin nageenjoy si Tiffany. Dahil umuwi na si Sooyoung kahit hindi pa nagsisimula ang party, si Taeyeon naman ay abala sa kanyang mga bisita kasama si Yoona, si Yuri naman ay may kasamang babae sa tingin niya may gusto ito sa kanya kaya hindi na siya sumama pa dahil alam niyang maa-out-of-place nanaman siya. Si Juniel naman ay kasama ang grupo ng kalalakihan na kasing edad nito. Tsaka hindi rin naman sila ganun ka close ni Juniel. Kaya ito, magisa siyang umiinom sa counterbar. Lingid sa kaalaman niya umupo si Taeyeon sa katabi nitong stool, kung saan nakaupo ang dalaga. Akmang iinomin ni Tiffany ang isang buong shot ngunit pinigilan siya ni Taeyeon. Nagulat si Tiffany ng makita niya ito. Nagdilim ang ekspresyon nito nang makita niya ang basong walang laman, medyo madami na rin ang na inom nito.

 

"Yo, sorry. Madami kasing inutus si mama sa akin eh." matipid na ngumiti si Taeyeon, alam niya hindi taga Korea ang dalaga kaya wala masyado siyang kakilala sa party na ito, kaya siya ang nakikipagusap at nageentertain sa dalaga. "Inutusan niya ako  makipagplastikan sa mga taong yun."

 

"Kenchana.." bulong Tiffany, nahihiya siyang magsalita ng Korean sa totoo lang. Dahil mas fluent siyang magenglish o magjapanese. "Hindi mo naman obligasyon samahan ako."

 

"Anong hindi? Bisita kita, Miss Hwang." ngumiti ito sa kanya. Napakainosente ng ngiti nito na parang bata o anghel. "Gusto mo bang uminom sa labas, Tiffany-ssi?" seryosong wika ni Taeyeon habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. Sa totoo lang naattract siya sa mga mata nito. Hindi siya magsasawa kahit titigan niya ito buong araw.

 

"Bakit sa labas pa? Pwede namang sa VIP room tayo uminom o kaya dito, ha?" tanong ng dalagang kulay scarlet red ang buhok, namumula na ang pisngi nito na hindi niya alam kung nagbablush ito o dahil nakainom ito. Basta isa lang ang alam niya, lasing na si Tiffany. Kaya naisip niya isa itong magandang pagkakataon, diba mas maganda kung ang taong pagsasabihan mo ng sama ng loob yung taong lasing. Kinabukasan hindi na niya maalala ang problema mo.

 

"Ang daming mata na nakatingin sa akin. Naghihintay akong pumalpak, tsaka anytime pwede akong puntahan ni eomma dun. Iinsultohin nanaman ako nun." malungkot na wika ni Taeyeon habang nakatingin sa mga pinsan niya na masayang nakikipagusap sa kanyang Ina.

 

"Aigoo, I understand.." binaba ni Tiffany ang wine glass tsaka bumaba sa stool habang ito naman ay nakaupo parin sa stool hindi parin kumikilos. ".. Tara. Alam kong may problema ka Kim Taeyeon-ssi. Pwede mo akong pagsabihan."

 

 

...

 

 

Tanghali na nang magising si Tiffany.Ngunit ayaw niya paring bumangon dahil sa sobrang sakit ng kanyang ulo, gusto pa niyang matulog. Kaya gumulong siya para hanapin ang komportableng posisyon para makatulog ulit. Ilang minuto ang nakalipas ay naramdaman niya ulit ang antok. Maya-maya ay pakiramdam niya may yumayakap sa kanya at walang sa sarili niya din ito niyakap, dahil sa sobrang antok niya ay hindi niya ito pinansin. Nang naramdaman niya ang mainit na hangin na tumatama sa kanyang pisngi ay dumilat siya para alamin kung ano ito. Halos mahulog siya sa kama sa sobrang pagkagulat nang makita niya kung saan nang galing ang mainit na hangin, lalo na nang mapansin nito na pareho silang walang suot na damit.

