The Prettiest Girl

Teasing Leads To Marriage

 

 

Halos isang linggo na rin ang lumipas mula nung nagusap si Sooyoung at ang kanyang Grandma. Hindi nagdalawang isip si Sooyoung na pumunta sa Birthday Party ng pangalawang anak ng Kim Chemicals Ltd ang Business Partner nila. Hindi siya umuwi ng Korea para lang makipagreunion sa mga ito o maghanap ng investor sa Party na ito. Nandito siya para sa kanyang importanteng misyon, ang maghanap ng babaeng pakakasalan niya para makuha ang kanyang mana. Kailangan na niyang makapagasawa sa lalong madaling panahon. Wala na siyang pakialam kung sino ang tinutukoy ng kanyang Grandma. Basta ang importante ang mamanahin niya.

Nakatayo si Sooyoung malapit sa entrance door, pinagmamasdan niya lahat ng pumapasok na bisita. Kadalasan sa mga bisita ay mga sikat na personalidad, hindi lang sa Korea kundi sa buong Asia. May mga Politicians, Businessmen, Celebrities, Models at mga kilalang Designers sa buong mundo. Ngunit hindi ito ang hinahanap niya. Mukhang hindi pa dumadating ang taong hinahanap niya. Kumuha siya ng wine sa waiter na dumaan sa harap niya at ininom niya ito ng one shot lang. Nagsimula na ang party ngunit hindi niya parin mahanap ang pinakamagandang babae na tinutukoy ng Grandma niya. Sa sobrang abala niya sa paghahanap ay hindi niya namalayan nasa tabi na niya pala ang kanyang kaibigan.

 

"Soo, naalala mo pa ba siya?" tanong ng kanyang kaibigan habang nakaeyesmile. Kunot-noong tiningnan ni Sooyoung ang binatang nakasuot ng white formal suit. Bakas sa mukha niya na hindi niya ito kilala.

 

"Hindi, sino ba siya?" nagtatakang tanong nito habang pilit inaalala ang lalaking nasa harap niya.

 

"Siya si Kwon Yuri, yung Childhood Crush ko. Kababata natin." tumawa ng marahan si Tiffany habang niyayakap ang braso nito. "Yun nga lang, seminarian siya."

 

"..Ah Kwon Yuri! Oo, ikaw nga.." natatawang wika ni Sooyoung nang maalala niya ang binata. "Kamusta ka na?"

 

"Akala ko, hindi mo na ako maalala Choi Sooyoung." tumawa rin si Yuri tsaka niyakap ang mas matangkad na lalaki. "Eh si Taeyeon, naalala mo pa ba?"

 

"Taeyeon? Hindi eh." kinamot ni Sooyoung ang kanyang ulo.

 

"Siya ang Birthday Celebrant. Si Kim Taeyeon. Halika ipakilala ko kayo sa kanya."

 

Ayaw man umalis ni Sooyoung sa kanyang kinatatayuan ay wala siyang magawa kundi sundin ang mga ito. Sa totoo lang ay wala siyang panahon sa ganitong bagay. Maya-maya ay nakarating sila sa labas ng pintuan ng pribadong kwarto tsaka pumasok silang tatlo na hindi man lang kumakatatok.

 

"Yah! Kwon Yuri, kumatok ka naman. Pwede?" naiirita nitong wika habang abala parin ito sa pagaayos ng necktie niya sa harap ng salamin. Agad kuminang ang mata ni Tiffany nang mapansin niyang pink ang necktie nito, agad siyang lumapit dito at hinatak ang necktie nito. "Y-Yah!" namula ang mukha ni Taeyeon nang mapansin niya kung gaano kalapit ang mukha ng dalaga sa mukha niya. Kahit si Yuri at Sooyoung ay nagulat din sa ginawa ng dalaga.

 

"Lahat ng Pink sa mundong ito ay akin." seryosong wika ni Tiffany habang hawak-hawak parin ang necktie nito.

 

"A-Ano ba pinagsasabi mo?! B-Bitawan mo nga ako!" pilit niyang tinatanggal ang kamay ng dalaga sa kanyang necktie.

