Chapter 4

Destiny

"Yeonnie~"

"Yeonnie~"

"Yeonnie~ Gising na! Male-late na tayo sa school." Sabi ni Zelo na nanggigising. Siya na ang nagvolunteer na gumising sayo dahil busy pa ang iyong ina sa pagluluto ng almusal.

"Hmm.. 5 more minutes please?~" Sabi mo sa kanya sabay takip ng unan at tumalikod sa kanya. Hinila ka ni Zelo papunta sa kanya at ngayon nakaharap ka na sa kanya at sinabi niyang hindi pwede.

"Kim Jiyeon! Oras na po at male-late na tayo! Kung gusto mo mauuna nalang ako, dahil ayaw kong malate. So bangon na kung ayaw mong maiwan." Sermon ni Zelo na ang kamay ay nasa baywang. Mas malala pa si Zelo sa iyong ina kung manermon.

Yung totoo? Sino ang tunay mong nanay? Si Zelo o ang ina mo? Nainis ka dahil syempre sino gustong may umistorbo sa kanyang tulog lalo na kung maganda yung panaginip mo? Kahit malate ka pa wala kang pakialam.

"Sige na! Mauna ka na!" Sabi mo sa kanya, nabigla siya. Ikaw na ayaw pumasok at umuwi ng school ng mag-isa papaunahin siya? Sa pag-uwi at pagpasok mo o kahit saan ka man pumunta lagi kang may kasabay. Dahil natatakot ka na mag-isa, feeling mo hindi ligtas. Wala lang, feeling mo lang. Noong minsan nga hindi ka umuwi habang hindi pa umuuwi si Zelo. Hinintay mo siya kahit matagal basta may makasabay ka lang.

"Ah. Wait. Sigurado ka ba diyan? Hindi ka nagbibiro?" Tanong niya sayo. Kilalang-kilala ka niya, alam niyang hindi mo kayang mag-isa. At hindi mo hahayaang mag-isa ka. Kaya nga lagi ka niyang sinusundo sa inyo at hinihintay ka. Pero ngayon iba, pinauuna mo na siya.

"Oo, kaya shoo~! shoo~!" Pataboy mong sinabi habang nakapikit pa ang dalawa mong mata.

Wala ka pa talaga sa sarili mo habang sinabi mo ang mga yun. Pero maganda na din yun para maging independent ka at hindi ka na masyadong dumidepende sa iba. Dahil hindi naman sa lahat ng oras nandiyan ang magulang mo at si Zelo sa tabi mo. Pero kahit na ganun, natatakot ka parin, first time mong pumasok ng school ng mag-isa kaya hindi mo alam gagawin mo. Dahil nga sinabi mong mauna na siya, lumabas na si Zelo sa kwarto mo na puro posters at kung ano-ano pang mga bagay at pumunta sa kitchen para magpaalam na mauuna na siya.

"Auntie, mauuna na po ako. Hindi na po daw muna sasabay si Yeonnie. Pero nagaalala parin po ako." Sabi ni Zelo at biglaang napaharap ang ina mo sa kanya.

"Sigurado siya? Pero maganda naman para sa kanya yan. Para masanay na siya. 16 na siya, hindi na siya bata. Pagbigyan muna natin siya ngayon. Wala lang sanang masama ang mangyari sa kanya." Sabi ng nanay mo kay Zelo na nagaalala rin pero nagtitiwala siyang kaya mo.

"Sige po, alis na po ako." Sabi ni Zelo na nakangiti habang palabas ng bahay.

"Oh sige. Ingat ah. Ako na ang bahala kay Yeonnie." Nakangiting sinabi ng nanay mo. At yun na nga lumabas na si Zelo sa bahay at nagsimula ng naglakad papuntang sakayan ng bus. Nang makaupo siya, nagaalala parin siya sayo. Nagdalalawang-isip siya kung hahayaan ka niyang mag-isa. Ngunit naalala niya ang sinabi ng nanay mo ba para din sayo yun para masanay ka. At inisip nalang niyang kaya mo.