 

"Oh my God!! Sino ka?!!" sigaw ni Tiffany habang binabalot ang kanyang hubad na katawan sa kumot tsaka pinulot ang mga damit niya mula sa sahig. "Noooo!!" sigaw niya. Dahil sa ingay na ginawa niya ay nagising ito tsaka kinukusot ang kanyang mata. Bago pa man nito maibuka ang kanyang mata ay agad pumasok sa banyo si Tiffany at nilock ito. "What the hell!"

 

"I'm sorry, Tiffany-ssi." sigaw nito mula sa labas ng banyo.

 

"No!! No freaking way! NO!!!" sigaw ni Tiffany habang umiiyak maya-maya ay narinig niya ang mga kumakalabog mula sa loob ng banyo dahilan para lalong magalala si Taeyeon mula sa labas ng banyo. "Nooo!! Hindi maari ito." sigaw ulit ni Tiffany habang umiiling, walang tigil sa pagtulo ang kanyang mga luha.

 

"Tiffany-ssi, I'm really sorry. Please buksan mo ang pinto at magusap tayo." kinagat ni Taeyeon ang kanyang ibabang labi habang kumakatok. Nagaalala siya sa pwedeng gawin ng dalaga sa loob ng banyo. Nahihiyang siya sa kanyang sarili. Pumalpak nanaman siya. "Please.."

 

Ilang minuto ang lumipas kumalma na si Tiffany at tumigil na siya sa pag iyak. Ngunit naghintay muna siya ng isang minuto para obserbahan kung nasa labas pa ba si Taeyeon. Nang hindi na niya marinig magsalita o kahit pagbuntong hinga ni Taeyeon ay sa tingin niya ay umalis na ito at nagcheck out. Kaya dali-dali siyang lumabas sa banyo at  hinanap niya ang kanyang bag para makaalis na sa lugar na ito. Nahanap niya ang kanyang bag sa may coffee table malapit sa Glass Door. Lalapitan na niya sana ito nang makita tumayo si Taeyeon mula sa couch, nakabihis na ito ngunit medyo magulo pa ang buhok nito.

 

"Pagusapan natin ito, Tiffany-ssi." pagmamakaawa ni Taeyeon habang hinahawakan ang kamay nito na agad naman iwinaksi ng dalaga.  "Tiffa—"

 

"Wag na wag kang lumapit sa akin, Kim Taeyeon-ssi." dahan-dahan nanamang namuo ang mga luha sa mga mata ni Tiffany, ang masayang mata ni Tiffany na nagustohan niya. ".. At wala na dapat tayong paguusapan pa!" agad tumalikod at naglakad palayo si Tiffany kay Taeyeon nang makita niya ang guilt sa mga mata nito.

 

"Hwang Miyoung-ssi." naiiyak na wika ni Taeyeon. Hindi niya alam kung hahabolin niya ito o hindi, naguguluhan siya ngayon. Pero si Tiffany ay kanyang childhood friend, at ayaw niya magkaroon ito ng sama ng loob sa kanya.

 

"One night stand lang ang nangyari sa atin. Walang lang yun, kalimutan nalang natin yun.." humugot ng lakas ng loob si Tiffany bago nagsalita muli. "Bukas na bukas, babalik na ako sa Japan. Sana ito na ang huli hating pagkikita, Taeyeon-ssi. Please kalimutan nalang natin ang isa't-isa." pinihit ni Tiffany ang doorknob tsaka lumabas ng kwartong yun.

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Teka teka... Was just wondering, ikaw ba yung may ganitong story sa wattpad? :D nakasave yan sa wattpad lib ko eh :D
SY-YoonSicaKpopper #2
pls update english version
nyonyo3012 #3
Chapter 9: I dont understand even if i translate this story.. :(
Can you update the english version as soon as possible? I reallllly love soona~ and i really wanna read this story..
Thankyou authorsshiiii... :))
snsd_hearteu #4
yung iba pong couples?
BOD-COD #5
i try to read this story ... but i don't understand. google translate can't help me too.

my last hope is your kind to make english version soon.

thanks
A_Deewaggie
#6
Chapter 4: Anong nangyayari sa sa otp ko?? Mukhang malabo ang pagmamahalan nila ahhh
shikshinhot24
#7
<3 <3 <3 <3 daebak!JJANG!