 

"Fany, tama na." pagawat ni Sooyoung sa kanyang kaibigan at nilayo niya ito sa binatang nakasuot ng pink necktie. Habang si Yuri naman ay nanunuod lang sa gilid hindi maintindihan ginagawa ng childhood friend nila. "I'm so sorry, Mr. Kim." humingi siya ng despensa tsaka kinaladkad ang dalaga palabas ng VIP Room.

 

"Hah! Ano daw? Sa kanya daw lahat ng pink sa mundong ito?" natatawang na tanong ni Taeyeon habang nakatingin sa pintuan kung saan lumabas ang dalawa. "Tch.." binaling ang niya ang atensyon niya kay Yuri nang makita niya si Yuri nakatayo malapit sa kwarto. "Yah, Father Kwon! Wag ka nga magpapasok ng kung sino-sino sa VIP Room. Alam mo namang nagbibihis pa ako diba? Tsaka sino ba mga yun?"

 

"Taeng, naalala mo pa ba si Sooyoung at Tiffany yung childhood friend natin."

 

"Oo, bakit?"

 

"Si Sooyoung at Tiffany noona yun." walang ekspresyon na wika ni Yuri habang inaayos niya ang necktie ng kanyang kaibigan. "Asan na nga ba si Yoong? Late nanaman siya."

 

Ano ba ang ginagawa mo, Hwang Miyoung?" madiin na tanong ni Sooyoung sa dalaga habang hinahawakan ng napakahigpit ang pulso nito. Sa 20years nilang pagkakaibigan ay kilala na niya ito. Nagiging praning ito pag may makita itong kulay pink.

 

"Wag mo nga ako tawagin sa pangalan na yan!" bulyaw ni Tiffany habang pilit kumakawala sa pagkakahawak nito, ngunit hinawakan siya ng napakahigpit nito.

 

"Gusto mo ba kaladkarin ng Security Guards dito? Gusto mo ba talaga mapahiya, Tiffany Hwang?" mahinahon na wika ni Sooyoung tsaka hinawakan ang kamay ng dalaga nang hindi na ito nagpupumiglas. "Business Partner namin ang Kim Chemicals. Gusto mo ba mabadshot ang Choi Industry sa kanila?"

 

"Sorry," dahan-dahan niyang tiningnan ang mga mata ng best friend niya. Kahit na mas matanda si Tiffany sa kanilang dalawa, siya itong umaastang bata sa kanilang dalawa. "Hihingi nalang ako ng tawad sa kanya."

 

"Sige puntahan mo na siya ngayon..."

 

...

 

 

Nang maiwan siya magisa ay bumalik siya sa Ballroom Hall at umupo sa reserved table para sa mga Childhood Friend ni Taeyeon. Nakita niya ang pinsan niyang si Juniel may kausap isang grupo ng kalalakihan na kasing edad niya, sa tingin niya ito yung sikat na banda sa skwelahan nila na CNBlue. Sa party na ito siya lang ata ang walang kausap kaya nakaramdam siya ng pagkabagot. Laking gulat niya nang may umupo na babae sa kaharap niyang upuan, hindi ito si Tiffany isa itong hindi pamilyar na babae. Hindi niya makita ang itsura nito dahil sa bangs nito, may kung ano itong hinahanap sa bag kaya nakayuko ito.

 

"Sorry, Yul oppa late nanaman a—ack? Wrong table?" bakas sa mukha ng dalaga ang pagkagulat habang nakatingin kay Sooyoung tsaka tumayo ito. Natatawa si Sooyoung dahil sa reaksyon nito. Nang makita niya ang reservation sign ay umupo uli siya. "Excuse me, ano ang nakakatawa?"

 

"..Sorry ang cute mo kasi." ngumisi ito sa dalaga na may halong pangaasar.

 

Hindi pinansin ng dalaga ang komento ni Sooyoung, binaling nito ang kanyang atensyon sa hawak niyang cellphone habang si Sooyoung naman ay patuloy nakatitig sa kanya nang bigla niya maalala ang misyon niya. Siya na kaya yun? Tanong ni Sooyoung sa kanyang sarili habang tinititigan parin ito tsaka lumingon sa mga kakabaehan na nakaupo sa magkabilang table. Sa totoo lang siya ang pinakamaganda sa gabing ito. Binalik niya ang kanyang tingin sa mukha ng dalaga.

 

"Excuse, ano ba tinitingin-tingin mo?" mataray nitong tanong sa kanya.