Nakalipas ang 20 minutes nagising ka na. Una mong ginawa kagising ay ang paghanap sayong phone at tiningnan ang oras. Nung nakita mo oras biglang nanlaki ang mga mata mo dahil 6:10am na. Meron ka na lamang 20 minutes bago malate. Kaya dali dali kang nagready. Minadali mo na ang pagligo mo, pagbihis, pagkain at kung ano ano pa. Pero hindi sapat ang 20 minutes para matapos ang lahat ng iyon. Nagsisisi ka tuloy dahil hindi ka nakinig kay Zelo. Kung nakinig ka lang sana hindi ka malelate ng ganito. Lalo na't may quiz pa kayo sa first subject. Late ka na, wala ka pang kasabay.

*Hayy~ Buhay~* Nagmadali kang lumabas ng bahay niyo. "Omma!! Alis na ko~ Bye~!!" Sigaw mo dahil nasa may pintuan ka na at kumakain pa ang nanay mo.

"Ingat Yeonnie!!" Sumigaw din siya dahil nga malayo kayo sa isa't isa.

Kalabas mo ng pinto, yun oh! sabay takbo. Tingin sa orasan. Time check: 6:30am. Nice. Late ka na talaga. May more than 15 minutes pang biyahe bago ka makarating sa school niyo. Umaasa ka nalang na wag sanang traffic. Nang nakaupo ka na, nanginginig ka at nangingiyak sa takot at kaba. Reasons?

1.Ikaw lang mag-isa dahil wala kang kasabay.

2. Late ka na talaga. May quiz pa sa first subject.

Kababa mo ng bus nagmadali kang naglakad. Pero hindi rin nagtagal at bumabagal lakad mo. Sa paglalakad nakita mo ang isa mong kaklase na nasa labas ng school, aalis sila dahil makikipagcompete. Nakita ka niya.

"Ui! Bilisan mo. Nagququiz na sila. Kanina pa." Sabi niya sayo. Syempre expected mo na yun. Pagkasabi niya dun, ngumiti ka nalang at nagpatuloy lumakad. May nakita ka nanamang kaklase mo at sinabi din niyang kanina pa nagsisimulang nagquiz ang iba. At katulad ng kanina nginitian mo na lamang siya. Nakapasok ka na ng building ng school at nagsimula ng umakyat ng hagdan. Napabuntong hininga ka na lamang habang tiningnan ang hagdanan. Nasa 3rd floor ang room mo. Nasa dulong floor. Buti nalang malapit sa hagdan ang room. Kundi nakakahiya ang maglakad sa corridor.

At TADA!!! Nasa harap ka na ng room niyo. Nagbilang ka ng 1,2,3 katok then bukas ng pinto. Great. Just Great. Patapos na sila. Last 2 question nalang inabutan mo. Nagmadali kang pumunta sa place mo dahil naghihintay teacher mo sayo. Kumuha ka ng papel at ballpen. Ballpen nalang pala, dahil ang mabait mong kaklase ay binigyan na lang. Dahil nga nagmamadali ka. Last two questions ay nasabi na at natataranta kang nagsulat ng sagot. Confident ka sa sagot mo. Kaya smile :)

"Ok class, pass your papers forward, 1,2,3" Sabi ng teacher mo. Dahil iche-check niyo ito. Pagkatapos niyong i-check. Pinapass ulit ng teacher niyo ang papers at this time highest to lowest naman. Hindi ka magaassume na highest ka o may makukuha kang high score. Like what I said earlier 2 questions nalang nadatnan mo. So alam mong may 2 points ka lang. May nakakuhang Zero. Pero hindi mo masyadong narinig. Ang narinig mo lang ang mga kaklase mong nagtatanong kung sino yun. Pero hindi sila sinagot, bagkus tiningnan isa isa ng teacher mo ang papers.

"Ano to Jiyeon? Bayon ko? Maaalala aala mo kaya? dalawa nalang nga naabutan mo mali pa spelling." Pabirong sinabi ng teacher mo habang tumatawa. Kasama na mga kaklase mo at pati na rin ikaw.

"Sir! Nagmamadali po kasi ako kaya ganun! Hindi ko alam sinusulat ko! Nanginginig ako! lol" Sagot mo sa kanya sabay tawa ulit. Hindi mo mapigilan tumawa ulit, nakakatawa kaya! Nagsisisi ka talaga na hindi ka nakinig kay Zelo. Ang daming nangyari sa araw na to at lahat at 1st time.

