Chapter 10

Destiny

Nagsimula na nga ang inyong sembreak. 1 Week lang sembreak niyo. Ok na yan kaysa sa wala diba?

Ikaw bilang isang taong bahay, meaning hindi ka palalabas. Maliban kung magyaya si Zelo. Nanonood ka lang ng drama. Ganito ang mga ginagawa mo...

Magigising→kakain→manunuod ng drama→kakain→spazz→kakain→matutulog.

Paulit ulit yan. Hindi ka nagsasawa? Hindi. Actually nageenjoy ka pa nga sa ganyan kaysa nasa labas ka at gumagala. Feeling mo lang kasi hindi ka ligtas sa labas, hindi ka comfortable.

"Macheck nga twitter ko." Sinabi mo sa sarili mo. Tapos na ung pinapanood mong drama kaya balik na naman sa dati. Bored ka na naman.

Matapos ang ilang oras, wala ka na namang magawa sa twitter. Kaya pumunta kang kitchen, naghanap ka ng pagkain. Nasabi ko bang nagiisa ka ngayon? Kung hindi pa oo nagiisa ka lang. Kaya ang mga pagkain ay luto na para sayo. Hindi ka kasi marunong magluto eh.

"Hayy~ ang boring talaga. Ano ba pwedeng gawin?!" Sabi mo sa sarili mo. Para ka tuloy baliw kasi kinakausap mo sarili mo. Ganyan nagagawa ng pagiging bored diba?

"Ah! Tama. Papapuntahin ko nalang sina Zelo. Movie Marathon!" Sinabi mo na naman sa sarili mo. Kinuha mo ung phone mo at nagcall ka kay Zelo.

After ng ilang ring, sinagot ni Zelo ang phone niya.

"Oh Yeonie, napatawag ka?" Tanong ni Zelo sayo.

"Uhmn... Ano kasi ah.. Bored ako, wala ako magawa eh. Busy ka?" Sabi mo kay Zelo. Umaasa kang hindi siya busy. Bored ka nga kasi. Pero nung narinig mo sagot niya...

"Hindi, Bored din ako. Punta ako diyan? Movie Marathon tayo. Isasama ko nalang ung iba." Sabi ni Zelo. Uh~~ parehas kayong idea ni Zelo. Kinilig ka naman.

"Oh sige. Kayo na mamili ng kung anong papanuorin." Sinabi mo at binaba ang phone. Niready mo na ang lahat. Hinihintay mo nalang silang dumating.

 

"Mga brad! Bored ako!!!!" Nagbubwiset na sinabi ni Chanyeol dahil sa sobrang pagkabored niya.

"Chillax bro!" Sabi ni Baekhyun.

"ALAM KO NA! MAGSHOPPING NALANG TAYO!!!" Sinabi ni Chanyeol habang pumapalakpak.

"Seriously Yeol? Babae ka ba? Shopping talaga sa daming pwedeng gawin?" Sabi ni Baekhyun, huminga ng malalim at umiling iling.

"Isip bata." Simpleng sinabi ni D.O.

Sila lang tatlo ang naiwan sa dorm dahil umuwi sa kani-kanilang bahay ang iba at ewan kung nasaan ang iba. Nagdecide ang tatlo na magstay muna sa dorm ng ilang araw bago magbakasyon.

Tumayo si Chanyeol sa sofa kung saan siya nakahiga at nakaupo si Baekhyun at D.O. Pumunta siya sa kwarto at ilang saglit ay lumabas na.

"Seryoso ka talaga? Magsa-shopping ka?" Tanong ni Baekhyun. Nagulat siya nang makita niya si Chanyeol na nakapagpalit na.

"Sinong nagsabing magsa-shopping AKO? Hindi AKO magsa-shopping dahil, Magsa-shopping TAYO. Kaya go~ bihis na bihis na!" Sinabi ni Chanyeol sa kanila.

"Eh? NO WAY YEOL! TINATAMAD AKO~!" Nagwa-whine na sinabi ni Baekhyun. Samantalang si D.O ay tumayo na at nagsimulang magready.

"Sasama ka D.O?! Aish!" Sinabi ni Baekhyun habang sinabunutan niya sarili niya. *Suko na ko~* inisip ni Baekhyun. Habang si Chanyeol ay tahimik na tumatawa kay Baekhyun.

"Akala ko Baek hindi ka sasama?" Tanong ni Chanyeol habang pinipigilan niya ang tawa niya.

"May magagawa ba ako?! Ayoko mag-isa sa dorm! At baka anong gawin niyong dalawa! Mabuti ng makasigurado." Sinabi Baekhyun habang gine-glare ang dalawa. Selos ka Baek?

"Aish! Ano iniisip mo ah!" Sinabi ni D.O, namumula dahil sa sinabi ni Baekhyun. Bakit sila pinagiisipan ng ganun?

Umalis na ang tatlo sa dorm at nagsimula ng naglakad.

At habang sa paglalakad nila may nasalubong silang isang grupo ng mga lalaki. Uh-Oh.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
HunhanHardShipper
#1
Chapter 6: Infairness nakakabitin! Update na yan! Lol.
XOXO_032701
#2
Syet ... Description plang .. Sakit na sa bangz XD
HunhanHardShipper
#3
Chapter 3: Ok. Don't you ever forget si Yeollie ahhh? hihi. ;))
HunhanHardShipper
#4
Chapter 1: lol. Ang ganda! Keep it up!! ;)