 

"At sino bang may sabing sayo ako nakatingin?" ngumisi nanaman si Sooyoung dahilan para sumimangot ulit ang dalaga. Sa totoo lang nakakaramdam siya ng pagkairita sa twing ngumingisi ito. Hindi naman ito pangit o mukhang manyak ngunit naiinis talaga siya sa ngisi nito. "Miss, ano ba ang pangalan mo?"

 

"Bakit ko naman sasabihin sa iyo?" pabalang na sagot ng dalaga tsaka binaling ulit ang atensyon niya sa kanyang cellphone. Mula sa likod ng dalaga ay may naglakad na dalawang kalalakihan patungo sa table nila, ito ang kausap ng kanyang pinsan.

 

"Yoona-ssi, pwede ko bang makuha ng contact number mo?" tanong ng isang binata.

 

"Sorry pero may boyfriend na ako." pagtanggi ng dalaga habang iniinom ang wine na nasa table.

 

"..Ahh, k..k..k-s..sorry." bakas sa mukha ng binata ang pagkadismaya. "Tara na, Hyung."

 

"Siya po ba ang boyfriend niyo, Miss?" tanong ng isa pang binata na nakasuot ng tweed jacket. Nagulat ang dalaga sa tanong ng binatang mas maliit, ngunit wala sa sarili siyang tumango habang nakataas ang dalawang kilay. Yumuko ang dalawang binata sa harap ni Sooyoung. "I'm so sorry Ahjussi."

 

"Y-Yah! 26years old lang ako!" bulyaw ni Sooyoung sa dalawang binata na kasulukuyan tumatakbo pabalik sa table nila. Mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niya tumatawa ang dalaga na kanina lang ay nakasimangot. "Hah! Yoona pala pangalan mo ha."

 

"Tch... Ahjussi!" tumigil ito sa pagtawa tsaka bumalik nanaman ang poker face nito habang nakatingin sa kanya.

 

"Talaga? May girlfriend na pala ako ngayon." sa pagkakataong ito si Sooyoung naman ang tumawa, halatang naiinis nanaman ito at tatayo na sana ito nang pigilan siya ni Sooyoung. "By the way, I'm Choi Sooyoung."

 

"Pakialam ko? Bitawan mo nga ako!" nagpumiglas makawala ang dalaga sa pagkakahawak nito dahilan para umani sila ng atensyon.

 

"You owe me a date, Yoona-ssi. For calling me your boyfriend."

 

 

...

 

 

"Aigoo.. Aigoo, nagkita na ba kayo ng apo ko?" masiglang wika ng matandang babae.

 

"Hindi pa po, Mrs Choi." sagot ng dalaga mula sa kabilang linya.

 

"Pasensya ka na sa apo ko, baka tulog nanaman yun. Sana wag kang ma turn off sa apo ko." pagaalalang wika ng matandang babae.

 

"No worries, Mrs Choi. Natural lang po malate." tumawa ng marahan ang dalaga sa kabilang linya.

 

"Aigoo, understanding ka talaga. Excited na talaga ako maging granddaughter-in-law ka." malambing niyang wika.

 

"Hehe, sige po Mrs Choi. Sana magustohan ako ng apo niyo."

 

"Sigurado yun. Sigurado ako mahahanap ka ng apo ko pagdating niya dyan."

 

 

 

Narrator: Don't worry .. Sica gonna appear soon ..

Wrong grammar or wrong spelling please inform me .. Kamsahaeyo !

 

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
superstarrrr
#1
Teka teka... Was just wondering, ikaw ba yung may ganitong story sa wattpad? :D nakasave yan sa wattpad lib ko eh :D
SY-YoonSicaKpopper #2
pls update english version
nyonyo3012 #3
Chapter 9: I dont understand even if i translate this story.. :(
Can you update the english version as soon as possible? I reallllly love soona~ and i really wanna read this story..
Thankyou authorsshiiii... :))
snsd_hearteu #4
yung iba pong couples?
BOD-COD #5
i try to read this story ... but i don't understand. google translate can't help me too.

my last hope is your kind to make english version soon.

thanks
A_Deewaggie
#6
Chapter 4: Anong nangyayari sa sa otp ko?? Mukhang malabo ang pagmamahalan nila ahhh
shikshinhot24
#7
<3 <3 <3 <3 daebak!JJANG!