Mistaken?

Teasing Leads To Marriage

 

 

Narrator: And I forgot to add Juniel in the Supporting Characters -_- Pabo .. SooFany is so sweet T~T

 

 

"Fany-ah.. Ano ba ang nangyayari sayo?" tanong ni Sooyoung habang hinahawakan ang magkabila pisngi ng dalaga at pinipilit niyang sinasalubong ang tingin nito ngunit iniiwasan siya nang mga mata nito. Kahit ayaw niyang sabihin alam niyang may problema ang dalaga, hindi matukoy kung ano. Dahil kaya iniwan niya ang dalaga kahapon sa party ng mga Kim kaya ganito ang kinikilos niya ngayon. Pero hindi, maganda ang mood ni Tiffany nang tawagan niya ito sa cellphone kahapon. Tinanong niya ang kanyang pinsan, ngunit wala rin itong alam sa nangyari. Nang tawagan kasi siya ni Secretary Oh ay agad siyang umalis. "Fany-ah, galit ka ba sa akin?"

 

Ngumiti si Tiffany habang umiiling ngunit malungkot parin ang mga mata nito. "Nope." habang tinatanggal ang kamay ni Sooyoung sa pisngi ng dalaga

 

"Saan ka ba natulog kagabi? Nagtanong ako sa receptionist, hindi ka daw umuwi kagabi." tanong ni Sooyoung habang nakatitig parin sa mga malungkot na mata ng dalaga. Hindi parin sumasagot si Tiffany at nakatitig parin ito sa kawalan. "Hinintay kita kagabi. Pinagalala mo ako." bumuntong hininga si Sooyoung tsaka humiga sa tabi nito matyaga niyang hinihintay na mag open up sa kanya ang dalaga.

 

"Umuwi ako sa bahay kanina.. S-Sorry, Soo." pagsisinungaling ni Tiffany.

 

"Sinungaling.. Pumunta ako sa Gangnam District kahapon, sabi ni Leo wala ka daw." hinawakan ni Sooyoung ang kamay ng dalaga. "Naglilihim ka na ba sa akin, Stephanie Hwang?" nagtatampo niyang wika. "Fany-ah, ano ba talaga ang nangyari?" aksidenteng tiningnan ni Tiffany ang mga mata ng kanyang kaibigan. Hanggang ngayon ay hindi niya parin kayang magsinungaling kay Sooyoung.  Nagsimula humagulgul si Tiffany habang binabaon ang kanyang mukha sa dibdib nito, hinayaan niya lang umiyak ng umiyak si Tiffany. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin sa akin ang problema mo. Wag mo lang kakalimutan nandito lang ako palagi. Tahan na Fany-ah, magiging ok rin ang lahat."

 

"... S..Sooyoung, bakit ang sama kong babae?" tanong ni Tiffany habang patuloy paring umiiyak.

 

"Sino bang may sabing masama kang babae?" patuloy paring tinatapik ng mahina ni Sooyoung ang likod ng dalaga.

 

"... Pakiramdam ko ang sama kong babae, Soo. Mawawala din ba respeto mo sa akin?"

 

"Alam mong hinding-hindi mangyayari yun. Bestfriend kita, mahal kita kahit may sayad ka minsan." nakangiting wika ni Sooyoung umani naman siya umani naman siya ng mahinang sampal mula kay Tiffany habang nakapout. "Pinapatawa lang kita."

 

"Sana hindi nalang ako sumama sa Seoul." malungkot na wika ni Tiffany at humagulgul nanaman siya ng iyak. "... Soo, umuwi na tayo sa Japan. Wag na tayong bumalik dito." tiningnan niya ang mga mata ni Sooyoung na kasulukuyan tahimik na nakatitig sa kanya.

 

"Sabihin mo muna sa akin kung ano ang nangyari." diin ni Sooyoung.

 

Humugot ng lakas ng loob si Tiffany bago magsalita. "... Nakipagone-night-stand ako... At isa yung malaking pagkakamali." nang hindi sumagot si Sooyoung ay nakaramdam siya ng takot. Nandidiri na siya Tiffany, sabi ko naman kasing wag mong sasabihin sa kanya. Pinagalitan ni Tiffany ang kanyang sarili. "... Soo, galit ka ba..?" nagulat siya ng yakapin siya ng napakahigpit ni Sooyoung tsaka tinatapik niya ulit ito nang mahina.

 

"... Soo, nakainom ako kagabi nang mangyari yun." kinagat ni Tiffany ang kanyang ibabang labi habang nakapikit at patuloy humagulgul ng iyak.

 

"Sana hindi kita iniwan kagabi... Sorry, Fany."

 

"Hindi mo kasalanan yun, Soo. Kasalanan ko yun. Ang dumi kong babae." bulaslas ni Tiffany habang sinasaktan niya ang kanyang sarili agad naman siyang pinigilan ni Sooyoung. Nasasaktan talaga si Sooyoung pag nakikita niya ang dalaga nagkakaganito.

