Chapter 7

Destiny

Nasa canteen kayong dalawa ni Chanyeol. Maraming tao syempre. Pero kahit gaano karami ang tao, may isang figure ka paring makikita at makikita. Yun ay si Zelo. Kahit nasaan man kayo ang una mo talagang makikita ay si Zelo.

Hindi ka na humanap ng bakanteng table dahil merong nakareserve sayo.

"Ah.. Chanyeol diba?" Tanong mo. Hindi ka sure kung ano name niya. Hindi ka masyadong magaling kapag nagmememorize na ng pangalan. Dun ka mahina.

"Uhmn. Bakit?" Tanong niya. Habang naghahanap ng pwedeng mauupuan.

"Dun tayo ah. Uupo na ko. Magorder ka na. Hihintayin kita dun. Sabi mo lilibre mo ko." Sabi mo sa kanya habang tinuturo mo ang table kung saan ka laging nakaupo.

"Sige. Ano gusto mo?" Tanong niya. Habang nakasmile. Alam niyo naman pano magsmile si Chanyeol diba? *Cute* inisip mo.

"Kahit ano, ikaw na bahala. Hindi naman ako mapili eh." Sagot mo. Nagsmile ka din. Ganito? :))) Hindi konti lang. :) Yan. *Cute* inisip ni Chanyeol. Wait?! Bakit parehas kayong iniisip?!

At pumila na nga si Chanyeol habang ikaw naman ay nakaupo na. Hinihintay mo sila. Una si Zelo. At ang isa ay si Chanyeol. Well papakilala mo si Zelo kay Chanyeol.

"Zelo!" Sigaw mo habang nagwe-wave. Tapos na siyang magorder ng pagkain.

"Andyan ka na pala. Bakit ang tagal mo ngayon?" Tanong ni Zelo habang umuupo.

"Kinausap kasi ako nung mga transfer students. You know yung mga katabi ko." Sabi mo. While making faces. *Cute* inisip ni Zelo. Wait bakit puro cute nalang?!

"Ah ok. Oh~ pagkain mo." Sinabi ni Zelo habang binibigay ang inorder niya para sayo. Araw araw yan. Siya taga bili ng pagkain mo.

"Yey! Thank you Zelo!!" Sinabi mo habang kinuha ang pagkain kay Zelo at nilapit sayo.

Maya-maya dumating na si Chanyeol. Nakita mo siya at tinawag mo. Nagmadali siyang naglakad papunta sa direction mo. Na may malaking ngiti sa mukha, pero nawala nung nakita niya si Zelo.

Nakarating na si Chanyeol sa table niyo at umupo. Bibigay na niya sana yung inorder niyang food para sayo pero nakita niya yung pagkain sa harap mo.

"May pagkain ka na pala. Bakit hindi mo sinabing meron ka na? Ano gagawin ko dito?" Tanong niya sayo habang tinuturo yung binili niya para sayo.

"Bibigay mo sakin syempre! Ano pa ba? Mas marami mas maganda!" Sinabi mo kay Chanyeol at kinuha ung pagkain sa kanya.

"Ah! Btw Chanyeol si Zelo. Zelo si Chanyeol." Sinabi mo sakanila.

"Alam ko" sabay nilang sinabi.

"Alam niyo? Pano? Magkakilala kayo?" Tanong mo sa kanilang dalawa habang ang mga mata mo ay nagbi-blink.

"Ay nako Jiyeon. Nakikinig ka ba kanina? Oo magkakilala kami dahil nga katabi ko siya." sagot ni Zelo. Napailing nalang sayo.

"Magkatabi kayo?" Tanong mo. Tiningnan mo si Zelo tapos kay Chanyeol.

"Paulit ulit? Ano bang sinabi ko? Diba sabi ko magkatabi kami? So magkatabi kami!" Sinabi ni Zelo ULIT. Minassage nalang niya yung temple niya.

"Oo. Magkatabi kami." Sabi ni Chanyeol habang tinitingnan niya ng malupit si Zelo. Pero syempre hindi napapansin ni Zelo yung mga tingin niya.

