Chapter 8

Destiny

Simula na naman ng panibagong araw. Isang linggo na ang nakalipas nung dumating sina Chanyeol. At ngayon ito ka, gumagawa ng project.

Nakapagod noh? Hindi pa ba magbabakasyon? Malapit na! 1 week nalang. Konting hintay nalang.

By partner ang project niyo. And guess what? Partner mo na sana si Zelo. Pero hay~ buhay nga naman. Nabago ang tadhana. Si Sehun naging partner mo.

-FLASHBACK-

"Ok class may project kayo for this' grading period. By partner ito kaya easy lang. Since mabait ako, hahayaan ko kayo mamili ng partners niyo. Pero wag kayo masyadong maingay at magulo." Sabi ng teacher niyo.

*Tunay nga namang mabait si Ms. Jessica.* inisip mo habang nakangiti. *Si Zelo dapat partner ko. Hahaha*

Pupunta ka na sana kay Zelo para sabihin na kayong dalawa ang magpartner kaso nakita mo may nagyayaya na sa kanya.

"Bro! Tayo nalang partner!" Sabi ng kaklase mo na nagngangalang Jongup.

This past few days absent si Jongup. Nagkaflu daw. Ngayon mo lang ulit siya nakita since last week.

"Ah.." Iniisip ni Zelo. Naghehesitate siya kung papayag ba siya o hindi. Tumingin siya sayo at nakita niyang kausap mo si Sehun.

"Sige. Tutal wala pa naman akong partner." Sinabi ni Zelo kay Jongup.

"Buti naman. Akala ko tatanggihan mo na naman ako." Sagot ni Jongup.

Hindi naman sa ayaw niyang partner si Jongup pero syempre priority ka niya. Kaibigan din niya si Jongup. Kahit ikaw syempre. Actually siya ang pinaka close kay Zelo sumunod sayo. Halos kayong tatlo laging magkasama, actually may iba pa kayong kaibigan. Isang grupo yan. Nasa ibang section lang sila. Busy kasi sila at pati na rin kayo kaya wala masyadong time.

"Jiyeon! Partner tayo ah?!" Tanong niya. Hyper ni Sehun ah. Hindi ka sumasagot dahil nagiisip ka kung pumayag si Zelo na maging partner ni Jongup, kaya tiningnan mo si Zelo.

Nakita mo, magkatabi na ung dalawa kaya inisip mo na pumayag siya. Tama ka naman. Kung hindi ka lang tinawag ni Sehun. Kung naapproach mo lang sana agad si Zelo. Edi kayo na. I mean kayo pala ang magpartner. Pero wala ka ng magagawa eh. At ok lang sayo kasi kaibigan mo naman yan.

"Hmmmn.. Ok." Sinabi mo kay Sehun at biglang tumalikod pabalik sa upuan mo at umupo. Pupuntahan mo sana sila, kaso badtrip ka kaya un hindi mo na tinuloy. *sigh. malas malas malas!* inisip mo.

-END OF FLASHBACK-

"Pano natin gagawing telescope to?" Tinanong mo si Sehun. Dahil tamad ka mag-isip. Well ang project niyo ay gumawa ng improvised telescope. Ang hirap kaya gumawa! Pinapahirapan kayo ng teacher niyo ah.

"Ako bahala diyan. Ano silbi ng google at youtube?" Confident na sinabi ni Sehun, iniharap niya sayo ang phone niya at pinakita ang nasearch niya.

"Ok. Sabi mo eh. Basta gandahan mo." Sinabi mo at nirest mo ang ulo mo sa kamay mo na nasa lamesa habang hinihintay siya.

Matapos ang ilang oras na paggawa natapos na rin kayo sa telescope niyo. Bukas ang dealine nito. Ang rush noh? Sinabi nung wednesday pinapapass friday. Wagas lang.

"Hmmn.. Ok maganda!" Sabi mo kay Sehun habang inoobserve ang telescope.

"Sabi ko sayo eh." Sinabi ni Sehun sabay smirk.

Maya-maya dumating ang mga kaibigan ni Sehun. Bumibisita lang. Walang araw ba hindi sila nagbibisitahan. Close nila noh? Sa isang dorm nakatira yan eh. So it means hindi talaga bumibisita yang mga yan. Umuwi na sila. lol

"Yo! Sehun tapos na kayo?" Tanong ni Kai. Nakita niya ung telescope na nakapatong sa table. At tiningnan niya eto. "Wow. Maganda ah. Pangit lang ung amin." Dagdag pa niya.

"Ok lang yan hyung. At least may nagawa kayo." Sabi ni Sehun kay Kai.

"Uhmn. Sige tutal tapos na tayo. Uuwi na ko. Salamat sa oras. Bye." Sinabi mo sabay tayo.

"Wait. Wag muna. Kain muna tayo" Sabi ni Sehun. Grinab niya kamay mo para pigilan ka.