 

"Fany-ah, hindi ka maduming babae.." naiinis si Sooyoung sa kanyang sarili, wala siyang maisip na sasabihin sa kanyang kaibigan para gumaan ang loob nito dahil nagulat siya sa inamin nito. Ang gusto niya lang gawin ngayon ay sapakin ang lalaking yun. "Sino ba ang lalaking yun?"

 

"Hindi ko kilala, Soo at sigurado ako hindi mo rin siya kilala." pagsisinungaling niya. Alam niya kasi pagnalaman nito kung sino yun ay hindi magdadalawang isip si Sooyoung puntahan yun, para sapakin. Ayaw na niyang dagdagan pa ang problema ni Taeyeon. Madami na itong iniisip at ayaw na niya makisawsaw pa.

 

"Ipahahanap ko kay Secretary Oh. Ako bahal—"

 

"Soo, please. Wag nalang natin siya isipin. Gusto ko na siyang kalimutan at gusto ko na rin kalimutan ang nangyari. Umuwi na tayo sa Japan, please."

 

"...Mmm, one month kasi ako mags-stay dito. Kung gusto mo mauna ka nang umuwi sa Japan." tiningnan niya ang ekspresyon ni Tiffany, natatakot siya na malulungkot nanaman ito, ngunit parang hindi sineryoso ng dalaga ang kanyang sinabi. "Pero, gusto ko nandito ka sa kasal ko. One month lang talaga, Fany-ah tsaka uuwi na kaagad tayo."

 

"...H..H-Ano? I-I-Ikaw ikakasal?" hindi makapaniwalang wika ni Tiffany. Parang kahapon lang ay naghahanap pa lang ito nang babaeng para maging fake wife niya, tapos ngayon ikakasal na siya? Bumangon si Tiffany tsaka umupo sa gilid ng kama habang pinupunasan ang kanyang luha. "Paano?"

 

"Diba, sinabi ko... May pinapahanap na babae sa akin si Grandma?" tumango ng mahina si Tiffany habang nakapoker face. "Nahanap ko na siya..... At ikakasal na kami ngayong June 29."

 

 

...

 

 

Isang linggo na ang nakalipas nang matapos ang Birthday Party ng ikalawang anak ng mga Kim. Bumalik na si Tiffany sa dati. Unti-unti na niyang nakakalimutan ang nangyari sa kanila ni Taeyeon habang si Sooyoung naman ay sinasanay na ang sarili na wala si Seohyun, ang kanyang One Great Love. Halos dalawang linggo na silang hindi naguusap ni Seohyun. Ngunit nasasaktan parin ang kanyang puso at namimiss na niya parin ito. Mabuti nalang ay nandito si Yoona, palagi nitong siya nitong pinapasaya sa pamamagitan ng pangaasar niya dito. Nageenjoy sa mga reaksyon ng sa twing inaasar niya ito, ang cute niya kasi.  Napapadalas ang pagkikita nilang dalawa para sa pagplano ng kasal nila. Pero, hindi niya parin mapigilan magisip na sana si Seohyun nalang ang kasama niyang nagpla-plano ng kasal. Habang si Yoona naman ay nageenjoy sa kung ano mang relasyon nila ni Sooyoung. Kahit na alam nilang dalawa na hindi siya mahal ni Sooyoung ay palagi itong nageeffort na iparamdam kung gaano siya ka special. Araw-araw siyang nakakatanggap ng bulaklak sa office niya, at hindi niya mapigilan matuwa dahil dito. Oo, alam niyang nagpapanggap lang sila pero hindi niya mapigilan umasa na sana ginagawa niya ito para mapasaya siya. Kung totoo mang nagdadate silang dalawa ni Seohyun ay napakaswerte nito sa kanya.

Kasulukuyan ay papunta sila sa Gangnam District kung saan nakatira ang Grandma ni Sooyoung. Pareho nilang pinaghahandaan ang sarili nila sa paghaharap nila. Sa totoo lang ay hindi talaga sanay magsinungaling si Yoona, kaya si Sooyoung ang bahala. Basta ang importante ay malaman na nito ang nalalapit nilang kasal. Parehong tahimik si Sooyoung at si Secretary Oh. Kaya hindi na rin siya nagsalita, naghihintay nalang siya huminto ang kotse sa labas ng bahay nito. Maya-maya ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon, agad lumabas si Sooyoung tsaka pumasok sa malaking gate. Nihindi man lang siya nito hinintay makababa.

 

"Si Halmunee?" tanong ni Sooyoung sa mga lalaking nakasuot ng formal suit. Nakita niya itong bumulong ito sa tenga nito tsaka maya-maya ay yumuko ito. Tumingin si Sooyoung sa direksyon ni Yoona tila hinihintay siya. "Ang tagal mo naman, Jagiya." kaya binilisan niya ang kanyang hakbang. Laking gulat niya nang hawakan ni Sooyoung ang kanyang kamay, dahilan para manigas siya sa kanyang kinatatayuan. "Bakit nanaman ba?" bulong ni Sooyoung.

