Chapter 1

Destiny

Ikaw si Kim Jiyeon. Isang simple, mabait, pala-kaibigan, mapagmahal, pero minsan pasaway at may pagkaadik-adik din minsan. Kapag yan nakatrip, Hay nako~ masisiraan ka ng ulo.

May kaibigan ka. Si Zelo. Pasaway din siya, mas malala pa sa akin. Pero kapag nagmahal yan totoo. At kapag kailangan mo siya, andiyan lang siya sa tabi mo, hindi ka niya iiwan. Simula pa noong ipinanganak kayo, magkasama na kayo. Dahil ang mga magulang niyo ay magkaibigan din.

Sarap din isipin noh? Ang kaibigan mo kasama mo parin kahit may sariling pamilya na... Napaisip ka kung ganoon din kaya ang mangyayari sa inyo? Magkasama parin kayo kahit may pamilya na kayo? O kayo ay magkasama sa isang pamilya?

Oo, may gusto ka kay Zelo. Pero noong minsan mo lang napansin. Syempre noong una, dine-deny mo pa ito. Pero lumipas ang mga araw na unti-unti mo na itong natanggap. Ayaw mong sabihin ang nararamdaman mo. Ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyo. Dahil baka maging awkward ang paligid kapag nagtapat ka. Atsaka duh~ babae ka! Hello?! Babae magfi-first move? Hindi ata tama yan. At ang masakit, may mahal siyang iba. Kaya napabuntong-hininga ka nalang sa naisip mo. Napansin ni Zelo na ang lalim ng iniisip mo. Halos isang buwan na din. Nagiging weird na din kinikilos mo. At nagaalala siya sayo. Parang may mali. Kaya nilapitan ka niya at kinausap.

"Hey~ May problema ka ba? Bakit hindi mo sabihin sakin?" Sabi ni Zelo na lubos na nagaalala.

"Huh? Wala, pagod lang siguro ako. O kaya gutom. Haha. Gusto mo kumain?" Nagsinungaling ka. Dahil sa totoo lang may problema ka talaga. At hindi mo naman masabi na siya problema mo diba? Pero pagod ka talaga. Ikaw ba naman umupo maghapon sa desk mo habang nakikinig sa iyong teacher. Syempre nakakapagod 'yon. At kapag napagod ka, ibig sabihin gutom ka. Well, kahit hindi ka pagod eh gutom ka parin. Lagi naman eh. Pero ang nakapagtataka, ang payat mo. In fact, underweight ka. Oo, underweight, kahit na ang lakas mong kumain, at ayaw mo 'yon. Minsan nga eh sa paglalakad mo bigla ka nalang tatangayin ng hangin, maa-out of balance, at easy to beat ng ibang tao.

Hay~ buhay nga naman. Kahit ayaw mo ang reality na nakapalibot sa iyo, ngunit wala kang magagawa kundi tanggapin ito. Dahil ito ang nakatadhana, dahil ito ang gusto ng Diyos para sa iyo. Kahit masakit, at alam mo sa sarili mo na may dahilan ang Diyos sa lahat ng nangyayari.

"Ok, sige~ gutom na rin ako." Nakangiting sinabi ni Zelo. Nakita mo na naman ang maganda niyang ngiti. Jusmiyo Marimar! Bumilis tibok ng puso mo. Weird pakinggan? Siguro nga, pero hindi mo kayang pigilan eh. Hinawakan ni Zelo ang kamay mo at dinala ka niya sa oh!! Ice cream!! Nang makita mo ang B.A.P's Shop, dali-dali kang pumasok sa loob at umorder ng ice cream. Umiling na lamang si Zelo habang nakangiti at sinundan ka sa loob.

"At least masaya na siya ulit"

 

 

~~~~~~~

Hello~ Im back again. Actually project ko to kaya tagalog. So i decided na ilagay dito. xD Hindi ko na naaupdate ung ibang stories kaya dinelete ko na.. But I'll try to be active on this one. Alam ko boring kaya sorry, sana pagtiyagaan niyo lol Hindi ako magaling sa pagsusulat. Btw enjoy~~ :))

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HunhanHardShipper
#1
Chapter 6: Infairness nakakabitin! Update na yan! Lol.
XOXO_032701
#2
Syet ... Description plang .. Sakit na sa bangz XD
HunhanHardShipper
#3
Chapter 3: Ok. Don't you ever forget si Yeollie ahhh? hihi. ;))
HunhanHardShipper
#4
Chapter 1: lol. Ang ganda! Keep it up!! ;)