1. Ikaw mag-isa pumasok.

2. Nalate ka.

3.Lowest ka at ang masaklap ZERO ka.

Lahat ay dahil sa isang napakagandang panaginip at ok admit it napuyat ka. Pero okay lang yun. Masaya naman eh. Pero hindi mo na ulit uulitin pang muli ito. Sa buong araw na yon para kang baliw.

"Yeonnie! Okay ka lang? Parang ang lalim ata ng iniisip mo? Dapat talaga hindi nalang kita iniwan. *Sigh* Tingnan mo. Naka zero ka pa." Ang sabi ni Zelo sayo.

"Ah? Hindi ok lang. Sanang nakinig nalang ako sayo.... OMMA! HAHAAHA!" Pabiro mong sinabi kay Zelo. Sumimangot si Zelo dahil ayaw niyang tinatawag mo siyang Omma.

"Anong sabi mo?!!" Sabi ni Zelo. Tinitigan ka niya ng masama at lumalapit sayo. Nararamdam mong hindi na maganda ang nangyayari at nagstep backward ka. At unti unting tumakbo. At nung malayo ka na sa kanya sumigaw ka.

"HINDI MO NARINIG? SABI KO OMMA!!! HAHAHA!" Tumatawa ka parin habang tumatakbo dahil nakita mo ang expression ni Zelo na nakakatawa. Lingon ka ng lingon sa likod para tingnan si Zelo.

At hindi mo napansing may dalawang tao na dumadaan sa harap mo. Nang ikaw ay natingin sa harap nakatungo ka dahil tumatawa ka.

At BOOM! Nabunggo ka sa kanya. Una baba mo. lol Hindi ka napadpad sa sahig dahil buti nalang naabutan ka na ni Zelo nung oras na yon at nahila ka niya palapit sa kanya upang maiwasan ang pagkabungo. Pero babunggo ka parin pero hindi ganun kalakas. Dali dali kang yumuko at humingi ng sorry. Tumingin lang sayo ang dalawang lalaking nabunggo mo at umalis na agad.

"Sorry po. Sorry po." Paulit ulit mong sinabi at ng wala na sila sa paningin mo, tumalikod ka at tiningnan si Zelo na nasa likod mo lang. Pinitik ni Zelo ang noo mo.

"Aww!!" Sabi mo habang niru-rub mo ang noo mo. Sakit pa naman mamitik ni Zelo. Tiningnan mo siyang masama dahil pinitik ka niya. Pero tumatawa lang siya. At hindi mo narin napigilang tumawa.

"Ya! Leggo! Uwi na tayo!" Sabi niya sabay hablot ng kamay mo. Syempre ikaw na! ikaw ng nagbu-blush. Duh? Si Zelo yan, yung crush mo? Hinawakan kamay mo, hindi ka magbu-blush? Hindi tuloy mapigilan ng puso mong tumakbo ng mabilis. Gustong kumawala sa hawla at mag party party! Habang naglalakad kayo. Wag kalimutan hand to hand. Napaisip ka.

*Maraming nangyari ngayong araw na to. :) Ano kaya mangyayari sa susunod pang mga araw? Nararamdaman din ba ang nararamdaman ko ngayon?*

 

Meanwhile...

"So bro? Ready ka na para bukas sa new school naten?"

"Yeah. Ikaw ba?"

"Syempre, ako pa?" 

 

 

~~~~~~~

CHAPTER 4 UPDATED. SORRY PO NATAGALAN. EXAM PO KASI EH. Ngayon tapos na exam kaya party party!! Sorry kung may mali ndi ko alam mga ibng words eh. Sana magenjoy kayo. lol

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HunhanHardShipper
#1
Chapter 6: Infairness nakakabitin! Update na yan! Lol.
XOXO_032701
#2
Syet ... Description plang .. Sakit na sa bangz XD
HunhanHardShipper
#3
Chapter 3: Ok. Don't you ever forget si Yeollie ahhh? hihi. ;))
HunhanHardShipper
#4
Chapter 1: lol. Ang ganda! Keep it up!! ;)