Trouble?

Teasing Leads To Marriage

 

 

 "Matagal pa ba Fiance mo, Yoong? Kanina pa tayo naghihintay dito ha?" tanong ni Taeyeon habang nakatingin sa entrance door. "Yoong, alam mo namang madami akong ginagawa, diba? Kung nasa opisina lang ako ngayon. Madami na akong natapos." naiiritang wika ni Taeyeon habang nakatingin sa relo niya. Halos mabingi na ang dalaga dahil sa paulit-ulit nitong sumbat.

 

"Taeng oppa, hintayin nalang natin sila pwede?" mahinahong wika ni Yoona habang nakapout. "Baka parating na yun." nalungkot ang dalaga nang umulan. Nagsitakbohan ang mga taong dumadaan sa labas ng restaurant kung saan sila naghihintay ni Taeyeon.

 

"Sigurado ka bang mahal ka niyan? Kasi kung mahal ka niyan. Hindi ka niya pinaghihintay." seryosong tanong ni Taeyeon habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng dalaga. "Bakit ba hindi mo kinukwento yan sa akin? Ginagago ka ba niyan?" tanong ulit nito habang nakayukom ang mga kamay. Lumalabas nanaman ang pagiging overprotective side nito.

 

"Hindi naman oppa. Babae kasi best friend niya kaya ang tagal nila. Alam mo naman diba? Kahit nga si Sica unnie ang tagal rin matapos magbihis." kinagat ni Yoona ang ibabang labi niya habang pinagmamasdan ang menu. Sa totoo lang ay nagugutom na talaga siya. Ngunit ang bastos naman kung hindi nila hihintayin sila Sooyoung. "Tsaka, masyado ka namang abala sa Kim Chemicals kaya hindi ko naiikukwento sa iyo."

 

"Baka naman girlfriend niya yun. Sinasabi niya lang sayo na best friend niya." nakangising wika ni Taeyeon habang pinagmamasdan ang reaksyon ng dalaga. Ngunit hindi niya inaasahan ang reaksyon ni Yoona. Ngumiti lang ito habang umiiling.

 

"Hindi niya magagawa yun." matipid nitong sagot habang pinapako ang tingin sa menu. Nagdududa talaga si Taeyeon sa mga nangyayari, pakiramdam niya pagsisinungaling talaga si Yoona. Kilala na niya si Yoona simula childhood pa. Kaya alam niya kung pagsisinungaling ito o hindi. Maya-maya ay may lumapit na lalaki sa table nila at umupo sa harap niya. Kaya nag assume siya na ito ang fiance ni Yoona at napakafamilar nito sa kanya. Ngunit hindi niya matandaan kung saan niya ito nakita. "Nasaan best friend mo?" tanong ng dalaga sa kararating na binata.

 

"Masama daw kasi pakiramdam niya. Kaya hindi ko nalang isinama. Nagorder na ba kayo?"  tanong ni Sooyoung kay Yoona at sa hindi pamilyar na lalaki. "Oh, I'm Choi Sooyoung. Yoona's fiance." inoffer ni Sooyoung ang kanyang kamay para makipaghand shake.

 

"Kim Taeyeon." tinanggap ni Taeyeon ang kamay nito tsaka hinawakan ng napakahigpit dahilan para mapasigaw si Sooyoung sa sobrang sakit. "Sorry, Sooyoung-ssi.." binitawan ni Taeyeon ang kamay ni Sooyoung tsaka ngumiti ng napaka inosente. Habang si Yoona naman ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Taeyeon.

 

"O..O..Ok lang." pilit ngumiti si Sooyoung kay Taeyeon tsaka tumingin kay Yoona na parang pagsusumbong. Minasahe ni Yoona ang kamay nito para maibsan ang sakit na nararamdaman.

 

"So, kailan ang kasal?" nakangiting tanong ni Taeyeon na parang walang nangyari.

