Chapter 12

Destiny

Pasukan na na naman. At nakita mo ang iyong sarili na nakaupo sa inyong classroom habang hinihintay ang inyong guro. Ang bakasyon mo ay bitin. Sobra as in sobra talaga. Nakakatamad ng pumasok dahil nasanay ka na nasa bahay lang at nagrerelax. Muli na namang nanunbalik ang mga nangyari noong bakasyon pa sa iyong ala-ala.

Flashback:

Sa wakas, natapos na rin ang inyong pinapanuod. Tapos na rin ang iyong paghihirap. Sa halos dalawang oras nakadikit kay Chanyeol at sigaw ng sigaw, natahimik at kumalma ka na rin. Napansin mong may isang tao na nakatingin sa iyo kaya tumingin ka sa direksyon na yun at nakita si Daehyun.

Nagsitayo na ang lahat maliban sa inyong dalawa. Pumunta ang iba sa kusina at ang ilan nama'y sa banyo. So kayo nalang dalawa ni Daehyun ang natitira.

Lumapit siya sayo, "Jiyeon-ah, bakit ka pa magtapat kay Zelo?" sabi niya sayo.

"Huh? Anong pagtatapat ko sa kanya?" tanong mo. *Hindi kaya alam ni Daehyun? Omg. Pano?* inisip mo.

"Diba gusto mo siya? Bakit hindi mo sabihin sa kanya yun?" nabigla ka sa sinabi niya. Paano niya nalaman yun? Wala kang sinasabihan. Napalunok ka at tiningnan mo si Daehyun, nanlalaki ang mga mata.

"P-pano mo nalaman?" tanong mo sa kanya. Ulit.

Tumingin sayo si Daehyun at nagsmirk. Well at least ngayon confirmed na"Halata kaya. Alam mo naman ako kahit tahimik ako.." napahinto siya dahil sa tingin mo. "Okay! minsan! kahit tahimik ako minsan observant ako. Pero hindi ko ba maintindihan bakit hindi pa nahahalata ng iba. Yung paraan ng pagtingin mo kay Zelo, iba. Nagniningning." sabi niya.

"Please wag mong sabihin sa kanya." pakiusap mo kay Daehyun.

"Ewan ko lang. Depende sa sitwasyon." sabi niya at tinapik ang iyong ulo.

"Daedae naman! Please!" sabi mo sa kanya.

"Wag mo kong dine-daedae! sige ka! hahaha" sabi niya sayo at pumuntang kusina. Ayaw ni Daehyun na tinatawag siyanv daedae kasi naman bastos daw pakinggan haha.

Sinundan mo si Daehyun sa kusina natatakot ka baka ibunyag niya ang pinakatatago mong sikreto. Pagkaalis mo ay may isang figure na lumabas sa tinataguan niya.

"So may gusto ka pala kay Zelo ah?" sabi niya at umalis papuntang kusina.

"Zelo~ may sasabihin ako sayo." sigaw ni Daehyun na nangiinis.

"Daehyun!!!!" sigaw mo habang tinitingnan mo siya ng masama.

"Ano yun hyung?" tanong ni Zelo na kumakain ng pizza.

Tumingin si Daehyun sayo at napalunok ka nlng. Nananalangin na wag niyang sabihin. "Alam mo.." sabi niya. Nakatingin parin sayo. "Gusto.." tuloy na at nakita niyang pinapawisan ka. Nagsmirk siya at sinabing "ko yang kinakain mo. Akin nalang." sabi niya sabay snatch sa pizza ni Zelo. Napabuntong hininga ka nalang.

"Hyung naman! tsk." sabi niya at kumuha nlng ulit. Nakita ka niyang nakatayo at pinuntahan ka niya. "Yeonnie~ Gusto mo?" sabi ni Zelo, inaalok niya yung hawak niyang pizza sayo at kinuha mo naman. Syempre basta foooods~

Bumalik ulit si Zelo kung nasaan nakalagay at pizza at kumuha ulit nito. Kumuha na rin siya ng softdrinks na iinumin niya at juice naman para sayo since hindi ka mahilig sa softdrinks. Actually mahina kang uminom kapag softdrinks.

Hindi mo namamalayan meron palang tao sa likod mo. Ginulat ka nito at sumigaw ka. "Assdvlxlxkdybqzj! Oh my god! Chanyeol!! Muntik na kong mamatay!!" sabi mo sa kanya at hinampas hampas mo siya. Kahit nasasaktan na eh todo tawa parin si Chanyeol.

