Chapter 9

Destiny

"Chanyeol! Bakit ngayon ka lang? Kamusta lakad mo?" Tanong ni Baekhyun ng nakita niyang dumating na si Chanyeol.

Nagabsent si Chanyeol ng dalawang araw. Wednesday nung inanounce ung tungkol sa telescope at ngayon ung araw na natapos niyo ni Sehun ung project. Pumunta siya sa parents niya at kinausap sila. Ewan ko lang kung bakit.

"Ok lang. Maayos naman. Btw natapos mo na project natin? Sabi mo tayo partner diba?" Tanong ni Chanyeol.

"Syempre naman ako pa. Magaling ata to." Proud na sinabi ni Baekhyun.

Oo absent si Chanyeol nung araw na pilian ng partner pero syempre kailangan din niyang gumawa ng project. Hindi naghanap si Baekhyun ng partner kasi inisip niyang sila nalang ni Chanyeol.

Pero kung si Chanyeol ay nasa classroom noong araw na yun. Ay for sure kukulitin ka niya na maging partner niya.

"Good." Simpleng sinabi ni Chanyeol, at pumasok na siya sa room niya. Kasama niya sa room si D.O.

"Oh Chanyeol! Dumating ka na?" Tanong ni D.O

"Ai hindi man, siguro umalis ako?" Papilosopong sinabi ni Chanyeol kay D.O at sumimangot naman ang isa.

"Btw kamusta lakad mo?" Tanong niya ulit.

"Ok na ok bro." Sagot ni Chanyeol.

Humiga si Chanyeol sa kama niya, pinikit niya mfa mata niya at inisip ang pinagusapan nila ng mga magulang niya at ngumiti siya. Ilang sandali lamang ay nakatulog na siya. Pagod siya eh at late na. May pasok pa kinabukasan kaya kailangan niya ng matulog. Malay mo tumangkad pa lalo yan. xD

Tumunog ang alarm clock ni Chanyeol at tinatamad niyang pinatay ito. Gusto pa niyang matulog ulit pero hindi na pwede. Kaya tumayo na siya half awake pa. So ibig sabihin nakapikit pa yan.

Hindi niya alam may nagaabang pala sa kanya. Pero syempre hindi niya nga alam. Kaya oblivious pa siya sa paligid niya.

"Ah!!" Sumigaw si Chanyeol habang niru-rub niya forehead niya. Tiningnan niya ng masama ung pader na nabangga niya.

"Kailan ka pa napunta diyan?! Diba dun ka nakapwesto dati?! Bakit nandiyan ka ngayon?!" Galit na sinabi ni Chanyeol sa pader. Habang tinururo niya ang animo'y dating lugar ng pader. Para bang sasagot ang pader sa kanya kung kausalin niya. Pero at least gising na siya. May bukol lang nga.

"Ano bang ingay yan Chanyeol? Umagang-umaga ah." Tanong ni Suho. Nagising siya dahil sa ingay ni Chanyeol.

"Eto kasing pader! Nakaharang!" Sagot ni Chanyeol. *sigh* nagbuntong hininga nalang si Suho at may kasama pang iling.

"Chanyeol. Dati na yan na nandiyan." Sabi ni Suho. *Keep calm Suho.* inisip niya.

"Talaga?" Tanong ni Chanyeol.

"Whatever Yeol." Sabi ni Suho. Tired na siyang magexplain. Umalis na siya sa harap ni Chanyeol at dumiretso sa banyo. You know ceremony. lol

Maya-maya nagising na ang iba. Nagsilabasan na sila sa lungga nila.

"Gooooood Morniiing~ Everyone~" Grineet ni Chanyeol ang lahat. Ang ingay.

"Good Morning Yeol.." Sabay nilang sinabi na parang lantang vegetable. Kakagising lang eh.

Kumain na sila ng almusal nila na luto ni D.O. Masarap magluto yan. Kaya naman itong si Chanyeol ay parang ngayon lang nakakain.

Matapos silang kumain, umalis na sila ng dorm at pumasok na sa school. At habang naglalakad papuntang school. Oo naglalakad. Naisipan nila maglakad kasi maaga sila ngayon. As in maaga. Kasalanan ni Chanyeol. May nakita silang tao.

At yun ay ikaw. Syempre kasama mo si Zelo. Nakita nilang magkasama kayo. Pero hindi niyo sila nakita. Kakababa niyo lang ng bus at sinimulan niyo ng maglakad.

At dahil nga nakita kayo ni Chanyeol, hindi maiiwasan na magselos yan. Seloso siya eh. Hindi niya napansin na nagform into fist na mga kamay niya. Pero napansin ito ng mga kaibigan niya. At dali dali nila itong kinalma.

"Yeol! Ok ka lang? Kalma lang bro. Mapapasayo rin siya. Konti nalang." Sabi ni Kai kay Chanyeol. Si Chanyeol naman ay unti unti ng kumakalma.

"Tama. Konting hintay nalang." Sagot niya. At tumuloy na sila sa paglalakad.

"Btw Yeol, bawas bawasan mo pagseselos mo, hindi mo bagay." Biglang ni Baekhyun. Napatingin naman ang higante sa kanya. Tiningnan ni Chanyeol si Baekhyun ng masama.

"Easy bro! You know! Ayaw ng babae sa lalaking seloso!" dinefend ni Baekhyun sarili niya. May point naman siya roon. Malay mo pala ayaw ni Jiyeon sa lalaking seloso.

"Ok. Ita-try ko. Btw Suho hyung! Palit tayo ng lugar!" Sabi ni Chanyeol. Tumingin siya kay Suho.

"Bakit?" Maikling tanong ni Suho.

"Ka-" Sasagot na sana si Chanyeol pero sinabat siya ni Baekhyun.

"Tinatanong pa ba yan. Katabi mo ang love of his life niya." Sinabi ni Baekhyun.

"Ah~ Pero hindi pwede. Bawal eh." Sabi ni Suho at nalungkot si Chanyeol. Pero may naisip siyang bright idea.

~thing!~ *ah! alam ko na ang gagawin ko!* inisip niya.

 

 

~~~~

Kahit kailan talaga hindi ako marunong magsulat ng story. T.T pero eto na talaga most successful sa lahat. Wala talaga akong maisip. Btw sorry sa character ni Chanyeol. lol Magiging maayos din yan. Wait lang.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HunhanHardShipper
#1
Chapter 6: Infairness nakakabitin! Update na yan! Lol.
XOXO_032701
#2
Syet ... Description plang .. Sakit na sa bangz XD
HunhanHardShipper
#3
Chapter 3: Ok. Don't you ever forget si Yeollie ahhh? hihi. ;))
HunhanHardShipper
#4
Chapter 1: lol. Ang ganda! Keep it up!! ;)