 

"Sa June 29, oppa.." agad na sagot ng dalaga. "Punta ka ha? Gusto ko nandoon ka sa kasal ko." masiglang wika nang dalaga habang pabirong tinitingnan ng masama si Taeyeon.

 

"Oo naman, hinding-hindi ako magaabsent sa kasal ng donsaeng ko." natatawang wika ni Taeyeon habang nakatitig kay Sooyoung. "Magingat ka dyan kay Yoona, napakalakas niyang kumain. Baka mas malakas pa yan kumain kaysa sa iyo. Wag mong gugutomin ang dongsaeng namin." pabirong pinagbantaan ni Taeyeon si Sooyoung. Habang si Yoona naman ay tinatakpan ang kanyang mukha gamit ang menu book.

 

"Edi pareho lang pala tayo, Yoona-ssi." inakbayan ni Sooyoung ang dalaga habang hinahalikan ito sa pisngi dahilan para mapasinghap at mag init ang mukha ng dalaga. Habang ang binata namang nasa harap nila ay nakakunot ang noo.

 

"Tumigil ka nga, Sooyoung-ssi!" nahihiyang wika ni Yoona habang iniiwasan ang tingin ng kanyang best friend.

 

"Bakit.. Sooyoung-ssi at Yoona-ssi? Bakit napakapormal? Diba magfiance na kayo?" tanong ni Taeyeon na punong-puno ng pagdududa. "Hindi pa ba kayo ganun ka close?"

 

"Oo nga, jagiya? Bakit ka ba nahihiya sa best friend mo? Sabi ko naman sayo, hindi niya minamind yun." bumelat si Sooyoung sa dalagang nakatitig lang sa kanya. Bumelat rin ito sa kanya dahilan para matunaw si Sooyoung sa kinauupuan niya. Sa totoo lang kahit ayaw niyang aminin naaattract talaga siya sa dalaga. Gustong gusto niya ang mga ekspresyon nito. For the first time nakita niyang ngumiti si Taeyeon habang pinapanuod sila. Kanina kasi ay punong puno ng pagdududa ang ekspresyon nito.

 

"... Mag CR nalang muna, guys."

 

Nang mawala si Yoona sa kanilang paningin ay bumalik ang mabigat na tensyon sa kanilang dalawa. Nakatitig nanaman ng masama si Taeyeon kay Sooyoung dahilan para mailang nanaman siya. Hindi niya alam kung bakit ganito itong makatitig sa kanya. May kasalanan ba siya rito? May ginawa ba siyang masama sa kanya? O baka galit ito sa kanya dahil late siya.

 

"You look familiar..." tumigil muna si Taeyeon para uminom ng wine. "Nagkita na ba tayo?" dagdag nito. 

 

"Paano nangyari yun? Ngayon pa nga lang kita nakita.." uminom rin ng wine si Sooyoung habang nakatitig parin kay Taeyeon na nasa harap niya. "Ako nanaman magtanong.." seryosong wika ni Sooyoung habang iniikot ikot ang hawak niyang wine glass tsaka ininom ito. "Anong relasyon niyo ni Yoona? Sigurado ka bang best friend lang ang tingin mo kay Yoona. Bakit ang sama mong makatingin sa akin kanina?" humahalakhak lang si Taeyeon tsaka nagngiting aso kay Sooyoung.

 

"Hindi ba sinabi ng girlfriend mo na hindi lang kami magbest friend ni Yoona..." huminto si Taeyeon sa pagsasalita para tumawa ng napakalakas. Sa sobrang lakas halos lahat ng costumers ay nakatingin na sa kanila. "Magpinsan din kami." ngumisi ulit ito bago magsalita muli. "Bakit ang sama ko makatingin sayo? Syempre, ayaw ko sayo. Kung ano man binabalak mo kay Yoona, itigil mo nalang." tumawa ng marahan si Sooyoung.