"Oh pizza!" sabi niya sabay kagat dito. Nabigla ka sa ginawa niya. Ayaw mo pa naman yung pagkain mo kinakain ng iba. Hindi dahil maselan ka kundi dahil pagkain yan. Ang iyo ay iyo at ang kanila ay iyo rin. Selfish right? Sa pagkain lang naman.

Hinampas mo ulit siya. "Bwiset ka! Pagkain ko kinain mo!" sinabi mo habang nagwa-whine.

"Gusto mo balik ko? Haha Sorry hindi na pwede. Pero eto nalang." sabi niya at katapos nun ay hinalikan ka niya. Hindi sa pisngi kundi sa lips. Nalasahan mo tuloy yung pizza na kinain niya.

Ang mga mata mo ay mas malaki pa kay D.O ngayon. Mas malaki sa owl. De joke lang. Sa liit ng mata mo hindi mo mapapantayan mata nila. Pero at least ngayon halata ng nakadilat ka. Syempre nashock ka sa ginawa ni Chanyeol! First kiss mo kaya yon! Or hindi? Syempre first kiss mo!

Habang ikaw ay still na nakatulala si Chanyeol naman ay abot langit ang ngiti dahil na kapoints siya.

Hindi niyo alam na dalawa na si Zelo ay andun nakatayo na may hawak na baso, syempre may laman, nanlalaki ang mga mata dahil nagulat siya. Nakita niya ang nangyari.

Lumipas ang oras at naguwian na ang lahat. Nagtataka ka bakit simula nung kumuha si Zelo ng inumin niya eh ang tahimik na niya at hindi ka niya pinapansin. Last ka niyang kinausap eh nung binigay niya inumin mo sayo.

End of Flashback

So habang ikaw ay nakatulala parin biglang pumasok ang teacher niyo. Nag-greet ang lahat ng 'Good Morning' at kasama ka rin sa mga nag-greet syempre.

"Maupo na kayo." sabi ni Ms. Jessica. "So kamusta naman bakasyon niyo?" tanong niya at sumagot naman ang lahat ng okay. So yun nga nagkamustahan ng bakasyon and so on blablabla.

"Anyway, mag-aarrange tayo ng upuan niyo." sabi niya. Ang iba ay masaya dahil hindi nila gusto katabi nila ang iba naman malungkot at ang iba ay wala lang sa kanila.

So sinimulan na ni Ms. Jessica magtawag ng names at pinaupo sila sa kung saan sila pu-pwesto.

"Zelo, dun sa sa likod ung bakanteng upuan." sabi niya at tinuro ang direction at sumunod si Zelo. Tahimik parin at napaisip ka nanaman kung bakit.

"Jiyeon, sa likod ka sa kabilang dulo sa tabi ni Chanyeol." sabi ng guro niyo at nanlaki mata mo. *Oh no!* Iniiwasan mo parin si Chanyeol dahil sa nangyari at hindi mo parin yun makalimutan. Awkward ka sa kanya pero siya parang walang nangyari.

Pero kahit na ayaw mong umupo sa tabi niya wala kang magagawa. Sumunod ka parin. *Kung sanang sa tabi ako ni Zelo* inisip mo.

Nang marinig ni Zelo na sa tabi ka ni Chanyeol uupo eh napatingin siya agad sayo. Lungkot at sakit ang makikita sa mata niya. *Bakit hindi sa tabi ko?* inisip niya. Wala rin siyang magagawa tulad mo kaya tinanggap nalang niya ito.

Hindi naman sa gusto mo si Chanyeol diba? Umaasa nalang siya na sana wag kang magkakagusto kay Chanyeol. Pumikit siya at huminga ng malalim. At dun nagsimula ng magturo ang inyong guro.

~~~~~

Hello!!!

Finally nagupdate na rin ako sa wakas! wahahaha after ilang months omg *shame on me* ㅠㅠㅠㅠ Well susubukan kong maging active ngayon at magupdate once in a while so please be patient and bare with me lol

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HunhanHardShipper
#1
Chapter 6: Infairness nakakabitin! Update na yan! Lol.
XOXO_032701
#2
Syet ... Description plang .. Sakit na sa bangz XD
HunhanHardShipper
#3
Chapter 3: Ok. Don't you ever forget si Yeollie ahhh? hihi. ;))
HunhanHardShipper
#4
Chapter 1: lol. Ang ganda! Keep it up!! ;)