"Tara! Kain na tayo!" Sabi mo sa kanila.

At sinimulan na nilang kumain. Sila lang. Hindi mo kasi alam ano uunahin mong kainin. Lagi kang ganyan. Lagi mong pinagiisipan ng mabuti kung ano ang uunahin at ano ang ihuhuli.

"Bakit hindi ka pa kumakain? Gusto mo pa atang subuan kita?" Tanong ni Zelo sayo. Bigla kang nagblush sa sinabi niyang susubuan ka niya. *ANO DAW SUSUBUAN NIYA KO?!* nagwawalang sinabi ng isip mo.

"A-ah. H-hindi ah! Inaano ano, ah.. iniisip ko kung anong uunahin kong kainin!" Sinabi mo. Oh my nagstutter ka. Nahalata kaya niya? Hindi syempre. Manhid yan eh.

"Unahin mo ung binili kong spaghetti." Sabi niya sayo at tumuloy siya sa pagkain niya.

"Hindi! Unahin mo ung binili kong burger." Sabi ni Chanyeol. Napatingin ka sa kanya. Ang dark ng aura niya. Pero hindi mo napansin. Manhid ka din.

"Ah. Oh sige! Uunahin ko ung burger para huli ung masarap!" Sinabi mo at sinimulan mo na ring kumain.

*hinuli niya favorite niya?* Iniisip ni Zelo. Medyo nadissapoint siya. *Pero sabi niya para huli ung masarap? So mas gusto niya binili ko?* iniisip parin ni Zelo at napangiti siya sa huli niyang naisip.

At tapos na nga kayong kumain at busog na busog ka. May lunch pa. Ibig sabihin kakain ka ulit. At natutuwa kang isipin un.

Nagstart na naman ang klase niyo at nagfocus ka sa discussion. Pero may mga oras na napapasulyap ka kay Zelo. Napansin mong nakatingin si Chanyeol sayo. Pero binalewala mo. Inisip mo na baka napatingin lang siya.

Pero mali ka. Simula pa sa una nakatitig lang siya sayo. Hindi naalis ang tingin niya sa maganda mong mukha. Ibig sabihin hindi siya nakikinig.

Natapos ang araw niyo at uwian na. Ngayong araw busog na busog ka. Naghihintay na kayo ni Zelo ng bus para makauwi na. Habang naghihintay napansin mong tahimik si Zelo. Hindi naman siya dating ganun. Ngayon lang. Wala kang makausap, hindi mo siya makausap, titigan nalang yan!

"Tigilan mo na pagtitig mo, baka matunaw ako." Sabi ni Zelo habang iniba niya direction ng mukha mo gamit kamay niya.

"Aish! Hindi kita noh! Feeler!" sabi mo. "Wagas nito." binulong mo sa sarili mo.

"Narinig ko yun!" Sabi ni Zelo at nanahimik ka nalang.

After 2 minutes may dumating ng bus at sumakay na kayo.

Pero hindi niyo alam sa malayo, may nanonood sa inyo. Simula pa sa una. At nasasaktan siyang nakikita kayong dalawa na magkasama.

Yun ay walang iba, kundi si Chanyeol.

"Mapapasakin ka din Jiyeon, maghintay ka lang." sinabi niya sa sarili niya.

"Alis na tayo." Sabi niya sa driver niya. At agad itong sumunod at nagdrive.

 

 

~~~~~~

double update! Ganyan ang buhay kapag walang pasok. Relax relax lang~~

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HunhanHardShipper
#1
Chapter 6: Infairness nakakabitin! Update na yan! Lol.
XOXO_032701
#2
Syet ... Description plang .. Sakit na sa bangz XD
HunhanHardShipper
#3
Chapter 3: Ok. Don't you ever forget si Yeollie ahhh? hihi. ;))
HunhanHardShipper
#4
Chapter 1: lol. Ang ganda! Keep it up!! ;)