 

"Bro, wala akong masamang binabalak kay Yoona. Hindi ko sasaktan si Yoona. Walang masasaktan.." 

 

 

...

 

 

Nang makapasok si Yoona sa banyo ay agad siyang lumapit sa may lababo para maghugas ng kamay tsaka pinaypayan ang sarili gamit ang kanyang kamay. Naginit ang kanyang mukha dahil sa ginawa ni Sooyoung, wala yun sa usapan nila pero hindi niya ito magawang sawayin dahil nasa harap nila si Taeyeon at ayaw niya magduda ito sa relasyon nila. Kilala niya si Taeyeon hindi ito titigil hanggang sa sasabihin mo ang totoo.

 

"Bakit niya ba ako hinalikan?" tanong niya sa repleksyon niya sa salamin.

 

"Yoona, baka ginagawa niya lang yun dahil gusto niyang maging realistic ang aming pagpapanggap." sinagot naman ng dalaga ang kanyang sarili ng tanong.

 

"Pero... Alam niya naman na wala yun sa usapan diba? Hindi pa nga kami kasal gumagawa na siya ng ganun."

 

"Yoona, baka naman nakalimutan niya lang yun."

 

"Pero bakit bigla akong kinabahan ng halikan niya ako?"

 

"Natural lang naman yan, Yoona. Lahat ng babae hinahalikan sa pisngi ay nakakaramdam ng Adrenaline Rush."

 

"Pero bakit hindi ko siya itinulak?"

 

"Nasa harap niyo kasi si Taeng oppa. At malamang masyado akong nagulat dahil sa ginawa niya. Chill lang, Im Yoona. Ok? Ang dami kasing iniisip eh." ani ni Yoona habang pinapakalma ang sarili. Hinawakan niya ang kanyang magkabilang pisngi at sinampal sampal ang sarili. Habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Mula sa likod niya ay may lumapit na dalagang kulay blonde ang buhok na mas matangkad pa sa kanya tsaka nagretouch ito sa tabi niya.

 

"Miss, ok ka lang ba?" nakangiting tanong ng nakablonde na babae habang naglilipstick. Tumingin si Yoona sa paligid niya upang siguradohin kung siya nga ang kausap nito. Nang ma sigurado na silang dalawa lang tao sa banyo ay tumango siya. "Ahh, akala ko nababaliw ka na." sarkastikong wika nito.

 

"A-Ack?!" nagulat si Yoona sa huling sinabi nito ng dalaga. Hindi niya akalaing maging rude ito sa kanya.

 

"Oh sorry, bakit hindi ba? So may kinakausap kang mga tao hindi ko nakikita? My God, Girl! Ang creepy mo ha.." patuloy parin ang dalaga sa pangbubwesit sa kanya. Ngunit ayaw niya nalang tarayan ito o makipagsabayan pa. Kaya ngumiti nalang lang siya sa dalaga.

 

"Oo nga eh, may imaginary friends ako. Yung isa pa nga ay nasa likod mo eh." natawa siya nang tumingin din sa likod ang dalaga tila naniniwala sa sinabi niya.

 

"Ew! Freak!! Dyan ka na nga!" sigaw ng dalaga blonde ang buhok tsaka padabog lumabas sa comfort room. Nang makalabas ito ay tumawa ng napakalakas si Yoona. Hindi niya akalaing matatakot niya ito. Pero salamat nalang sa kanya at na wala ang kanyang kaba dahil sa walang kwenta nilang paguusap. Kaya lumabas na rin siya at bumalik sa table nila.

 

"Bakit ang tagal mo?" nakangiting tanong ni Sooyoung habang namumutla ang mukha nito. Inoffer nito ang kanyang kamay sa dalaga para tulongan itong makaupo.

 

"Masama kasi pakiramdam ko.." nangiting wika ng dalaga habang tinatanggap ang kamay nito. "Oh, bakit namumutla ka?" tanong ni Yoona habang binabalewala ang titig ni Taeyeon.