*Ano daw? Kakain?* Inisip mo. Nakangiti ka sa isip mo habang iniisip mo ung pagkain. Pero wait! *Naghihintay sakin si Zelo. Si Zelo o Food?* Nagtatalo ngayon ang isip mo. *Aish! Syempre si Zelo! Wala akong kasabay umuwi kapag pinili ko pagkain! Next time nalang.* Nakapagdecide ka na.

"Sorry, pero kailangan ko ng umalis. Hinihintay ako ni Zelo. Maybe next time?" Sinabi mo at umalis na.

"Sige." Sabi ni Sehun. Malungkot siya. Wawang Sehun. T.T

Yun nga umalis ka na. At kaalis mo dinukot mo agad phone mo at tinawagan si Zelo. Wow yaman dami load. May call call pang nalalaman.

"Zelo! Nasan ka? Hintayin mo ko sa harap ng school!!" Sinabi mo sa kanya kaagad nung sinagot na niya ang call mo.

"Nasa harap ako ng school at hinihintay na po kita. Kanina pa. Kaya bilisan mo." sagot sayo ni Zelo. Nakaupo siya syempre kasama niya din si Jongup at ang iba pa. Hindi kasi kayo busy ngayong week at may usapan kayo kahapon na gumala kayo ngayon. Well namiss ka din kasi nila.

Katapos niyang sinabi yun. Binaba mo na ang phone mo at tumakbo. After 5 minutes nakarating ka na. Hinihingal. Nakita ka nila at agad kang pinuntahan.

"Jiyeonnnnnnniiiiiiie!!!!! I misheu yhouuu!!!" Sinabi sayo nung isa, tumakbo siya papunta sayo at niyakap ka.

"Ei. Himchan oppa! Hindi ako makahinga. Like duh? ang higpit. Im not a doll ok?!" Sabi mo kay Himchan. Habang pumapalag sa yakap niyang napakahigpit.

*How can this man be so clingy?!!* inisip mo. Hindi naman sa naiinis ka pero natatawa ka lang. He loves skinships oh gosh.

Pinakawalan ka na ni Himchan sa yakap niya at binawi mo hininga mo. At napatingin ka sa isang tao. No hindi si Zelo.

Namula ka. Naaalala mo ung time na may gusto ka pa sa kanya. Omg. Wait. I'll explain. Bago mo marealize na gusto mo si Zelo. May tao kang nagugustuhan as in sobra first love mo tong taong to.

Pero nawala na dahil nagkagirlfriend siya. Take note NAGKA! meaning wala na siya ngayon. Break na sila. Bakit? Kasi gusto ng author na magbreak sila ;). Syempre nasaktan ka nun at nagmove on. Dinamayan ka ni Zelo, siya lang may alam nun. Kayo lang dalawa. Kaya nadevelop ung feelings mo para sa kanya. Pero kahit naka move on ka na, may konti parin talagang natira. First love never dies nga sabi nila.

"Ah. Hello Daehyun." Sabi mo sa kanya. Medyo nagba-blush.

"Hello Jiyeon." Sinabi ni Daehyun sayo. Tinitigan ka niya habang nakasmile siya. *Oh my goodness! Daehyun wag please. Si Zelo na gusto ko. Maawa ka sakin.*

May gusto kaya sayo si Daehyun? Oh my! Pano kung oo?! Ano gagawin naten?

Iniba mo tingin mo ay grineet ang lahat isa isa.

"Hello Youngjae oppa." Sinabi mo kay Youngjae at nag hello din siya sayo.

"Hi Yongguk oppa."

"Hi Jiyeon." Sinabi ni Yongguk sayo with a smile. Hindi lang smile, gummy smile yan. At niruffles niya hair mo.

"Hey! Bakit ako walang hi o hello?! Ako pa naman unang nagapproach sayo. Nakakatampo." Sinabi ni Himchan sayo, tumalikod at nagcrossed arms siya.

"Hay nako. Wag kang magtampo diyan. Daig mo pa ang ina." Sabi ni Yongguk.

"Pero ako naman talaga ang ina rito!" Sagot ni Himchan. Hala. Lovers quarrel ba toh?

At yun nga hanggang sa paguwi niyo, nagaaway parin sila. Sagutan dito sagutan doon. Pero kahit ganun sila nagke-care parin sila sa isa't isa. At syempre masaya ka na nakilala mo sila.

 

 

~~~~~~

Ok. Ngayon ko naisipan idagdag ang B.A.P lol Pero actually dapat matagal pa. May scene na ko dun. Pero naisipan ko nga ngayon nalang. xD Btw wala si Chanyeol. hahaha pero basta.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HunhanHardShipper
#1
Chapter 6: Infairness nakakabitin! Update na yan! Lol.
XOXO_032701
#2
Syet ... Description plang .. Sakit na sa bangz XD
HunhanHardShipper
#3
Chapter 3: Ok. Don't you ever forget si Yeollie ahhh? hihi. ;))
HunhanHardShipper
#4
Chapter 1: lol. Ang ganda! Keep it up!! ;)