 

"...Mmm," hindi nalang sumagot si Yoona at naglakad papasok sa loob ng malaking mansyon. Mas malaki pa ito sa bahay nila, at ang linis-linis din ng bahay nila. Napakaganda nito sa mata dahil kulay puti ang pader at ang sahig nito. White din ang coffee table nito pero kulay black naman ang couch at may kulay puting cushion na nakapatong dito. May mga malaking picture frames naman nakasabit sa pader sa tingin niya ay mga litrato ng mga Choi's. Umupo sila sa couch na magkahawak parin ang kamay.

 

"Yah, hyung." sigaw ng lalaking nakasuot ng white t-shirt at nakasnapback.  "Oh, Hi? I'm Minho." nakangiting wika nito habang inooffer niya ito makipagkamay. Akmang tatanggapin ni Yoona ang kamay ng binata ng pitikin ni Sooyoung ang noo nito. "Owww, hyung! Masakit!"

 

"Wag kang makipagflirt sa Fiance ko, pwede?" masungit niyang wika habang tinitingnan ng masama ang binatang nagngangalang Minho. Lihim napangiti si Yoona dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung bakit naapektohan ng ganito, kahit na alam niyang nagpapanggap lang silang dalawa.

 

"Hi cousin-in-law! I'm Minho, Choi Minho." nakabungisngis pa nitong wika. "Pinakagwapo sa angkan namin."

 

"Hi, Minho-ssi. Nice meeting you." yumuko si Yoona habang binibigyan ito ng matipid na ngiti. Nang mapansin niya ang Annoyed-Face sa mukha ni Sooyoung pagkatapos ay inakbayan siya nito. "... S-Sooyoung-ssi." bulong ni Yoona habang pilit tinatanggal ang kamay ni Sooyoung sa balikat niya.

 

"Gusto mo ba, halikan kita sa harap ng pinsan ko?" bulong ni Sooyoung, dahilan para maginit ang pisngi niya. "Utang na loob, Im Yoona wag mo nalang pansinin yan si Minho. Halatang nagpapansin lang yan sayo."

 

"Bakit? Nagseselos ka ba?" bulong niya din sa tenga nito agad naman ito umubo tsaka ngumiti.

 

"Ako? Selos? Nagpapatawa ka ba—Andyan na si Halmunee." hinawakan ni Sooyoung ang kamay ni Sooyoung tsaka inalalayan itong tumayo. Halos sabay silang yumuko sa harap ng matandang babae. "Halmunee, si Im Yoona ang mapapangasawa ko."

 

Teka, parang nakita na niya ang babaeng ito. Ito ba ang grandma ni Sooyoung? tanong niya sa kanyang sarili. "A-Annyeonghaseyo, mannaseo pangapsumnida." tsaka yumuko ulit si Yoona.

 

"Sumunod ka sa akin, Sooyoung." walang ekspresyon sa mukha na wika ng matandang babae. Parang galit ito. Bago tumayo si Sooyoung ay tiningnan niya si Yoona tsaka ngumiti sinasabing ok lang ang lahat. Gumanti rin ng ngiti si Yoona tsaka ginawa ang Fighting Pose.  Tsaka sumunod sa matandang babae.

 

"Sino ba ang babae yan, Soo?" tanong ng matandang babae. "Sabi ko, makipagdate ka sa pinakamagandang babae sa Party ng pangalawang anak ng mga Kim."

 

"Kaya nga, nakipagdate ako sa kany—"

 

"Si Stella Kim ang tinutukoy ko, Choi Sooyoung. Ang heiress ng Kim Empires." diin ng matandang babae. "Hindi ang babaeng yan."

 

"Huli na ang lahat, halmunee. Mahal ko na siya." pagsisinungaling ni Sooyoung. Hindi na siya pwedeng umatras pa. Kung kailan, settle na ang lahat. Hindi siya pwedeng magback out. "Inakala ko siya ang pinapahanap niyo sa akin. Dahil araw-araw magkasama kami, hindi ko napigilang mainlove sa kanya."
 

 

 

Narrator: Someone is desperate .. Fighting SooNa :> Badass Seohyun will appear soon , Goodluck SooNa .. By the way about YulSic .. Just wait , I will update about YulSic later .. Seeya !

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Teka teka... Was just wondering, ikaw ba yung may ganitong story sa wattpad? :D nakasave yan sa wattpad lib ko eh :D
SY-YoonSicaKpopper #2
pls update english version
nyonyo3012 #3
Chapter 9: I dont understand even if i translate this story.. :(
Can you update the english version as soon as possible? I reallllly love soona~ and i really wanna read this story..
Thankyou authorsshiiii... :))
snsd_hearteu #4
yung iba pong couples?
BOD-COD #5
i try to read this story ... but i don't understand. google translate can't help me too.

my last hope is your kind to make english version soon.

thanks
A_Deewaggie
#6
Chapter 4: Anong nangyayari sa sa otp ko?? Mukhang malabo ang pagmamahalan nila ahhh
shikshinhot24
#7
<3 <3 <3 <3 daebak!JJANG!