 

"Ok na ba pakiramdam mo ngayon?" tanong ni Taeyeon.

 

"Hindi na.. Kanina kasi nasusuka ako." pagsisinungaling ni Yoona habang nakatingin sa pagkain na nasa harap niya.

 

"Ah, baka buntis ka.." ani ni Taeyeon habang pinapanuod kumain ang dalaga. Halos sabay na bilaukan si Yoona at Sooyoung dahil sa sinabi ng binata. "Oh bakit?" tanong niya habang binibigyan niya ng tubig ang dalaga. Si Sooyoung naman ay naniningkit ang kanang kilay niya habang nakatingin kay Yoona.

 

"H....Hindi! A..Ano ba p...pinagsasabi mo, o..oppa!" nauutal na wika ni Yoona habang  kinakagat ang ibabang labi niya.

 

"Oh, bakit hindi niyo pa ba nasusubukan?" nakangiting tanong ni Taeyeon habang nanatili paring inosenteng ang ekspresyon sa mukha. Halatang nageenjoy siya pangaasar sa dalawa. Si Yoona naman ay tinatapunan siya ng masamang tingin. "Aww.. Shy couple. Tch! So ano, Sooyoung-ssi nahirapan ka ba?" dagdag nito tanong.

 

"Byu...Byuntae! Umalis ka na nga!" sigaw ni Yoona habang binabato ito ng tissue paper.

 

"Ok! Ok! Aalis na ako!" nakapout na wika ni Taeyeon habang inuubos ang wine niya. Sinulyapan niya si Sooyoung na kasulukuyang tinatago ang kanyang mukha mula sa kanilang dalawa ni Yoona. Napakapula na nang tenga nito marahil nagbablush ito. "Bro, aalis na ako." tinapik ni Taeyeon ang balikat nito at nagthumbs up lang ito nilang sagot. "Aalis na ako, nagiging impatient na kasi future wife mo." ngumisi si Taeyeon kay Yoona. Dahilan para lalong magblush ito lalo. Tinangka ni Yoona balewalain ang panunudyo ng kanyang kaibigan ngunit ang kanyang katawan ay ayaw itong balewalain. Lalong naginit ang kanyang magkabilang pisngi.

 

"Sooyoung-ssi, umuwi na tayo." ani ni Yoona habang inaalog si Sooyoung. Agad namang nagpanggap si Sooyoung na inaantok habang nakatingin sa namumulang mukha ni Yoona. "...S-Soo! Ok ka lang ba?" natatarantang tanong ni Yoona habang hinawakan ang noo nito.

 

"..O-Oo, ok lang ako. Nakainom lang." ani ni Sooyoung habang nagpanggap na lasing. Sa totoo lang hindi pa siya lasing dahil mahaba ang resistansya niya sa alak. Talagang nahihiya lang siya nang magbiro ang kaibigan ng dalaga. "Tara, ihahatid na kita."

 

 

 

Narrator: Taeyeon ROFL

 

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Teka teka... Was just wondering, ikaw ba yung may ganitong story sa wattpad? :D nakasave yan sa wattpad lib ko eh :D
SY-YoonSicaKpopper #2
pls update english version
nyonyo3012 #3
Chapter 9: I dont understand even if i translate this story.. :(
Can you update the english version as soon as possible? I reallllly love soona~ and i really wanna read this story..
Thankyou authorsshiiii... :))
snsd_hearteu #4
yung iba pong couples?
BOD-COD #5
i try to read this story ... but i don't understand. google translate can't help me too.

my last hope is your kind to make english version soon.

thanks
A_Deewaggie
#6
Chapter 4: Anong nangyayari sa sa otp ko?? Mukhang malabo ang pagmamahalan nila ahhh
shikshinhot24
#7
<3 <3 <3 <3 daebak!JJANG!